CHAPTER 5
CHAPTER FIVE
"Ayusin mo naman! Hindi pantay sa kabila oh."
Kanina pa ako nag-iinit ang ulo dahil hindi namin maayos-ayos ang tinatayong tent. Nakaka-inis kaseng baklitang katulong ko. Ang arte-arte! Kesho mainit, pagod na sya, mangalay maghawak, mga ka-ekekan nya sa buhay.
"Ayusin mo kase ang paghawak. Itaas mo pa. Parang hindi ka lalaki ah."
"Ayoko na! Ayoko na! Ang init-init tapos magtatayo ka ng tent sa gitna ng buhanginan. Baliw ka na ba?"
"Saan mo gusto? Sa gitna ng dagat?"
"EWAN KO SAYO!" Sigaw nya saka muling itinaas ang hawak na tent.
"Kapitan mong mabuti, h'wag mong bibitawan."
Teka nga! Parang iba na yata yun ah.
"Paano kung pagod na? Malamang mabibitawan ko 'to."
"Kahit pagod ka na, h'wag mong bibitawan. Kapitan mo lang."
Double meaning iyon para sa akin. Jusko! Na-aaning na naman ako.
Pagkatapos ng ilang oras ay natapos na din kami sa pagtatayo ng tent.
"Alam nyo kayong dalawa, ang iingay nyo. Nagtatayo lang kayo ng tent, nag-babangayan pa kayo," puna ni Ken pagkalapit nya sa pwesto namin ni Travis.
"Ahh, ewan ko ba sa isa dyan. Masyadong mainit ang ulo, tapos ako pa ang napagdiskitahan. Nananahimik ako sa pagsi-selfie, guguluhin ako bigla pag-aayusin lang pala ng tent nya. Tsk!"
Pagtataray ni Travis sa akin. Nahuli ko pa ang pag-irap nya bago ako tunalikuran at naglakad pabalik sa dagat.
Napatitig ako sa kanyang malapad na likod. Sa bawat pag-galaw nya ay nagfi-flex ang mga muscles nya sa kanyang likuran at maging sa kanyang braso. Hubad-baro ito at tangin shorts lamang ang suot. May sunglass din ito na nasa uluhan nya.
At ang piercing sa left ear nya ay nagsisilbing kinang sa kanyang gwapong features.
Sayang naman ang isang ito. Magpalahi na lang kaya ako sa kanya? Tapos itatago ko ang magiging anak namin.
Charot lang!
"Hoy Anghel! Kuhanan mo nga ako ng PICTURES. Picture with S, it means damihan mo. Yung maganda ah! Dapat kuhang kuha ang beauty ko. Intiende?"
"Kung maka-utos naman 'to. Yaya mo'ko? Lunurin kita dyan eh. Akin na nga!"
"Good! Good! Make it fabulous, kay?"
Inismiran lang sya ng pinsang si Angel bago ito kahunan ng litrato.
"Tingnan mo yang kaartehan ng pinsang mo. Naglalangoy yung isa guguluhin nya. May kamay naman syang pang-picture. Tsk!"
Tinawanan lang ako ni Ken. Pareho kaming naka-upo sa buhanginan habang pinapanood ang kaartehan ni Travis sa dagat. May pa-minsan minsan pa itong sigaw at tili kapag natatalamsikan ang mukha nya ng tubig dagat.
Tsk! Arte!
"Ang arte talaga," reklamo ko.
"Pero ngiting ngiti ka naman. Nagniningning pa nga ang mga mata mo habang pinapanood ang pinsan ko."
Binato ko sya ng shell. "Hoy hindi ah! Namamalik-mata ka lang. Dyan ka na nga!"
Tumayo ako at iniwan syang tumatawa. Naglakad ako papunta sa duyan na ipinakabit ko kay Travis kanina. Malilom doon dahil sa dalawang puno na pinagtataliaan ng duyan. Malamig ang hangin kaya magandang tumambay.
"Hayyyyss! Presko!"
Umupo ako sa duyan at pinagmasdan ang kapaligiran. Madaming turistang naliligo sa asul na dagat. Ang ilan naman ay nagtatampisaw sa tubig at ang iba ay naglalaro ng beach volleyball. May ilang kano din ang nagawi dito para lamang marating ang magandang beach ng San Vicente. Nandito kami ngayon sa Anguib Beach. This beautiful place is seated in Barangay San Vicente in the town of Sta. Ana.
