Chapter 31
Isinama si Caleb ng dalaga para sa dinner nito kasama si Mr. Carter at ang fiancée raw nito. Titingnan niya kung totoo nga ba ang sinasabi ng dalaga. Hindi naman sa wala siyang tiwala pero baka kasi gusto lang ihambing ng Amerikano na iyon ang kanyang nobya at ang fiancée nito at kapag nakita nitong mas nakalalamang ang syota niya baka ay palitan nito ang fiancée.
Yeah, that was how wild his imagine ran through his head. Hindi niya alam ay baka dahil sa isa siyang babaero kaya ganito siya kaapektado at ganito siya mag-isip at ka-paranoid.
It turned out that Mr. Carter’s fiancée was also pretty, like his girlfriend. Pero siyempre, hindi niya ipagpapalit si Darielle o sa kahit kanino pa mang babae.
Ipinakilala siya ng dalaga bilang nobyo na ikinatutuwa niya. Bahagya pang nasorpresa ang Amerikano pero idinaan nito iyon sa biro.
Isa palang intern at magiging doktor na ang fiancée nitong si Jasmine. Malapit na.
Maraming kuwento ang magkaibigang nawalan ng communication nang dahil sa pag-migrate ng pamilya ni Jasmine sa US pagka-graduate ng mga ito ng high school. Lumipat ng inuupahang bahay ang mag-ina nang mamatay ang ama ni Darielle sa isang aksidente kaya hindi na nakuha ang sulat na ipinadala ng kaibigan. Dahil sa walang social media accounts ang nobya niya kaya hindi mahanap ni Jasmine ang dalaga. Pero natutuwa ito ngayon dahil nagkatagpo silang muli nang dahil sa nobyo nitong si James.
Napalis na ang kanyang pagseselos sa Amerikano kahit papaano. Nag-usap naman silang dalawa habang nag-iinuman sa bar ng restoran. Tungkol ito sa trabaho samantalang ang dalawang babae ay naiwan na ngayon sa mesa nilang inokupahan.
“I think you’re a very lucky man, Caleb.” Sila naman ang first name basis ni James ngayon.
“Yeah?”
Tumawa ito nang marahan. “Darielle looks quite a catch, if I may say.”
Tumango siya. “Jasmine seems a very nice young lady, too,” balik niya rito bago tinungga ang buong shot ng tequila.
Tumawa at tumango ang Amerikano. “I don’t think I can find someone to replace her. I’d be a fool to let go of that one!” Then, he made a face.
Nagkatawanan silang dalawa.
Buti na lang loyal pala si James kay Jasmine.
Napasulyap siya sa kanyang nobya na nakangiti sa kaibigan nito. Nagtama ang paningin nila ni Darielle nang sumulyap ito sa gawi nila at kinindatan niya ito. Ngumiti ito sa kanya bilang ganti.
Ang sarap sa pakiramdam niyang ngitian siya ng nobya. Parang sumayaw ang puso niya sa kaligayahan. Hanggang ngayon ay tila nagde-daydream pa rin siyang napasakanya na si Darielle. Hindi siya makapaniwala. Kaya naman ay hinding-hindi niya ito pakakawalan kahit kailan pa man.
***
“Jas, sa tingin mo seryoso sa ‘kin ang lalaking ‘yan?” naitanong ni Darielle sa kaibigan. Bahagya niyang ininguso ang kanyang naturingang boyfriend na kausap ang mapapangasawa ng kaibigan.
Napahagikhik si Jasmine sa kanya. “Bakit mo naman ako tinatanong niyan, Darielle?”
Kumibit siya. “Babaero kasi ‘yan, Jas. ‘Di mo lang alam.”
Tumawa ang kaibigan niya. “Eh, kung gano’n, bakit mo sinagot?”
Napatawa siya nang mahina na napailing. “Honestly, I don’t know. I really think that I’ve lost my mind. Having a commitment is a complicated thing. But I thought I’d give it a shot. Just that, I don’t know why it should be with him.” Sumeryoso siya kaya sumeryoso na rin si Jasmine. Inabot nito ang kamay niya para hawakan iyon.
“Friend, I think you have to see it for yourself, although sa tingin pa lang niya sa ‘yo ay wala akong masabi kundi… he’s so into you. Parang gusto kang lamunin nang buhay, right here, right now!”
Nagkatawanan silang dalawa. “Seriously?”
“Oo. You’re really in love with him, right?” paninigurado ng kaibigan niya. Tinantiya siya ng mga mata nitong dark brown.
“Ikaw ba, paano ka nakasisigurong si James na nga ang para sa ‘yo?” balik niya imbes sagutin ang tanong nito. Curious din naman siya.
“James tells me he loves me everyday, and he is just… awe-mazing! Sinasabi ko sa ‘yo.” Pinatirik pa nito ang mga mata.
Napatawa siya. “Awe-mazing how?” taas-kilay na nanunudyo niyang tanong sa kaibigan.
“In a lot of ways… lalo na sa kama.” Pabulong nitong sinabi ang huling salita.
Napatawa silang dalawa. Pinandilatan niya ang kaibigan.
“Aminin, magaling din ‘yang isang ‘yan! Babaero nga sabi mo, ‘di ba?” pakli ni Jasmine sa kanya.
Pinamulahan siya ng pisngi sa sinabi ng kaibigan at napatungo tuloy sa kanyang drink. Hinampas-hampas pa nito ang kamay niya sa tuwa.
“Go, friend! Just… take it one step at a time. Malalaman at malalaman mo rin kung seryoso siya sa ‘yo o hindi. Huwag mo lang madaliin. Ang pagmamahal naman ay hindi kumukupas basta totoo.”
‘Shit! Iyan na nga ang sinasabi ko, eh! Hindi pa ako sinabihan ni Caleb na mahal niya ako kahit napamahal na ako sa kanya!’ malungkot na naisip niya.
“Hey. Huwag mo namang ipaghimutok ang sinabi ko. I’m sure he loves you in his own way,” dagdag ng kaibigan na sumeryoso.
Ngumiti na lang siyang may lumbay sa mga mata at labi na napatingin sa kaibigan.
“Siyanga pala, alam na ng mga classmates natin na umuwi ako. They’re wondering if we can have a reunion instead.”
Kumibit siya. “Bakit hindi?”
“Great. Miss ko na rin ang mga lintik na ‘yon. Alam mo ba?”
Sumang-ayon siya at napahagikhik. “We’d never set a reunion ever since we graduated.”
“The more that we have to do this then. Gusto kong ma-enjoy talaga ang pag-uwi ko rito sa Pilipinas. Miss ko na talaga kayong lahat!” Niyakap siya ng kaibigan. “And you know what? Kapag nai-set na ang wedding date namin James, gusto ko ikaw ang Maid of Honor ko.” Kumalas ito sa kanya para tingnan siya sa mukha.
“Sige na nga, payag na ako.”
Impit na sumigaw sa excitement si Jasmine.
Overall, masaya ang gabing iyon hanggang sa maghiwalay silang magkaibigan. Inihatid siya ng binata sa kanyang apartment. Hindi na niya ito pinatuloy dahil nandiyan ang ina niya kaya hindi na rin ito namimilit. Hanggang first base lang ito sa kanya sa gabing ito. Nanghihinayang man sila kapwa. May trabaho pa kasi kinabukasan kaya napilit niya rin ang lalaki na umuwi ito sa sariling condo pagkahatid sa kanya.
Habang inihatid niya ng tanaw ang kotse nito nang sumilip siya sa bintana ay napabuntong-hininga siya.
‘When will you ever tell me you love me, Caleb?’