Chapter 13:
"Gagi! Ang ganda ng stars!"
Natawa kaming tatlo sa reaksiyon ni Kingdom. Mukha itong bata habang pinagmamasdan ang mga bituin sa langit. Halata rin ang saya sa mukha ng dalawa ko pang kasama habang pinagmamasdan rin ang mga butuin.
We're now here in Kingdom's place. Naglatag kami ng tela dito sa rooftop nila at napagdesisyunang mag-star gazing gaya ng plano. Sa una ay hindi talaga ako makapaniwala nang makita ang bahay este mansion nila KD, hanggang limang palapag lang naman ang taas ng bahay nila, tapos ang laki pa ng space sa loob. May nakita pa akong indoor pool at malaking fountain habang naglalakad kami. It's a very huge house pero ang lungkot ng atmosphere sa loob. Mukhang gaya nga ng sabi ni Ash, si KD lang at ang mga yaya nila ang tao sa mansion. I felt really bad for Kingdom, he must be so lonely here. Hindi na rin namin pinag-usapan ang tungkol sa buhay ni KD, sigurado kasing magiging uncomfortable siya doon. We don't want to ruin this moment, not today.
"It's cold. . ." Ash shivered. She hugged herself. Mas lalo niyang hinila ang ang makapal na sweater na suot nito.
"Saan ang snacks natin?"
"Wow! Nilalamig na dito ang paborito mong pinsan tapos snacks pa rin ang nasa isip mo?" Ash said in disbelief.
"Hanapin mo pake ko," KD mocked at his cousin.
Sasawayin ko na sana sila nang naunang magsalita si Kiro na ngayon ay nasa tabi ko.
"Kinuha mo kay Kira ang snacks Kingdom, and Ash kung nilalamig ka pumasok ka sa loob," malamig na tono na saway niya.
"Grabe ba't parang mas malamig pa ang boses mo kaysa sa hangin?" pagpaparinig ni KD na ngayon ay nakangisi na.
Isa-isa kong pinagkatitigan ang mga mukha nila habang nag-aasaran pa rin sila.
A small smile curled in my lips. Ito na yata ang pinaka-memorable na nangyari sa buhay ko. Hindi pa rin ako makapaniwala na magiging parte rin ng buhay ko ang dalawang mag pinsan na ito. I used to hate them you know.
Mas lalo pa kaming napasigaw sa tuwa nang makakita ng falling star sa madilim na langit.
"Wish tayo! Sabi nila pag nakakita ka ng falling star dapat mag-wish ka, magkakatotoo daw iyon!" masayang wika ni Ashley.
Hindi naman ako naniniwala sa mga gano'n pero wala namang mawawala kapag maniwala ako ngayon, right?
"Okay, let's wish!" pagsang-ayon ko.
Nagkatinginan kami ni Kiro. Tumango siya sa 'kin at ngumiti. Napadako rin ang tingin ko kay KD na ngayo'y nakatingin na rin sa 'kin. He also smiled at me.
Nang binigay na ni Ashley ang hudyat ay doon na namin pinikit ng sabay sabay ang aming mga mata. Pinagsiklop ko ang aking mga kamay at nagsimula ng humiling.
If totoo man talaga 'to. Isa lang ang hinihiling ko. Gusto ko mahanap na ni Kiro ang totoong kasiyahan niya. I want him to find his own happiness even I'm not part of it. That's all.
Dahan dahan kong minulat ang aking mga mata nang matapos na ako sa pag-wish. Napangiti ako nang magtagpo ulit ang mga tingin namin ng lalaking laman ng hiling ko.
"What did you wish?" he curiously asked.
Natatawa akong napailing. Sasabihin ko lang ang ito sa kaniya pag natupad na 'yon.
"Secret," I playfully replied.
"Grabe! Dito pa talaga kayo naglandian sa harap namin ng pinsan ko!" Kingdom grunted.
Binelatan ko na lamang ito at tinuon ang pagkain sa chips na nasa harap namin. Ako ang bumili nito lahat kaya dapat sulitin ko na. Patay gutom pa naman ang ang dalawang 'to.
"Laro tayo ng Truth or dare!" Ash suggested.
"Sali ako, pinsan!"
"I'm also in," pagpayag ko.
Sabay kaming napatingin sa lalaking seryosong nanonood sa'ming tatlo. I scoffed. Huwag naman sana siyang maging KJ ngayon.
"Hilaga! Sali ka na, please..." The girl right beside me pleaded at him.
"Don't be so killjoy again, Kiro"
"Payag ka na, North!"
Dahil nga sa pangungulit naming tatlo ay agad namin siyang napapayag. Tawang tawa pa kami kasi parang pinagbagsakan ng lupa ang mukha ni Kiro.
