Chapter 54

Marahang hinahaplos-haplos ni Raya Fae ang ulo ng batang si Damon. Napapayag lamang niyang sumama ang mga bata sa kanila nang sabihin niya magkakasama silang pamilya. Sa huli pumayag na lamang siya sa gusto ni Damielle Astin na umuwi sa bahay kung saan siya nagising na kasama ito. Ayon sa lalaki, iyon daw ang bago nilang tahanan. Hindi nalalayo ang laki ng bahay sa dati nilang tahanan. Nangingibabaw ag kulay na puti at gold sa bahay kaya naman napakaaliwalas ng paligid. Mayroon na rin silid roon ang mga bata na may pintong konektado sa Master's bedroom.

"Raya." Nakuha ng atensyon niya ang pagtawag ng kanyang mister. Nang mapunta ang tingin niya sa pinanggalingan ng tinig nito ay nakita niyang nakatayo ang lalaki sa pinto patungo sa Master's Bedroom.

"Ngayong tulog na ang mga bata, pwede bang mag-usap tayo." Mahinahon ang tinig nitong nakikiusap.

"Ano pang dapat nating pag-usapan? Pumayag na nag ako na umuwi dito sa bahay mo, 'di ba?" Hindi niya naitago ang pagsusungit sa kanyang tinig.

"Lower your voice, baka magising sila."

Napaikot naman ng mata ang babae. Nang hindi ito umimik ay muling nagsalita si Damielle Astin.

"Mag-usap tayo."

Muli namang bumalik ang tingin sa kanya ni Raya Fae.

"Sabihin mo na lang dito kung anong gusto mong sabihin."

Dahil mukhang hindi naman niya mababago ang isip ng kanyang misis ay nagpasya na lamang na lumapit rito.

Tila naman pinagpawisan ng malapot si Raya nang maupo si Damielle Astin sa kanyang tabi.

Awtomatiko siyang kumilos pausod ngunit nagawang haklitin ni Damielle Astin. Sa ginawang iyon ng lalaki ay lalong nanuot sa kanyang ilong ang napakaswabeng pang-amoy nito.

Pinanlakihan niya ito ng mata na tila nagsasabing tanggalin nito ang kanyang kamay ngunit hindi naman siya inintindi ng kanyang mister.

"Tell me, Raya, ngayong hindi ka lasing, magkaliwanagan tayo."

Tila naman kumabog ang puso ni Raya Raya Fae.

"Sabihin mo sa 'kin, mahal mo ba ako? Kahit konti lang, mahal mo ba ako?" Kitang-kita ang pagguhit ng sinseridad at lungkot sa mga mata nito.

Ang tila matibay na pader na itinayo ni Raya sa kanilang pagitan ay tila naman unti-unting natibag. Ang nagtitigas-tigas niyang puso ay tila unti-unting natunaw.

"Eh ikaw, Damielle, mahal mo ba ako?" Kumislap ang mga mata niya at tila anumang oras ay maluluha ito.

Alam niya sa sariling hindi siya mahal ng lalaki. Ngunit hindi niya mawari ang sarili at nagawa pa niyang itanong iyon.

Alam naman niyang pinakasalan lamang siya ng lalaki para sa kanilang mga anak.

Kaya nga nagawa nitong maglihim sa kanya. Dahil malinaw na hindi naman siya itinuturing na parte ng mundo nito. Kumbaga, naroon lamang siya dahil walang pagpipilian si Damielle Astin. Nando'n siya para sa mga bata, para sa mga bata lang.

Ngunit tila nawala ang takbo ng kanyang isip sa naging sagot ni Damielle Astin.

"I do, Raya." Sinserong sagot ni Damielle Astin. Ni hindi rin kakikitaan ng pag-alinlangan ang mga mata nitong nakatitig sa kanya. "I do love you. Hindi kita pakakasalan kung hindi kita mahal."

Napaawang namang ang labi ni Raya Fae.

