CHAPTER 7

CHAPTER SEVEN

Parang kahapon lang nangyari ang lahat, pero ang totoo tatlong buwan na since bumalik kami dito galing sa Anguib Beach. And its been three months since the last day I saw Travis.

Hindi naman ako nagcha-chat or text sa kanya dahil naging busy din ako sa reviews and finals at ganun din sya. Ayoko namang istorbohin dahil he really hates bieng disturb while studying lalo na at finals na namin. And.... Naging matiwasay naman ang kinalabasan ng exam.

Last, last week nga ginanap ang graduation namin. Sobrang saya! Sa wakas nakatapos din kami sa highschool life. Ang buhay kabataan kung saan una mong mararanasan na magkaroon ng panibagong tahanan at pamilya sa pamamagitan ng nabuong samahan sa eskwelahan. Sa yugto ng buhay na'to dito mo masusubok ang kakayahan mo bilang teenager. Masasaya, malungkot, iiyak, tawanan, biruan, awayan, hindi pagkakaintindihan, but in the end of the day maayos pa ring lahat. At dito ka rin makakatagpo ng iyong unang pag-ibig. Masayang maging higschool lalo na at ito ang pinakamatagal at mahabang school life. Grade 7 to Grade 12 or Junior High to Senior High. Dito mahuhubog ang iyong murang pagkatao patungo sa panibagong yugto ng buhay mo.

Marami akong natutunan in my entire highschool days. Dito ko naranasan na mag-cutting kapag tanghali at walang klase. Tatakas kami ng school campus para lang mamasyal sa bayanan at mamili sa mga malls. I even experience how to cheat when we're having a quiz, while our teacher is not looking. Pagkatapos nun magtatawanan kami nang walang humpay dahil sobrang epic. Minsan pa ngang nahuli ako ng Math Teacher namin, sabi ko hindi ako nagchi-cheat 'coz why would I do that eh kasama ako sa dean lister at kaya kong magsagot kahit walang review-review, so ang ginawa nya pinag-take ulit ako ng another quiz. I got a highest score among them. Its just that... I just want to experience it. And its worth it because masaya, kahit na medyo nakaka-kaba.

Dito ko rin naranasang magkaroon ng crush tapos ilalaglag ka ng mga classmates mong mada-daldal kaya mabubuking ka ng crush mo na crush mo sya. Minsan pa nga tatambay kami sa gym para lang manood ng mga boys na nagba-basket ball. At may time pa nga na sa hallway kami tatambay para lang masilayan yung poging type mo, kapag dadaan yung grupo ng mga poging campus crush.

Ang sarap ngang sapakin nung kaibigan mong kapag kinilig may pahampas at kurot pa sa'yo. HAHAHAHA! Halos mabugbog ka na dahil sa kakiligan nya.

I will missed them for sure. Mamimiss ko din ang mga naging classmates and teachers ko na naging parte na nang batang mundo ko. And one month na lang magsisimula na naman ang panibagong yugto ng aking buhay. But this time, matured na ako at handa nang salubungin ng may ngiti sa labi at taas noo ang bawat pagsubok na kahaharapin ko.

New adventure and new beginning will come to us in our college life.

Buong bakasyon ay wala akong ginawa kundi matulog maghapon. Binabawi ang ilang linggong puyatan at pagod para lang maging maayos at maipasa ang finals namin. Nagreview din ako para sa Entrance Exam for College. Dalawang University ang inaplayan ko for College Exam para sure. My first choice is Cheum International School and the second is Saint Agusteus University. If hindi man ako makapasa dun sa isa tapos passed ako sa isa, edi okay, diba?

But, what if hindi ako makapasa sa dalawang University? Peyn!

Pero kompyansa ako na makakapasa ako sa dalawang University. Huh! Syempre ako pa ba? Iniisip ko lang talaga kung saan ba papasok si Travis. Gusto ko magkasama pa rin naman kami kahit sa college.

Naman! Baka may lumandi pa sa kanyang iba at maunahan pa'ko. Makakapatay talaga ako ng baklitang hilaw.

Hindi ko namalayan ang oras, gabi na pala. Ang lalim kase ng iniisip ko eh. Excited din ako dahil ngayong gabi dadalhin ang result ng Entrance Exam ko.

Nakaka-kaba na nakaka-excite in the same time. Gosh!

"CHARM, HONEY! YOUR EXAM RESULT IS ALREADY HERE! COME AND LET'S CHECK THIS OUT!"

Muntik na akong mahulog sa pagkakahiga sa kama dahil sa sigaw ni Mommy.

"OH... EM... GHIE! KYYYAAAHHHH!"

Nagmadali akong lumabas ng kwarto para bumaba sa sala ng bahay.

"Oh! Nandyan ka na pala, come here honey. Tingnan natin ang result ng exam mo. Gosshhhh! Excited na'ko."

"Mukhang mas excited ka pa sa anak mo."

"Kinakabahan lang yan. Don't worry, I know our dear daughter will passed. Trust me!"

"Mom, Dad! Pwedeng kayo na lang magtingin ng result. Kinakabahan kase ako eh." Kumamot ako sa ulo, nag-iinit ang pisnge ko dahil sa kahihiyan.

Mahinang natawa sina Mom at Dad dahil sa sinabi ko.

"Sure ka?" tanong ni Mom. Tumango ako sa kanya. "All right! Sabi mo eh."

