Chapter 14:
"Seryoso ka ba sa tanong mong iyan, pinsan?" natatawang usal ni Ash.
Nagkatitigan muna kami ng ilang segundo ni KD bago niya iniwas ang kaniyang mga tingin. Napatikhim ito.
"Hindi. Curious lang talaga ako," KD said with humor.
Napabuntong hininga ako bago tinuon ang buong pansin kay Kiro.
"So, shall we start again?" He laughed a bit. "Sana ikaw na naman ang ituro ng bote, pinsan. Ang unfair na dito sa'min, e"
"Kasalanan ko pa?" sarcastic na sabat naman ng pinsan niya.
Kiro groaned at them. Mukhang naiinis na sa away ng dalawa. Mabilis na pinalibot ko uli ang bote upang matapos na sila sa pag-aasaran.
Napasigaw kaming tatlo sa tuwa nang sa wakas ay si Ash na ang tinuro ng bote. It's our turn now!
"Truth or dare?"
"Truth!" She exclaimed.
"Who's your crush?" nakangisi kong tanong.
Namula ang magkabila niyang pisngi. Aba! Mukhang may tinatago siya sa'min, a!
Nahihiya naman itong umiwas ng tingin. Mas lalo pa akong napangisi nang makita ang pag-iba ng reaksiyon ni KD. Hala! Lagot siya sa pinsan niya! Baliw pa naman 'yang si Kingdom.
"Who's that unfortunate guy?" may diin na tanong ng pinsan niya.
Bahagya pa akong nagulat habang pinagmamasdan si KD. First time kong makita siyang ganito ka seryoso. Nakakapanibago.
"Grabe ka naman! Siya pa talaga ang malas? Swerte niya kaya dahil may naka-crush sa kaniyang katulad ko!" She irritatedly rolled her eyes.
A small smile crossed my lips.
"Sino nga 'yon?!" mas inis na tanong ulit sa kaniya ni KD.
Lumingon ako kay Kiro na ngayon ay nakatitig na pala sa 'kin. I nervously gulped. Grabe! Bakit ang intense naman ng mga titig niya?
Pinaypayan ko ang sarili ko gamit ang aking kamay habang pilit na iniiwas ang tingin sa lalaking nakatitig sa 'kin.
"S–si Vin. . ." Ash pouted. "Siya 'yong crush ko."
Gulat ko naman siyang nilingon. Hindi ako makapaniwalang tinitigan si Ash na ngayon ay kasing pula na ng kamatis.
"Gago? Siya ba 'yong HUMSS student sa kabilang building?"
Mukhang nagulat rin si KD kagaya ko.
"Si Vin? As in si Harvin Guerrero?" hindi ko pa ring makapaniwalang usal.
Napatakip ako sa bibig ko nang dahan dahan itong tumango. Huh? Seryoso ba siya? Si Harvin na playboy? E, halos araw araw nag-iiba 'yon ng babae. May girlfriend nga 'yon dati na ka-strand din namin kaso one week lang sila.
"Don't be so close to him, he's a playboy," Kiro warned her.
Sabay naman kaming napatango ni KD sa tinuran niya. Tama si Kiro! Hindi dapat siya makipag-close doon! He's a freaking manwhore!
"Oh? Ang dali niyo namang mag-judge! Rumor lang 'yon, no!" Mas lalong napanguso si Ash.
Umupo ako sa tabi niya at doon siya inakbayan. "Concern lang kami sa'yo, Ash, halos lahat naman ata ng babae doon sa university natin, naikama na ni Vin."
"Ayaw ka lang namin masaktan," dagdag pa ni Kiro.
Malalim akong napabuntong hininga habang pinagmamasdan siya. Mukhang natamaan talaga siya kay Vin na 'yon.
She look up at me. "Crush pa lang naman, siguro makaka-move on pa ako nito," she smiled sweetly at me.
I smiled back. "Yeah, marami pang iba diyan."
"Maswerte pa ako kasi hindi gaano kalalim ang nararamdaman ko, hindi gaya sa'yo," binigyan niya ako ng nanunuksong tingin.
Pinigilan ko ang namumuong ngiti sa labi ko. Duh? Alam na kaya ni Kiro ang feelings ko para sa kaniya.
"Pasok na tayo!" pag-aya ko sa kanilang tatlo.
Dahan dahan akong tumayo at pinagpagan ang sarili ko. Agad naman naming nilinis ang veranda bago pumasok sa loob.
Wala ngayon ang mga parents ni KD kaya pinayagan kaming mag sleep over dito. Sa guest room kami matutulog ni Ash habang sila naman ni Kiro ay doon matutulog sa kwarto niya.
"Goodnight, Bebe South!"
Napatigil ako nang marinig ang sigaw ni KD. Nginitian ko lamang siya. Agad ko namang tinuon ang pansin kay Kiro na mukhang may hinihintay pa sa harap ng pinto.
