Special Chapter

"Mom! Dad! I'm home!" Ang malaanghel na tinig ni Hope ang kumuha ng atensiyon nina Raya Fae at Damielle Astin. Parehong napunta ang tingin ng mag-asawa sa kabubukas na main door ng bahay.

Pumasok mula roon ang isang balingkinitan babae. Maputi at tila kaylambot ang balat nito. Natural na mapula ang may kakapalan nitong labi, matangos ang ilong at mapungay ang mga mata nitong natural na mahaba ang pilik mata. At agaw pansin ang mga mata nitong kulay abo.

She is Hope Villacorda. Ang prinsesa sa kanilang pamilya.

Agad na tumayo si Damielle Astin. Gumuhit ang labi nito habang nakatitig sa dalagang papalapit sa kanila ni Raya Fae.

Lalo ring gumuhit ang ngiti sa labi ng dalaga nang makita ang ngiti ng kanyang mga magulang.

"How's your school?" Graduating na ito sa kursong Business management.

"It's fine, dad." Humalik ito sa pisngi ng kanyang ama. Sunod rin itong kay Raya Fae na nakatayo sa tabi ni Damielle Astin.

"Good evening po, Tito, Tita." Gumuhit ang munting ngiti sa lalaking kasama ni Hope. Bahagyang rin itong yumukod bilang tanda ng paggalang.

Kung si Hope ay nakasuot ng puting blouse at paldang hanggang tuhod nito ang haba. Ang lalaki namang kasama nito ay nakasuot ng kulay dark blue na business suit.

"Good evening, Klein." Gumuhit ang matamis na ngiti sa labi ni Raya Fae. Tanging tango naman ang isinukli ni Damielle Astin sa bati ng lalaki.

"Sinundo po niya ako sa school." Nanatili ang matamis na ngiti sa labi ni Hope.

"Kumain na ba kayo? Sasabihin ko sa maid na ipaghanda kayo."

"Kahit snacks na lang po, mommy. Sa kiosk po muna kami, magpapaturo po ako ng assignment sa kanya."

Napatango naman si Raya Fae.

"Alright. I’ll tell the maid to bring snacks."

Nang tuluyang makatalikod ang dalawa patungo sa hardin ng kanilang tahanan kung saan nakatayo ang kiosk ay kumilos na rin si Raya Fae upang maghanda ng pagkain ang dalawa. Bagama't siya ang naghanda ay inutos na lamang niya sa katulong na ihatid ang pagkain sa dalawa. Nang bumalik siya sa malawak na sala ng bahay ay nadatnan niya si Damielle Astin na wala na sa harap ng laptop nito. Natagpuan niya itong nakatayo sa bintana ng bahay. Mula roon ay tanaw ang kiosk kung saan naroon si Hope at ang bisita nito. Abala sa pag-uusap ang dalawa. May kaharap na notebook at laptop ang mga ito.

Yumakap ang isang kamay ni Raya Fae sa beywang ng kanyang mister. Agad naman siyang inakbayan ni Damielle Astin.

"Parang kailan lang no'ng panahong pinaglilihi ko pa ang baby girl natin, ngayon mukhang magkakamanugang na tayo."

Hindi naman umimik si Damielle Astin. Nanatili itong nakatitig sa anak nila na hindi mapalis ang ngiti habang kausap si Klein Costor.

"Sinubukan kong kausapin ang anak natin. Ipinaintindi ko sa kanya na limang taon ang agwat sa kanya ni Klein pero hindi naman yata mahalaga sa kanya 'yon. Talaga yatang tinamaan na ni kupido ang baby girl natin. Well age doesn't matter nga naman."

Hindi pa rin umimik si Damielle Astin kaya naman napabaling na sa kanya si Raya Fae. Walang emosyon ang makikita sa mukha nito kaya naman hindi mawari ni Raya kung anong nadarama ng kanyang mister.

"Ayos lang naman sa 'yo si Klein, right? Hindi ka naman tutol, 'di ba? Kahit na isa siyang Costor."

Agad ba bumaling sa kanya si Damielle Astin.

"It's just fine with me. Walang kaso sa 'kin kung isa siyang Costor. Kung gusto siya ng anak natin, walang rason para tumutol ako. At isa pa, Klein is Milo's son. At kung hindi dahil kay Milo, hindi ko kayo maliligtas. Ibinuwis niya ang buhay para maprotektahan sina Devonne at Damon."

Gumuhit ang munting ngiti sa labi ni Raya. Hindi siya umimik at hinayaang magpatuloy ang kanyang mister.

"At saka matagal nang maayos ang relasyon ng mga Costor at Villacorda, wala akong dahilan para hindi siya gustuhin."

Muli itong bumaling sa bintana at saka nagpatuloy.

"Pero tingin ko lang, Masyado pa siyang bata para sa mga bagay na 'yan."

"She's already turning twenty. Hindi na bata ang anak natin."

Muling namang napabuntong-hininga si Damielle Astin.

"Well yeah. Hindi ko lang siguro matanggap na malalaki na sila and soon aalis na sila sa poder natin."

