Chapter 30
Kumibit si Darielle na nakangiti kay Caleb.
“May napag-usapan kaming dinner. Iyon lang.” Tumalikod na ito sa kanya para bumalik sa production area.
Hinabol ito ni Caleb at sinabayan sa paglalakad. “What? Dinner? Only the two of you?”
She snorted. “Don’t be ridiculous, Caleb.” Hindi man lang sumagot nang maayos.
Para siyang matilihan sa inasta ng dalaga. Hinawakan niya ito sa braso. “D⸺”
“Huwag ka ngang maging KJ, Caleb. Hindi bagay sa ‘yo. Isa pa, minsan lang naman ‘to,” pahayag nito.
Tumaas ang kilay niya. “KJ at minsan lang? May boyfriend ka, tapos makipag-dinner ka sa lalaking ‘yon nang kayo lang?” Hindi niya mapigilan ang magselos. “Kahit minsan lang ‘yan, D, wala akong tiwala⸺”
Umismid ito at pinutol siya sa pagsasalita. “May ibang tao sa restoran. Hindi lang kami, Caleb. Paanong maging kaming dalawa lang?” pilosopong tugon nitong nagbawi ng braso at binigyan lang siya ng isang malamig na tingin. Napailing pa ito sa kanya habang naglalakad.
Napamaang siyang napasunod ng tingin sa dalaga, staring at her nice ass that gently swayed whenever she took a step. Napamura siya at sumunod sa dalaga na parang isang tuta. Nagrereklamo siya at halos nagmamakaawang huwag itong sumamang makipag-dinner sa Amerikano pero hindi siya pinansin.
Hindi niya alam kung papaano ito pigilan para hindi makapunta sa dinner na iyon ang kanyang nobya. Importante ba talaga iyon para sa kumpanya na sumama ito sa Amerikano para kumain sa labas?
Sigurado siyang may sinabi ang kliyenteng iyon sa dalaga at hindi ito makakahindi.
***
Binuksan ni Darielle ang regalo nina James at Jasmine sa birthday niya sa harap ng nobyo nang dumating sila sa kanyang opisina. Sunod kasi ito nang sunod sa kanya hanggang doon. Nangungulit na huwag siyang sumama sa dinner nila nis James.
Napangiti siya nang makita ang isang stuffed toy na penguin na may headset at sa tiyan nakasulat ang “Look at me and laugh. Live stress-free!”
“Ang cute, ‘no?” Nakangiti siyang bumaling sa nobyo at ipinakita iyon.
Nakita niyang nagbungguan ang mga kilay nito. Aagawin sana nito iyon pero mabilis niyang inilag ang regalo.
“Hoy! Alam ko ‘yang iniisip mo, ah. Itatapon mo ‘to.” Niyakap niya ang stuffed toy na lalong ikinalamukos ng mukha nito. “Galing ‘to sa friend ko, ano? Kaya ‘wag ka nang magalit diyan. OA ka lang.”
“Friend? Friend mo ‘yon? As if namang⸺”
Tumawa siya sa inakto nito. “Ano ba? Nagseselos ka ba talaga kay James?” Para namang hindi siya makapaniwala kahit na ang Amerikano ang dahilan kung bakit naging sila dahil sa nangyari sa golf course. “Dapat ka ngang magpasalamat kay James at naging tayo, ‘no? Being jealous does not suit you. You were such a very laid-back person back then. Besides, para sa ‘kin ay wala namang ginawang pananantsing sa ‘kin si James. Hindi katulad ng ginawa mo, ‘di ba?” punto pa niya.
Umawang ang mga labi ng lalaki. “Ah, kaya pala close na kayo ng James ‘yon, ha?” Humakbang itong papalapit sa kanya. “Halika at nang makalimutan mo ang James na ‘yon!” Pinindot na nito ang remote control ng Venetian blinds.
Umatras siya. “May fiancée na si James. Okay?”
Natigilan ito. “What? Paano mo nalaman ‘yon? At sinasabi mo lang ba ‘yan sa ‘kin para hindi na ako magagalit at magseselos? Nice try, D.”
Kalmante siyang umupo sa kanyang swivel chair habang nakatingala sa lalaking nakadukwang at nakatukod ang mga kamay sa armrests niya.
“No! Why would I lie to you? Gano’n ba ang tingin mo sa ‘kin?”
Tinantiya siya ng mga mata nito. Sinalubong ang paningin niya.
“Totoo ang sinasabi ko, Caleb. Si Jasmine, classmate at best friend ko noong high school ang fiancée na ni James. Sabi ko nga sa kanya ‘What a small world!’ dahil parang hindi ako makapaniwala. At itong penguin, gift ito ni Jasmine para sa ‘kin sa birthday ko na si James ang pumili ayon sa gusto ng friend ko.”
“Huh? Totoo ba talaga ‘yan?” Nagdududa pa rin ang mga mata nito.
Napatawa siya nang mahina. “Talaga bang nagseselos ka, ha?”
