Chapter 47.1

Mabilis na bumaba si Damielle Astin mula sa kahihintong sasakyan. Matapos maibalita sa kanya na tinakasan ni Raya Fae ang mga tao niya ay agad siyang kumilos upang i-trace ang cellphone ng kanyang misis. At dinala siya nito sa isang parke. Nadatnan rin nila roon ang mga tauhan niya.

"Raya?" Agad niyang iginala ang paningin. "Where's Raya?"

Napayuko ang kanyang tauhan.

"Pasensya na, boss."

Bumaling naman sa iba pa niyang tauhan si Damielle Astin.

"Anong nangyari? Bakit niyo siya hinayaang umalis? Kabilin-bilinan ko naman sa inyo na bantayan niyo siya, 'di ba?"

"Pasensya na talaga, boss."

Marahas na lamang siyang napabuntong-hininga. Aniya, dapat ay hindi na lang niya iniwan ang babae. Nang makita niyang may kausap ito sa cellphone at umiiyak, dapat ay naghinala na siya.

"Ang sungit kasi ni ma'am, boss, sabi niya ang bilin mo naman daw bantayan siya, hindi mo naman daw sinabing huwag siyang hayaang umalis."

Napahilot na lamang ng kanyang sentido si Damielle Astin. Tiyak niyang ginawa iyon ng kanyang asawa upang huwag itong pigilan ng kanyang mga tauhan.

"Sinundan namin siya, boss pero yun nga lang at hindi kami nagtagumpay kasi ang bilis ni ma'am magmaneho."

Nang hindi siya umimik ay sumabad sa usapan ang isa pa niyang tauhan.

"Nahanap namin ang sinakyan ni ma'am Raya boss pero wala siya doon. Ito namang cellphone niya, dito sa park namin nahanap. Naghanap na kami dito sa paligid pero wala dito si Ma'am."

Muli na lamang napabuga ng hangin si Damielle Astin. Pakiramdam niya ay bumigat lalo ang kanyang dibdib.

"Kumilos na ang iba, boss. Sinusubukan nilang makakuha ng lead mula sa mga CCTV footage."

Napabuga na lamang siya ng hangin bago nito bumaling kay Thano Miguero.

"Thano, let's try to drive near the area. Baka nasa malapit lang si Raya." Muli itong bumaling sa iba pa niyang tauhan." Balitaan nito agad ako kapag may nakita na kayo sa CCTV."

Mabilis namang tumango ang kanyang tauhan.

"Let's go, Thano."

"Sige, boss." Mabilis namang kumilos si Thano upang ipagbukas ito ng sasakyan. Walang imik na pumasok si Damielle Astin sa passenger's seat. Inikot nila ang lugar. Bawat eskinita ay dinaanan nila ngunit hindi sila nagtagumpay na mahanap ang kanyang asawa.

"Tell me, Thano, wala naman sigurong masamang nangyari sa asawa ko, right?" Tanong nito matapos ang ilang ulit na pag-iikot nila sa lugar.

"Boss," nasambit na lamang ni Thano. Gusto sana niyang pagbigyan ang amo niya sa gusto nitong marinig ngunit tila ayaw naman sumang-ayon ng kanyang isip. Malakas ang kutob niyang natulad na rin ang amo niyang babae sa batang kambal.

"Kapag napahamak si Raya o ang mga anak ko dahil sa'kin, hindi ko mapapatawad ang sarili ko. I can't afford to loose any of them." Hindi nito napigil ang pagtulo ng kanyang luha. At hindi iyon nakaligtas sa paningin ni Thano. Nag-iwas na lamang siya ng tingin at muling ibinalik ang tingin niya sa kalsada. Agad namang pinunas ni Damielle Astin ang tumulo nitong luha.

"Boss, mag-uumaga na. Tumigil na po muna tayo sa paghahanap."

Agad namang umiling si Damielle Astin.

"No! Hindi ako titigil hangga't hindi ko nahahanap ang mag-iina ko."

Ilang ulit pa silang naghanap sa lugar. Hanggang sa makatanggap ng mensahe si Damielle Astin mula sa iba pa nitong tauhan. Ayon sa mga ito ay may nakalap na silang mga CCTV footage. Noon na rin nagpasya si Damielle Astin na umuwi muna sila ng mansion.

Kabababa pa lamang nila sa sasakyan nang mag-vibrate ang cellphone nito. Agad napunta roon ang atensiyon ni Damielle Astin. At hindi niya naiwasang mapakunot-noo nang makita niyang nakatanggap siya ng mensahe galing sa unregistered number.

From: Unknown

I know your family's whereabout. Dinukot sila ni Rio. Kung gusto mo silang iligtas kailangan mong nagmadali.

Sa ibaba ng mensahe ay naroon ang isang address. Kasunod ng address ay ang isang litrato ng house map. Nalagay rin doon kung saan sila maaaring pumasok upang iligtas ang kanyang asawa. Maging ang maaari nilang daanan paalis ay naroon din.