"Goodnight, Kiro. . ." I whispered.
Mukha namang hindi niya iyon narinig dahil dumiretso lang ito sa kwarto ni KD. Napabuntong hininga na lang ako at agad na pumasok sa guest room.
Nilibot ko ang tingin ko sa loob ng kwarto. Mukhang naligo pa si Ash sa bathroom dahil wala pa ito sa kama.
Naghilamos lamang ako at nagbihis ng pajama. Mukhang hindi talaga kasi sanay si Ash na hindi naliligo tuwing gabi.
Napailing na lang ako at binagsak ang katawan ko sa malambot na kama. Napatitig ako sa puting kisame.
Everything I could not say.
Entry 83.
Kiro is my other half. We grow up together. Same kami ng birth date. Kapag nag-aaway kami, ice cream lang ang kailangan upang magkaayos kami. We love to watch the sunset and sunrise together. His parents and mine are best friends. Although he changed, alam ko pa rin ang mga bagay na tungkol sa kaniya. We're almost perfect to each other.
Pero sapat nga ba lahat ng iyon upang sabihin na kami ang tinadhana para sa isa't isa?
Lahat naman ng bagay sa mundo na ito walang kasiguraduhan kaya hindi na rin ako mabibigla pa kung hindi man kami ang para sa isa't isa.
Hindi naman natin mako-kontrol ang tadhana diba? Ang kailangan nalang natin ay tanggapin ito at sabihin sa sarili na "Everything has a reason" ng paulit ulit.
Kung sa iba, sigurado akong sasabihin nila na useless lang ang lahat ng ginagawa ko para kay Kiro. Pero para sa 'kin, lahat ng ginawa ko ay worth it. Kahit hindi man kami ang para sa huli, masaya na rin ako dahil kahit papaano may ginawa ako para sa kaniya. Kiro will always be worth it, it will always be.
"Kumusta ka?"
Inaantok kong inangat ang nga tingin ko kay Ash. Mukhang kakatapos niya lang maligo. I slowly smiled at her.
"I'm okay."
"You sure? Mukha kasing hindi," natawa ito nang bahagya.
Napangisi naman ako. Naramdaman ko ang pagbigat ng kama kaya umusog ako ng kaunti.
"Tulog ka muna diyan. Kailangan ko pa mag-blower," I heard her saying.
Napatango ako sa sinabi niya. Pagod kong pinikit muli ang mga mata ko. Dahil sa pagod ay agad akong nakatulog.
"Kira! bilis may ipapakita ako sa'yo"
Napalingon ako sa pinang-galingan ng boses. Napangiti ako nang makita si Kiro na kumakaway sa kalayuan. Dahan dahan siyang lumapit dito.
"Saan ba?" naguguluhan man ay bakas pa rin ang saya sa boses ko.
"Basta."
Nanlaki ang mga mata ko nang bigla niya na lang hinablot ang aking braso. Hindi na ako nagsalita pa at sinunod na lang siya.
Mabilis kaming naglakad patungo sa gubat kung saan lagi kami naglalaro.
Nang huminto na kami ay agad niyang tinakpan ang mga mata ko gamit ang mga kamay niya. Rinig ko naman ang munti niyang tawa habang ako ay pilit pa ring tinatanggal ang kamay niya sa mata ko.
"Surprise..." mahina niyang bulong sa tenga ko.
Dahan dahan niyang tinanggal ang kamay niya sa mga mata ko dahilan para maaninag ko ang liwanag. Nang maging malinaw na ang paningin ko ay agad kong tinanaw ang nasa harap.
Nanlaki ang mga mata ko habang pinagmamasdan ang tree house na nasa harap namin. Ito ang puno na laging inaakyat namin lagi!
"Sinabi ko kay dad na gawan tayo ng tree house," nakangiti niya pa ring usal. "Paborito mo 'tong puno, diba?"
Tumango ako. "Uhmm..."
Naramdaman ko ang paglandas ng maiinit na luha pababa pisngi ko.
"Bakit ka umiiyak?" may lambing na tanong niya.
I shrugged. "Nothing, akyat tayo doon!"
Pinahid ko ang mga luha ko at agad na inaya siyang umakyat sa tree house. Dali dali naming inakyat ang taas at agad na pumwesto sa malaking bintana.
Napanganga kaming pareho nang maabutan namin ang papalubog na araw. Ang pinaghalong kahel at dilaw sa kalangitan ay napakaganda!
"Kirsou."
"Huh?"
Napalingon siya sa 'kin habang nakangiti pa rin. "Our tree will be named Kirsou."
"Huh? Saan mo nakuha ang pangalang 'yan?"
Sa halip na sagutin ang tanong ko ay nagkibit balikat na lang ito.
"We should go here more often," he smiled.
Nang magtagpo ang mga tingin namin ay doon ko ulit naramdaman ang pagbilis ng tibok ng puso ko.
"Together?"
"Yes, together."