Chapter 21

“I think I remember you now,” sabi ni Mr. Carter kay Darielle nang sila na lang at ang bodyguards ang naiwan habang umuusad ang amang Montenegro sa sumunod na hole.

“I’m not sure…” umpisang aniya.

“You know her, right?” Ipinakita nito sa kanya ang wallpaper sa latest iPhone nito. Nagulat siya sa kanyang nakita at napatawa nang mahina. Nakita niya ang kanyang best friend noong high school. Si Jasmine. Nang grumaduate sila ay nag-migrate ang pamilya nito sa America at nawalan na sila ng komunikasyon na dalawa.

“Oh, my God! Really? Is Jasmine your…?”

“My fiancée! I saw pictures of you both when you were younger, you know? So, I wracked my brain, ‘cause you really look familiar. Now, I realized it is you. She said you were best of friends then.”

Napatawa siya nang mahina sa sinabi nito. “Yeah,” sang-ayon niya. Ito lang ang tanging naging ka-close niya noon at wala nang iba pagkatapos nitong umalis ng bansa. She became a loner and aloof. Medyo nasaktan kasi siya sa pag-alis ng kaibigan dahil siguro masyado silang attached sa isa’t isa at hindi siya maka-move on para magkaroon o maghanap ng bagong kaibigan. She had rather be alone than be left all alone again. “You’re a very lucky man! Jasmine’s a very sweet, understanding, and thoughtful person. I’m really glad to have met you, Mr. Carter.” Matamis niya itong nginitian.

“How about we meet some time? She’s coming in about two weeks. She’s just too busy with her work at the hospital as an intern. She’s going to be a pediatrician soon. She really loves kids!” kuwento nito. Halatang inlababo talaga ang Amerikano sa best friend niya.

“Yeah, I remember that.” Napangiti na naman siya. “But before that, maybe you can visit our site, and I can walk you through our workaround at production.” Isiningit niya siyempre ang trabaho. She had to take advantage of this, at least. Isa pa, mukhang naka-build na siya ng rapport dito lalo na’t mapapangasawa pala nito ang dati niyang best friend kaya hindi na siya nagdadalawang-isip.

Tumango itong nakangiti sa kanya nang matamis.

Habang kumakain naman sila ay napuna niya ang ibang timpla ni Caleb pero inignora niya lang iyon. Paki ba niya? Kahit kailan naman ay mahirap din itong espilingin⸺maliban na lang sa pagiging babaero nito. Iyon ang malinaw.

“What was that? Were you flirting with our client?” sita ni Caleb sa kanya nang nasa loob na sila ng kotse nito. Umalis na ang kliyente nila para magpahatid sa hotel nito samantalang nauna na rin ang ama nitong may pupuntahan pa raw, ang asawa nitong nagpa-parlor.

Napamaang siya sa sinabi nito. “Excuse me?” Nanlaki ang mga mata niya sa pang-aakusa sa kanya ng ganitong bagay ng site director. “Are you out of your mind?” Okay, forget about their respective positions at the company. Mukha kasing hindi iyon ang nasa isip ng binata nang mga sandaling iyon.

“Alam mo kasi, may iba pang paraan para makuha ang kliyente at hindi ‘yong nilalandi mo, D.”

Nagliliyab ang mga mata niya sa pang-iinsulto at pang-aakusa nito sa kanya nang walang katuturan. But she thought there was no use talking to him. Kaya naman ay inis siyang binuksan ang pinto ng kotse nito nang hawakan siya nito nang mahigpit.

“Where are you going?” he demanded.

“Far away from you, you moron!” Marahas niyang binawi ang kanyang kamay at saka nagpatuloy sa pag-ibis ng sasakyan nito. Wala talaga silang magandang napapag-usapan kahit kailan. Hindi niya talaga matatagalan ang lalaking ito. Naii-stress siya sa tuwina.

Naglakad na siya papalabas ng golf course. Sa laki nito, wala siyang pakialam kung mababalatan ang paa niya sa kalalakad basta’t malayo siya sa lalaking iyon na wala nang iniisip kundi ang makikipaglandi. Tapos ngayon, siya pa ang inakusahan nito?

‘Huh! Ang kapal talaga ng apog nito!’

Naisip niyang kapag darating na siya sa main road ay saka na siya sasakay ng taxi o jeep o bus. Kahit na ano basta huwag lang sa sasakyan ng lalaking iyon! Kung wala mang sasakyan, kahit maglakad na siya ay ayos lang basta’t hindi siya mapalapit sa mokong na iyon.

Sinundan naman siya ng nagmamanehong si Caleb sa kotse nito. “Get in!” utos nito na tunog ay nagtitimpi.

Hindi siya nakinig dito. As if hindi ito nag-e-exist sa mundo. Binilisan pa niya ang paglalakad.

“D, I’m warning you! Get in the car, now!”

Lalong tumigas ang boses nito sa pandinig niya. But who cared? She was pissed. Narinig na lang niyang itinabi nito ang kotse at saka hinabol siya para kaladkarin pabalik sa kotse nito.

“The main road is miles away from here, you know that! Don’t be stupid!”

“Ikaw ang stupid! You bastard!” Sisipain na naman niya sana ito pero nakailag ang lalaki. Patuloy siya nitong kinaladkad patungo sa kotse at halos padamba siyang pinaupo sa passenger seat. Dinuro siya nito.

“Don’t move or I swear…!” Hindi nito itinuloy iyon at ibinalibag na lang ang pinto. Mabilis itong umikot at sumakay na rin. Hindi na lang siya kumilos pero napahalukipkip.

Magkalapit na naman ang mukha nila para ikabit nito ang seatbelt para sa kanya. Iniwas niya ang mukha mula rito. Langhap na langhap niya ang bango nito kahit na ilang oras silang nakabilad sa araw kanina dahil sa paglalaro ng golf. Parang hinalukay ang kanyang sikmura dahil sa kalapitan nila. Titig na titig ito sa kanya.

“I don’t care if we’ll get this client or not, as long as you don’t sell yourself to that… man!”

She huffed. “Excuse me? I’m not selling myself to him, Caleb! Ganyan ba kababa ang tingin mo sa ‘kin para lang makuha ang isang bagong account para sa kumpanya ng pamilya mo?” pagdidiin pa niya.