“Eh, kung makatitig sa ‘yo ‘yong loko na ‘yon para ka kasing…”
Tinutop niya ang bibig ng lalaki. “Kabastusan na naman ‘yang sasabihin mo, eh!” Naramdaman niyang hinalikan nito ang palad niya. Bigla na lang na nag-iinit ang pakiramdam niya. “Caleb, I’m warning you.” Subalit napadaing siya nang mahina nang patuloy nitong gawin iyon. Siya naman ay hindi maalis-alis ang kamay na nakatutop dito. She could feel his hot breath on her hand. Kita niyang nag-aalab sa pagnanasa ang mga mata nito.
“You know very well that I don’t take your warnings to heart, D,” pabulong na anito.
Hinatak siya ni Caleb palabas ng kanyang opisina.
“T-teka, saan mo ‘ko dadalhin?” reklamo niya nang pasutsot.
Hindi ito sumagot. Tuloy-tuloy na sila sa opisina nito habang habol-tingin sa kanila ang mga empleyadong nasa production area. Ang isang kamay niya ay nakahawak pa rin sa penguin.
Isinalya siya ng binata sa mahabang sofa ng opisina nito pagka-lock ng pinto. Napamulagat siya nang maghubad ito sa harap niya.
“T-teka lang. Are you seriously going to⸺?”
Dumukwang ito at hinalikan siya sa labi kaya hindi na niya naituloy ang nais pang sabihin. Nabitiwan pa niya ang penguin sa sahig habang ang mga labi niya ay kusang tumugon sa bawat halik ng binata na nag-aalab at nakapikit na ang kanyang mga mata.
“I’ve always dreamed of making love with you right here in my office, sweetheart,” ang anito.
“But this is not right, Caleb. We’re at work,” ang salungat na wika pa niya habang hindi normal ang paghinga. “Paano kung may biglang kakatok o kaya naman ay baka darating ang daddy mo?”
“We’ll cross the bridge when we get there,” ang tanging saad nito at pinaliguan na naman siya ng halik sa pisngi, sa baba, sa ilong, at sa mga labi.
Siya namang naging marupok na sa binata ay hinayaan ito. Tinugon niya ang halik nito hanggang sa hinubaran na siya nito nang tuluyan. Hindi rin nagtagal ay hinubad din ng nobyo ang kasuotan nito.
Hiniwalay ni Caleb ang dalawang hita niya at agad nitong sinakmal ng halik ang pinakasentro niya. Napasabunot siya sa buhok ng lalaki at napaliyad. Impit ang naging halinghing niya dahil sa sarap ng ginawa ng mga labi at dila nito. Sinupsop nito ang maliit niyang kaputsa hanggang sa namimintog ito at ramdam niya ang pagdaloy ng kanyang nektar sa kanyang lagusan. Nilasap iyon ng katipang napaungol nang mahina at dinilaan ang bukana niya nang paulit-ulit.
“Ohh… Caleb…” mahinang ungol niya.
Inabot nito ang magkabilang dibdib niya at pinisil-pisil ang dalawang tuktok nito. Napakagat ng kanyang mga labi si Darielle lalo na’t hindi nito tinigilan ang pagdila sa kanyang kaselanan.
Nagpalit ng puwesto ang lalaking kumubabaw sa kanya. Ang mga hita niya ay nakalingkis sa baywang nito. Napakapit siya sa mga braso nito habang nakatukod ang mga kamay nito sa sofa. Magkahinang ang kanilang mga matang nag-aapoy sa pagnanasa habang marahan itong bumabaon sa kanya.
Impit siyang humaluyhoy nang tuluyan na itong sumagad sa kanya. Napaungol din ito sa sarap. Hindi nagtagal ay sinimulan na nitong bumayo.
“Uhh… shit, Caleb!” Napamura ang dalaga sa sarap. Napapikit siya ng mga mata. “Do you swear I’m the only one you’re making love on this sofa?” Lumabas na lang iyon nang basta sa kanyang bibig.
“I swear it to the heavens, sweetheart. I reserved this office for you,” anito nang pilyo.
Hindi alam ni Darielle pero naniniwala naman siya rito. Napakagat na naman siya ng labi at pilit kinontrol ang sariling huwag mapasigaw sa sarap ng pag-ulos nito.
“You’ve just made my dream come true, sweetheart,” anito sa kanya at hinalikan siyang muli nang maalab. Binilisan nito ang paglabas-masok sa kanyang katawan na animo’y may naghahabol dito.
Wala naman siyang reklamo dahil sa kakaibang sarap na dulot ng panakaw na sandaling ito sa trabaho nila. The pleasure and excitement took her to another level of gratification. It was weird. In normal circumstances, this would not have happened in the first place. But then again, Caleb changed her.
Ramdam niya ang pag-iipon ng kung ano sa kanyang puson habang patuloy ito sa pagbomba sa kanyang katawan. Alam niyang malapit na siyang sumabog lalo na’t hindi nagbabago ang bilis at lakas nito. Paulit-ulit nitong sinundot ang kanyang G-spot hanggang sa tuluyan na ngang kumawala ng kanyang katawan.
Nilamon ng binata ang kanyang masarap na daing nang sakupin nito ang kanyang mga labi. Pati ito ay napaungol sa kaligayahang nadama at ramdam niya ang pagdiin nito nang makamit ang rurok ng kasiyahan.
Kapwa malakas ang pintig ng kanilang mga puso at habol nila ang kanilang hinihingang pumaypay sa kanilang pisngi.
‘Diyos ko… Kailan pa ako napamahal sa lalaking ‘to?’