Anguib Beach is deemed as the “Boracay of the North” as it is known for its white sand beach and picturesque sceneries — which makes it comparable to Boracay – One of the Worlds Best Beach Destination. The beach is surrounded by small mountains which make it even more majestic.
This is another tourist attraction in Cagayan Valley you shouldn’t miss. It features cream-colored sands with stunning blue waters perfect for swimming. Anguib Beach will let you forget all about your stress brought by the busy city life.
Lalo na at malapit na naman ang final exam namin. Isang buwan na lang gagraduate na kami ng Senior High. Iniisip ko pa lang na magtatapos na ako ng highschool at magka-college na ay nai-excite na ako. Gosh! Malupitang review na naman ang gagawin ko para lang mapasama sa high honors. Pero I have believe in my self naman na kaya kong ipasa lahat ng exam. Ako pa ba? Easy lang yun.
Napukaw ng malakas na sigaw ni Krystal ang imagination ko.
"GUYS! GUTOM NA'KO!"
"Anong gusto mong gawin ko, pakainin ka? Do you have kamay naman diba? Bakit hindi ka magluto."
"Alam mo Julian kung hindi ka lang talaga mas matanda sa'kin kanina pa kita sinapak."
"Sorry ka na lang kase you can't do that. Bleh!"
Ngumiti ng mapang-asar si Krystal dito bago ako sinulyapan.
"Anong ngiti yan ha?"
"Alam mo kung sinong gagamitin ko para sapakin ka?"
"Sino?"
"Si Charm!" Tumakbo ito palapit sa akin. "Charm gutom na'ko. Mag ihaw-ihaw tayo. May mga gamit sa kotse na pwede nating gamitin para mag-ihaw," pagmamakaawa nito sa'kin.
Tiningnan ko ang oras sa aking phone. Mag-hahapunan na rin pala. Hindi ko manlang napansin na hapon na pala, maliwanag pa rin kase at may araw pa.
"TRAVISSSSS! PAKI-SET UP YUNG IHAWAN," malakas kong utos kay Travis. Bagsak ang balikat na tumingin ito sa amin ni Krystal.
"BAKIT AKO NA NAMAN?" reklamo nito. Padabog na pinagsisipa nya ang tubig sa bawat paglakad nya paahon.
"Nagrereklamo ka?"
"Hindi! Heto na nga naglalakad na papunta sa kotse. Bitch, Hmp!" bulong pa neto na dinig ko naman.
"Anong sabi mo?" pang-aamok ko pa.
"Sabi ko maganda yung beach." Inis na umalis ito at nagtungo sa kotse para kunin ang mga gagamitin namin. Pag-alis nya ay sininyasan ko sina Miko na sundan si Travis para tulungan. I'm jist teasing him lang naman. HAHAHAHAHA!
Tumayo ako saka kumawit sa braso ni Krystal.
"Idol na talaga kita!" aniya saka ngumiti. I giggled at her before we walk towards the others.
NAGSISIMULA ng lumamlam ang kalangitan. Naglilipadan na din ang mga ibon upang umuwi sa kani-kanilang tahanan. Lumalamig na din ang temperatura dahil malapit ng gumabi.
Dito kami magpapalipas ng magdamag. Siguro sa Sunday na umaga or tanghali na kami babalik.
Si Travis at Ken ang nag set-up ng ihawan. Sina Miko naman ang nagdala ng uling pati na rin nung box na pinaglagyan ng karne at iba pa. Pagbalik nila kanina ay may dala na silang isang bucket ng San Mig, beer at tubig. May isang plastic ng yelo rin silang dala. At kaya din pala sila natagalan ay naki-luto pa sila ng kanin sa bahay na nadaanan namin kanina paparito.
Juscolored! Nakalibre pa sila ng ulam na isda at sugpo. Nakakatakam tuloy. Buti na lang mabait yung mag-asawang nakatira doon. Wala na kaming problema sa hapunan. Naks!
Mukhang may balak pa yata silang mag-inuman ah. Well, hindi naman sila mabilis malasing kaya okay lang yan. Hiwalay naman ang cabin ng girls sa boys. Isa pa wala namang bad guys dito kaya no need to worry too much if mag-inom sila.
Kami ni Krystal ang nag-iihaw ng barbeque at hotdog. May nakalatag na telang malapad sa buhanginan at nandoon ang mga pagkain. Doon din kami uupo mamaya kapag kakain na. Gumawa ng malaking bonfire sina Lucian at Angel para naman may ilaw kami at para hindi din masyadong maginaw mamaya.
