Chapter 3

Parang nakahawlang hayop na naglalakad nang pabalik-balik sa harap ng pinto ng company clinic si Darielle. Dalawang beses na siyang nakabara ng dalawa pang empleyadong papasok sana. Umalis na lang ang mga ito nang sinabi niyang wala roon ang nurse at sinabi ng mga itong babalik na lang mamaya.

Napahilot siyang muli sa kanyang sentido. Nadagdagan pa lalo ang sakit ng ulo niya. Mamaya, lagot sa kanya ang Caleb na iyon. Site director man ito o hindi!

Teka, ano ba ang ipinagpuputok ng butse niya? Natigilan na naman siya. It was not like she liked the guy. There was nothing between them. She hated him, in fact, ‘di ba? It was his personal choice to do it at work. Sino ba siya para mang-sermon mamaya sa lalaki? They were just colleagues. They were not even on good terms or talking terms. He never said a mere paragraph to her in all her tenure as a project manager for a year now.

Tumunog ang kanyang cell phone. May reminder siya. Iyon ang meeting niya sa site director. Napatingin na naman siya nang matalim sa pinto. Bigla iyong bumukas at natigilan ang lalaki nang makita siya roon pero hindi niya ito pinansin. Nilampasan niya lang ito nang nag-sidestep ito habang inaayos ang suot na three-piece suit at nakangisi sa kanya.

‘Ang lintik! May ngiti ni Satanas!’ So, he was that satisfied siguro sa babaeng iyon. Kulang na lang ay irapan niya ito pero stoic pa rin ang mukha niya.

Pumasok na siya sa clinic. Bahagya pa siyang napangiwi nang masulyapan ang area kung saan niya nakita ang dalawang nag-sex kanina. Bakit kasi napunta roon ang paningin niya? Ngumiti naman sa kanya ang magandang nurse nang makita siya. As if walang nangyari kani-kanina lang.

“Miss D!” sabi nito nang magiliw.

“I got a headache. Can I have a couple of pills?” diretsong aniya na walang kangiti-ngiti.

“Sure po, Miss D.” Tumango ito at mabilis nang kinuha ang para sa sakit sa ulo. Pinapirma lang siya sa logbook at saka umalis na siya nang walang pasalamat o paalam. Hindi rin naman niya gawain talaga iyon unless kung kailangan talaga. Eh, trabaho naman nito ang ganito kaya hindi na niya kailangang magpasalamat. Hindi rin naman ito ang may-ari ng mga gamot kundi ang kumpanya. Mataray talaga siya kapag napaisip siya ng ganito.

O kaya dahil naiinis din siya sa nurse dahil nakipagtalik ito sa Caleb na iyon at kinailangan niya pang maghintay nang ilang minuto bago natapos ang mga ito, bagay na nagpapasakit masyado sa ulo niya.

Paglabas niya sa clinic ay nakita niyang nakatayo pa rin doon sa labas si Caleb. Hindi niya inasahang makita pa roon ang lalaki. Ang akala niya ay nauna na ito sa opisina nito para hintayin siya roon at nang makapag-usap na sila tungkol sa feedback.

“Let’s go to the cafeteria,” anyaya nito na hinagod siya ng tingin mula ulo hanggang paa at pabalik.

Manipis lang ang makeup niya. Suot niya ngayon ay mahapit na navy blue slacks, puting tube na pinailaliman ng blazer na katerno ng slacks, at itim na high heels. Naka-high ponytail ang kanyang mahabang buhok⸺isang trademark niya.

‘Ang mahalay na ‘to! Ano’ng tinitingin-tingin niya sa ‘kin?’ Parang gusto niyang sabunan ang mga mata niya dahil sa nakita niya kanina at baka naman ay mag-iba pa ang paningin niya rito. Medyo malinis. Pero hindi, eh. Naiinis na naman siya.

“The cafeteria?” alunignig niya. “We’re going to have a meeting, remember?” taas-kilay na sabi niya.

“Whatever. Gusto kong kumain. Nagugutom ako. So, we can just talk there,” sabi nitong nagpatiuna na.

‘Nagugutom ka? Wow! Nakakagutom pala talaga ang sex-ercise, ‘no?’ sa loob-loob niya nang sarkastika.

Napabuntong-hininga siya. Matalim niyang tiningnan ang likod nito. Hindi niya mapigilan ang sariling huwag mapagawi ang tingin sa butt nito. Napamura siya sa isipan. Naalala na naman kasi niya ang butt nito. Ang ganda naman kasi! Iyon ang naka-expose na parte ng katawan nito habang hindi naman nakahubad ang kasuotan nito kanina. Samantalang ang sa nurse ay inililis lang nito ang skirt pataas sa baywang nito at mukhang hinawi lang ang panties niyon dahil hindi niya napansing nasa paanan.

‘Wow! Detailed lang na inaalala ‘yon?’ tudyo ng isip niya. Sabagay, may photographic memory kasi siya.

Pakiramdam niya ngayon ay isa itong sumpa. Hindi kasi mawaglit sa isip niya ang nakitang eksena kanina sa loob ng clinic. Pabalik-balik talaga sa isip niya ang pang-upo ng letseng site director nila.

Napahugot na naman siya ng malalim na hininga na iniwas ang mga mata. Napataas pa siya ng kilay nang ipinagbukas siya ng lalaki ng glass door ng cafeteria. Agad na napatingin sa kanila ang ilang mga empleyadong nandoon na nag-late break dahil siguro sa pagiging busy kaya hindi tamang oras ang breaktime.

Halatang nasorpresa ang mga ito nang makitang magkasama silang dalawa. Alam na kasi ng lahat na hindi talaga sila in speaking terms with the site director dahil may e-mails naman at alam ng lahat na hindi siya ang tipo ng taong nakikipagsosyalan sa mga katrabaho.

She was a loner and even aloof. But she was good at her job. Excellent, in fact. Kaya walang basagan ng trip kung gusto niyang isa siyang aloof, ano? May sarili lang talaga siyang mundo kaysa makikipaghalubilo nang para lang sa wala.

Oo, hindi siya marunong makisama sa mga katrabaho niya pero hindi naman iyon naging hadlang para hindi niya magawa nang mabuti ang nakatokang trabaho sa mga kamay niya. Pakiramdam niya ay mas effective siya kapag ganoong walang personal attachment sa mga kapwa empleyado kaya palagi siyang object-driven.

Nag-order ang lalaki ng maraming dish at kanin na ikinamangha niya.

‘Ganoon siya kagutom pagkatapos makipag-sex?’

Gusto niyang mag-smirk pero hindi niya ginawa. Bumaling sa kanya ang lalaki nang nakangisi.

“Anything you want, D? My treat.”