"Pinsan, saan na ang bote ng softdrink kanina dito?"
"Aba malay ko!"
"Hanapin na lang kaya natin? Ano? Mag-aaway pa kayo, e!" I scolded.
"Nasa likod mo, Kingdom," rinig kong sabat ni Kiro sa tabi ko.
Nang mahanap na ni KD ang bote ay agad niya na itong nilagay sa gitna namin.
"Ready?"
We all nod in unison. Kinakabahan man ay ramdam ko pa rin ang excitement sa loob-loob.
Napaayos ako ng upo nang magsimula ng umikot ang bote sa gitna naming apat. Napangisi ako nang tumama ang dulo ng bote sa direksiyon ni KD.
Sumama naman ang timpla ng mukha niya habang nakatitig sa bote.
"Wala! Ang daya! Bakit ako agad?" he complained.
Napaismid ako. As if naman dadayain namin siya!
"Huwag ka nang magreklamo diyan!" I rolled my eyes at him.
Mukha naman siyang nasindak sa 'kin dahil napatahimik ito.
"Oo na!" labag sa loob na usal nito.
"Truth or dare?" Si Kiro ang nagtanong sa kaniya.
"Dare," nakangisi niyang sabat.
"Sige, sayaw ka ng otso-otso sa harap namin," I dared at him.
He confidently stood infront of us. He mischievously grinned.
Hindi ko mapigilang matawa nang malakas nang nagsimula na siyang sumayaw ng otso-otso sa harap namin. Nakasimangot lang ito habang ginagawa iyon. Mukhang hindi na siya nagagandahan sa ginagawa niya.
"Grabe kayo! Ang sama sama niyo sa 'kin!" nakasimangot pa rin siya nang matapos na ito.
We just laughed at him. Nang si Ash na ang pumaikot ng bote ay tumama ito kay Kiro. Narinig ko naman ang pag buntong hininga niya na mas lalong nagpa-excite sa 'kin.
"Go Kiro!" I cheered loudly.
Napangiti ako sa kaniya nang magtagpo ang mga tingin namin. Ramdam ko ang pagbilis ng tibok ko habang nakatitig pa rin sa kaniya.
I can feel the deep connection between us. Siguro dahil lumaki kami ng magkasama kaya kahit magkatinginan pa lang kami ay ramdam na namin ang kakaibang koneksyon sa isa't isa?
Well, that's the point maybe.
Nagising ang diwa ko nang may narinig akong tumikhim. Narinig ko rin ang mahinang hagikhik ni Ash sa tabi ko.
"Sweet..." Ash whispered.
Pasekreto ko siyang binangga sa balikat. She giggled cutely.
"Okay... Kiro, truth or dare?"
"Dare," he immediately replied.
"Ikaw na ang magtanong, Aki!"
I bit my lower lips to prevent myself from smiling. I nod at Ashley. Alam na alam niya talaga ang dapat gawin.
"T–truth or dare?" I stammered.
"Truth"
Nag-isip muna ako ng tamang tanong bago hinarap ang mga titig niya.
"Kayo na ba talaga ni Bethany?"
Napakagat ako sa labi ko nang nagbago ang timpla ng mukha niya. Medyo na-guilty naman ako sa tanong ko. Mukha kasing private ang relationship nila.
Binalot kami ng nakakabinging katahimikan bago marinig ang pagtikhim ni Kiro. I awkwardly smiled at him.
I just hope that I didn't offend him.
"Yes, we're in a relationship"
Nakatitig lamang siya sa 'kin habang binibigkas ang mga salitang 'yon. Kumurap ako upang pigilan ang namumuong luha sa gilid ng mga mata ko.
Even though I'm hurting, I still manage to smile at him. Ako ang nagtanong no'n sa kaniya kaya wala akong karapatang maluha sa harap niya. It's my fault.
"Uhh, a–ako na ang iikot ng bote," I spoke.
They'll nodded in response. Mukha namang bumalik na ang dating atmosphere sa paligid nang nag-joke si KD.
"Oh! Ikaw na, Bebe South!"
Ngumiti ako ng pilit nang makitang nakatuon na sa 'kin ang bote. Rinig na rinig ko naman ang malakas na tawa nila.
"Truth or Dare?"
"Truth," I answered.
"If you'll meet someone na mas deserve mo, handa ka bang bigyan ito ng chance?
Nagkasalubong ang kilay ko nang marinig ang tanong niya. Naghintay muli ako ng ilang segundo, nagbabasakali na baka isa lang ito sa mga joke niya.
"Anong klaseng tanong 'yan, Kingdom?"
Napalunok ako sa uri ng titig niya. Nang makitang seryoso talaga siya sa tanong niya ay doon ko na lang napagdesisyunang sagutin ito.
"Hindi," I answered, honestly.