KABANATA 18: “He’s one of us”
Blanc's POV
"What the heck is happening?" wala sa sariling sambit ko at bahagya pang napatawa habang ang isang kamay ko ay siyang nakapatong sa aking ulo.
Hindi pa rin ako makapaniwala sa narinig ko. Is that really her? Is that really the Shadow I know?
"Niloloko na yata ako ng sarili kong utak at kung saan-saan ko naririnig ang boses niya," saad ko na agad na sinundan ng isang di makapaniwalang tawa.
Alam ko sa loob-loob ko, hindi ako pwedeng magkamali. Maaaring maraming bagay ang hindi ko alam, lalo na ang makisalamuha sa ibang tao, pero sigurado ako sa narinig at alam ko. Because I was built to remember and easily recognized things around me, I know what I heard and I am a hundred percent sure about that. That it was really her.
Ang boses na yun ay galing sa kanya. Pero bakit hindi niya ako naaalala? She is the top agent of Enigma, the most skilled and outstanding of them all. She has a very sensitive senses; smell, hearing, touch, taste and sight. But.. why does she sounds so confuse and unsure?
Anong nangyari sa'yo?
"The weather's fine.." agad akong napalingon sa biglang pagsasalita ng isang lalaki mula sa likurang bahagi ng bench na inuupuan ko.
Hindi ganoon kalalim ang boses niya. Hindi rin naman matinis na gaya ng sa babae. Sakto lang ang lalim at gaan ng boses niya sa mala-komiks na features ng kanyang mukha.
Ilang segundo pa akong napatitig sa kanya bago sumagi sa isip ko na hindi ko nga pala dapat na ginagawa ito. Siguradong batok na naman ang inabot ko mula sa kanya kung nandito lang siya.
Mabilis kong binawi ang tingin ko sa kanya at ipinirmi ito sa aking harapan.
Dala ng pagkagulat at pagkalito mula nung makausap ko si Agent Tian sa telepono, ay napadpad ako sa isang malapit na park sa babaan ng pasehero ng bus.
Ang mga benches dito ay parang katulad ng mga benches na madalas makita sa isang hollywood movies na may dalawang upuan na siyang magkatalikuran.
Ang lalaking sinasabi ko ay siyang nakaupo sa upuang nasa likuran ko. Parehas kaming nakatalikod sa isa't-isa kaya hindi ko napansin ang pagdating niya at siyang gulat sa biglaan niyang pananalita.
"Yup, let's play some puzzle," sagot ko habang ang mga mata ko ay nakapako pa rin sa aking harapan.
Marahan ko ring nilalaro ang mga daliri ko. Alam ko naman na kakampi niya ito, pero hindi parin mawala ang kaba sa akin. Sa oras na magkamali ako, hindi lang buhay ko ang mapapahamak, kung hindi pati na rin ang sa kanya at ang buong ahensya ng Enigma.
'The weather's fine, yup let's play some puzzle' ay ang official password ng mga agents ng Enigma. Sa mundong hindi nila sigurado kung sino ang kakampi at kalaban, sa mundong ang buhay nila ay laging nakasanla na kay kamatayan, kailangan nilang maging sigurado sa mga taong kakausapin at pakikisalamuhaan nila.
Dahil ang Enigma ay may literal na ibig sabihin na 'complex', their founders, Teron, Xariel, Alas and another one na hindi pa nakikilala, ay nagcome-up sa gano'ng klaseng secret password sa mga agents.
Sino nga naman ang magaaya ng puzzle dahil lang sa maganda ang panahon? Kailangan nga lang ay alam mo kung sino ang sasabihan ng password at masiguro na sa kakampi ito babanggitin at hindi sa kalaban.
"Be primitive and observant. Hindi sa lahat ng oras makakasama mo ako Blanc. Kailangan ay matututo kang kumilatis ng tao at magdesisyon sa pinakamabilis na paraan," mabilis na sumagi sa isip ko ang iniwang kataga ni Shadow bago niya ako iniwan sa villa ng kanyang mga magulang.
Be observant. Be primitive.
"Are you... Blanc?" agad na tanong sa akin ng lalaking nasa likuran ko makalipas ang ilang segundo.
Tinitigan ko siyang muli. Pinagmasdan ang magiging reaksyon niya. Kita ang pagod sa tumatagaktak na pawis niya. Ang mga mata niyang diretsong nakatitig na sa akin na wari ay walang itinatagong kahit na ano.
"Agent Tian?" kinakabahang sambit ko.
