Chapter 12:

"Kiro?" I called his name hesitantly.

He look up at me and smiled.

"You look good," he complimented.

I wore my black jeans and white hoodie. It's just plain, there's nothing good at it.

"Sinungaling, tch."

Natawa kami pareho. Inaya niya akong sumakay sa kotse niya. Umupo ako sa harap bago niya pinaandar ang sasakyan.

"So, saan tayo pupunta?" I'm the one who started a conservation between us.

"Secret." He smirked.

Nanahimik na lang ako at tinago ang namumuong ngiti sa mga labi ko.

"You don't want KD and Ashley to come with us?" pabiro kong tanong.

"It's not that I don't want them to come with us."

"Then, bakit tayong dalawa lang?"

"I just want to be with you, it's just that. . . t–this day is really hard for me." Malakas itong napabuntong hininga.

Naguguluhan man ay tumango na lang ako. He's in pain, I know that. Gusto ko man magtanong pa ay pinili ko na lang itikom ang bibig ko.

Baka nag-away lang sila ni Bethany o baka may bagay lang talaga siyang ikina-inis.

"I also want to spend more time with you, 'yong walang away." He laughed.

He's right. Lagi na lang kami nag a-argue sa tuwing magkasama kami. Siguro it's time para mag-usap kami nang maayos, 'yong walang sigawan.

"It's also a great chance for us to create more happy memories," he added.

Bakit hindi ba masaya ang memories namin dati? Ah, nevermind.

Nasaktan man sa sinabi niya ay pinili ko na lang ngumiti. Just like what he said, we should not argue even just for now. I should live in the present, not in the past.

"Okay, as long as I'm with you."

We smiled at each other when our eyes met.

~

"So, this is it?" I awkwardly asked him.

Binalik ko muli ang tingin ko sa harap. Bahagya pa akong napangiwi dahil sa sobrang tahimik ng lugar. Nandito kami sa Plaza, na walang tao which is very suspicious. Alam kong madaming tao ang laging tumatambay dito kaya nakakapagtaka kung bakit kahit isang tao ay wala akong makita.

Napatango tango ako nang may maalala. Nilingon ko siya bago ngumiti.

"Yeah, I almost forgot. You hate crowded places," I smiled to tease him a little.

"No! Ofcourse not! I already changed, kaya ko nang makipaghalubilo sa mga tao," he reasoned out.

Napangiti ako sa sinabi niya. I know him better than his parents kaya hindi niya ako maloloko.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Oh? Talaga?" I teased him more.

Halata naman ang kaba sa mukha niya dahil sa sinabi ko.

"You can prove me that. Punta ka sa Park ng mag-isa." Pinag krus ko ang mga braso ko.

He nervously gulped. He look like he would throw up anytime.

Iyan talaga ang isa sa problema ng mga magulang niya dati. God knows how much Kiro hates crowded places.

Kaya niya namang lumabas kahit may maraming tao, pero dapat talaga may kasama siya.

Nasusuka kasi siya pag maraming tao. Kaya nga in-enroll siya ng Papa niya sa school namin kasi walang masiyadong estudyante doon.

"You know I can't, Kira," madiin niyang wika.

Natawa ako nang bahagya.

"Akala ko ba kaya mo na?"

Nahihiya siyang napakamot sa batok niya. He look away.

"Sorry. . ." He looks so guilty.

"Mas okay na nga 'to, walang isturbo."

Umupo kami sa kalapit na swing at doon nagpahinga. Binalot kami ng katamikan.

"Wait here, may kukunin lang ako sa sasakyan."

I slowly nod. Sinundan ko na lamang siya ng tingin habang tumatakbo ito patungo sa sasakyan niya.

I played at my fingers while waiting for him to comeback. Wala pang minuto ay agad ko na siyang namataan. Tumayo ito sa harap ko habang dala dala ang isang plastic sa kanang kamay niya.

"Kira, look what I've brought!" Pinakita niya sa 'kin ang dala niya na parang bata.

It's an ice cream, my favorite flavor. I look up at him who's now smiling.

I smiled back. "You brought that?" Hindi ko makapaniwalang tanong.

"Yes, I thought it would be nice to watch the scenery while eating our ice cream. . . I m-mean your ice cream" Napatikhim ito.

"Just like what we used to do," I whispered. Mukhang hindi niya naman ito narinig. Bumalik ulit siya sa pwesto niya bago inabot sa 'kin ang ice cream.

It's Cornetto Ice cream. Not the gallon one.

Pagkatapos ko balatan ang takip ng ice cream ay agad ko itong nilantakan.

"Nagawa na natin 'to diba?" Rinig kong tanong niya.

I licked my ice cream before nodding at him.

"'Yong kumain tayo ng ice cream habang pinapanood ang sunset?"

"Hindi ba boaring? Lagi na lang ganito," he grumbled.

"Ofcourse not, how could it be boaring? Kahit araw-araw pa tayong kumain ng ice cream hindi ako magsasawa," saad ko naman.

Napakagat ako sa labi nang ma-realize ang nasabi ko.

"I mean you're my friend, syempre gusto kitang kasama," I reasoned out.

His dark eyes were smiling down at me. "Thank you."

"For what?"

"For staying and being my friend"

"We're already friends since we were born Kiro," I joked.

"I mean nag-sorry na ako sa'yo pero hindi pa kita napapasalamatan," sambit niyang muli.

Nakangiti kong tinitigan ang mga ulap sa langit. I was still holding my ice cream while staring at the sky.

"People barely appreciate the sky, the sunset, the moon and even the stars. Kasi nasanay na silang lagi itong nandiyan. Pero paano pag bigla itong nawala?" Nilingon ko siya.

"They will miss it for sure," he answered.

"Posible ba talagang mawala ang sunset, clouds, moon and stars sa langit?"

I know it's weird to asked him something like that but I can't help it! I want answers.

"Anong akala mo sa 'kin? Genius?" He said with an odd smile.

"Kontento na siguro sila na may isang taong nakaka-appreciate sa ganda nila."

"Sino naman 'yon?"

"You"

"Ako?" Hindi ko makapaniwalang turo sa sarili ko.

"Hindi lang naman ako ang may gusto ng mga ganoon," I obviously stated.

Ginulo niya ang buhok ko. "You will understand what I mean someday."

"I'm willing to understand everything just for you, Kiro."

Siguro dadating rin talaga ang araw kung saan maiintindihan na namin isa't isa. Alam kong may iba pang rason kung bakit niya ako iniiwasan, at 'yon ang aalamin ko balang araw. Hindi lang sa ngayon.