Chapter 19:
"Aki! Buti nakapasok ka!" Papasok pa lang ako ng classroom ay rinig ko na agad ang malakas na hiyaw ni Ash.
Sumimangot ako bago sinalubong ang mahigpit niyang yakap. Ano na lang kaya ang magiging reaction niya pag nalaman niyang nakasalubong ko si Harvin?
"Bebe South! Payakap din ako!" Lumapit rin si KD sa 'kin na base sa itsura niya ay papaiyak na. Ang OA talaga ng mag-pinsan 'to! Na-late lang naman ako tapos kung maka-react sila ay parang aalis ako papuntang abroad.
Sasalubungin niya na sana ako ng yakap nang mabilis ko siyang hinarang gamit ng bag pack ko. He groaned.
"Na-miss kita Bebe South," naiiyak niya pa ring wika. Mabilis naman akong lumayo sa kaniya.
"Kanina pa 'yan nangungulit si Pinsan sa 'kin, Aki!" Ash complained, still frowning.
Napahilot ako sa sintedo sa sobrang ingay nilang dalawa. Dumiretso na lang ako sa upuan ko at doon umupo. Sigurado akong susunod sila at uupo rin sa tabi ko. And I was right, pinag- gitnaan nila ako.
Nilagay ko ang bag ko sa ilalim at kinuha ang notebook ko upang kopyahin ang lahat ng lessons na nakasulat sa blackboard. Kailangan ko humabol sa lahat ng nakaligtaan kong lessons.
"Bakit ka ba na-late South?" tanong agad ni KD na nakaupo na sa kaliwa ko.
"I woke up late," I replied.
"Ano bang ginawa mo at na-late ka?" Ash added.
"Napagod lang siguro ako noong isang araw."
Ibubuka pa sana ni KD ang bunganga niya nang mabilis ko ng nilagay sa tenga ko ang headset. Nag-play ako ng maingay na music upang hindi na marinig pa ang mga sinasabi nila. I continued writing our lessons.
Bad mood ako ngayon dahil sa nangyari kanina. Naiinis ako dahil hindi man lang ako hinatid ni Kiro sa classroom namin. Tapos may asungot pa na bumunggo sa 'kin
Napatigil ako sa pagsusulat nang ma-realize ang rason kong bakit ako bad mood ngayon. Nag-e-expect na ako ng sobra kay Kiro, hindi dapat ako makaramdam ng ganito. I already discussed this to him, nag-promise ako na hindi na ako magiging dependent sa kaniya. And I shouldn't break my promises.
Napabuga ako ng marahas na hangin at tumigil sa pagsusulat. I frustratedly wiped my whole face. Kinuha ko ang nakalagay na headset sa tenga ko at hinarap si KD na nasa tabi ko.
"Pahiram ako ng notes mo mamaya." I sighed, "tinatamad akong magsulat ngayon."
Nagdadalawang isip itong tumango. He turned his head sideways, examining my face. "Are you okay?"
"I'm okay," I said bluntly.
His forehead creased. "You're not."
"Don't mind me, I was just..." I breathe, "being dramatic again."
"Si Kiro na naman ba?" mahinang tanong niya.
"Nevermind." Pinagpatuloy ko ulit ang pagkopya ng lessons.
"You're not being dramatic Kira, your feelings are valid," I heard him say.
~
Nang natapos ang klase ay agad nag-aya ang dalawa na pumunta sa Cafeteria. Kahit na bad mood ako ay pinilit ko pa ring makisabay sa mga biro nila. Natapos na ang klase pero kahit anino ni Kiro ay hindi ko nakita. Baka may ginawa pa sila ni Bethany?
Bumuntong hininga ako. Ba't parang nakikiagaw ako ng atensyon sa girlfriend niya?
"Aki, are you really okay?" Ash asked, worried.
Umupo ako sa upuan ng table na napili namin. I sighed once again.
"Sabihin mo kay KD na um-order na, I'm already starving," sumimangot ulit ako.
"Um-order na siya," she replied.
Inangat ko ang tingin ko at sinalubong ang mga titig niya. Ngumiti naman ito sa 'kin.
"Crush mo pa rin si Harvin?" biglaang tanong ko. Nanlaki ang mga mata niya. She avoided her gaze.
"I don't like him anymore..." She trailed, "It's okay though, wala naman talaga siyang feelings sa 'kin."
She turned away as her eyes welled up with tears. "You still like him," I said with the matter-of-fact tone.
Naningkit ang mga mata ko nang mahagip ng mga mata ko ang lalaking pinag-uusapan namin ngayon ni Ash. Nang dumako ang mga tingin nito sa 'kin ay agad siyang kumaway sa direksyon ko. I rolled my eyes at him. Iniwan ko ito kanina kahit na may sasabihin pa sana siya sa 'kin, feeling ko kasi masasapak ko siya ng wala sa oras pag tumagal pa ako.
Ibabalik ko na sana ang tingin ko kay Ashley nang may mahagip ulit ng tingin ko ang phone ni Harvin. Kitang-kita ko kung sino ang wallpaper niya! It was Ashley! Hindi ako pwedeng magkamali.
Binaling ko ulit ang mga tingin ko kay Ash na ngayo'y tahimik na. Gulat man sa nakita kanina ay pinili ko pa ring kumalma, kailangan ko muna siguraduhin na siya talaga ang wallpaper ni Harvin sa phone niya.
"Hintayin niyo muna ako dito ni KD, babalik lang ako." I stood up and tried to fix my crumpled uniform, getting ready to leave.
"Where are you going?" naguguluhan niyang tanong.
I didn't bother to answer her, mabilis akong umalis at sinundan si Harvin na ngayon ay mag-isang naglalakad palabas sa School.
"Harvin!" I called his name loudly.
He stopped in midway. He slowly turned his back at me. Nakangisi siyang lumapit sa direksiyon ko.
"Oh? Miss Sungit," agad niyang wika nang nakalapit na ito sa 'kin.
Hindi ko siya pinansin at agad na kinuha ang cellphone na hawak-hawak niya. Hindi ito agad naka-react dahil sa mabilis na kilos ko.
Agad kong binuksan ang phone niya at tama nga ako si Ash talaga ang lock screen wallpaper niya. Binigyan ko siya ng nakakamatay na titig dahil sa nadiskubre ko. Nanlaki naman ang mga mata niya at mabilis na inagaw sa 'kin ang phone niya.
He took a deep breath before turning his gaze again at me. His eyes is serious and deadly.
"Fuck..." he cursed, "You found out," he then added.
Mabilis ang paghinga ko habang nakatitig sa mala-kulay abo niyang mga mata. Parang kumulo ang dugo ko habang iniisip pa lang na may gusto niya si Ash, my friend doesn't deserve him! He's a fucking playboy!
"You like her do you?" I asked.
"I do," he confessed. Mabilis niyang iniwas ulit ang mga tingin niya.
"I already like her for a long time, as long as you ever imagine."