Chapter 53
"Mga anak!" Naluluhang yumakap sa kanyang mga anak si Raya Fae.
"Mommy." Mahigit na gumanti ng yakap sa kanya ang batang si Damon. Walang imik namang gumanti rin ng yakap sa kanya si Devonne.
"Maraming salamat sa lumikha. Sa wakas, nahanap rin namin kayo." Hindi na napigil ni Raya Fae ang pagbuhos ng kanyang mga luha.
"Mom." Tiningala siya ng batang si Devonne.
Agad namang pinahid ni Raya Fae ang kanyang mga luha bago siya lumuhod upang mapantayan ang kanyang mga anak.
"Kumusta kayo? Ayos lang ba kayo? May masakit ba? " Kitang-kita ang pag-aalala sa mga mata nito habang nakatingin sa mga bata. Muli ring nangilid ang kanyang luha habang hawak-hawak niya ang kanyang mga anak.
"Please don't cry, mom." Kumilos ang kamay ng batang si Devonne upang tuyuhin ang kanyang luha.
"We're okay, mommy." Segunda naman ng batang si Damon. "Please stop crying."
Napasinghot naman ang si Raya Fae. Pinilit niya pinigil ang muling pagtulo ng kanyang luha.
"Pasensya na, mga anak. Sobrang natutuwa lang si mommy."
Napatikhim naman si Damielle Astin upang huwag rin siyang maluha habang nakatingin sa kanyang mag-iina. Agad rin siyang lumingon sa mag-asawang nasa silid din.
"Kayo po ba ang kumupkop sa mga anak namin? By the way, I am Damielle Astin Villacorda."
Inilahad ni Damielle Astin ang kamay niya sa Ginang at sa lalaking kasama nito. Tinanggap naman ng mag-asawa ang kanyang pakikipagkamay.
Noon na rin napunta ang tingin ni Raya Fae sa dalawang tao na naroon din sa silid. Agad rin siyang tumayo at pinunas ang luha sa kanyang mga pisngi.
"And this is my wife." Marahan umakbay si Damielle Astin sa kanya.
"Raya Fae po." Magalang na inilahad ni Raya ang kanyang kamay. Walang alinlangan namang tinanggap iyon ng mag-asawa. Gumuhit rin ang ngiti sa labi ng Ginang.
"Ako si Lydia. Ito naman si Mado, asawa ko."
Simple lamang ang hitsura ng mag-asawa. Pareho silang moreno at moreno. Sa unang tingin ay mahihinuhang nasa early forties na ang edad ng dalawa.
"Salamat po sa pag-aalaga sa mga anak ko." Kitang-kita ang sinseridad sa mga mata ni Raya Fae.
Lalo namang tumamis ang ngiti ng Ginang.
"Naku, wala iyon. Maliit na bagay lang naman ang nagawa namin."
"Pasensya na rin kayo kung ngayon lang kami nagpasyang i-report sa pulisya ang tungkol sa mga bata. Nakita ko mismo ang paghabol sa kanila. Natakot ako na baka matunton sila ng mga humahabol sa kanila." Segunda ng mister nito.
"Ang mahalaga po, kasama na namin ang mga anak namin. Salamat din po sa concern sa kanilang kaligtasan." Malumanay na wika ni Damielle Astin. Hindi ito inalis ang pagkakaakbay sa kanyang misis.
"Maraming salamat po talaga. Tatanawin ko pong malaking utang na loob ang ginawa ninyo."
Matapos sabihin iyon ni Raya Fae ay sumegunda naman sa kanya ang kanyang mister.
"Magbibigay po kami ng pabuya para sa ginawa niyo. Sabihin niyo na lang po kung may gusto kayo, handa po kaming ibigay--"
Natigil ang sasabihin ni Damielle Astin nang itaas ni Mado ang kanyang kamay na tila nagsasabing tumigil ito sa pagsasalita.
"Hindi na iyon kailangan. Kontento na kaming maibalik ang mga bata sa inyo."
"But--" Bago pa matapos ni Damielle Astin ang kanyang pagtutol ay pinutol iyon ni Raya Fae.
