Chapter 21:

"Tangina, ang sakit ng ulo ko dahil sa Gen Math." Hinilot ni KD ang sintedo niya. Napatango naman ako sa sinabi niya, halos na-drained ang buong energy namin kanina sa surprise quiz ng Prof namin.

"Hindi kasi tayo nag-review noong Sunday at Saturday," dagdag pa ni Ash na kanina pa nakabusangot sa gilid.

"The exam is coming," pananakot pa sa 'min ni Kiro.

"Tangina! Ayaw ko na mag-aral." Kingdom frustratedly wiped his whole face.

Bumuga ako ng hangin bago pinagpatuloy ang pag-review ng notes kanina. Napatigil ako sa ginagawa ko nang tumunog ang cellphone ko. Mabilis ko agad na kinuha iyon sa ibabaw ng table.

Harvin The Loverboy:

Miss Sungit, saan na 'yong pinabili ko sa'yong heart ballons?

Napangisi ako nang makita ang message ni Harvin. Ilang araw na rin simula noong nalaman ko na may lihim pa lang pagtingin si Vin sa kaibigan ko at syempre dahil supportive akong kaibigan tinulungan ko siya para sa surprise confession niya para kay Ashley.

'Yong pinabili niyang heart balloons sa 'kin noong isang araw ay nandito na sa loob ng bag ko, balak kong ibigay 'yon ngayob. Naghahanap lang talaga ako ng tamang tiyempo upang magpaalam sa mga kaibigan ko.

"Sino ang ka-chat mo, Bebe South?"

Mabilis kong tinago ang phone ko dahil sigurado akong naghihinala na sila. Mabilis akong umiling.

"Wala," I defended.

"Okay..." he answered, still not convince.

Napalunok ako nang makita ang mapanuring titig ng dalawa. Hindi ko naman gusto mag sinungaling sa kanila para lang naman 'to sa ikakasaya ni Ash.

"Aalis muna ako." I hurriedly took all my things, I was about to turn my back when Ash suddenly spoke making me stop.

"Can I borrow your Polaroid camera?" She asks.

Dahil sa pagmamadali ay agad kong binigay ang camera sa kaniya. Nahagip pa ng paningin ko si Kiro na titig na titig sa 'kin. Kinakabahan akong napalunok.

I breathe to calm my nerves. "I'll go now!"

Lakad-takbo akong umalis papalayo sa kanilang tatlo. Ramdam ko ang paglandas ng pawis sa nuo ko sa sobrang kaba. Hindi ko talaga kaya magsinungaling sa kanila! Na-gu-guilty na ako.

Napabuga ako ng hangin bago pumasok sa so-called abandoned classroom. Agad ko namang namataan si Vin na nag aayos pa rin ng decorations sa loob. Kita ko talaga ang efforts niya these past few days kaya sigurado akong mahal niya talaga si Ash.

"Vin..." nahihingal kong tawag sa pangalan niya. Lumingon naman siya sa 'kin na may mga ngisi sa labi.

"Where's my balloons?" agad niyang tanong sa 'kin.

I rolled my eyes in the air. Kinuha ko ang isang pack ng heart balloons sa bag ko at hinagis sa kaniya. Nakangisi niya namang sinalo 'yon.

"Good job!" Binigyan ng ako ng thumbs up.

Umasim naman ang mukha ko. Kung alam niya lang ang struggles ko upang tulungan siya, tss.

Umupo ako sa bakanteng upuan at tinulungan siyang mag-decorate ng kung ano-ano. Nilibot ko ang tingin sa kabuoan ng gawa namin. Maramimg heart ballons na nakakalat sa sahig, mga pictures nila ni Ash na nakadikit sa puting wall, mga ginupit na hugis puso na nakasabit sa kisame, may table at dalawang upuan din sa harap at malaking cartolina na may nakasulat na "Can I court you, Miss Ashley?"

Napangiti ako habang pinagmamasdan si Vin na busy pa rin sa ginagawa. Hindi ko inaakala na may ganito rin pala siyang side. A playboy who was willing to change just for her girl, it's kinda romantic.

Napatigil ako sa pag-iisip nang marinig ang malakas na pagbukas ng pinto. Sabay kaming napalingon sa harap ni Vin. Kumabog ng malakas ang dibdib ko nang makita ang tatlo na gulat na nakatitig sa 'min.

Dahan-dahan kong nilingon si Harvin sa tabi ko na halatang gulat na gulat na rin. Nakatitig lamang siya kay Ash na ngayon ay tulala pa rin.

