Chapter 45.2

"Gusto mo bang makita ang mga anak mo?" Napukaw ang bumabagabag sa isipan ni Raya Fae dahil sa tinurang iyon ng Rio Costor.

"Yes, please. Let me see them please." Gumuhit ang pagsusumamo sa mga mata ni Raya Fae.

Humugot naman sa kanyang bulsa si Rio. Ilang sandali lamang ay pinindot nito ang isang earpiece device.

"Dalhin niyo dito ang kambal," utos nito sa nasa kabilang linya. "Siguruhin niyo na lang na 'di kayo maiisahan ng mga batang 'yan!"

Matapos niyang sabihin iyon ay muli itong tumingin kay Raya Fae ngunit nanatiling walang emosyon ang mga mata nito.

"Hindi naman ako sobrang sama. Bibigyan kita ng pagkakataong makasama ang mga anak mo bago ko ipadala ang ulo nila kay Villacorda."

Gumuhit naman ang takot sa mga mata ni Raya Fae.

"Hindi ko na ba mababago ang isip mo? Tell me what I need to do to change your mind. Kahit ano handa akong gawin kapalit ng buhay ng mga anak ko."

Tumikwas naman ang gilid ng labi ni Rio.

"The sad thing is, you can't change my mind anymore, Raya. But don't worry, makakasama mo pa naman sila dahil pagkatapos ko silang patayin, ikaw naman ang isusunod ko. Magre-reunion pa kayo sa langit."

Lalong lumawak ang ngisi sa labi nito.

"I can't wait to see Astin while breaking so bad."

Gumuhit ang ligaya sa mga mata ni Rio. Habang nakatingin sa kawalan ay tila nakikita nito ang tagumpay na kanyang inaasam--ang labis na paghihinagpis ni Damielle Astin.

"Astin will be in so much pain. Mapatos siyang mamatayan ng anak ay sunod naman siyang mawawalan ng asawa. I can't wait to witness his downfall. Hindi na ako makapaghintay na makita siyang nagmamakaawa. Siya na rin mismo ang hihilingin sa'kin na patayin ko na lang siya."

Napaluha na lamang siya Raya Fae. Gusto niyang bulyawan ito at sabihing napakasama nito ngunit pakiramdam niya ay tinakasan siya ng lakas. Wala na siyang nagawa kundi hayaan na lamang ang pagpatak ng kanyang luha.

Nasa gano'n silang ayos nang bumukas ang pinto ng silid. Parehong napunta roon ang tingin nila. Pumasok ang dalawang lalaki at tig-isa nilang bitbit ang dalawang bata.

"Let go of me!" Masungit na wika ng batang si Devonne. Nakabusangot ang mukha nito. Mas mababanaag ang iritasyon sa mukha nito kaysa sa takot. Kabaligtaran naman siya ng batang si Damon na may luha sa pisngi at nanginginig sa takot.

"Mga anak." Hindi naiwasang maibulalas ni Raya Fae kasabay ng pagtulo sa kanyang luha. Agad naman niyang nakuha ang atensiyon ng mga bata.

"Mommy!" Agad na sigaw ni Damon.

"Mom!" Sunod naman na sambit ni Devonne ngunit nang mapansin niyang nakatali ang kanyang ina ay agad itong bumaling kay Rio Costor.

"You monster, what did you do to my mom?" Kitang-kita ang tapang nito habang nakatingin kay Rio.

"Devonne, anak." Agad namang saway ni Raya sa kanyang anak. Sa inastang iyon ni Devonne ay hindi niya naiwasan ang lalong makaramdam ng takot. Idagdag pa ang tinuran ni Rio na papatayin niya ang mga bata. Armado ang mga tauhan nito at kaunting pagkakamali lamang ay maaaring gawin ni Rio ang tinuran nito.

"Let go of my mom, monster!" Sunod na turan ng batang si Devonne.

Gumuhit naman ang ngisi sa labi ni Rio Costor.

"Manang-mana ka sa tatay mo. Sayang lang dahil hindi ka na makikitang lumaki ni Villacorda."

"I hate you, monster!" Hiyaw ng batang si Devonne sa halip na magpakita ng takot.

"Hate me all you want! I don't care!"

Hindi na umimik si Devonne ngunit lalong nalukot ang mukha nito. Hindi rin nakaligtas sa paningin ni Raya ang pagkuyom ng kamao nito.

Sandali namang napabaling si Rio Costor kay Raya Fae.

"Kalagan niyo siya." Walang emosyong turan ni Rio sa kanyang tauhan kasabay ng pagtalikod nito at paghakbang patungo sa pinto ng silid. Nang tuluyan itong makalabas ay binitiwan na rin ng mga tauhan ni Rio ang mga bata.

"Mommy!" Agad na nanakbo si Damon patungo kay Raya Fae. Lumuluha itong yumakap sa hita ng kanilang ina.

"Mom." Nakiyakap rin ang batang si Devonne sa dalawa.

Walang imik namang kumilos ang isa sa mga tauhan ni Rio upang kalagan si Raya Fae.

Nang tuluyan siyang makakawala sa tali ay mabilis siyang lumuhod at binigyan ng yakap ang kanyang mga anak. Hindi rin niya naiwasang mapaluha. Hindi na rin niya inintindin ang pag-iwan ng mga tauhan ni Rio sa kanila.

"Kumusta kayo?" Kumalas siya ng yakap sa mga bata at salitan niyang hinaplos ang pisngi ng kambal. "Sinaktan ba nila kayo?"

Umiling naman si Damon bilang tugon.

"We're fine, mommy. But I'm very scared. The bad guy said he will kill us." Lumabi ito at unti-unting sumungaw ang luha sa mga mata nito.

"Shhh. Don't be scared, okay? Mom is already here. Hindi papayag si mommy na masaktan niya kayo. "Hinaplos nito ang likod ng bata. Muli naman naiyak ni Damon.

"Tatakas tayo dito. Gagawa ako ng paraan para makaalis tayo dito."

Tama! Hindi siya papayag na matuloy ang plinaplano ni RiO Costor. Gagawa siya ng paraan upang mailigtas niya ang mga bata.

Ngunit kahit pilit niyang pinapatapang ang kanyang kalooban, hindi pa rin niya napigil ang mapaluha. Sobra siyang natatakot sa mga binitiwang salita ni Rio. Hindi siya natatakot mawala sa mundo ngunit hindi yata kakayanin ang mawalan ng mga anak.

"Don't cry, mom." Marahang tinuyo ni Devonne ang luha sa kanyang pisngi. "We don't want to see crying."

Noon na rin kumawala si Damon sa pagkakayakap sa kanya.

"Daddy will come to save us, mom." Wika ng batang si Damon habang yakap-yakap siya.

Gusto ring umasa ni Raya Fae na darating si Damielle Astin upang iligtas sila.

Alam niyang alam na nito ang pag-alis niya ng mansion. Gayunpaman ay hindi pa rin siya nakakatiyak kung alam na nito ang nangyari.

At kung sakali mang alam na niya, hindi rin siya nakakasiguro kung magagawa nito na matunton ang kinaroroonan nila.

"Daddy will defeat all the bad guy, mom."

"Sana nga dumating siya." Piping hiling ni Raya Fae.

Napapikit siya at taimtim na humiling sa kanyang isipan.

"Sana dumating siya bago pa mahuli ang lahat."