Kabanata 17: The Buttons (part 2)
Shadow's POV
"What the f*ck is this!?" naiinis na sigaw ko habang napapakagat sa pang-ibabang labi ko.
Kanina pa ako nakatutok sa screen ng laptop ko. Ilang tub na yata ng mango grahams ang nauubos ko, halos maubos ko na rin ang isang litrong root beer pero hanggang ngayon hindi ko parin maintindihan itong tinitignan ko.
Halos isang oras ko na yatang pinagmamasdan ang kakaibang display na lumalabas sa laptop ko sa tuwing ilalagay ko ang flashdrive na nakuha ko sa naiwang pouch ni Blaze, pero hanggang ngayon ay hindi ko maintindihan ang ibig sabihin nito.
Weird looking flashdrives, different kinds of IDs na pare-parehong mukha naman ni Blaze ang nakalagay pero magkakaiba ang information details, isang maliit na vics at iilang passports na ganun din ang sistema. Magkakaibang pangalan at information details pero ang mga picture ay puro si Blaze at sigurado ako doon.
Maaaring nabago niya ang kulay, haba at style ng buhok niya, ang klase ng pananamit, maging ang ekspresyon at ngiti niya pero hinding-hindi ako maloloko ng mga mata niya. Two years is enough for me to know that it's him with just a glance. At sigurado ako, the man on this strange IDs and passports are all Blaze.
Honestly, what's with this Blaze? Para saan ang mga ito? Bakit ganito?
Ang flashdrives naman ay sa hindi inaasahang lugar o taguan ko rin nakita at nakuha. There's a pack of cigarette and vics sa pouch ni Blaze. Something that he would never possessed.
Hindi ko pa nakita si Blaze na nagsindi ng yosi o nagamoy yosi. I am quite sensitive to scents and tastes, lalo na at marami ang bawal sa akin kaya alam ko. Hindi kailanman nagyosi o nagsindi ng sigarilyo si Blaze, so para saan ang sang pakete ng sigarilyo sa isang tao na hindi naman nagyo-yosi? Anong silbi nito kay Blaze?
And vics? Kelan pa natutong gumamit ng ganito si Blaze? Even with a severe head ache or cold, never siyang nagtanong kila mommy or daddy ng ganito. Ni hindi nga siya umiinom ng gamot for those kinds of sickness. So what's with this?
Upon taking a closer look sa pakete ng sigarilyo, doon ko napansin na mayroong isang maliit na thread sa gilid ng pakete, and my curiosity strike. I pulled it and a flashdrive suddenly fell down. Gano'n din sa vics, nung binuksan ko na ang maliit na lalagyan, ay may nakita pa akong pangalawang flashdrive.
See? I was right all along. Hindi ito nasa pouch niya para sindihan o ipahid sa kanyang ulo at likod. This was placed there for another reason, and what it's for, that I don't know.
But one thing is for sure, these flashdrives are placed on that certain location for one good reason; to be hidden away. The only question is from whom? Kanino ba ito itinatago ni Blaze? Is it from me or from someone else?
What are you Blaze? Ano ka ba talaga? Sino ka ba talaga? Sino ba kayo talaga?
Matagal ko pang tinitigan ang display sa laptop ko bago napansing may kakaiba dito. The longer I stare at it, the more it appears to be moving and swaying. The longer I focused on this damn display, the more I realized what's the secret behind it.
And bingo!
May nakukuha pala ako sa pagbabasa at panonood ng kung ano ano. May pattern ang galaw ng display, hindi siya kapansin-pansin lalo na at mas nakakapukaw ng pansin ang mga aso na siyang design nito. But, the eyes of the dogs are strange. Hindi ito gumagalaw ng sobra or what, pero kada ilang segundo ay nagiiba ang kulay nito at bumabalik din naman sa dati pagkatapos ng ilang segundo.
Bawat kulay ay may bilang kung ilang beses itong magpapatay-sindi. May siyam na kulay na akong nakita at hindi na nadagdagan pa. Siyam.. Siyam na letra o figures ang ibig sabihin ng mga kulay nito.
Morse code.
Napasapo pa ako sa sariling noo habang bahagya pang natatawa nang pumasok sa isip ko ang ideyang 'yon. Bakit nga ba hindi ko agad napansin ang bagay na iyon? Inabot pa ako ng lagpas isang oras gayong nasa harapan ko na naman ang sagot na hinahanap ko.
Bawat pintig at paghinto ng bawat kulay sa magkakaibang pamamaraan ay siyang sumasalamin sa bawat letra at numero ng morse code. May ilang pagkakataon itong mnanatiling nakasindi at ilang pagkakataon na bumabagal at bumibilis ang pintig.
Hindi na ako pwedeng magkamali. Morse code nga ang ibig sabihin nito. Pero saan ko ito ilalagay? Sa paanong paraan ko ito iintindihin?