Hindi na ako nag aksaya pa ng panahon at agad na pinuntahan ang tatlo. Hinarap ko si Ash na mukhang pino-proseso pa rin ang lahat.

"Do you want to know the truth?" I calmly asked.

She slowly nod. Tinitigan ko muna siya bago tumango rin.

"Then stay here, Vin will explain everything to you."

Agad kong hinablot palabas ang dalawa pa na nakatitig lamang sa kabuoan ng loob. Mukhang hindi pa rin nila naiintindihan ang lahat.

Nang makalabas na kaming tatlo ay agad kong sinara ang pinto upang mabigyan ng privacy ang dalawa.

"Nakita mo 'yong nakita ko, North?" hindi pa rin makapaniwala na tanong ni KD.

Nagtagpo ang tingin namin ni Kiro. Ilang segundo kaming nagtitigan bago siya tumango sa 'kin na para bang nagpapahiwarig na naiintindihan niya na ang lahat.

"Ano?! Sabihin niyong totoo 'yong nakita ko doon!"

Hindi mapakali siyang nagpaikot-ikot ng lakad. Marahas siyang napabuga ng hangin.

"Gusto mo sampalin pa kita para maliwanagan ka?!" naiinis kong sigaw kay Kingdom.

Sumandal ito sa dingding at doon natulala ng ilang segundo.

"Seriously? May gusto talaga ang gagong iyon sa Pinsan ko? E, playboy 'yon e."

"Shut the fuck up, KD. Hindi ko naman pababayaan do'n sa loob si Ash kung wala akong tiwala kay Vin."

"Kailan pa kayo naging close ng lalaking iyon?" pagsingit ni Kiro sa usapan.

I sighed. "This Monday lang, nalaman ko na may gusto siya kay Ash. Pinaliwanang niya rin naman sa 'kin ang lahat kaya tinulungan ko siya, total may gusto naman si Ash sa kaniya kaya why not diba?"

"Sigurado kang magtitiwala ka diyan kay Harvin? Ang bilis niya naman yatang magkagusto kay Pinsan?" He shrugged, "Mag-iisang buwan pa lang dito si Ash sa Pinas, ah."

"Harvin is dangerous, Kira, huwag ka naman sana magpaloko doon," dagdag pa ni Kiro.

I exhaled. "They're childhood best friends and neighbors, pumunta lang si Ash sa America kaya nawalan sila ng communication sa isa't isa."

"Pwede niyong tingnan ang pictures na nakadikit sa loob mamaya."

Natahimik silang dalawa sa sinabi ko. Mukhang nakumbinse sa kwento ko sa kanila.

Napatitig ulit ako sa pinto sa harap. Ano na kaya ang nangyayari sa loob? Sana naman napaliwanag ng maayos ni Vin ang lahat kay Ash.

Ilang minuto rin ang lumipas nang lumabas na ang dalawa. Napuno ulit ng tensiyon ang paligid. Kumabog ng malakas ang dibdib ko nang makita ang pamumula ng mata ni Ash. Sinamaan ko ng tingin si Vin na tahimik lang. 'Pag talaga may ginawa siyang ikakasakit sa kaibigan ko sasapakin ko talaga 'yang mukha niya!

Mabilis akong lumapit kay Ash na ngayon ay wala pa ring emosyong nakatitig sa 'min. Naiiyak kong hinawakan ang balikat niya. Feeling ko kasalanan ko ang lahat kung bakit siya nag gaganito.

"Ash..."

"Aki, si Harvin..."

Ramdam ko rin ang pag-alerto nina KD at Kiro sa likod ko. Mas lalong kumabog ang puso ko habang pinagmamasdan siyang lumuluha na ngayon sa harap namin.

"He..." nahihirapan siyang lumunok dahil sa pag-iyak, "He likes me too!"

Para namang nabunutan ako ng tinik sa sinabi niya. Akala ko naman kasi kung ano na.

"Aki, siya si Harb! 'Yong best friend ko!" nagtatalon-talon ito sa harap ko.

"Harb? 'Yong batang dugyot dati?!" Napatakip ng bibig si KD dahil sa nadiskubre.

Napailing na lang ako. Mag-pinsan nga sila... parehong may saltik.

Nanigas ako sa kinatatayuan ko nang tumabi sa 'kin si Kiro. Ramdam ko ang hininga niya sa sobrang lapit nito sa 'kin.

"Did we just witness how their love story started?"