Chapter 27
Tinotoo nga ni Caleb na mag-leave din siya sa birthday leave ng dalaga. He spent it alone with her at her apartment. Wala na naman ang ina nitong nakipag-date sa nobyo nito. Baka hindi magtagal ay magli-live-in ulit ang mga ito.
Naglalaro sila ni D ng golf sa sala nito.
“Kapag ako nanalo, hindi ako uuwi mamayang gabi. Dito lang ako,” kumindat na aniya sa dalagang nanlaki ang mga mata.
“What?”
Niyakap niya ito mula sa likuran habang hawak nito ang isang club. His hands spread over her abdomen, making circles there. He heard her gasp, and he smiled before he kissed the side of her neck. He really loved teasing her like this.
“Basta. Iyon ang pustahan kaya galingan mo,” dagdag niyang hinalikan ito sa punong-tainga.
Ipiniksi nito ang balikat at saka nagpumiglas ito. “Umalis ka nga riyan! Cheating ‘tong ginagawa mo, eh. Dini-distract mo ‘ko,” reklamo ng dalaga. Binigyan pa siya nito ng matalim na tingin.
Binitiwan na lang niya itong nakatawa nang mahina. Hindi pa rin talaga madaling paamuin ang dalaga pero gustong-gusto niya ang mabilis na progress sa relasyon nilang dalawa. Nakailang third base na kaya siya nang ilang ulit. Napagtanto niya ring hindi sila gumamit ng proteksyon pero wala siyang pakialam. Si Darielle ito at hindi lang kung sinong babae. Natutuwa rin siya dahil mukhang wala rin naman itong pakialam kung magbubunga ang pagniniig nila o hindi, bagay na ikinasiya niya.
‘Maybe she’s already falling for me, but she just doesn’t want to admit it,’ sa isip ni Caleb. ‘She’s not the type to give herself easily to some man. I’m just lucky I’m that man.’ Gusto niyang tapikin ang sarili dahil unti-unti nang natutupad ang kanyang pangarap na mamahalin din siya ng babae.
Pinanood niya ang babaeng nag-swing sa club nitong hawak. Siyempre ayaw nitong magpatalo at kahit siya rin. Competitive sila kapwa, bagay na ini-enjoy niya. Naniniwala siyang hindi talaga ito boring kasama. Sa halip ay hanap-hanap niya ito kapag nakauwi na siya sa condo niya. Gusto niyang palaging nakadikit sa dalaga. Gusto niyang lagi lang itong nakikita at nasa tabi niya.
Right, he was hopelessly in love with her. He just hoped she would stop thinking he was merely playing her. Kung mapagtanto lang nitong wala na siyang ibang babae bukod dito ay batid niyang mapapaamo niya rin ang puso ng dalaga sa malao’t hindi. He just had to let her see he was sincere about her.
“Paano ba ‘yan? Ako ang nanalo.” Malapad ang pagkangisi niya sa dalagang umirap sa kanya. Sinundan niya ito na pumuntang kusina para kumuha ng canned soft drink at binigyan din siya. Binuksan niya iyon at saka ibinigay sa dalaga bago inagaw ang isa para bubuksan sana nito.
“I can do it by myself,” anito.
“Huwag ka na ngang umangal. Inumin mo na ‘yan,” sabi niya.
Napangiti ito sa kanya kahit papaano at napailing.
“Shall we tell Dad that we’re steady?” marahang aniya. Titig na titig sa mukha nito habang ininom ang soft drink niya.
Bigla itong nasamid sa sinabi niya. “What? Are you crazy?” Namilog ang mga mata nitong nakatitig sa kanya nang hindi makapaniwala.
“Yeah. I’m fucking crazy about you, D,” ngising tugon niya. Titig na titig pa rin siya sa magandang mukha ng babae.
“No.” Hindi pa rin ito sang-ayon. Umiling ito.
Hinapit niya ang baywang nito at itinakbo niya ang kamay sa gulugod nito pababa sa pang-upo nito. “Come on, D. He won’t mind if we’ll tell him.” Nilambing niya ito. “In fact, he’ll be happy for us.”
“I-I’m not ready, Caleb,” sagot nitong umiwas ng paningin.
“For this,” sabay sundot niya sa kanyang harapan sa tiyan ng dalaga, “or telling the news to Dad?” he teased her.
Hindi ito makapagsalitang nakatitig sa mukha niya. Their eyes held each other for the longest moment. Their breaths became ragged. He could swear their heartbeats grew louder by the second. He could hear his heart pumping so hard. He anticipated what she was going to say.
“D, please?” lambing na aniya sa dalaga.
“W-what?” she asked distractedly.
Napangisi siya at tinuka-tuka ang mga labi nitong nakaawang. “I’ll tell Dad about us. I want us to be official, D.”
Napalunok ito. Nakikita niya ang takot sa mga mata nito. And he wanted to erase it. Ano ang ikinatatakot nito? Ang magiging karelasyon siya? Ang pag-usapan sila ng buong kumpanya? Who cares? He did not.
Okay, maybe she cared about it. She was reputed as Miss Aloof. The Ice Queen. At siya naman ay isang babaero. The company’s womanizing site director. But he wanted to change. For the better and for her. He wanted to show it to her. He wanted to prove it to everyone and to her. Ang paglabas sa publiko ng relasyon nila ay ang unang hakbang para makita ng lahat ang pagbabago niya.
Napababa ito ng tingin at marahang tumango. “Okay. If you think it’s necessary to tell your dad,” mahinang sabi nito na pinamulahan ng pisngi.
“It’s not a necessity, D. It’s only a natural thing that we’re going to do it.” He kissed her cheek smilingly. Ang saya niya. Pumayag kasi sa wakas ang Ice Queen na maging official na sila. Parang walang mapaglalagyan ang saya sa puso niya. Isa pa, dito siya matutulog mamayang gabi. Gusto niyang magpa-fiesta tuloy.