CHAPTER 2
CHAPTER TWO
"HAPPY VALENTINES DAY!"
Maligalig ang buong San Agustin High dahil Araw ng mga puso ngayon. It means... WALANG KLASE BUONG ARAW!
Napuno ng iba't ibang nagkalat na booths at kung anu-ano pang pakulo ng SSG Officers ang buong field. Maging ang ilang classrooms ay ginawa na din nilang booths like Dating Booth, Photo Booth, at iba pa. May mga mini store din sa ground na nagtitinda ng iba't ibang stuffs like chocolates, teddy bears and flowers na maaring bilhin at iregalo sa iyong minamahal. May mga games din na kung saan pwede kang makakuha ng prizes.
Makikita mo din ang mga students na nagkalat sa buong school grounds para maglibang at syempre isa na doon ang makipagdate sa kani-kanilang jowa. May mga outsiders din na pumunta dito para makisaya o di kaya ay para maghanap ng pogi at magaganda. Like DUH!
Aaaccckkk! Masakit sa mata.
"Nasaan na ba kase ang baklitang iyon? Sabi nya aabsent kami ngayong araw para mamasyal?" Hindi naman kase required na dapat lahat ay dumalo, yung gusto lamang. Walang sapilitan.
Inilibot ko ang paningin para hanapin si Travis sa paligid pero ni anino nya hindi ko mahagilap. Sa sobrang dami ba namang taong pakalat-kalat eh, talagang mahihirapan akong hanapin sya.
Napatingin ako sa hawak kong phone pero wala pa ring reply from him.
"Hayop talaga! Hindi kaya? Hindi kaya iniwan na ako ng baklitang 'yun?"
Pinag-iinit talaga nya ang ulo ko. GGGRRRRRR! Kapag nakita ko ang koreanong hilaw na yun malilintikan talaga sy-- AYUN!
Nakita din kita!
Nakasuot ito ng simpleng black loose shirt at tinuck-in sa kanyang ripped jeans, nakasuot din ito ng white Vans shoes. May sunglass din ito na nakasabit sa kanyang t-shirt. At ano 'yung black na makinang sa kanyang tenga?
Wait a minute...
Is that a piercing?
Naglakad ako palapit sa kanyang pwesto. At doon ko nakumpirma na tama nga ang nakita ko. Damn!
He's wearing a damn black small piercing in his left ear. Maliit na bilog lang iyon pero mahahalata mo dahil kumikinang sya kapag natapatan ng sinag ng araw.
"Tengeneng yen!"
Napamura na lang ako ng bigla syang ngumiti na sinabayan pa ng hangin kaya naman inililipad nito ang ilang hibla ng bagsak at malambot nyang buhok. Mukha nga talaga syang Kpop Idol sa porma nya.
Maging ang paligid ko ay para bang tumigil at sya lamang ang nakikita.
He's shining like a daimond in the sky! Charot! Kanta na yata yun. Anyway.....
Tang in a can! Natitimang na yata ako dahil kung anu-ano na ang nakikita ko.
He really look so handsome and hot in his new looks. Gosh! Mas lalo syang nagmukhang lalaking-lalaki sa paningin ko. Hindi halatang.... may sabit. Charr!
Awtomatikong tumaas ang kilay ko nang may lumapit sa kanyang babae. Ngumiti ito sa kanya at may inabot na isang box ng chocolate.
What the heck?
Sa Japan kapag nagbigay ang isang babae sa'yo ng chocolate kapag Valentines it means she's interested on you.
Mas lalong tumaas ang kilay ko nang tanggapin iyon ni Travis. I don't know if nagmamagandang loob lang sya sa babae at ayaw nya lang ipahiya ito lalo na at maraming nakatingin sa kanila o anu.
Ang alam ko lang, gusto kong sabunutan ang babaeng iyon na kung makangiti sa lalaking malandi na 'yun akala mo wala ng bukas.
"Ang haharot? Hindi manlang nahiya sa akin? Hmp!"
I cross my arms under my chest before walking like a model towards their direction.
Ramdam ko ang malalagkit na tingin sa akin ng aming mga schoolmates at maging ng mga lalaking taga labas ng school.