"Thank you po. Sobra-sobra po kaming nagpapasalamat. Sana po pagpalain po kayo sa kabutihan ninyo."
Tanging matamis na ngiti naman ang naisukli ng mag-asawa. Bago sila naghiwa-hiwalay ng landas ay nagpasya muna silang magkaroon ng munting salu-salo. Nang magpaalam ang mag-asawa ay makailang ulit pa silang niyakap ng batang si Damon.
"I will miss you, nanay and tatay." Maluha-luha itong nagpaalam sa mag-asawa. Nanatili namang tahimik ang batang si Devonne ngunit kapansin-pansin ang lungkot sa mga mata nito.
Nang tanging silang apat na lamang ang naiwasan ay muling niyakap ni Raya Fae ang kanyang mga anak.
"Ang saya ko. Ang saya-saya ni mommy." Sumungaw ang luha sa mga mata nito. "I've been praying for this. And now, makakasama ko na rin kayo sa wakas."
"I miss you too, mom." Lalong humigpit ang pagkakayap ng batang si Damon sa kanya.
Bago pa sila magkaiyakan muli ay humiwalay ng yakap si Raya sa kanyang mga anak. Salitan niyang hinaplos ang pisngi ng mga bata.
"Hindi na tayo ulit magkakahiwalay pa." Puno ng pagmamahal na tumitig siya sa mga bata.
Napatikhim naman si Damielle Astin upang makuha ang atensyon ng kanyang mga anak. Hindi naman siya nagkamali dahil agad namang napalingon sa kanya ang kambal.
"Wala bang yakap si Daddy?"
"Daddy!" Mabilis na tinawid ni Damon ang kanilang distansiya. Lumuhod naman si Damielle Astin upang magpantay sila. Nang tuluyang makalapit sa kanya ang bata ay agad itong yumakap sa kanya.
"I miss you so much, Daddy."
Tila lalo namang hinaplos ang puso ni Damielle Astin. Marahan niyang hinaplos ang likod ng batang si Damon.
Nanatili namang nakatayo at nakatingin sa kanilang dalawa ang batang si Devonne. Nang magtama ang tingin nilang mag-ama ay sumenyas si Damielle Astin na tila nagsasabing lumapit sa kanya.
"Give Daddy a hug."
Marahan at tila atubili namang lumapit sa kanya ang batang si Devonne. Nang tuluyan siyang makalapit ay humiwalay naman ng yakap si Damon sa kanilang ama. Umatras ito upang bigyan ng espasyo ang kanyang kakambal.
Wala namang sinayang na sandali si Damielle Astin. Agad niyang niyakap ang batang si Devonne.
"I missed you so much, young man." Hinagod nito ang likod ng bata. Noon na ring gumanti ng yakap ang bata.
"I miss you too, Dad."
Napakurap naman si Raya Fae upang pigilin ang sariling maluha dahil sa eksena sa kanyang harapan. Tumikhim siya bago nagdesisyong magsalita.
"Sa 'kin muna uuwi ang mga bata."
Hindi naman naiwasan ni Damielle Astin ang mapakunot-noo. Noon na rin humiwalay ng yakap si Devonne sa kanyang ama.
"And how about me?" Tumayo siya. Hindi niya inalis ang titig sa kanyang misis. "I also missed my children, Raya. Hayaan mo naman na makasama ko sila. Huwag mo naman silang solohin."
Tila naguguluhan namang nagkatinginan ang dalawang bata.
Hindi naman iyon nagawang mapansin nina Raya at Damielle Astin.
"I know. Pero pagbigyan mo muna ako, Damielle. Ako muna, please. Pwede mo naman silang bisitahin sa bahay eh."
Marahas namang napabuga ng hangin si Damielle Astin. Hindi rin nito naitago ang pag-igting ng kanyang panga.
"How selfish! Gusto ko rin silang makasama. Huwag mo silang ipagkait sa 'kin. Tama na 'yong lumaki sila nang ilang taon na wala ako sa piling nila."