Gumuhit ang lungkot sa mga mata nito sandali lang iyon.

"Pero parang gusto kong magtampo. Hindi man lang siya nagsabi sa atin na may boyfriend na siya."

Sabay at magkaakbay silang humakbang ni Raya pabalik sa sofa ng sala.

"Well, hindi pa sila mag-boyfriend pero inamin niya sa 'kin na gusto niya si Klein. And seems like the feeling is mutual. Halata namang may gusto si Klein sa anak natin."

"Sana lang, hindi siya ang mag-first move."

"I trust, Hope. Alam kong hindi niya gagawin 'yan."

Bago pa muling magsalita si Damielle Astin ay nagsalitang muli si Raya Fae upang baguhin ang usapan.

"Huwag na muna nating pag-usapan 'yan. Manood tayong movie. Nag-download ako ng papanoorin natin."

Tuluyan na ngang nabago ang takbo ng usapan. Tuluyan na rin napunta ang atensiyon ng dalawa sa pinanood nilang pelikula.

Hindi rin naman nagtagal sina Hope at Klein. Makalipas ang mahigit isang oras ay muling pumunta ang dalawa sa sala ng mga Villacorda.

"Mom, Dad, aalis na po si Klein."

"Gano'n ba? Mag-ingat ka sa pag-uwi, Hijo."

Nang tumayo sa pagkakaupo si Raya ay sumunod na ring tumayo si Damielle Astin.

"Ihahatid na kita sa gate." Boluntaryong wika ni Hope.

"No need. Pumunta ka na lang sa room mo. Magpahinga ka na. 'Di ba, may exam ka pa bukas?"

"But--"

"Kami na lang ang maghahatid sa kanya, Hija."

Gumuhit naman ang pagtutol sa mga mata ni Hope sa tinuran ng kanyang ama.

"Sige na. At saka meron din akong importanteng sasabihin sa Daddy mo."

Gumuhit naman ang gitla sa noo ng dalaga.

"At hindi ko pwedeng marinig?"

Gumuhit ang alanganing ngiti sa labi ng binata.

"P-Parang gano'n na nga."

Nang makita ni Damielle Astin ang pagguhit ng lungkot sa mga mata ng kanyang anak ay sumabat na siya sa usapan.

"Maybe it's related to business."

Muli namang napunta ang tingin ni Hope kay Klein. Binigyan niya ito ng tinging tila nagtatanong.

"Sort of." Wika niya habang nakatingin sa dalaga.

"Okay. Iwan ko na kayo," Magkasunod siyang bumaling sa kanyang mga magulang, " Mom, Dad, akyat na po ako."

"Good night, Hija."

"Good night, Mom, Dad." Magkasunod siyang bumalik sa pisngi ng kanyang mga magulang bago siya muling bumaling kay Klein Costor.

"Good night, Klein."

Gumuhit naman ang ngiti sa labi ng lalaki.

"Good night. See you tomorrow."

Tanging tango at matamis na ngiti na lamang ang naisagot ni Hope Villacorda bago niya tuluyang iwanan ang tatlo.

"So, ano 'yong sasabihin mo, Hijo?" Tanong ni Damielle Astin kasabay ng paghakbang nila palabas ng pintuan ng bahay.

Huminto naman sa paglalakad si Klein at hinarap ang magulang ni Hope.

"Tito, Tita.." Panimula niya.

"Ang totoo po, hindi po tungkol sa negosyo ang sasabihin ko."

"Then what it is, Hijo?"

"It's about Hope, Tito."

Awtomatikong nagkatinginan sina Raya Fae at Damielle Astin.

"What’s about my daughter?" Tanong ni Raya. Gumuhit rin ang pag-aalala sa mga mata ng Ginang.

"Kasi po--" tumigil ito na tila kinakabahan sa sasabihin, "kasi po, gusto ko po sanang humingi ng permiso."

Kitang-kita ang paglunok nito bago muling nagpatuloy.

"Hihingi po sana ako ng permiso na l-ligawan si Hope."

Muling nagkatinginan sina Raya at Damielle Astin. Tila naman nagkaintindihan ang dalawa dahil hinayaan ni Raya Fae na magsalita ang kanyang mister.

"Anong sabi ng anak ko tungkol diyan?" Mahinahon ang tinig ito. Bagama't wala itong kangiti-ngiti ay mukha namang hindi ito galit.

"Hindi ko pa po nasabi sa kanya. Gusto ko po kasing hingin muna ang permiso niyo."

Humawak si Raya Fae sa braso ng kanyang mister upang iparating na siya ang magsasalita.

"We appreciated this gesture, Hijo. Ask permission to Hope, kung papayag siyang ligawan mo siya then wala akong dahilan na tumutol."

Matapos sabihin iyon ni Raya Fae ay nagsalita naman si Damielle Astin.

"Ako naman, Hijo. Basta ba maipapangako mo na hindi mo paiiyakin ang unica Hija ko, hindi ako hahadlang sa inyo."

Kumislap ang mga mata ni Klein. Kitang-kita ang ligaya sa mukha nito.

