Chapter 26
“Luto na ba, anak?” tanong ng ina ni Darielle.
Napatawa nang mahina si Caleb. “’Nay, gulay na lang ang ilulunod niya,” salo nito.
“Hmm. Siguraduhing gulay ang ilulunod!” balik ng ina niya, saka nakipaglampungan itong muli sa partner nito.
Napaikot ng mga mata si Darielle. Wala na talagang makapagpigil sa ina at Tiyo Cesar niya. Hindi na nahiya sa kanila ni Caleb. Nang sulyapan niya ang binata ay nakatitig ito sa kanya nang napakalagkit. May kung anong gumuhit sa mga mata nitong hindi niya maintindihan.
“Ano?” tanong niya sa lalaki.
Ninakawan siya nito ng halik sa labi. Ewan niya pero kinilig siyang bigla sa ginawa nito ngunit hindi niya ito ipinakita sa binata.
Pagkatapos ng kanilang pananghalian na apat ay nagpaalam ang ina at ang partner nitong aalis para manood daw ng sine. Ano’ng magagawa niya? Buhay iyon ng ina kaya bahala na ito. Kita niyang masaya ito, kaya hindi na niya ito pinigilan. Kapag masaya ang ina ay ayos na sa kanya ito. Nalulungkot at nasasaktan din siya kapag ito ang nadarama ng ina.
Naiwan silang dalawa ni Caleb sa living room habang nanonood ng cable TV sa isang channel. Sa isang bowl ay share sila ng popcorn at patuloy na nanonood.
“Paid leave mo bukas kasi pinakansela mo ‘yong sa last week dahil sa problema na naman sa production. Ano’ng gagawin mo?” usisa ng lalaking napasulyap sa kanya. Nakaupo ito sa tabi niya sa mahabang sofa.
Umismid siya. “Eh, ‘di magpapahinga. Ano pa?”
Ngumisi ito sa kanya. Kumislap sa kapilyuhan ang mga mata nito. “D, gusto mong makipagpahinga na rin ako?” Pilyo rin ang ngiting iginawad nito sa kanya.
“Suwerte mo, ah,” sabay irap niya sa lalaki bago nagpapak ng popcorn.
“Suwerte ko talaga, D! Wala namang importanteng gagawin bukas kaya magle-leave na rin ako. Naka-sync din naman ang e-mail ko sa phone ko kaya kung may importanteng mails ay makikita ko kaagad.”
Sinimangutan niya ito. “Ano ka, sira? Baka kung ano’ng iisipin ng mga tao kapag nalamang sabay tayong naka-leave! Gago ka talaga.”
“So what?” Lumabi pa ito. “Isipin na nila ang gusto nilang isipin.”
Napamaang siya. “Ayoko ngang…” Hindi niya alam kung paano ipagpatuloy iyon.
Ano bang salita ang angkop dito? Ayaw niyang maisip ng mga kasamahan nilang may relasyon sila? Pero ano nga ba ang relasyon nilang dalawa ni Caleb? Totoong sinabi ng binatang gusto siya nito pero hindi naman siya umaming may gusto rin siya rito. Well, at least, she had not admitted that much. Oo, gusto niya rin si Caleb, napagtanto niya. Dahil kung hindi, hindi niya sana ibinigay ang V-card niya. Pero ang magkarelasyon silang dalawa? She could not bring herself to do it. It was another story. Ayaw niya ng komplikasyon lalo na’t magkatrabaho sila at babaero ito.
Kinuha nito ang bowl na hawak niya at inilapag iyon sa center table. Bigla na lang siya nitong hinaklit sa baywang at walang ka-effort-effort na ikinandong siya ng lalaki nang patagilid. Hindi siya makagalaw dahil sa yakap nito. Hinalikan nito ang kanyang pisngi.
“Gusto mong isekreto lang ang relasyon natin, gano’n ba?” malumanay na hinging kumpirmasyon nito. His eyes searched hers.
“Anong relasyong sinasabi mo?” pilit niya itong sikuhin pero hindi niya magawa.
Ngumisi ito. “Iyon ang ibig mong sabihin, eh. Huwag ka nang mag-deny, D.”
“Tigilan mo nga ako, Caleb,” sabay alis niya sana sa kandungan nito pero mas malakas ito sa kanya siyempre kaya halos hindi pa rin siya makagalaw. Sa halip ay umungol ito.
“Pesteng pervert na ‘to,” maktol niya. Naramdaman ng pang-upo niya ang matigas nitong harapan.
