Chapter 48.1

Hindi napigil ni Milo ang mapatayo mula sa pagkakaupo sa harap ng monitor. Kanina pa siya nag-aabang kung darating ang pangkat ni Damielle Astin. Pawala-wala ang pagsagap ng video ng mga CCTV, mukhang malapit nang bumigay ang security camera sa ibang bahagi ng mansion. Tanging sa main gate lamang ang may maayos na kuha. Kaya naman nagboluntaryo na siya upang masiguro kung makakapasok ng ligtas sa mansion ang grupo ni Damielle Astin.

Inasahan siyang sa likod ng bahay dadaan ang pangkat ngunit nagkamali siya dahil makalipas ang ilang oras niyang pagbantay sa CCTV recording ay dumating na nga si Damielle Astin. Sa mismong main gate ito dumaan kasama ang sampung bilang lamang ng tauhan nito.

"D*mn it! Nag-iisip ba si Villacorda? Bakit siya sumugod na ganyan ka-konti ang tao niya?" Inaasahan pa naman niyang isang batallion ang isasama ng lalaki.

Aniya, mukhang nasobrang sa tapang ang lalaki dahil dahil para lamang itong mamamasyal sa kung saan.

Tila problemadong nagpabalik-balik ng lakad si Milo habang nakatingin CCTV recording. Mula roon ay kitang-kita niya ang matapang na pakikiharap ni Damielle Astin sa tauhan ng kanyang mga kapatid. Hindi man lamang ito kakikitaan ng takot kahit ilang baril ang nakatutok sa direksyon niya. Kung gugustuhin ng mga tauhan ng kanyang kuya Rio ay kayang-kaya nilang patumbahin ang pangkat ni Damielle Astin.

Hindi naiwasan ni Milo na masapo ang ulo.

"Hayyy, ano ba naman 'to. Ano bang pumasok sa isip niya? Gusto na ba niyang magpakamatay?"

Napubuga na lamang ng hangin si Milo bago siya nagpasyang lumabas ng security room.

"Hindi ka nag-iisip, Villacorda!" Gigil niyang usal. Nagmamadali ang bawat hakbang niyang tinungo ang kinaroonan ng silid na pinagkulungan sa mag-iina.

"Kung hindi mo maililigtas ang mag-iina mo dahil gusto mo na ring mamatay, ako na lang ang gagawa. Hindi kita pinapunta dito para sabay-sabay na kayong mawala sa mundo."

Lalo pang binilisan ni Milo ang kanyang hakbang. Kararating pa lamang niya sa tapat ng silid na kinaroroonan ng mag-ina nang makita niyang lumabas si Runo kasama ang lumuluhang si Raya.

Napalunok siya.

"Huli na ako." Ugong ng kanyang isipan. Pakiramdam rin niya ay nanghina ang kanyang kalamnan.

Nagtama ang paningin nila ni Raya Fae. At hindi niya naitago ang awang nadarama para sa babae.

"Help me." Sambit nito habang nakatingin sa kanya. Patuloy sa pagtulo ang masaganang luha sa pisngi nito.

Sandali namang napatingin si Runo kay Milo.

"Help me and my children, please."

Hindi naman naiwasan ni Milo ang mapalunok nang bumalik ang tingin ni Runo sa babae.

"Wala kang mahihingan ng tulong dito kaya huwag ka nang mag-aksaya ng pagod," turan nito kasabay ng paghila nito sa babae palayo.

Nakakailang hakbang na ang mga ito nang maglakas-loob na magsalita si Milo Costor.

"Anong nangyayari? Saan niyo dadalhin 'yan?"

Muli namang lumingon si Runo sa kanya.

"Bilin ni Boss Rio. Mukhang plano na niyang katayin 'to sa harap ni Villacorda."

"What do you mean? Dadalhin niyo kay Astin 'yan?" Pagmamaang-maangan niya.

Napabuga naman ng hangin si Runo.

"Saan ka ba galing at parang wala kang alam? Sumugod si Villacorda dito. Kaya ngayon, mukhang mapapaaga ang sintensya ng misis niya. Di nag-iisip ang tarant*do."

Matapos sabihin ang mga salitang iyon ay muli nang nagpatuloy sa paghakbang si Runo habang mahigpit ang hawak nito sa braso ni Raya Fae. Nanatili namang nakalingon si Raya Fae kay Milo. Kitang-kita ang pagmamakaawa sa mga mata ng babae.

Mariin na lamang na napapikit si Milo. Nang makita niyang papalayo na ang mga ito ay nagdesisyon siyang sumunod sa kanila. Ngunit nang lumiko ang mga ito ay tumigil na siya. Mas pinili niyang magkubli na lamang sa pader.

Pakiramdam niya ay lalong lumakas ang kabog ng kanyang puso.

"Ngayon, Astin, ikaw na ang mimili. Saang parte ko babarilin ang asawa mo?"Rinig niyang wika ng kanyang kuya Rio.