"Thank you po, Tito, Tita. Asahan niyo pong hindi po luluha sa akin si Hope. I'll do everything to be the man she deserves."

Hindi na nagawang magsalita ng kahit sinuman sa kanila nang makuha ng atensyon nila ang paghinto ng sasakyan ng tapat ng kanilang tarangkahan. Mula roon ay huminto ang kulay itim na kotse. Ilang sandali lamang ay bumaba ang bintana ng backseat. Bumungad sa sa kanila ang pamilyar na mukha. Walang iba kundi si Rio Costor.

Ilang sandali lamang ay lumabas sa driver's seat ang tauhan nito. Mabilis nitong tinungo ang backseat upang pagbuksan ang kanyang amo. Todo alalay nitong ibinaba ang si Rio na nasa wheelchair.

Malayong-malayo na ito sa dating Rio. Putol ang dalawang hita nito. Gano'n din ang isa nitong kamay. At iyon ay nakuha niya sa naging sagupaan nila noon ni Damielle Astin.

Ngunit tapos na iyon. Lumipas na gaya ng paglipas ng alitan nilang dalawa.

Gumuhit ang ngiti sa labi ni Rio Costor. Agad namang kumilos ang tatlo upang salubungin ang bagong dating.

"I am here to fetch my nephew."

"Actually, pauwi na rin siya." Nakangiting sagot ni Raya Fae. "Pero maaga pa naman, we can still have a cup of coffee inside."

"Salamat. Gusto ko man, pero may importante kasi kaming aasikasuhin ng bata."

Napatango na lamang si Raya Fae.

"Gano'n ba? Sige, ingat kayo sa pag-uwi."

Nagtanguan at nagkangitian naman si Damielle Astin at Rio Costor bago itulak pabalik ng tauhan niya ang wheelchair nito.

"Let's go, Klein."

Muli namang napabaling si Klein sa mag-asawang Villacorda.

"Aalis na po kami."

Tanging tango na lang ang naisagot ni Raya at Damielle Astin.

"Sasabay ka ba sa 'kin sa sasakyan?" Narinig pa nilang tanong ni Rio sa pamangkin nito.

"May dala po akong sasakyan, Uncle."

Nagkanya-kanyang sakay na nga ang dalawa sa kanilang mga sasakyan. Bago tuluyan umusad ang mga sasakyan ay muli pang kumaway sina Rio at Klein kina Raya at Damielle Astin. Hinintay naman ng mag-asawa na makaalis ang sasakyan bago sila muling pumasok sa kanilang tahanan.

Samantala...

Nang pumasok sa kanilang sala si Klein ay bumungad sa kanya ang naghihintay na si Rio Costor.

"Pansin kong napapadalas ang punta mo sa mga Villacorda. Tell me, are you falling in love with that young Lady?"

Bago pa makaimik si Klein ay muling nagsalita ang kanyang tiyuhin.

"Remember, Klein, ang mga Villacorda ang sumira ng buhay natin. Kasalanan ng mga Villacorda kung bakit namatay ang daddy mo."

Kitang-kita ang pagngingitngit nito.

"Kasalanan nila kung bakit naging ganito ako. Sa isang iglap, nabago ang buhay ko at naging isang baldado, isang walang kwenta!"

"Uncle." Anas naman ni Klein. Bumalong ang awang nadarama niya para sa kanyang tiyuhin.

"Kaya ikaw, huwag kang magpapabulag sa mapagbalat-kayo nilang ugali. Tandaan mo ang ginawa nila sa pamilya natin."

"Hindi ko nakakalimutan ang lahat ng 'yan, uncle. At huwag po kayong mag-aalala, kumikilos lang ako nang naaayon sa plano."

"That's good. Mabuti na iyong ipinapaalala ko sa 'yo at baka bigla kang makalimot."

"Don't worry, uncle, hindi siya ang tipo ng babaeng pangarap kong makasama. And I will never fall in love to her."

Umigting ang panga ni Klein. Unti-unting gumuhit ang galit sa mga mata nito.

"Hindi ko nakakalimutan kung saang angkan kabilang si Hope. Hindi ko nakakalimutan ang plano nating makapaghiganti, Uncle."

Kumuyom ang kamao nito.

"I will be the man she deserves. Ako lang ang lalaking pwedeng dumurog sa kanya."

Gumuhit ang ngisi sa labi ni Rio Costor.

"Tama 'yan. Iparanas mo sa kanya ang sakit na pinagdaanan natin. Pahirapan mo siya hanggang sa magsisi siyang naging anak siya ni Astin Villacorda!"

Lalo namang tumalim ang mga mata ni Klein. Tuluyang nang nawala ang maamong mukha. Tila sa isang iglap ay naging isa itong mabangis na leon.

"Pagbabayaran ni Hope ang kasalanan ng mga magulang niya."

Lalong lumawak ang ngisi sa labi ni Rio Costor. Gusto niyang palakpakan ang sarili dahil napalaki niya ang pamangkin sa paraang gusto niya.

Hindi pa tapos ang laban.

Si Klein ang magiging sandata niya sa bagong yugto.

Si Klein ang magiging susi ng kanyang tagumpay.