“Girlfriend na kita kaya wala akong pakialam kahit anong sabihin mo.” Tumawa ito nang mahina nang para siyang nanigas dahil sa sinabi nito. Kapagdaka’y inihiga ba naman siya nito sa sofa at sinimulang halikan sa labi. Hayan na naman ang mga labi niyang parang naka-default na sa pagtugon sa lalaki.
“Caleb, hindi kita sinasagot. Hindi ka rin nanliligaw,” paalala niya nang makabawi mula sa halik nito.
“But don’t deny it. You like me, too,” anitong muli siyang halikan nito nang marubdob.
Napahalinghing siya sa sarap ng halik nito, lasang popcorn at Caleb.
Naglikot sa ilalim ng shorts niya ang kamay nito. Ibinaba ang zipper at panties niya. Kapwa sila napahingal at napaungol nang dumako ang palad nito sa basang pinakasentrong parte ng katawan niya.
“Fuck, D! See? You want me as much as I want you,” bulong nito sa kanya na parang nanggigigil. He nibbled her earlobe, which sent a delicious sensation throughout her body. Itinaas nito ang kanyang suot na spaghetti tank top at tinanggal ang bra. Agad nitong sinimsim ang tuktok ng kanyang dibdib. Palipat-lipat. Nasasabik.
Siya naman ay napaarko ng likod at hindi mapakali sa ilalim ng binata. Sumuot ang kamay niya sa ilalim ng T-shirt nito na agad din nitong hinubad. Then, her eyes feasted on his six-pack abs and smooth muscled chest. Hindi siya mauumay na pagmasdan ito. Isinunod nito ang suot na jeans at underwear at bumulaga sa kanyang paningin ang mapagmalaking ari nito. Natulala siya na ikinangisi ng lalaking dumukwang at hinalikan siya sa labi.
“I’m like a fucking god in your eyes, I know,” pagmamayabang nito bago siya hinalikang muli sa labi.
“Yabang mo talaga!” Nagawa niyang sabihin habang tinutugon ang halik nito. Naramdaman niya ang pagngiti nito habang hinahalikan siya. Napadaing siya nang bigla na lang itong bumulusok sa pinakasentro ng katawan niya. “Ohh… You bastard!” she hissed but moaned with pleasure.
Ngumisi ito at ikinawit ang mga binti niya sa magkabilang balikat nito saka nagpatuloy na sa paglabas-masok sa kanyang katawan. Kapwa sila napamura at napaungol na dalawa. It felt so damn good. Napakagat-labi siya habang nakatingin sa lalaking nakatunghay rin sa kanya.
“Fuck! You’re still so tight. I love it, D!” sabi nito sa kanya at nilamukos siya ng halik sa labi. Napakapit naman siya sa mga braso nitong nakatukod sa sofa para hindi siya masyadong madaganan ng mabigat nitong katawan. “You’re totally mine, D. Just mine,” dagdag nito.
“Ohh… Caleb…” nasambit niya. Nasasarapan sa bawat ulos nito.
He increased his pace⸺hard, fast, and deep. Hindi siya magkandaugaga sa pagdaing dahil dito. Para siyang hihimatayin sa sarap. Kahit nakapikit siya ng mga mata ay nagrolyo ito paitaas sa sobrang sarap habang nakaawang ang mga labi. Hindi talaga siya magsasawa sa sarap na dulot nito sa kanyang katauhan.
Lalong lumalim ang pagpasok nito sa kanya. Sagad na sagad ito sa kailaliman niya. Para siyang mababaliw sa kasiyahang hatid niyon. Maraming kadena ng halinghing ang lumabas sa kanyang lalamunan.
Then, she felt she could not take it anymore. Her breathing picked up another notch higher. She felt like she caught fire and burst into white hot wild flames, and she screamed.
Kasabay ng kasiyahang narating sa pinakatuktok ay sumabay ang binatang umungol din sa kaligayahang nakamit. Ibinuhos nito ang damdamin para sa kanya sa kaloob-looban niya at baon na baon ito sa kanyang kailaliman.
“Ohh… D…” anas ng lalaking abot-abot ang hininga.
Kinintalan siya nito ng isang maingat at mabining halik sa mga labi.
Hindi alam ni Darielle pero parang nadama niya ang pagmamahal sa ginawa nito sa kanya.
‘Hindi. Imagination ko lang ‘to dahil kaniniig lang namin,’ anang isipan niya.
Napalunok siyang nakatitig sa guwapong mukha ng lalaking nakadungaw sa kanya. Walang salitang namutawi sa kanyang mga labi. She was torn by what she felt, somehow.