Kabanata 17: The Buttons (part one)

Third Person's POV

"Alam mo nawi-wirduhan na ako kay Blaze eh," makahulugang saad ni Shadow habang ang mga mata niya ay diretsong nakatingin sa kung saan.

"Wha-wi-Blaz," sagot naman ni Echo na puno ang bibig ng sandwich na dala ni Shadow. Pilit niyang nginunguya ang tinapay habang ang isang kamay ay bahagya nakatakip dito.

Hindi na siya pinansin pang muli ni Shadow at hinayaan na lang ng dalaga na liparin ng hangin ang kanyang isip. Hindi niya na rin kasi maintindihan kung ano ba talagang nangyayari. Ipinangako niya sa sarili niya na aalamin niya na ang lahat pero heto siya at naguguluhan na naman.

Gusto niyang malaman kung ano ang nawala sa memorya niya. Kung gaano ba ito kaimportante at kung gaano kalaki bang parte ito ng pagkatao niya. Pero higit na gugustuhin niya munang maunawaan ang mga ikinikilos ng mga tao sa paligid niya. Habang tumatagal kasi ay lalo niyang napapatunayan na oo nga, mayroon silang itinatago sa kanya.

"I said, what's with Blaze? Kanina pa nakakunot ang noo mo at nakatingin ka pa sa kawalan. Napakalalim naman yata ng iniisip mo," biglang sambit ni Jericho na siyang nagpabalik sa wisyo ng dalaga. "And don't you dare say it's nothing, 'cause I could literally see it on your forehead's creases."

Mabilis na umayos ng upo si Shadow. Ipinagsaklob ang kanyang mga palad at saka ito seryosong tumingin kay Jericho. Dalawa lang ang pinagpipiplian niya; ang sabihin ang laman ng isip niya kay Jericho o sarilinin na lang ang mga pagdududa niya.

"There's nothing really wrong, actually,"

Agad na tumalim ang tingin ni Jericho sa kanya. Itinaas nito ang isang kilay at bahagyang napangiti. "Nothing wrong? Doesn't sound convincing to me though," sagot niya. "Come on, something is bothering you, right?"

Napabuntong hininga si Shadow, "It's just that.. nitong mga nakaraang araw lalo kong napapatunayan na may mali at ayoko tong nararamdaman ko," malungkot na saad niya. "Ayoko yung nagdududa ako sa lahat ng tao sa paligid ko. Including Blaze, Shine, my parents and... you."

Agad na napakunot ang noo ni Jericho kasabay ng kaba na unti-unting nabubuo sa kanyang kalooban. Alam niyang darating ang araw na magtataka at magtatanong si Shadow sa mga bagay na nangyayari; ang kakaibang kilos ng mga kapatid nito, kilos niya, maging ang trato ng pamilyang kasama niya sa loob ng isang bahay. Hindi niya lang inakala na magiging ganito ito kadirekta at kaprangka.

'Tama nga sila. You're quite exceptional. I can't even understand what's going on in that head of yours', ang tanging nasa isip ni Jericho habang ang mga mata niya ay nananatiling nakapako sa dalagang seryoso ang pagkakatingin sa kanya.

Ngumiti si Jericho at bahagyang natawa, "Nagdududa? What? Ano bang iniisip mo?" saad ng binata habang nakapatong ang baba sa likod ng kanyang mga kamay at ang siko ay siyang nakapatong sa ibabaw ng lamesa na siyang pumapagitan sa kanilang dalawa.

Napabuntong hininga si Shadow. Matagal pa muna itong tumitig kay Jericho. Inaral ang galaw at kilos nito. Bawat lunok at paling ng ulo ng binata ay iba ang ibig sabihin sa kanya. Alam niyang kinakabahan ito sa kung ano mang salita ang lalabas sa labi niya.

Bingo. May tinatago ang binata pero hindi ito ang oras para sa kanya.

"Someone called Blaze this morning," pagsuko ni Shadow.

Hindi niya alam kung tama bang sabihin niya ito kay Jericho pero, sa sobrang dami ng iniisip niya, para isang time bomb ang ulo niya na malapit nang sumabog at ayaw niyang mangyari yon. Ayaw niyang may magawa o masabi siyang mali lalo na at wala naman siyang matibay na ebidensya sa lahat ng hinala niya.