"Astin, please save your family." Usal ng kanyang isipan. Aniya, kapag hindi nagtagumpay si Astin na iligtas ang mag-iina nito, hindi niya maiiwasang sisihin ang sarili. Kung hindi niya tinawagan ang lalaki ay hindi sana ito susugod.

"Speak, Astin!"

"W-wala akong pipiliin."

Hindi naman napigil ni Milo na mapaawang ang labi. Hindi na niya maintindihan ang ginagawa ni Damielle Astin.

"Kung ayaw mong mamili, ako ang pipili." Rinig niyang wika ni Rio. Isang bagay na inaasahan na niya.

Kasunod no'n ay umalingawngaw ang putok ng baril. Pakiramdam ni Milo ay tumalon ang kanyang puso.

"Now, choose kundi ako ang pipili. Ang susunod na putok ay siguraduhin kong sa ulo ni Raya tatama."

"Wala akong pipiliin, Rio. Hindi mo sasaktan ang asawa ko."

Mariing napapikit na lamang si Milo. Alam na niya ang kasunod. Kilala niya ang kapatid niya, kung anong binitiwan nitong salita ay tiyak na masusunod.

Walang sinayang na sandali si Milo. Mabilis siyang umalis sa pagkakasandal at muling humakbang pabalik sa kanyang pinanggalingan.

Muling umalingawngaw ang putok ng baril.

"Pakshit!"

Lalo siyang nagmadali sa paghakbang at tinungo ang pintuan ng silid kung saan naroon ang kambal. Marahas niyang sinipa ang pintuan upang bumukas iyon. Bumungad naman sa kanya ang gulat na mukha ng tauhan ni Rio.

"Milo, anong ginagawa mo dito?"

Napalunok si Milo. Pinilit niyang kinalma ang sarili bago siya nagsalita.

"Nandito ako para kunin ang mga bata."

"Kabilin-bilinan ni Boss na bantayan ko ang mga bata. Kahit kapatid ka niya hindi ko sila ibibigay sa 'yo. Kargo ko ang mga batang 'to."

Napakuyom na lamang si Milo ng kamao. Gayunpaman ay pinilit pa rin niyang huwag magpahalata.

"Binilin ni Kuya na dalhin ko sila doon."

Gumuhit naman ang ngisi sa labi ng tauhan.

"Hindi ako naniniwala." Kumilos ang kamay nito upang tutukan siya ng baril ngunit bago niya magawa iyon ay nauhan na siya ni Milo. Tinamaan ang tauhan sa hita. Naging dahilan iyon upang mapaungol ito sa sakit.

"Traydor ka, Milo!" Muli siyang kumilos upang barilin ang kaharap ngunit muli siyang naunahan ni Milo. Tumama ang bala ng baril sa dibdib. Nasapo nito ang dibdib kasabay ng paglabas ng dugo sa dibdib at labi nito. Kasunod no'n ay ang unti-unti nitong pagluhod at pagbagsak sa sahig.

Nang bumaling si Milo sa mga bata ay kitang-kita ang pagkabigla sa mukha ng mga nito. Pareho silang namumutla dahil sa nasaksihang krimen.

"Mister, you shot him," nausal ng batang si Damon.

Buntong-hininga namang siyang lumapit sa dalawang bata.

"Just forget what you saw, okay? Let's go! Kailangan na nating umalis dito."

Agad namang nagkatinginan ang kambal. Gumuhit ang pag-aalinlangan sa mata ng mga bata.

"Come with me! Don't worry, hindi ko kayo sasaktan."

Hindi naman nawala ang pag-aalinlangan sa mukha ng mga bata.

"Listen, kakampi niyo ako. Magtiwala kayo sa 'kin. Wala akong ibang gusto kundi ilayo kayo dito."

Bago pa makaimik ang dalawang bata ay mabilis nang hinawakan ni Milo ang kamay ng mga ito.

"Tara na. Tatakas tayo."

Ngunit hindi naman nagpahila ang batang si Devonne.

"No need, mister. Our dad is here. He's going to save us."

Napabuga naman ng hangin si Milo.

"Listen, children, hindi natin alam kung makakaya kayong iligtas ng Daddy niyo. Maraming bad guy sa labas and I'm afraid that your dad will not make it."

"But our dad is a very strong man." Apila naman ni Damon.

"I know. Pero mabuti na 'yong sigurado. Kaya pwede bang tama na ang usap? Kailangan ng nating umalis dito."

Muli niyang hinila ang kamay ng batang si Damon. Ngunit hindi siya ulit nagtagumpay dahil hinila rin ni Devonne ang kamay ng kanyang kakambal.

"But our mom and dad are here."

"Listen--" Hindi na nagawang natapos ni Milo ang kanyang sasabihin nang muling umalingawngaw ang palitan ng baril.

"D*mn it!"

Walang sinayang na sandali si Milo. Mabilis hinila ni Milo ang mga bata.

"Tara na! Kailangan na talaga nating makalayo bago pa nila tayo maabutan dito."