"Nakita mo si Travis?" tanong ko kay Krystal.
"Hmmm... Nope! Hindi ko pa nakikita since dumating sila galing sa kabila. Mukhang nagtatampo sayo."
"Sa tingin mo?" Tumango sya sa akin.
"Sige na, hanapin mo na muna. Malapit na din tayong kumain ng dinner. Ako na ang bahala dito, konte na lang naman eh."
"Sure ka?"
Ngumiti sya bago ako tinapik sa balikat. "Oo nga! Sinumpong na naman 'yun panigurado. Alam naman nating ikaw lang magpapa-amo dun kapag nagtatampo. Suyuin mo na, baka umiyak pa."
"Loko ka talaga. Oh sya, hanapin ko lang. Tsaka....." Kinuha ko yung dalawang barbeque at isang hotdog. "Sa'kin na 'to ah. Pang peace offering."
"Goodluck!" Binigyan nya ako ng thumbs up bago ako umalis doon.
Nilapitan ko si Ken at Miko na nagsisimula ng magbukas ng drinks.
"Nakita nyo yung pinsan nyong maarte?"
"Maarte? Mahal mo naman," natatawang sagot ni Ken. "Shattap! Ano? Nakita nyo nga?"
Itinuro ni Miko ang batuhang bahagi ng beach. Medyo madilim doon pero kita naman ang daraanan dahil sa mga ilaw ng cabin. Maliwanag din ang buwan kaya hindi nakakatakot na maglakad ng mag-isa. At tsaka marami pa namang tao na naglalakad sa dalampasigan para magpahangin.
"Tingnan mo baka nandoon. Sabi nya kanina h'wag daw namin sabihing nandoon ka kapag hinanap mo sya," matinong sagot ni Miko bago uminom ng alak.
Buti pa ang isang ito, maayos sumagot. Psh!
"Alam na agad ano? Alam nang hahanapin mo sya. Sana all na lang."
Napa-iling na lang ako sa mga pinagsasabi ni Ken. Hindi 'to matinong kausap.
"Thanks, Miks! Hinay-hinay lang sa alak baka magkalat kayo dyan. Tsaka bantayan mo yang kasama mo, baka mamalayan natin mamaya na nasa ibang cabin na pala."
Natawa si Miko sa sinabi ko. "Noted!
"Aba! Hoy, pinag-kakaisahan nyo akong dalawa ah. Baka nga ako pa ang hilahin nila papunta sa kanilang cabin mamaya. Sa gwapo kong ito? Hindi yata ako naghahabol, ako ang hinahabol," pagmamayabang pa nito.
Sumenyas ako kay Miko na aalis na dahil medyo humahangin na sa pwesto nila dahil sa kayabangan ni Ken.
"Charm ingat lang, may dalang dalawang beer in can yan kanina. Tsaka lalaki pa rin yang pinsan namin. Baka mamaya ikaw itong nasa maling cabin."
Narinig ko pang sinigawan ako ni Ken nang makalayo na ako sa kanila. Hindi ko na lang 'yun inintindi pa.
May ilang couples akong nakita na nakatanaw sa karagatan habang pinagmamasdan ang maliwanag na buwan. Mapapa-SANA ALL KA NA LANG!
Mabilis naman akong nakarating sa itinuro sa akin ni Miko. Malalaking bato at ilang rock formation ang natagpuan ko doon pero walang Travis akong nakita.
"Nasaan kaya 'yun? TRAVIS?" Sigaw ko pero walang sumasagot.
Dapat pala dinala ko yung phone ko para may pang-ilaw ako. Tsk! Engot talaga.
"JULIAN TRAVIS! NASAAN KA BA? MAGPAKITA KA NGA."
Pero walang Travis na nagpapakita sa akin. Akmang hahakbang sana ako papunta sa kabilang bato nang biglang madulas ang inapakan ko.
Napa-pikit ako sa kaba. "AAAAHHHHHH!" hiyaw ko ng maramdamang babagsak ako sa batuhan.
Pero ilang minuto pa ay hindi ko naramdaman ang sakit dahil sa pagkabagsak bagkus ay nakakapit ako sa matigas na bagay. Or should I say matigas na katawan ng isang lalaki. Nakapulupot ang dalawang braso nito sa bewang para hindi ako tuluyang madulas.
Hindi man malinaw ang kita ko pero alam kong sya ito. Maging ang normal na tibok ng aking puso ay naging abnormal dahil sa sobrang lapit nya sa akin.
“What are you doing here?”