Dahil para sa kanya, ang hinala ay mananatiling hinala hanggat walang ebidensya at kahit na anong sabihin niya ay hindi magiging kapani-paniwala sa mata ng iba. Hindi dahil wala siyang maalala, kung hindi dahil walang kasiguraduhan ang iniisip niya.

Napaangat ng kaunti ang gilid ng labi ni Jericho. Nawala ang namumuong kaba sa dibdib niya na kanina ay hindi niya malaman ang gagawin. Inihahanda niya na nga sana ang paliwanag na gagawin sakaling humantong sa isang interrogation ang usapan nila.

"Oh what's wrong with that?" sagot ni Jericho sa kanya nang makabawi na ito, "someone called him, is it too strange that someone is calling your brother? why are you bothered by that?"

"It's not about that, you dimwit," saad ni Shadow, "it's about how he reacted after and what the person on the other line said."

"And...?"

"Look, what happened was, may tumawag kay Blaze at wala siya, so sinagot ko then the moment that I answered the phone, the person on the other line recognized me in an instant."

"And..?"

"Are you listening to me, Jericho?" inis na saad ni Shadow habang ang isang kilay nito ay nakataas. "that person recognized me and expected me to recognized him too!"

"Oh, anong problema? Anong nakakaduda do'n Shadow? Every time ba na may makakakilala sa'yo magdududa ka? Every time na may makakausap ka magkakaganyan ka? Sa tuwing may sasabihin sila na bago sa pandinig mo ay ganito ang magiging reaksyon mo?" mabilis na sagot ni Jericho sa ngayon ay nakasimangot nang si Shadow.

'This is exactly why I can't confront you people, there's no exact evidence, you would never take my side, that's I'm sure.' ang tanging nasa isip ni Shadow.

Tama nga siya. Walang maniniwala sa kanya kung patuloy lang siyang magdududa. No one would take her words seriously.

"Actually tama ka. Wala naman na dapat maging problema, kung sapat na bang tawaging problema lang ang isang 'to," kalmado nang sagot ni Shadow, "you know what's making me react like this?"

"What?"

"If he knew me so well, dapat pinuntahan niya ko. If he is a friend, shouldn't I have seen him even just once mula nung magising ako? Diba dapat binisita niya man lang ako? He expects me to remember him, doesn't he even know na naaksidente ako? Because it sounds like he was not even aware," sunod-sunod na saad ni Shadow habang ang kilay nito ay halos magdikit na sa sobrang pagkakakunot ng kanyang noo.

"Sinadya ba niyang hindi ako puntahan or hindi niya magawa because of some other things na hindi niya masabi na konektado sakin?" dagdag niya pa.

"Maybe he is from somewhere far, Shadow.."

"Somewhere far?" natatawang pang-aasar ni Shadow habang ang mga kamay niya ay magkasaklob sa kanyang dibdib. "And he said some weird and unusual things you know, that made Blaze even more weird than he already was."

Napabuntong hininga si Jericho, "What did he say?"

"Na ako pa naman ang una sa Enigma, pero hindi ko siya naaalala."

Agad na nanlaki ang mata ni Jericho. Ang kaninang tinatamad na ekspresyon ng kanyang mukha ay napalitan ng gulat at kaba. Gusto niyang paniwalain ang sarili na nagkamali lang siyang dinig pero mabilis itong nabasag ng muling pagsasalita ni Shadow.

"His name is Blanc." saad ni Shadow.

Parang binuhusan ng malamig na malamig na tubig si Jericho. Gusto niyang magsalita at maraming tanong na ang nabubuo sa isip niya pero walang tunog na lumalabas sa kanyang bibig. Tila ba ay naputulan ito ng dila at hindi makapagsalita.

"And after kong sabihin yon kay Blaze, he immediately took the phone away, grab his things and run outside na parang aligagang-aligaga. Naiwan niya pa nga ang pouch niya sa counter top ng kitchen." natatawang pagtutuloy ni Shadow sa kanyang sinasabi, "Never siyang nawalan ng composure. Sa dalawang taon na magkasama kami sa bahay, never ko siyang nakita na nagkaganon. So tell me, how can I stay unbothered? After all that? How can I?"

"Wha-What did you sa-say?" saad ni Jericho nang makabawi na ito sa pagkakagulat na dala ng pangalan ni Blanc, "Wha-What's his name?"

