CHAPTER 6

CHAPTER SIX

"What are you doing here?"

Madiin at may bakas ng panlalamig sa boses nito. Bahagyang lumuwag ang pagkaka-kapit nya sa akin kaya naman nawala ang kabang kanina pa bumabagabag sa akin. Maging ang nakikipag-karerahan kong puso ay medyo bumalik na din sa dating takbo.

Naka-suot lamang ako ng Adidas Sports Bra at short shorts kaya ramdam na ramdam ko ang katawan nya sa expose kong balat. Kahit naka t-shirt ay damang-dama ko ang matigas at well-toned nyang katawan. Kahit ang braso at kamay nyang nagministulang magaan na bagay lamang ako kapag kanyang kinapitan ay nadadama ko dahil sa pagkakayakap nya sa akin.

"I said, what are you doing here?" pag-uulit nya. Pero para akong pipi na hindi mahapuhap kung paano magsasalita.

Ang malamig pero husky nyang boses ay tila pa pumapasok sa kaibuturan ko na kumikiliti sa aking sitema. P*tr*gis! Charm magsalita ka!

"AY PUKENG INA MO! ANO BA? BAKIT MO GINAWA 'YUN?" inis kong sumbat sa kanya nang muntik na akong mahulog dahil sa bigla nyang pagbitaw sa aking bewang.

"Ang laswa ng bibig mo. Yak!" nandidiring aniya. Binigyan ko sya ng sapak sa braso ng kapitan nya ako sa bewang at tulungang umakyat sa medyo mataas ng bahagi ng batuhan.

"Bakit mo kase ginawa yung baklita ka? Walanghiyang 'toh!" singhal ko nang makarating kami sa itaas kung saan maganda ang pwesto.

"Paanong hindi ko gagawin eh hindi ka manlang kumukibo dyan. Pakiramdam ko tuloy ay pinag-nanasaan mo ako kung makatingin ka kanina."

Nag-init ang magkabilang pisnge ko sa sinabi nya. Kung maliwanag lamang siguro ay kitang-kita na nya ang pangangamatis ng mukha ko.

"Ang kapal!"

"So? Ano nga ulit ginagawa mo dito? Sinabi ko kina Miko na h'wag akong itutur--"

"Sinabi nga nila sa akin." Pagputo ko sa sasabihin nya. "Ohh! Dinala ko para sayo." Inabot ko agad sa kanya ang hawak kong barbeque at hotdog bago ko pa malimutang ibigay. Sayang ang effort namin ni Krystal sa pag-ihaw.

"Ano yan?"

"Pagkain malamang. Ano pa bang tawag dito? Barbeque at Hotdog. Alam ko namang gusto mo ng hotdog eh."

Bigla syang naubo sa sinabi ko. "Ohhh... Ano ba yan. Hinay-hinay lang." Natatawang aniya ko habang hinahagod ang likod nya.

"Bakit kase kung anu-anong lumalabas sa bibig mong bruha ka."

"Sus! Favorite mo naman talaga ang hotdog ah. Masyado lang talagang green ang utak mong baklita ka."

"Anong gagawin ko dyan?"

"Inumin mo." Kumunot ang noo nya at tumalim ang titig sa akin.

Nag-peace sign ako sa kanya. "Joke lang! Kainin mo yan. Ano bang ginagawa sa pagkain? Kinakain diba?"

"Akin na nga yan. Ang balahura talaga ng bibig mong bruha ka." Hinablot nya ang hawak kong stick na may pagkain saka iyon sinimulang papakin. Nagulat ako ng may hawak na syang bote ng beer na hindi ko manlang napansing nasa kanya.

"Umiinom ka?"

"Sometimes, kapag hindi ako makatulog." Tinungga nya ang hawak na alak ng tuloy-tuloy na para bang tubig lang ito para sa kanya.

"Hoy, may balak ka bang maglasing?"

"You know I can't be drunk in just one can of beer, Charm. Pampatulog lang 'toh, don't worry."

"Sure ka ah." Tumango lang sya sa akin saka uminom ng alak na hawak.