"Oh please, don't call me that," mabilis na sagot niya sa akin habang bahagya pang napapailing.
Agad akong nakahinga ng maluwag sa narinig. It's a friend Blanc and not a foe, good job.
"Just call me Sebastian or... Blaze. You can choose whatever you want just don't call me that, especially out in the public. I'm sure you know why," makahulugang sambit niya habang ang mga mata niya ay mabilis na nilibot ang buong park nang hindi gumagalaw ang kabuuan ng kanyang ulo. Tanging mata lang talaga.
Agad naman akong napatango at sumulyap na muli sa kanya. "So.. what's with that?"
Ayokong sayangin ang oras ko sa pagpunta dito sa Alire. Hindi magiging maganda para sa akin at para na rin kay Shadow ang matagal kong pananatili sa lupa ng Alire. Maaaring hindi ko siya nakita ngayon, maaaring hindi ko nakita si Chaos pero hindi ibig sabihin noon na magiging ligtas ang lugar na ito para sa akin.
Matalim pa kay palos ang isang 'yon. Matindi pa sa isang ghost at baka kasing talino din ng mga fictional characters katulad ni Iron Man at ni Hulk. Hindi ako pwedeng magsayang ng oras at maging kampante.
Matinding pag-iingat ang kailangan lalo na at nalamon na siya ng kanyang ambisyon at pagiging ganid. Nawala na ang totoong dahilan kung bakit niya sinimulan ang Myriad. Isa na lang siyang nakakatakot na scientist na walang ibang alam gawin kung hindi ang pagplanuhan ang pagsakop niya sa mundo.
Agad na tumingin ako kay Sebastian na magkasalubong ang mga kilay at nakahalukipkip ang mga braso sa aking dibdib.
"So ano nga yon? Care to explain? Para naman hindi ako nababaliw kakaisip dito." masungit na turan ko sa kanya sabay bawi ng tingin.
"It was... her. Shadow."
"That I know, kahit na hindi mo pa sabihin sa akin," mayabang na sagot ko sa kanya. "What I want to know is what happened to her? Bakit hindi niya ako naaalala? Siya na napaka sensitive sa tunog? Na may photographic memory? At kakaibang takbo ng isip. What the fuck happened to her?" matalim na sunod-sunod na tanong ko sa kanya.
Sumulyap siya sa akin at saka biglaang tumayo. Pinagpag niya ang damit at pantalon niya at saka inilagay sa kanyang bulsa ang mga kamay. Dahan-dahan ding umangat ang sulok ng kanyang mga labi habang bahagya siyang napapayuko. Isang mapait na ngiti ang sumilay dito.
Agad akong nagtaka at lalong kinabahan. Napakalungkot ng ngiti niya. Nababalot ng sobrang lungkot ang buong presensya niya na siyang lalong nagbibigay ng kaba sa aking sistema. Ano ba 'to?
"Sebastian?" tawag ko sa pangalan niya kahit na nanginginig pa ang mga kamay ko sa kabang ibinibigay niya, "What happened?"
"It was... It was our fault," mahinang sambit niya at saka biglang tumingin sa akin, "It was really our fault. I failed to save her from that damn evil monster."
"What the heck are you saying?"
"This is not the right place to talk about this Blanc," bigla niyang saad sa isang seryoso at malalim na tono.
Nawala na rin ang kaninang malungkot na ngiti. Napalitan na ito ng galit na hindi ko alam kung saan nagmumula. Ang kaninang malulungkot niyang mga mata, ngayon ay unti-unti nang dumidilim at ang mga kilay niya ay malapit na ring magkasalubong sa pagkakakunot ng kanyang noo.
"Come with me. I'm sure Teron would be pleased to meet you and he should be the one to explain things to you. Wala pa yata akong kakayahan para balikan ang pinakamalaking kasalanan ko sa buong buhay ko." makahulugang saad niya at siyang naunang naglakad sa akin.
Hindi ko alam kung ano ang matutuklasan ko ngayon. Hindi ko nga rin alam kung makakausap pa kita at makakamusta. Pero... Sa lahat ng ginawa mo para sa akin, kulang pa ang buhay ko para makapagbayad sa lahat ng kabutihang loob na ipinakita mo sa akin.
My arrival is a double-edge sword. I could be the key and the answer but I could also be the epitome of chaos at the same. Not just to you but to the people around you. But if my existence would only bring you pain and danger, then I would be more than willing to take it myself.
Because Shadow... you are my family. My home.
"Blanc, let's not waste time. We must get to Enigma before noon."
"I know."