Ipinaling ni Shadow ang kanyang ulo sa isang gilid. Isang diretsong linya ang nabuo sa kanyang bibig habang diretso siyang nakatingin kay Jericho. Kita sa mukha ng binata ang ilang butil ng pawis, ang bibig nito na hindi mapakali at ang mata na hindi makatingin nang diretso sa dalagang ngayon ay may nakakalokong ngiti sa labi.

"Why Jericho? Does it ring a bell?" nakangising saad ni Shadow. "For sure kilala mo siya. Sa nakakadudang kilos at galaw mo, pwera pa ang kakaibang reaksyon mo mula pa kanina hanggang ngayon, sigurado akong kilala mo siya," mabagal na saad ni Shadow.

Matagal hindi nakasagot si Jericho. Hindi niya malaman kung ano ang sasabihin niya. "A-Ano bang si-sinasabi mo?"

"Stop acting like this, Jericho." malamig na turan ni Shadow kasabay ng mabilis na pagtayo nito. "Alam kong may tinatago ka. May tinatago kayo sa akin. Hanggang kailan niyo ba balak na itago sa akin ang nakaraan na nakalimutan ko? Hanggang kailan niyo itatago ang parte ng buhay ko na nawaglit sa isip ko? Hanggang kailan niyo ako balak na lokohin? Bakit kasi hindi niyo na lang aminin at sabihin sa akin ang lahat?"

Lalong napatahimik si Jericho. Kakaibang kaba ang ibinibigay ng seryosong dalaga sa kanyang harapan. Wala pa itong ginagawa sa kanya pero halos huminto na ang tibok ng kanyang puso.

'Ganito ba talaga ang top agent ng Enigma?'

"Ganoon ba kahirap magsabi ng totoo? O hindi pangkaraniwan ang bagay na nakalimutan ko?' sunod-sunod na tanong ni Shadow. "Isa ba kong kriminal? Isang mamamatay tao? Isang delikadong tao na hindi na dapat pang maalala ang nakaraan?"

"Shadow.. it's not li-"

"Enough Jericho. Tama na. Kung ayaw niyong sabihin sa akin, ako ang tutuklas at sisimulan ko sa Enigma." saad ni Shadow sabay taas ng isang kulay itim na pouch mula sa kanyang bag. "This pouch has sort of things na kailanman ay hindi ko nakita kay Blaze. This might be the key para maalala o malaman ko ang lahat."

Agad na kinuha ni Shadow ang kanyang bag at saka inilagay dito ang pouch. Mabilis niyang isinuot ito at saka tumingin muli ng matalim kay Jericho.

"Report this to whoever you're reporting to every morning. Whether it's my siblings, kung kapatid ko ba talaga sila or someone else, wala na kong pakialam. Tapos na ang pagtatanong at pagdududa ko, oras na siguro para naman malinawan na ako at makuha ko na ang nawala." saad ni Shadow at saka ito naglakad palayo.

Matapos ang ilang hakbang ay huminto ito at lumingong muli kay Jericho habang may nakakalokong ngit sa labi, "so long my friend, if you ever really are, but I doubt that. Your presence tells me na hindi kita kaibigan. You're always on the high guard." natatawang saad ni Shadow.

"Shadow listen to me! Its not like that! Its no-"

"You've all pushed my buttons really hard. Sana sinabi niyo na lang, kahit mahirap sana sinabi niyo, sana inamin niyo. Instead of continously lying and making me look like a fool sa ganitong acts and roleplays niyo, sana sinabi niyo na lang. Now I feel like a shit that have been stepped on hundreds of times. I feel so pathetic," mabilis na tumulo ang luha sa mga mata ni Shadow na mabilis niya ring pinunasan at saka ito nagpatuloy na sa paglakad.

Hahabulin sana ni Jericho si Shadow pero parang napako ang paa niya sa lupa at hindi makagalaw.

"I'm sorry Shadow," malungkot na saad ni Jericho, "I'd rather you hate me like this, kesa malaman mo kung anong dapat na nangyari. Kung paano kong pinagplanuhan ang buhay mo. Hindi ko gugustuhin na malaman mo na kaya ako nandito dahil sa isang dahilan at iyon ang patayin ka. I'm sorry Shadow..."