"Hindi ko sila ipinagkakait sa 'yo! Hindi ka ba nakikinig? Sinabi ko namang pwede mo silang dalawin ah."
Umawang ang labi ni Damielle Astin upang sagutin ang kanyang misis ngunit natigil siya nang maramdaman niya ang paghawak ng maliit na kamay sa kanyang palad. Awtomatikong napunta ang tingin nito sa may-ari ng kamay. Iyon ay walang iba kundi ang batang si Damon.
"Mom, dad, why are you fighting?" Magkasunod niyang binigyan ng tingin ang kanilang magulang.
Hindi naman naiwasan ni Raya Fae ang mapalunok.
"Hindi." Umiling siya. "Hindi kami nag-aaway ng daddy niyo."
Napabuga naman ng hangin si Damielle Astin. Hindi naman iyon pinansin ni Raya Fae. Agad siyang lumapit sa mga bata at lumuhod sa harap ng mga ito.
"Ganito kasi iyon, alam niyo kasi," tumigil siya na tila nag-aalangan. Napabuga rin ito ng hangin bago nagpatuloy, "hindi na kami pwede ng daddy niyo."
"Why?" Kitang-kita ang lungkot sa kulay abong mga mata ni Damon. Hindi rin naiwasan ng batang si Devonne ang magpalipat-lipat ng tingin sa kanilang dalawa.
"Basta hindi na kami pwede, anak." Mahinang wika ni Raya.
Agad namang napunta ang tingin ng bata sa kanilang ama.
"Daddy?" Tila nanghihingi ito ng kasagutan.
Sa halip na sagutin nito ang tanong ng bata ay tumitig ito kay Raya Fae.
"Bakit nga ba, Raya? Bakit nga ba hindi na tayo pwede?"
Hindi umimik si Raya Fae ngunit kitang-kita ang madiing pagdikit ng kanyang mga mapulang labi.
"Sabihin mo sa 'kin, ba't 'di na tayo pwede. We are still married. Binigyan kita ng space kasi mukhang kailangan mo. Pero hindi ibig sabihin na sinukuan na kita. Let's talk, let's fix what we need to fix."
"Saka na natin pag-usapan 'yan. Huwag sa harap ng mga anak ko."
"Anak natin, Raya."
"Mommy. Daddy." Maluha-luhang pagtawag sa kanila Damon.
"You two are fighting." Nakahalukipkip namang wika ni Devonne. Lukot din ang mukha nito.
Bago pa makaimik ang sinuman sa kanilang magulang ay hinawakan nito ang kamay ng kapatid niyang si Damon.
"Let's go, Damon. Let's just go back to nanay and tatay."
Nang kumilos ang dalawa upang humakbang patungo sa pinto ay mabilis namang kumilos sina Raya at Damielle Astin upang harangan ang dalawa.
"Mga anak."
"We don't want to choose any of you. If we can't have both of then it's just better if you stay to nanay and tatay." Namumula ang mata ng batang si Damon , tanda ng pagpigil nito sa kanyang luha.
Kumilos si Devonne upang hilain ang kanyang kapatid palayo. Nagpatianod naman ang batang si Damon sa kanyang kambal.
"No! Please don't go." Muling humarang si Raya sa daraanan ng kanyang mga anak.
"Why can't you understand, mom? We just want you and daddy together. We want a complete family." Kitang-kita ang pag-agos ang luha sa pisngi ng batang si Damon. Tila naman nahiwa ang puso ni Raya Fae sa kanyang nakita.
"Let's go, Damon." Muli siyang hinila ng kanyang kakambal.
"Please don't leave." Mabilis na kumilos ang kamay ni Raya upang hawakan ang kamay ng anak niyang si Damon. Lumuhod siya sa harap ng mga ito upang makapantay ang dalawa.
"Sige na. Pagbibigyan ko kayo sa gusto niyo. If you want Daddy and I together then we will grant you that."
Wala nga yata siyang hindi kayang gawin para sa kanyang mga anak. Kahit ang mataas niyang pride handa siyang ibaba para sa mga minamahal niyang mga anak.