Pagkatapos ay nilahad nya sa harapan ko ang hawak na lata ng alak. "Gusto mo?"

"Pwede?" nag-aalangan kong tanong sa kanya. Ngumiti sya sa akin pagkatapos ay umiling. "Hindi!"

I pouted at him. Pagkatapos ay marahas na hinablot sa kanya ang beer at mabilis tinungga ang laman 'nun.

"Easy lang! Bawal ka pa sa alak, bata ka pa." Kukunin na nya sana sa'kin ang beer in can ng tabigin ko ang kamay nya saka muling uminom doon. "Big girl na'ko. Hindi na ako bata para pagbawal mong uminom. Sabi ni Dad lalaki lang ang bawal at hindi alak."

"Pilosopo!" bulong nya na ikina-irap ko. Umiwas ako ng tingin sa kanya dahil sa malagkit at galit nyang titig sa akin.

Inaano ko na naman 'to?

Parang gusto kong maglasing ngayon, minsan lang naman eh. Kaso kulang ang dala ni Travis na beer, ang liit-liit. Nang maubos ko ang laman ng can ay inihagis ko iyon sa kanya. At ayun, dahil hindi sya nakatingin sa akin sapol sa mukha.

"Kulang!"

"ARAY HAH! Nananakit ka na. Inaano ba kita dyan?"

"Magsalita ka kase. Ang tahimik mo, 'di ako sanay na ganyan ka. Tsaka kulang yung beer na dala mo. Asan na yung isa pa? Sabi ni Ken dalawa ang dala mo."

"Anong gusto mong sabihin ko? Sinuway mo na nga ako, ikaw pa ang nagtataray dyan. Ohhh! Ano? May tama ka na? Inubos ko na yung isa kanina pa. Bakit kase nagparito ka pa, edi sana nandoon ka kasama nilang nag-sasaya."

"Trip kong samahan ka, bakit ba? Anong pinaglalaban mo ngayon? Ayaw mo ba akong kasama?"

Natigilan sya at hindi agad nakasagot. Isang mahabang katahimikan na naman ang bumalot sa aming dalawa.

Pareho kaming nakatanaw sa karagatan. Sobrang liwanag ng buwan na syang nagbibigay tanglaw sa amin. Nagbibigay din ito ng ningning sa tubig dagat sa aming harapan. Ang ganda!

Tumingin ako kay Travis na mataman lang na nakatitig sa harapan. Walang nagsasalita sa aming dalawa. Bumuntong hininga ako, ramdam ang matinding tensyon sa pagitan namin. "Pang peace offering ko yung ihaw-ihaw sayo. Kanina pa kase kita inuutusan eh. S-Sorry!" Yumuko ako habang pinaglalaruan ang aking mga daliri.

Narinig ko ang pag-gulong ng lata sa ibaba ng batuhan na inihagis nya. Pero wala akong narinig na salita mula sa kanya. Galit ba sya?

"I'm just irritated na hindi ko alam kung bakit. Sorry talaga! Bati na tayo diba? Hindi ka naman galit sa'kin, diba?"

Sa paglingon ko sa kanya ay ganun na lang ang pagkabigla ko dahil nakatingin din pala sya sa'kin. Kunot ang noo, pero kahit na ganun ay hindi nawala ang pagiging gwapo nya sa paningin ko. Naliliwanagan ng buwan ang kanyang mukha kaya kitang kita ko ang paniningkit ng kanyang mata.

"Silly! Look Charm, hindi ako galit sayo, okay? Tsaka hindi naman tayo nag-away bakit tayo magbabati. Alam mo kahit napaka-sadista at salbahe mo minsan, you're one of my favorite pet."

Imbes na matuwa na hindi sya galit sa akin ay sumimangot pa ako sa kanya dahil sa huli nyang sinabi.

"Hayop ka talaga!"

"Anong ako? Dapat ikaw, diba nga pet kita. BWAHAHAHAHA!"

Napangiti ako dahil okay kaming dalawa.

"Anong ngini-ngiti mo dyan? Crush mo'ko noh? Sorry ka, di kita ika-crushback, bleh!"