At dahil katabi lamang niya si Thano ay hindi rin nakaligtas sa paningin ng lalaki ang laman ng mensahe.

"Baka pain 'yan, boss."

Hindi naman inintindi ni Damielle Astin ang tinuran ng kanyang tauhan. Agad siyang nag-dial upang makausap ang message sender. Hindi naman siya nabigo dahil agad na sinagot iyon ng sender.

["Astin"] Bungad sa kanya ng lalaki sa kabilang linya.

Hindi naman naiwasan ni Damielle Astin ang mapakunot-noo.

"Who are you?"

["It's me, Milo. Do you still remember me?"]

Hindi naman naiwasan ni Damielle Astin ang mapaisip. Iisa lamang ang kilala niyang tao na may pangalang Milo.

"Ikaw ba ang mayhawak sa pamilya ko?"

Hindi naman nakaligtas sa pandinig ni Damielle Astin ang pagbuntong-hininga ng nasa kabilang linya.

["Hawak sila ni Kuya.]

Hindi naman naiwasan ni Damielle Astin ang mapakuyom ng kamao. Nagngitngit ang kalooban niya sa ideyang buhay pa pala ang mortal niyang kaaway.

"Hayop talaga ang kapatid mo. Bakit niya dinadamay ang pamilya ko?" Nagbagting ang kanyang mga ngipin at kitang-kita ang paglabas ng litid nito sa leeg.

["You know the answer, Astin. At determinado si Kuya na patayin ang mag-iina mo. Kung gusto mo silang iligtas, huwag ka nang magsayang ng oras." ]

Napatingin si Damielle Astin sa katabi niyang si Thano. Umiling naman ang lalaki na tila nagsasabing huwag siyang pumayag. Maging siya rin naman ay napapaisip na rin kung totoo nga kaya ang hinala ni Thano na pain lamang iyon sa kanya.

"Why are you helping me?"

Bakit nga ba? Hindi ba dapat ay galit ito sa kanya dahil muntikan na niyang mapatay ang kapatid nitong si Rio.

[" I am not doing this for you, Astin. I am doing this for your children. May anak din ako. At hindi ko gugustuhing maipit din ang anak ko sa gulo ng Mafia.] Kahit hindi nakikita ni Damielle Astin ang kausap ay tila nadama nito ang sinseridad sa tinig ng lalaki.

["Iligtas mo ang mga anak mo. Pero isa lang ang hiling ko, sana huwag mong patayin ang kuya ko. Bigyan mo siya ng pagkakataon, baka sakaling magbago pa siya."]

Bago siya makaimik ay muling nagsalita ang lalaki.

["I know you're doubting me. Nasa magkalabang Mafia tayo, pero kahit kailan naman hindi tayo nagharap bilang magkaaway. Hindi kita pipiliting pumunta. Nasa 'yo na kung papakinggan mo ako. Basta ako, nagawa ko ang pangako kay Miss Escobar. Hindi ko maliligtas ang mag-iina mo at tanging ito lang ang magagawa ko para sa kanila. Ikaw lang ang nakikita kong makakapagligtas sa kanila mula sa kamatayan."]

Hindi na nagawang makaimik ni Damielle Astin. Kahit nang matapos na ang tawag ay binagabag siya ng isipin.

Dapat nga ba siyang magtiwala sa mga binitiwang salita ni Milo Costor?

Paano kung totoo ang hinuha ni Thano na isa lamang iyong pain?

Ngunit paano naman kung nagsasabi ng totoo si Milo?

Nagtatalo ang kanyang isipan.

Ilang sandali siyang natahimik. Matapos ang sandaling pagmumuni ay saka siya nagsalita.

"Paghandain mo ang mga tao natin, Thano. Ililigtas natin ang mag-iina ko." Puno ng determinasyon nitong turan kasabay ng paghakbang nito papasok ng mansion. Agad namang sumunod sa kanya si Thano.

"Pero boss, paano kung set up lang pala 'yon?

Agad naman siyang nilingon ni Damielle Astin.

"At paano kung hindi?"

"Boss, si Milo 'yon. Kapatid 'yon ng kaaway mo."

"Exactly! Si Rio ang kaaway ko at hindi siya."

"Boss naman." Napakamot ng batok si Thano.

"Kung ayaw mong sumama, magpaiwan ka, Thano." Muli itong nagpatuloy sa paghakbang. Agad rin namang sumunod sa kanya si Thano.

"Si boss talaga, hindi naman ako papayag na magpaiwan. Ayoko lang namang mapahamak ka, boss."

Natigil si Damielle Astin sa paghakbang at muling bumaling sa kanyang tauhan.

"Kung mapahamak ako para lang mailigtas lang mag-iina ko then it's just fine. I am willing 'to take the risk, just to save my family."