CHAPTER 8

CHAPTER EIGHT

"Hindi kita namiss!"

Aray na may kasamang ouch. ARAOUCH! Peyn, pighati, lumbay, lungkot, dalamhati.

"Pasmado talaga bibig mo noh? Teka nga, bakit parang ang ingay dyan? Nasaan ka ba?"

Malakas na rock music ang maririnig sa kabilang linya, kung nasaan ngayon si Travis. May ilang nagsasalita pero hindi malinaw dahil humahalo iyon sa tugtugin.

"Hey, Julia! Come on, let's just dance."

"Sino ba yang kausap mo? Boylet ba?"

"Mamaya na yan. Magsaya muna tayo. Ang daming boys sa dance floor eh."

"Stop it! Tumigil nga kayo, ang iingay nyo eh. May kausap ako oh. Mga chismosang 'toh!"

Malalanding boses ng babae ang narinig ko. Inaaya ng mga ito na mag-sayaw si Travis. Base sa pakikinig, nasa isang bar sya ngayon. Ang daming higad eh. Ginagaya pa nila ang Travis ko sa pagiging malantod nila. Tsk!

"Charm, are you still in there? Hello? Sorry ah! Teka... Lalabas lang ako."

Malakas na kaluskos ang umingay sa backgroud kaya nailayo ko ang cellphone sa aking tenga.

"Tsk! Malanding baklita!"

"Charm? Charm? Anong sasabihin mo at napatawag ka?"

Muli kong ibinalik sa tenga ang phone. "Nasaan ka ba kase?" May inis sa boses ko. Hindi naman halatang nagseselos na girlfriend ako, right? Kase hindi naman talaga.

"Nasa Canada. Bakit?"

Napaawang ang labi ko sa narinig. "CANADA? Anong Canada?"

"Duh! Nagbakasyon lang nabugok na agad ang utakels mong babae ka. Canada! As in Canada, you know sa ibang bansa. Anukavahhhhh!" pagtataray nito. Naiimagine ko na din ang pag-irap nya sa akin na sinabayan pa ng pagflip ng kanyang imaginary hair.

"Anong ginagawa mo dyan?"

"Nagbabakasyon malamang. Anong gusto mong gawin ko, tumambay buong vacation sa kwarto katulad mo? Gosh! So boring!"

"Eh bakit ang ingay? Naghahanap ka ng Sugar Daddy dyan noh? Hayop kang baklita ka talaga. Pagbalik mo dito puputulin ko yang hotdog mo," pagbabanta ko sa kanya.

"Geeezzzz! Malamang nasa bar ako ngayon. Saan mo'ko papupuntahin, sa museum at park. Nag-ienjoy lang naman ako habang nandito pa. Tsaka walang nakakakilala sakin here, so why not?"

"Ang harot! Nga pala, I called because I just want to inform you na passed ako sa C. I. S."

"Ohhhh, really? Congrats then. Mana ka talaga sa'kin. Matalino na, maganda pa. Pak na pak diba?"

"Eh ikaw? Saan ka nag-enroll? Dapat magkasama p rin tayo ngayong College. Bawal mahiwalay ang isa sa isa?"

"Ano aso lang ang peg? Kailangang kasunod ng amo?"

"Aba, syempre! Baka mang-landi ka lang sa papasukan mo, edi dapat nandoon ako para maputulan agad kita."

"Ang hard mong babaita ka. Pagbalik ko na lang dyan, sasabihin ko sayo."

"Bakit hindi na lang ngayon?"

"Busy ako girl!" Nawala sya sa line. Tiningnan ko ang screen pero nandoon pa naman.

"Travis? Hoy, malanding baklita!"

Nakarinig ako ng malalanding hagikhikan sa kabilang line. Marahil ay sa mga mahaharot na boses iyon. AAARRRRRGGGHHHH! Papatayin ko talaga ang Travis na iyon pag-uwi nya dito. HUH!

"Hi papi!" Boses iyon ni Travis.

"Hi! Are you alone? Can I join you?" anang tinig ng isang lalaki. Mukhang may nilalandi yata ang baklita doon. Tsk!

Selos ka self? Huh! Ako? Selos? No way!