Lihim akong ngumiti. Pinipigilan ang kilig na nararamdaman. Tengene! Kahit pa nang-aasar na sya natutuwa pa rin ang puso ko sa mga simpleng ganun nya. Yari! Baliw na nga yata ako. HUHUHU!

"Masyado ka yatang bilib sa sarili mo. DUH! 'Di kita crush noh! Hindi ka naman si Song Joong Ki at Lee Jong Suk."

"Asus! Okay lang yan, alam kong gwapo talaga ako at maraming nagkakagusto sa'kin. Sorry na lang kayo dahil di ko kayo type. Ayoko sa tahong," aniya sabay tawa ng pagka-lakas lakas.

Ang balahura talaga! Psh!

"Masarap naman ang tahong ah," dipensa ko.

Nanlaki ang kanyang mga mata. "Nakatikim ka na ng tahong? Ang gross!"

Pumikit ako ng mariin dahil naiimagine ko yung tahong na pinag-uusapan namin. Walanghiya! Tingnan mo ang baklitang 'toh ang bastos ng utak. Anong tingin nya sa'kin sabik sa tahong. Never imagining in my entire life, I will eat tahong. You know, yung tahong ng girl down there.

Hayop talaga! Ang dumi ng utak, amp!

"Ang bastos ng utak mong baklita ka. Bakit ikaw, kumakain ka naman ng hotdog ah, pero yung hotdog ng lalak--"

Nailuwa nya ang hotdog na kinakain. Malakas na tampal sa braso ang nakuha ko mula sa kanya. Natawa ako ng malakas ng makitang ngiwing-ngiwi ang labi nya, marahil ay naiimagine nyang kumakain sya ng hotdog na buhay. BWAHAHAHAHA!

"Ibang usapan na yan ah! Malinis akong tao. Walang bahid ng karumihan ang aking kaibuturan. One hundred percent virgin, Duh!"

"Pero nagka-kamay ka?"

Muli nya akong tinampal sa braso na ikina-nganga ko. Ang salbahe! Anong mali sa tanong ko? I'm just asking if nagkakamay sya. Yung sa pag-kain, duh! Ano ba kaseng iniisip nya?

"Hoy! Never noh! Hindi ko pa nagawa yun, kahit na tigang ako. Babaitang 'toh!" pagtataray nya.

Humalagakhak ako ng tawa nang marealize kong ano ba ang iniisip nya sa sinabi kong nagkakamay. BWHAHAHAHAHAHA! Tengeneng yen! Don't tell me, akala nya ba yung pagkakamay ang meaning sa kanya ay NAGSASARILI? Yung anu... Yung sa lalaki, inaano yung ano nya kapag walang mai-kama na babae or kapag horny sya.

Pfft...

"Gaga ka! I mean nagkakamay kapag kumakain. Ano bang iniisip mo sa sinabi ko?" pang-aasar ko sa kanya.

Umawang ang kanyang labi saka ako sinabuyan ng beer sa mukha.

"AAAYYYYYY!" Tili ko nang mabasa pati suot ko. "Ang bastos mo talagang baklita ka. Look what you've done to my cloth. Basa na sya."

Tila ba natulos sya sa kinauupuan nang mapatingin sa katawan kong nilantad ko sa kanya. Ipinapakita ko lang naman ang suot kong sports bra na binasa nya. Anong mali doon? Walang malisya, hindi naman sya pure na lalaki kaya walang effect yun sa kanya.

But, when I looked at him. I saw how his eyes went through my not-so-exposed breast. Namalagi sa harap ko ang kanyang naniningkit na mga mata.

Pakiramdam ko ay bigla akong nag-init sa paraan ng kanyang pagtitig sa akin. Gosh!

"T-Travi--"

"Dibdib ba yan ng babae? Bakit ang liit?"

Nanlaki ang mga mata ko at umawang ang labi. Ang init na nararamdaman kanina ay mas nadagdagan pa, hindi dahil sa tawag ng laman kundi dahil sa inis at pagpupuyos.

"JULIANNN TRAVISSSS!"