Chapter 25
Sinamahan silang mag-ina ni Caleb sa simbahan kinabukasan. Nakisimba na rin ito kasama nila at kumain sila sa isang restoran pagkatapos.
“Uh… Mauna na ako sa inyo, ha?” biglang sabi ng ina niya pagkatapos nitong makatanggap at magbasa ng text sa cell phone nito.
Napataas siya ng kilay. “’Nay, si Tiyo Cesar ba ‘yan?”
“Uh… oo.” Ngumiwi ito.
Nasulyapan niya si Caleb na napangiti sa ina niya.
“’Nay, follow your heart,” payo pa nito.
Gustong mag-cringe ni Darielle sa sinabi nito.
“Gusto ko ‘yan, hijo.” Bumungisngis pa ang ina niya.
Napataas siya ng kilay sa lalaki. Kung maka-advise ito parang ang expert. Kumibit ito sa kanya at inirapan niya ito.
“Fine. Umalis kayo, ‘Nay,” sang-ayon na lang niya. “Ingat kayo.” Wala naman siyang magagawa kung iyon talaga ang gagawin ng ina. Kung ito ba ang kaligayahan nito ay sino ba siya para hadlangan ito?
Hinalikan siya ng ina sa noo at tinapik nito sa balikat si Caleb. Pinasalamatan nito ang binata bago umalis nang tuluyan.
Napaikot si Darielle ng mga mata. Parang teenager lang ang ina. Nalaman niyang nagte-text sa isa’t isa ang dalawa nitong huling mga araw, simula nang pinalayas ito ng ka-live-in partner. Sabi ng ina niya ay hiwalay muna ng tirahan ang mga ito para mag-experiment kung mag-wo-work pa raw ang relasyon ng mga ito. Doon ay titingnan ng mga ito kung ano ang susunod na gagawin. Clearly, they already made up. Para sa dalaga ay kumplikado pa rin ang magkaroon ng karelasyon.
“Shit!” biglang bulalas niya nang makita si Carla na may kasamang pamilyar na lalaki na taga-production din. “Umalis ka na, Caleb! Dali! Bilis!” Itinulak niya si Caleb mula sa kinauupuan nito habang siya ay itinago ang mukha mula sa CS. Baka kasi makita sila nitong magkasama. Nakakahiya. Pero ‘di niya matanggal-tanggal sa kinauupuan si Caleb.
“What? Why would I go? ‘Andiyan ba si Mr. Carter? Fucking…” reklamo nito. Tinutop niya ang bibig nito at saka tinakpan ng napkin ang mukha.
Siya naman ay ngali-ngaling umalis na lang sa mesa at pasimpleng tinakpan ang mukha, dumaan sa kabilang daan, at nagmamadaling umeksit ng restoran upang hindi sila makita ni Carla na magkasama.
Nang pasimple siyang lumingon ay nakita niyang binati ni Carla si Caleb. Nakita nga nito ang lalaki. Naalis na kasi ng lalaki ang table napkin sa mukha. Mukhang ipinakilala ng babae ang kasama nito kay Caleb. Boyfriend ito ni Carla. Tumango ang huli at saka tinawag na ang waiter at nag-iwan na ng pera kahit wala pang bill na ibinigay. Nagmamadali na itong sumunod sa kanya na lumabas ng restoran.
“Fuck this! Bakit mo ‘yon ginawa sa ‘kin, D?”
“Eh, ayokong makita tayo ni Carla na magkasama!” paliwanag niya.
“What the fuck?” inis na anito pero hindi siya umimik. “It’s not like we’re having a forbidden affair.”
“Wala akong pakialam! Basta ayokong makita nila tayong magkasama!” pakli niya.
Marahas na napabuga ng hangin ang binata ngunit wala na itong masabi.
***
Pasulyap-sulyap si Darielle sa halos maglalampungan na ina at Tiyo Cesar niya sa may sala ng kanyang apartment. Naglalaro ang mga ito sa golf na regalo sa kanya ni Caleb.
“Daig mo pa ang inang may haliparot na anak sa kababantay mo sa ina mo,” natatawang sabi sa kanya ni Caleb. Ninakawan pa siya nito ng halik sa balikat.
Ipiniksi niya ang balikat at binigyan niya ito ng masamang tingin. “Nang-cha-chansing ka na naman, perv!” inis na sabi niya rito. “Bakit ka nga pala nandito? Hindi ko matandaang inimbitahan kita o ng nanay.”
“Ang taray, ah! Eh, miss na nga kita, so dapat nandito lang ako.” Pinalambing nito ang boses. Nag-puppy eyes pa ang mokong.
Nagpatuloy siya sa paghihiwa ng sayote. Nagluluto siya ng tinolang manok. Si Caleb naman ay tinutulungan siya sa dahong gulay. Iyon nga lang ay panay ang pananantsing nito sa kanya lalo na’t busy ang ina sa Tiyo Cesar niya.
“Miss ka riyan,” aniyang inirapan ang lalaki.
Ngumisi ito nang matapos ito sa ginagawa at saka niyakap siya mula sa likuran. Parang naninigas ang katawan niya nang maramdaman ang matigas nitong harapan na idinikit sa gulugod niya. Napadaing siya nang mahina pero tumikhim naman. Narinig niya ang mahinang pagtawa nito kaya siniko niya ito.
“Hindi mo ba ako nami-miss?” lambing pa rin ng lalaki.
“Tse! Umalis ka nga riyan. Baka makita tayo nila Nanay.” Pilit niyang magpumiglas pero parang kapit-tuko sa kanya ang lalaki.
He ground his hips and made her feel his arousal.
“D, I want you. Can’t you tell?”
‘Buwisit na ‘to? Anong can’t tell, eh, ikinaskas na naman niya ‘yan sa ‘kin!’
Napapikit siya nang saglit. Hiningal ba naman siya kaagad. Ramdam niyang naa-arouse na rin siya sa ginagawa nito. Basa na ang panties niya. Naloka na. Trinaydor siya ng sariling katawan niya.
“Let’s have a quickie right here. They won’t know unless you’ll scream, D,” ang nang-aakit na anang lalaking bumulong sa tainga niya.
Ramdam ni Darielle ang mainit nitong hininga na nagpakiliti sa kanya. Pilit niyang huwag mapaungol nang dinakma nito ang kanyang harapan. Agad niyang nadama ang pagpintig ng kanyang kaselanan.
“Shit, Caleb! ‘Yong niluluto ko!” Siniko niya itong muli. “Kung hindi mo ‘ko bibitiwan ‘yang nakausli sa harapan mo ang lulutuin ko!” banta niya.
Napatawa tuloy ito at unti-unti siyang pinakawalan para matingnan ang nilulutong manok.
“You shouldn’t sweetheart. Siguradong mami-miss mo ‘to. Pinakamasarap naman ‘to kapag matigas at hindi luray-luray na karneng nilaga.”
“Bastos talaga ‘to,” pabulong-bulong na nausal niya.
“Nauna ka, sweetheart,” ngising bintang nito.
“Anong ako ang nauna?” Akma niya itong hahampasin nang napagawi sa kanila ang tingin ng ina at ng partner nito.