Chapter 20:

Sinara ko ang bibig ko sa sobrang gulat sa sinabi niya. "I... I don't know what to say."

"Yeah, It's really hard to believe," he chuckled.

"Pero... as far as I know, galing sa America si Ash," tanong ko muli. Still dumbfounded to his sudden confession.

He sighed. "Follow me," utos nito.

Hindi ako nagdalawang-isip na sundan siya. Gusto ko rin malaman ang lahat. Ang akala ko talaga kasi ay si Ash lang ang may gusto sa kaniya, hindi ko naman inakala na pati si Harvin ay meron ring tinatagong feelings.

Kumunot ang nuo ko nang dinala niya ako sa isang bakanteng classroom. I look at him confused. "Where are we?"

"Go there, I'll just stay here." Sumandal siya sa dingding.

"Diyan?" Tinuro ko ang abandonadong classrom, "Mukha namang haunted classroom 'yan, e!" I complained.

"Edi 'wag, hindi naman kita pinipilit," he bluntly said.

Napalunok naman ako sa sinabi niya. Sigurado akong hindi ako makakatulog hangga't hindi ko nalalaman kung anong meron sa loob. Nag-ipon ako ng lakas ng loob upang buksan ang pinto. Napangiwi ako dahil sa gaspang ng doorknob, dahan-dahan ko iyon binuksan. Napapikit pa ako ng bahagya nang marinig ang maingay na tunog ng pinto.

"Open your eyes," rinig kong ani niya.

Mabagal kong binuksan ang mga mata ko 'gaya ng sabi niya. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang laman ng classroom. Its very opposite than I imagine!

My mouth slightly opened at the sight of it. Puti ang dingding ng classroom, halatang bago pa lang itong pinta dahil malinis pa iyon. Meron ring mga iba't-ibang lights na nakasabit sa wall.

Dahan-dahan akong naglakad papasok sa classroom na akala ko ay abandonado. Hindi pa rin matanggal ang pagkamangha sa nakikita ngayon.

Mas lalo pa akong nagulat nang makita ang maraming pictures na nakasabit sa puting dingding. Litrato iyon ng dalawang bata, halata ang saya sa mga mata nila habang pinagmamasdan ko iyon. Pinaglandas ko ang mga daliri ko sa litratong nakasabit.

"It was me and Ashley," he uttered. Nakatayo ito sa gilid ko habang nakatitig din sa litrato.

"I know," I whispered, almost breathless.

"How come?" pagtanong kong muli.

"We grow up on the same neighborhood. We eventually became childhood best friends, lagi kaming magkasama at magkalaro. Pumupunta siya sa bahay namin at minsan ako ang pumupunta sa bahay nila. Pero noong tumungtong siya sa edad na walo ay agad silang lumipat sa America, it was so sudden that I didn't even had a chance to say goodbye," he explained.

"That pictures of ours was captured by my late dad." Tinuro niya ang mga litrato.

Kumirot naman ang puso ko sa sinabi niya. "Sorry..."

"You didn't had to," he laughed.

"Namana ko ang talento ni Dad sa pagkuha ng litrato, I want to be a great photographer just like him..." Nakita ko ang pagkinang ng mga mata niya habang sinasabi niya iyon sa 'kin.

Napatingin ako sa camera na nakasabit sa leeg niya. Napangiti ako, he's a dreamer, a great one.

"Alam mo ba kung paano ko nalaman na nandito na siya sa Pinas?" natatawa niyang tanong sa 'kin.

"Nakita mo siya sa School," I obviously answered.

Umiling ito. "Pumunta ako sa Hilltop para sana kumuha ng litrato ng sunset," natatawa nitong wika habang may inaalala, "Nahagip siya ng camera ko, sa huli ko lang nalaman na siya pala 'yon, 'yong childhood best friend ko." Kinuha nito ang phone niya sa bulsa. Pinakita niya sa 'kin ang lock screen wallpaper nito.

Naka-side view si Ash habang tumatawa, ang kulot niyang buhok ay tinatangay ng hangin. Ito 'yong time na pumunta kami sa Hilltop kasi hindi natuloy ang plano naming magsimba. Ang gandang coincidence lang.

"It's much more beautiful than a sunset isn't?" he stared at his wallpaper again.

I grinned, "Huwag mo naman sanang ipakita sa 'kin na patay na patay ka sa kaibigan ko."

Sumama ang timpla ng mukha niya. "Bitter talaga," mahina niyang bulong.

"Noong isang araw mo lang talaga siya nakita?"

"Yup," he said popping the 'P'.

"Hindi mo talaga siya nakita sa loob ng Campus?" I asked in disbelief.

"Hindi, alam mo namang malayo ang building naming taga-HUMSS sa inyo," aniya.

"Tiyaka busy kami lagi, 'no," he added.

"Baka ikaw lang," I joked, "Busy sa pambabae," hindi ko napigilang ani.

"Hindi ko 'yon itatanggi kasi totoo naman." Nagkibit balikat ito.

"But I'm willing to change just for her," he look at me with those full-of-love gaze.

I shrugged. "So, what are your plans?"

Nilibot niya ng tingin ang kabuoan ng classroom. A subtle smile crossed in his lips.

"I was planning to confess here..." he grinned, "I was also planning to court her."

"Bakit ang bilis naman?"

"Wala namang masama d'on," he grunted.

I rolled my eyes. "I'll help you," I gave him a tease look, "In one condition."

"What condition?" puno ng kuryoso niyang tanong.

"Don't hurt my friend, sasapakin talaga kita 'pag ginawa mo 'yon," I threatened.

He confidently smiled. "Ako ang unang sasapak sa sarili ko kapag nasaktan ko siya."

Napahinga naman ako nang maluwag sa sinabi niya. I just hope that he will stick to his promises. Hindi ko kayang makita si Ash na nasasaktan.

"I will come here tomorrow, tutulungan kita sa paghahanda," I gave him my most genuine smile.

"Thank you..."

~

"Buti at umabot ka pa sa klase," bulong ni KD sa likod ko. Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang sa pakikinig kay Ma'am.

"Kasama mo si Kiro kanina?" tanong niya ulit. Napakagat ako sa labi sa sobrang inis.

"Mamaya ka sa 'kin," I warned him.

Natawa ako nang bigla lamang ito nahulog sa upuan niya. Mas pinigilan kong matawa nang sinaway siya ng teacher namin sa harap na nagtuturo.

"You betrayed me, South," kunwareng dismiyado niyang wika. Tinago ko naman ang mga ngisi ko sa labi.

"Deserve."

Ibabalik ko na sana ang tingin sa harap nang nagtagpo ang mga mata namin ni Kiro. Mukhang kanina pa siya nakatitig sa 'kin. At base sa itsura niya ay mukhang inis na inis ito. May ginawa ba akong mali? Grabe naman siya makatitig.

"What?" I mouthed.

Mabilis niyang iniwas ang tingin niya at pabagsak na nilagay ang notebook niya sa bag. Napangiwi naman ako.

Mukhang siya na naman ang bad mood.