Inilapit ko pang mabuti ang mukha ko sa screen ng laptop ko, pinaningkit ang mga mata at tinitigang mabuti ang kabuuan ng larawan. At isa lang ang napansin ko. Ang puting frame na siyang pumapalibot sa buong display ay may mga agwat na hindi madaling napapansin. At tulad nga ng inaasahan, siyam din ang bilang nito.
Isang tanong na lang ang nananatili sa isip ko. Sa paanong paraan ko ito ilalagay?
Dalawang agwat sa kanang bahagi, dalawa rin sa itaas at kaliwa habang ang ibabang bahagi ng frame mayroong tatlo. Saang bahagi ko dapat na simulan?
Pinagmasdan ko pang mabuti ang mga aso, at saka natawa na parang nasisiraan na ng ulo. Napapailing akong napayuko na sunundan pa ng mas malakas na tawa habang ang isang kamay ko ay siyang nakalagay sa tiyan habang ang isa ay pumapalo sa lamesang pinaglalagyan ng gamit ko.
"Damn! How could I missed that?" natatawang sambit ko sa aking sarili.
Tatlong aso ang mayroon sa larawan at sa iisang direksyon lang ito nakatingin, sa kanan. And I have a great feeling na tama ang iniisip ko. I should start putting the letters and numbers on the right side.
02-24-SE-BAS
Ito ang pagkakaintindi ko sa morse code. Bigla ay nanginig ang aking kamay, lumakas at bumilis ang tibok ng puso ko at may namuong kaba sa dibdib ko. Ilang beses pa akong napalunok. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito. Kakaibang kaba ang nararamdaman ko. Hindi ito katulad noong nagising ko sa ospital dalawang taon na ang nakakalipas.
Hindi lang ito basta kaba. Hindi ako nakakaramdam ng takot at pangamba. Hindi nagiisip sa kung ano ang maaaring mangyari sa oras na makita ko kung ano ang mayroon sa mga flashdrives na ito. May kung anong excitement akong nararamdaman na hindi ko maipaliwanag. Para bang hinahanap-hanap ng sistema ko ang ganitong pakiramdam.
Ano ba talaga ako? Sino ba talaga ako?
Kinakabahan man ay pinili ko paring ituloy ang ginagawa ko. Sa pagpindot ko ng huling letra, mabilis na naglaho ang display at agad na nag-load ang screen. Maya-maya pa ay lumabas na ang isang disassemble puzzle at saka lumabas ang katagang, "Welcome back, Agent Tian."
"What the hell is this?"
Agad na bumungad sa akin ang isang data base na puno ng iba't-ibang file. Kakaiba rin ang bawat file name ng bawat folder sa flashdrive na 'to. Mabilis na dumapo ang aking mata sa isang folder.
Wala itong pangalan, hindi tulad ng ibang folder sa data base na ito. Dala ng matinding curiosity at pakiramdam na may makukuha ako, ay mabilis ko itong pinindot at bigla ay para akong nabuhusan ng malamig na tubig.
Ako, si Blaze at Shine ang siyang nasa mga litrato sa loob ng folder. Mayroon din isang middle-aged man na siyang madalas na masama sa mga larawan. Hindi ang pagsasama naming tatlo o ang presensya ng lalaki ang nakapagpatahimik sa akin, kung hindi ang lugar, petsa, at itsura ko.
Wala ni isang tungkol sa larawan na ito ang naaalala ko. Ito'y kuha na bago pa ako maaksidente, sigurado ako doon. Ang itsura ko sa larawan na ito ay kakaiba. Nakasuot ng isang itim na leather pants, isang itim na t-shirt at isang military tactical vest na puno ng hand guns at pistols. Ano ba talaga ako?
Mabilis ko pang inilipat ang mga larawan at napahinto sa isang larawan. Ako at si Blaze ang siyang nasa larawan. Pareho kaming nakasuot ng itim na t-shirt pero sa isang bagay lang nakapako ang atensyon ko. Sa burdang pangalan sa braso ni Blaze at braso ko.
"Tian? Dow?" wala sa sariling sambit ko, "is this... pertaining to me?"
Binuksan ko pa ang ibang folder sa flashdrive at isa lang ang napagtanto ko. Ako, si Blaze, si Shine at ang inaakala kong mga magulang namin ay hindi normal. Hindi office worker si Shine at Blaze. Hindi ako isang normal na college senior, at maaaring hindi ko rin mga magulang ang siyang nakakasama ko sa loob ng bahay.
Akala ko ay sa mga panghapong telenobela ko lang makikita ang mga ganitong bagay. Mali ako, posible pala sa totoong buhay.
Agad na sinara ko ang laptop. Napatulala ng isang segundo at di makapaniwalang napatawa at napailing.
"Damn... I'm an agent!?"