Huh! Alam ko namang maganda ako, pero no need to show it pa to me like I'm the most goddess of all. Base kase sa titig nila ayaw na nila akong lubayan.
Nang makalapit ay agad na napatingin sa akin si Travis tsaka yung babaeng maharot. Tinaasan ko sya ng kilay bago ibinaling kay Travis ang tingin.
"Happy Valentines Day Baby!" malanding aniya ko sa kanya bago ko sya niyakap. Naramdaman ko naman ang pagka-stiff nya kaya humiwalay na ako. Baka masapak pa ako nito ng wala sa oras.
"Tang*na! Sayang bro, may boyfriend na pala."
"Olats ka! Isa pa wala kang pamana sa isang Lacoste kaya back off ka na pre."
"Ayyy girl may jowa na pala si pogi. Bagay sila!"
"Ang cute nilang couple noh? Sana all!"
"Magb-break din yan."
Hayop na yan. Break agad? Wala pa ngang kami eh. Advance ka pre!
"H-Happy Hearts Day to you too, Charms!" bati nya sa akin na ikinangiti ko ng malawak.
Lihim kong sinulyapan ang babae at nakita kong padabog syang umalis bago bumalik sa mga kasamahan nya. I even saw they comfort her.
Napangisi ako.
Ganyan talaga ang mapapala mo kapag nilandi mo ang akin. What's mine is always mine!
"Sino yun?" tanong ko kay Travis na nakatingin na pala sa'kin.
Kumunot ang noo nya. "Whom?"
"Yung babae kanina."
He shrugged his shoulder. "Dunno! Why ba?"
"Wala lang. Masyado lang syang maganda para sumakit ang mata ko."
"Tsk! I saw what you did earlier. Alam kong ginawa mo yun para paalisin yung babae."
"And so?"
"Badgirl! Do you want to be punished?"
Napangisi ako. Iba na naman kase ang tumatakbo sa utak ko sa sinabi nya.
"Ohhh! I loved to! Punish me Daddy!"
Natigilan sya bago ngumiwi sa akin. "Gaga! Iba na naman yang iniisip mo. Kadiri ka gurl. Yak! 'Di tayo talo, duh!
Inirapan ko na lang sya. Kung maka 'yak' wagas?!
"Oh! Sa'yo na yan. I don't like sweets stuffs." Inabot nya sa akin yung box ng chocolates na binigay nung babae kanina. Nagningning naman agad ang mga mata ko at mabilis iyong kinuha mula sa kamay nya.
"But, you like my sweetness, don't you?"
"ASA!"
Napangiti ako nang makitang bahagyang umangat ang gilid ng kanyang labi. Kitams! He don't like sweets but he likes my sweetness. KYYYAAAHHH! OMG! Mafafall ako sa baklitang 'to.
"Let's go! Kanina pa kita hinahanap but can't find you then, I saw this booth. Creepy but interesting, right?" aniya.
Napatingin ako sa tinitingnan nya. Ngayon ko lang napansin na nasa harap pala kami ng isang Fortune Teller Booth.
"Tara na!"
"Teka muna." Pigil ko sa kanya.
"What?"
"Magpahula na tayo. Tutal nandito na rin lang naman tayo, diba? Tara na sa loob. Dali!"
"What the heck? Ayoko nga! Baka malasin pa ako dyan, h'wag na lang."
"Ang KJ! Tara na sa loob. Arte-arte pa. Sabi naman kanina intersting daw, tapos ngayon aayaw-ayaw pa. Ngayon lang naman, try lang natin." Pagpupumilit ko pa.
"Aisttt! Eto na nga!"
"Yesss!" Nagwagi na naman ako laban sa kanya. MWEHEHEHEH!
Malawak ang ngiting pumasok kami sa loob habang hila-hila sya sa braso.
"Maligayang pagdating sa mundo ng kababalaghan aking mga panauhin," bati nung babaeng may suot na itim na belo. Geeezzz! Mukha syang si Madam Auring pero devil version.
"Gaga! Anong kababalaghan ka dyan." Kinilabutan ako sa sinabi nya. Jusko!