Tama ba ang naririnig niya? O nag-iilusyon lamang siya.

"I know, tingin mo, pinakasalan kita dahil sa mga bata. But no. Pwede ko silang sustentuhan kahit walang kasal. Pwede ko kayong makasama sa iisang bubong at magpakaama kahit hindi tayo legal. Pero bakit kita pinakasalan? Because I am selfish. Gusto kitang itali sa 'kin. Ayoko kong mapunta ka pa sa iba dahil gusto kita, mahal kita, Raya. Mahal ko kayo ng mga bata."

Hindi naman naiwasan ni Raya Fae ang pangiliran ng luha.

"Damielle," anas niya.

Marupok na kung marupok, pero bakit pakiramdam niya ay tila naglaho ang hinanakit na nadarama niya para sa kanyang mister?

Bago siya makaimik ay muling nagpatuloy si Damielle Astin.

"Kung hindi mo kayang tanggapin ang pagiging pinuno ko sa Red Majesty, handa akong iwan 'yon. I admit, when I left the Villacordas and became part of Red Majesty, I promised myself that I will commit my whole heart to the Mafia. I am exclusively for the Mafia. Pero nang maging bahagi ka ng mundo ko, wala na akong ibang Inisip kundi ang bigyan ka at ang mga bata ng mapayapang buhay."

Kitang-kita ni Raya ang pangingilid ng luha ng lalaki.

"Pero ano ba ako sa buhay mo, Raya Anong halaga ko sa buhay mo? Or should I ask, may halaga ba ako sa’yo kahit konti lang? O pinakasalan mo lang ba ako dahil ama ako ng mga anak mo?"

Sa halip na sumagot ay marahan namang bumangon si Raya at binigyan siya ng yakap.

"Siyempre, hindi." Suminghot siya upang pigilan ang kanyang luha. "Mahal kita, Damielle. Hindi naman ako papayag na matali sa 'yo kung wala kang puwang sa puso ko. From that night, wala na akong ibang naiisip na lalaking pwede maging ama ng mga anak ko kundi ikaw."

Humiwalay siya ng yakap sa kanyang mister at sinalubong ang mga mata nito.

"Nasaktan ako, sumama ang loob ko pero hindi nito mababago ang damdamin ko para sa 'yo."

Muling tumulo ang kanyang mga luha nagpatuloy siya sa pagsasalita kahit sa gitna nang paghikbi.

"Sorry sa pagiging mahina. Pasensya na rin kung masyado akong ma-pride ako. Akala ko kasi, ipinagpipilitan ko na lang ang sarili ko sa mundo mo."

Masuyong pinunas Damielle Astin ang luha sa pisngi nito.

"Parang hindi totoo 'yan? Parang ako 'yong nagpupumilit sa sarili sa 'yo."

Gumuhit naman ang ngiti sa labi ni Raya kahit may luha pa rin sa kanyang pisngi.

"Edi, pareho na lang tayo. Pareho nating ipagsisiksikan ang sarili natin sa isa't-isa."

Tuluyan na ring gumuhit ang ngiti sa labi labi ni Damielle Astin.

"I would love that."

Muling kumilos ang palad ni Damielle Astin at masuyo niyang hinawakan ang pisngi ng kanyang misis.

"Let's start a new, Raya Let's get married again."

Umawang ang labi ni Raya Fae upang sumagot ngunit natigil siya nang marinig niya ang pagtawag.

"Mommy? Daddy?"

Agad napunta ang tingin nila sa batang katabi ni Raya Fae. Bumungad sa kanila ang kababangon at pupungas-pungas na si Damon.

"Devonne, wake up!" Niyugyog nito ang kanyang kapatid. Ilang sandali lamang ay kumilos na si Devonne. Mukhang nagising na dahil sa malakas na pagyugyog ng kanyang kapatid. "Mommy is crying!"

"No, anak!" Mabilis na wika ni Raya. "Hindi ako umiiyak."