"Actually, may mga kasama ako sa loob. I just got answered this call kaya I'm here."

"Oowww! Girlfriend mo?"

Narinig ko ang malakas na pagtawa ni Travis. "Seriously? Me? Having a girlfriend? Gosh! No way! Over my dead gorgeous sexy body. Baka ikaw pa, type ko."

A soft chuckled echoed in the other line. Voice from the guy he's talking and flirting to.

"Sorry, but I'm actually have a girlfriend. She's in the Philippines right now. So.... I got to go?! Bye!"

"BWAHAHAHAHAHAHAHAHA! ANG EPIC NUN! HAHAHAHAHAHAHA!" Hindi ko mapigilang hindi matawa ng malakas dahil sa narinig kong usapan nila.

Ganito ang napapala ng nakikinig sa usapan ng iba. BWAHAHAHA! Sakit sa tiyan.

Imbes na mainis dahil ang lakas nyang lumandi habang wala ako sa tabi nya, ay nagawa ko pang humalakhak ng pagka-lakas lakas. Eh panu ba naman, ang epic talaga ng pangpi-flirt nya. BWAHAHAHAHAHAHA!

"Hayuf na yun! May pa can I join you pang nalalaman. May girlfriend pala. Hayuffff talaga!"

"WHAHAHAHAHAHAHAHA! Ganyan ang napapala ng malanding baklita. Sabi ko naman sayo, dito ka na lang sa'kin. Single and free ako." Natatawang aniya ko.

"Shut up! Hambalusin kita dyan ng basahan eh. Mahaladerang 'toh! HMP!"

"Ohhhh, easy lang. Yung eyeballs mo luluwa na. HAHAHAHA!"

"CHARM JHAZMINE ACOSTA!"

"Sabi ko nga titigil na." Pero syempre joke lang yun. Inilayo ang ang phone at tinakpan ang speaker upang hindi nya marinig ang pagtawa ko.

Tumikhim ako saka muling itinapat sa tenga ang cellphone.

"Umuwi ka na Julian Travis Lacoste-Kim! Kapag hindi ka pa umuwi ngayon din, magpapadala ako ng airforce dyan para pauwiin ka mismo," pagbabanta ko.

"HA. HA. HA! As if kaya mo. Huh!" panghahamok nya.

Naglapat ang labi ko para pigilan ang inis.

"TRAVIS UMUWI KA NA! NGAYON NA! ISA!"

"Dalawa, tatlo, apat, lima, anim, pito, walo, siyam, sampu. Duh girl! I know how to count numbers." Halatang nang-aasar at nang-iinis sya.

"BAKLITANG HILAW ISUSUMBONG KITA SA MGA MAGULANG MO! UMUWI KA NA!"

Sigaw ko sa kanya. Nakarinig ako ng malalim na buntong hininga from him.

"BAKIT KA BA GANYAN? Nag-ienjoy lang naman ako sa vacation ko ah. Bakit ba nagbabawal ka? Ano ba kita? Nanay ba kita? Daig mo pa si Mommy sa pangangaral ah. Bakit, girlfriend ba kita para pagbawalan mo ako sa mga gusto kong gawin? Hindi naman diba? Bakit ka nagagalit dyan?" Galit at may bahid ng pagka disgusto sa kanyang boses nang sinigaw nya iyon mula sa kabilang linya.

Natigilan ako at hindi nakapagsalita agad. Hilaw na napangiti habang inaalala ang mga sinabi nya.

Oo nga naman. Ano nga ba nya ako para pagbawalan ko sya? Hindi nya naman ako girlfriend. Bakit feeling ko girlfriend akong nag-uutos at nagdidemand sa kanya, eh hindi naman.

We're just friends, nothing less and nothing more.

Bakit nga ba ako nangingielam kung anong gawin nya doon. Gusto nya yun eh, bakit pipigilan ko.

Nahinang napukpok ko ang aking ulo dahil sa kagagahan. "Engot ka Charm! Nakakainis ka self."

Ang luhang nagbabadyang pumatak ay agad kong pinigilan. Ang sakit naman. HA. HA. HA. HA! Yan ang napapala ng pakielamera.