"Joke lang! Maupo na kayo at aking huhulaan na ang inyong kapalaran."
Naunang umupo si Travis sa upuang nasa harapan nung manghuhula daw kuno.
"Pumili kayo ng tig-isang card." May kinalat itong maliliit na baraha sa mesa.
Pumili ng isa si Travis at nilagay iyon sa harap nung mangkukulam-- ay este manghuhula pala. Pagkatapos nya ay sumunod akong pumili.
"Hhhmmmm...." Kinuha nung babae ang pinili kong card bago binasa kung anong nandoon, kasunod ay yung kay Travis naman. Pagkatapos ay hinarap nya sa aming dalawa ang laman ng card.
And guess what?
Tumingin sa akin yung babae. "Ang tadhana nyong dalawa ay magkadugtong. Paghiwalayin man, babalik at babalik pa rin sa isa't isa. Be patient!"
What is that mean?
Sunod na tumingin ito kay Travis. Tinging may pagnanasa. Yuck!
"Nakita mo na ang babaeng tanggap at tatanggapin ka maging ano o sino ka man. H'wag mo ng pakakawalan."
Wooohhoowww! Is that me? Charot! Bakit ba? Eh wala namang imposible basta paniniwalaan mo.
"O-kay? Ano daw?"
Natampal ko ang aking noo. Maging yung babaeng manghuhula ay bumagsak din ang balikat dahil medyo slow ngayon ang lalaking kasama ko. Gosh!
Nag-abot ng fee si Travis bago kami tumayong dalawa. Pero hindi pa kami nakakalabas ay muli kaming tinawag nung babae.
"At dahil Valentines ngayon, may libre akong chocolates para sa inyong dalawa. Mukhang maganda ang inyong future." Nakangiting wika nito bago inabot ang dalawang pirasong chocolate sa amin. Nakabalot iyon sa makintab na plastic foil. "Ang tawag dito, Fortune Candy dahil may nakasulat sa loob n'yan na fortune message."
Kinuha ko iyong akin at inabot naman ni Travis ang ibinibigay sa kanya bago kami tuluyang lumabas ng Booth.
"Sa tingin mo... Totoo kaya yung sinabi nung manghuhula?" pagtatanong ko kay Travis habang nakatitig sa hawak kong chocolate. Inilapit ko iyon sa ilong ko para amuyin.
Gosh! Ang bango! Mukhang masarap 'to.
I heard him chuckled. I immediately look at him and I found him staring at the chocolate his holding. "Don't tell me, naniniwala ka doon?" Bumaling sya ng tingin sa akin na may hindi makapaniwalang expression sa mukha.
"Not exactly but--"
"Kaya nga manghuhula, diba? Kase hula-hula lang. Sa tingin mo ba magkakagusto ako sa babae? Like what the ef? Geezzzz. Can't imagine beh. Buti sana kung kasing ganda sya ni Jungwoo kapag mahaba ang buhok, but no. As in no!"
Ngumiwi sya.
"Why not? Lalaki ka pa rin naman at may chance pa na magkagusto ka sa babae."
Tumalim ang tingin nya sa akin dahil sa sinabi ko.
"Very wrong ka dyan! Halika na nga. Kung anu-ano nang lumalabas sa bibig mo. Kailangan mong mabendisyunan kaagad."
Nauna na syang maglakad palabas ng school. Ako naman ay muling pinagmasdan ang hawak na chocolate bago iyon inamoy ulit.
"Ang bango talaga. Nakakatakam. Ano kayang nasa loob nito?"
Binuksan ko iyon at may nakita akong maliit na papel. Binasa ko ang nakasulat.
"The love between the both of you is unbreakable. Your fate is intertwined!"
Itinagilid ko ang aking ulo dahil hindi ko gets. "Ano daw?"
"CHARM! LET'S GO!"
Napatingin ako kay Travis na malayo na. "OO! ANDYAN NA!"
Binalot ko ulit ang chocolate at itinago sa dala kong sling bag bago tumakbo patungo kay Travis na papalabas na ng gate.
Tang*nang baklita 'to. Ang hahaba ng biyas.