Sabay na binuksan nina Mom at Dad ang envelop na naglalaman ng Exam Result. Pikit ang mga mata at nakatakip ang dalawa kong palad sa aking mukha habang hinihintay ang pag-anunsyo ng parents ko sa result. Ilang minuto ang hinintay ko pero wala manlang silang reaksyon kay agad akong sumilip sa naka-awang kong daliri.

Gulat at tila hindi maipinta ang mukha nina Mom nang sumilip ako.

"M-Mom? D-Dad?"

"KKKYYYAAAHHHHHHHHHH! HONEY! YOU PASSED THE EXAM. YOU'LL GOING TO C. I. S SOON! O. M. G! IT MEANS CELEBRATING!" sigaw ni Mommy.

"CONGRATULATIONS BABY! YOU MADE IT!" bati ni Dad sa akin.

Hindi agad ako nakagalaw o naka-react dahil sa pagkabigla. Passed? C. I. S?

Umawang ang labi ko nang marealize ang nangyayari.

"OMG?! I GOT PASSED? SA CHEUM INTERNATIONAL SCHOOL? THE MOST PRESTIGEOUS SCHOOL HERE IN CAGAYAN? OMG!"

Hindi makapaniwalang tanong ko kina Mom. Ngiti at tango ang kanilang isinagot sa akin.

"AAAHHHHHHHH! I CAN'T BELIEVE IT! OMG!"

Nagtatakbo ako palapit kina Mommy saka sila niyakap ng mahigpit.

"I MADE IT MOM, DAD! I CAN'T BELIEVE, I ACTUALLY DID IT!"

Naramdaman ko ang pareho nilang pagyakap sa'kin pabalik.

"Your Mom and I are very proud of you baby. Sabi ko sayo eh, kayang kaya mo yun, ikaw pa ba? Kanino pa ba magmamana, edi samin ng Mommy mo, right Love?"

"Ofcourse, Love! OMG!" Pero biglang nawala agad ang ngiti at maaliwalas na vibes ni Mommy. And I don't know why. "Mom?"

"So.... ibig bang sabihin nun mahihiwalay ka sa amin ng Daddy mo ng matagal? Dorm school ang C. I. S, right? Nakakalungkot naman," malungkot na pahayag ni Mom. Kaya naman pala, nagtatampo na naman sya dahil malalayo ako.

Ako rin naman, ayaw kong malayo sa kanila. Pero syempre, to become matured at para maging independent kailangan ko ding maranasang malayo sa kanila. Kailangan kong matutong tumayo sa sarili kong mga paa dahil I know someday magkakaroon din ako ng sariling desisyon para sa sarili ko. Syempre kailangan pa rin naman ng suporta from my parents, hindi iyon mawawala dahil magulang ko sila. Gusto ko ding may mapatunayan sa kanila at sa sarili ko, na kaya ko.

Nagkatinginan kami ni Daddy.

"Ako nang bahala sa Mommy mo. Sige na, umakyat ka na muna sa kwarto. This past few days, nagiging emotional ang mommy mo. Let's talk about this later, kay?" ani Daddy sa akin.

"Sige po Dad. Tatawagan ko din si Travis para ibalita 'to."

"All right!" Dinaluhan ni Dad si Mom na medyo naiiyak na. Tiningnan ko si Mom pero walang nagawa para aluin ito, kaya umakyat na lang ulit ako sa kwarto. Siguro naman ay okay na din si Mom mamaya.

"Emotional? Kahit na maliit na bagay lang, iniiyakan agad ni Mom? Bakit hindi ko iyon alam? Anong meron? Hindi kaya...."

Hindi kaya....

"Mom is pregnant?"

Posible and impossible. Posible, dahil malay nyo nag-chuchukchakan pala sina Mom at Dad kapag gabi. Hindi ko naman alam dahil soundproof and kabuoan ng bahay, wala kang maririnig maliban na lang kung bukas ang pinto ng kwarto mo. Hindi rin naman ako sumisilip sa kwarto nila tuwing gabi, like DUH! Asan ang privacy dun? Tsaka, I'm not like that naman noh.

Impossible, because I think mom is on her pills or what. I don't know!

I will wait na lang na sabihin nila sa akin. Wala namang masama to have another baby besides me, 'coz why not? Gusto ko rin namang magkaroon ng baby sister or baby brother dahil I'm an only child. Don't experiencing having a cute and adorable baby in my lap while playing with her/him. Wala pa kaseng anak ang iba kong pinsan na may mga asawa na. Mga tita at tito ko naman malalaki na ang mga anak kaya wala talaga.

Ano nga kayang pakiramdam magkaroon ng baby? Magpapalahi na talaga ako kay Travis-- speaking of that baklitang hilaw.

Tatawagan ko nga pala sya para ibalitang nakapasa ako sa C. I. S. Kaya ako bumalik ng kwarto para kunin ang phone ko at tawagan sya, pero bakit napunta ako sa usapang pregnant at baby?

Si Mom kase eh. Tapos sisisihin ko pa ina ko, jusko Charm. Ligalig ka na naman.

Nagmadali na akong umakyat papuntang kwarto. Excited na din akong makausap ang baklitang iyon. Hindi manlang ako kinakamusta, parang hindi kaibigan. Hmp!

Pagkapasok at ini-lock ko ang pinto ng kwarto tsaka pabagsak na nahiga sa kama. Inabot ko ng isang kamay ang phone kong nasa gilid ng table. Tinawagan ko ang number nya at ilang minuto lang ay agad naman nitong sinagot.

"Hello?"

Ayyy teh! Bedroom voice amputek!

"Hi Travis! Kamusta ka? I miss you!"

"Hindi kita namiss!"