Nang mapansin naman ni Devonne ang luha sa kanyang pisngi ay bumangon na rin ito.

"What did you do, Dad?" Kunot-noong napunta ang tingin nito kay Damielle Astin.

"Hindi, anak. Walang kasalanan si Daddy." Sansala ni Raya Fae sa batang si Devonne.

"But you're crying?" Pilit nito.

"Hindi." Umiling-iling. "Naluha lang ako kasi masaya ako."

Noon na rin kumilos si Damielle Astin upang akbayan si Raya Fae.

"Actually, we have a good news to the both of you." Nakangiting wika ni Damielle Astin.

Sandali silang nagkatinginan ni Raya Fae. Tila nagkaunawan ang kanilang mga mata. Umawang ang labi ni Raya Fae upang ipagpatuloy ang gustong sahihin ng kanyang mister.

"Your Dad and I will get married again."

Unti-unti namang nagningning ang mga mata ng batang si Damon.

"Really, mom?"

Puno ng excitement itong bumaling sa kanyang kakambal.

"Did you hear that? Mom and dad are getting married again."

Pareho namang matamis ang ngiti nina Raya at Damielle Astin na nagkatinginan.

Nang muling bumalik ang tingin nila sa mga bata ay nagsalita si Damielle Astin.

"We will have a happy family. Ako, ang mommy niyo, kayong dalawa at ang magiging mga kapatid niyo."

"Yeheyy!" Pumalakpak sa tuwa si Damon. Kitang-kita rin ang munting ngiti sa labi ng kakambal nito.

"I want a baby sister!" Mabilis nitong wika.

"But I want a baby brother." Kontra naman ni Devonne."

"A baby sister is better." Pilit ni Damon.

Sumimangot naman ang kakambal nito.

"No. Baby brother is far better."

Muling umawang ang labi ni Damon ngunit nagawa siyang mapigilan ni Damielle Astin nang magsalita ito.

"No need to argue. Mommy and daddy will grant your wish. We will have a baby brother and a baby sister in the family."

Agad naman kinurot ni Raya Fae ang tagiliran ni Damielle Astin.

"Hoy! Parang ang daling mabuntis ah."

Nakatawa namang yumakap sa kanya si Damielle Astin.

"Sandali lang naman 'yong hirap, mas marami pa rin 'yong sarap." Bulong nito sa kanyang tainga.

Hindi naman napigil ni Raya Fae ang pamulaan ng pisngi.

Muli na lamang niyang kinurot sa tagiliran ang kanyang mister.

"Siraulo ka talaga. Marinig ka ng mga bata."

"Mommy is hurting me." Humawak ito sa kanyang tagiliran na tila nasasaktan.

"Hoy! Huwag kang feeling biktima diyan."

Muling kumilos si Raya upang kurutin siya ngunit hindi na niya nagawa iyon nang maunahan siya ni Damielle Astin. Nagawa itong mahawakan ang kanyang beywang.

Napatili na lamang si Raya Fae nang maramdaman niya ang pagkiliti ni Damielle Astin sa kanya.

"Help me!" Matinis niyang tili sa gitna ng kanyang pagtawa.

Kumilos naman ang dalawang bata upang kubabawan si Damielle Astin.

Nakatawang kiniliti nila ang kanilang ama.

Tuluyan nang napuno ng hagikhikan ang kanilang silid.

At sa sandali iyon ay tila wala nang katapusan ang ligayang kanilang nadarama.

Ngunit tapos na nga ba ang kanilang kwento? Magsasara ba ang pahina sa inaasam nilang happy ever after?

O simula pa lamang ito ng panibagong yugto ng paghihiganti?

Mula sa di kalayuan ay nakaparada ang isang itim na Porsche. At habang malakas ang hagikhikan ng pamilyar Villacorda, isang tao naman sa loob ng sasakyan ang nagngitngit ang kalooban.

"We're not yet done, Astin. Hindi ako papayag na sa ganito lang matatapos ang lahat."