"Oo nga pala, sino nga ba ako? Wala lang naman ako. Sorry ah! Sorry kung pinapakielaman kita. Huwag kang mag-alala, hindi na kita guguluhin pa. Mukhang nakakaistorbo na ako, papatayin ko na ang tawag. Sorry ulit!"

"Shit!"

Akmang ibababa ko na sana ang phone nang marinig ko ang galit at inis nyang boses. Mahina lang pero alam kong nagmura sya.

"Sorry, okay? Sorry! I'm so sorry, Charm! I didn't mean what I said. I'm sorry! It just that.... I'm sorry. Hindi ka nakaka-istorbo, alam mo yan. Kahit na busy ako kapag ikaw, sasagutin ko ang tawag mo. I'm sorry, Charm!"

"Liar!" bulong ko. May hinanakit na tono sa boses.

"I'm really sorry, Charm! Don't be mad please! Pag-uwi ko. dyan babawi ako sa'yo. Sorry talaga, huwag ka sanang magtampo at magalit sakin. Alam mong hindi ko kaya na mag-kaaway tayo at hindi nagbabati ng isang araw lang."

Hindi ako nagsalita. Gustohin ko mang pigilan sya sa paulit-ulit na paghingi ng sorry ay walang boses na lumalabas sa bibig ko. Saket eh!

Sabi nga nila, truth hurts! Masakit kapag sinampal ka na ng katotohanan na wala naman talaga kayo.

"Eto na nga, uuwi na ako. Hindi na ako babalik sa loob ng bar. Pasakay na ako ng kotse pauwi. H'wag ka na magalit please. Talk to me Charm! I know you'll still there, please talk to me. I'm really sorry!"

"I'll hang up the phone so that you can drive properly. Yung walang istorbo."

"CHARM!" Suway nya. "Charm! I told you, hindi ka istorbo. Nabigla lang ako kanina. Pauwi na ako."

"Bakit ka uuwi? Dyan ka na lang sana sa bar matulog. You don't need to go home dahil lang sinabi ko. Bumalik ka na doon at makipagsaya sa kanila. You want that right? Ayoko namang maging dahilan pa kung bakit hindi naging maganda ang bakasyon mo dyan."

"Fck!" Lumalim ang kanyang paghinga. Marahil ay nagpipigil na huwag akong masigawan ulit at masabihan ng kung anu-anong totoo naman talaga.

"Papatayin ko na ang tawag. Matulog ka na, alam kong gabi na dyan ngayon sa Pinas. You need to rest early. I'm so sorry again and...."

Pigil ang hiningan hinintay ko ang sasabihin nya. Teka-- bakit ko naman hihintayin ang sasabihin nya? Pwede ko naman sya babaan ng tawag, right? Galit ako diba?

"I miss you too, Charm! Goodnight! Sleep tight!"

Tila natuod ako sa aking kinalalagyan dahil sa narinig. Shit!

Namatay na ang tawag pero nasa tenga ko pa rin ang phone ko na para bang walang balak ibaba iyon.

"I miss you too, Charm!"

"I miss you too, Charm!"

"I miss you too, Charm!"

Parang sirang plaka na hindi iyon tumitigil at paulit-ulit na naririnig sa tenga ko.

"TANG ORANGE JUICE! AAAHHHHHHHHHHH!" Tili ko saka ibinaon ang mukha sa unan bago nagsisigaw dahil sa kilig.

"BWESIT NA BAKLITANG 'YUN OH! GALIT AKO EH! Galit ako sa kanya, pero isang I miss you too lang tiklop agad ako?! ANG RUPOK MO SELF! AAARRRGGGHHHHH!"

Pinagpapalo ko ang unan hindi dahil sa inis kundi dahil sa kilig. Sheeettt na malagket!

ANG RUPOK KO! HUHUHUHU!

May gamot ba para dito? Wala? Nakakaiyak naman! Magdo-doctor ako para ako mismo ang gagawa ng gamot para sa pagiging marupok. Paniguradong yayaman ako dahil madami ang bibili sa'kin ng gamot na yun. Ang dami ko kayang kaklase sa pagiging marupok. KALERKEEE! HUHUHU!