Third Person's POV
"Boss, I have seen Blanc," agad na bungad ng lalaking kanina pa nakamasid sa ngayon ay naglalakad na si Blanc kasama si Sebastian. "May kasama siyang wala sa nakalap naming information tungkol sa kanya." dagdag pa nito habang mabilis na binabasa ang ilang piraso ng papel na kanyang hawak.
"That must have been one of the agents of Enigma."
"Ano pong gagawin? Should we proceed to our original plan?" sagot ng lalaki habang binibigyan ng makahulugang tingin ang ilang kasamahan na nasa hindi kalayuan.
"No, go back to the base," mabilis na sagot ng kanyang kausap, "even with your numbers, you wouldn't be able to take down whoever that was. Considering he's from Enigma, a mere thugs and goons like you won't be enough to take him down."
Mabilis na napakunot ang noo ng lalaki. Hindi niya malaman kung iyon ba ay isang salita ng pag-aalala o isang pang-iinsulto sa kakayahan niya at nang mga bata niya.
"Pero Mr. Chaos, we-"
"No, go back and that's final." agad na putol ni Chaos sa sasabihin ng lalaki at siyang baba niya ng telepono.
"Pucha naman oh!"
"Oh bakit? Ano bang sabi ni boss?" tanong nang bagong dating na lalaking ang parehong kamay ay nakapasok sa kanyang bulsa.
"Hindi ko alam kung insulto ba yon o ano eh. Hindi daw namin kakayanin ang agent ng Enigma," inis na sagot ng lalaki, "bakit niya pa kami kinuha?"
"Hindi niyo talaga sila kaya," makahulugang saad ng bagong dating na lalaki.
"Ano bang sinasabi mo?"
"Ako nga hindi ko sila kinaya eh."
"Anong-"
Mabilis na hinugot ng bagong dating na lalaki ang dalawang combat knife na siyang itinatago niya pala sa kanyang likuran. Walang pagaalinlangan niya itong itinarak sa leeg ng lalaking kanina ay kausap at saka ibinato ng sabay sa dalawa pang kasama nito.
Tahimik at madilim ang lugar kung nasaan sila. Walang ni isang tao ang nagagawi sa parteng ito ng park. Isang bagay na sinigurado niya bago isagawa ang planong pagpatay sa mga kasamahan.
"Je-Jericho... ba-bakit?" pilit na pagtapos ng lalaking sugatan sa kanyang gustong sabihin.
"I hate to say this but..." biglang saad ng isang lalaki mula sa di kalayuan. "He's one of us, sorry to disappoint you." saad niya at saka inilagay ang silencer sa hawak niyang pistol at asintadong pinaputukan ang tatlong lalaking nakabulagta sa lupa.
"Bakit nandito ka pa? Hindi ba dapat ay umalis ka na? Saka nasan na yung kikitain mo?" walang ganang sambit ni Jericho habang hinuhugot ang kutsilyong nakatarak sa lalamunan ng mga lalaki.
"Nasa loob na siya ng kotse ko," walang ganang sagot din ni Sebastian kay Jericho habang ibinabalik ang baril sa kanyang likuran. "Ayoko sanang magpasalamat pero, salamat. You arrived in a short notice, kahit na hindi naman ako sigurado kung tama ang hinala ko."
"Walang anuman kahit na labag sa loob mo ang pasasalamat na yan."
"Tch. Nagpasalamat na nga."
"Ano na palang plano mo?" biglang sambit ni Jericho, matapos na punasan ang mga kutsilyo niya at inilagay sa suot na itim na military vest. "Siguradong sa ngayon ay may alam na siya tungkol sa'yo, sa akin at sa buong sitwasyon na 'to."
"Ano pa nga ba? Edi tanggapin ang galit niya." malungkot na napangiti si Sebastian. "Kung iyon lang ang tanging paraan para makabalik siya, kahit habang buhay na siyang magalit sa akin. Kahit paulit-ulit ko pang iwanan ang pouch na yon, gagawin ko."
Bahagyang napatawa si Jericho kasabay nang pagiling nito. "Nakakatakot talaga kayong agents ng Enigma. Biruin mo, naplano mo na agad ang lahat. Pucha, kinikilabutan ako." saad niya sabay yakap sa kanyang sarili.
"Umalis ka na. Baka magtaka ang hinayupak mong boss at hanggang ngayon ay wala ka pa sa impyerno."
Hindi na nagsalita pa si Jericho. Tumango na lang ito at saka naglakad sa kabilang dako ng park.
"Operation bring back Shadow, step one, done."