CHAPTER 1

CHAPTER ONE

CHARM’S P. O. V

"JULIAN TRAVIS LACOSTE-KIM!"

Malakas kong sigaw. Konte na lang ay mawawasak na ang lalamunan ko dahil sa sobrang lakas ng aking boses. Lahat ng mga students na nasa hallway ay napatingin sa akin.

"WALANG HIYA KANG KOREANO KA! BAKIT MO AKO BINIGYAN NG ISANG GRAPONG NESCAFE?"

Malakas na tawanan ang narinig ko mula sa aking likuran. Lumingon ako sa pinanggalingan ng mga boses at limang babae ang nakita kong nagtatawanan habang nagbubulungan pa.

"Problema nyo? Inggit kayo? Magpabili din kayo ng Nescafe, padagdagan nyo na rin ng Creamer para mas sweet," sarkastikong singhal ko sa kanila. Nakita ko ang pag-ikot ng mata nung babaeng mukhang clown dahil sa kanyang coloring book na mukha.

"Bitch!" Rinig kong sabi nito.

Tumaas ang kilay ko. "Panget!" mahinang usal ko bago sila inirapan sabay flip pa ng mahaba at wavy kong buhok.

"TRAVISSSSSS! MAPAPATAY KITANG KOREANO KAAAAA!" Muli kong sigaw.

Padabog akong tumakbo paalis para hanapin ang walanghiyang lalaking iyon. Pagdating ko sa first floor ng Department ay natagpuan ko syang nakatambay sa soccer field habang naka-akbay sa isang soccer player.

"Tingnan mo nga naman oh. Ang baklang 'to chumachansing na naman."

Mabilis ang lakad na lumapit ako palapit sa pwesto nila.

"HOY KOREANONG HILAW!"

Napatingin sila sa akin. Gulat ang expression ni Travis nang mapatingin sa akin.

"Goodness Gracious! Anong klaseng damit yang suot mo?" Puna nya sa suot ko nang makalapit ako sa kanila.

What's wrong with my outfit? Wala naman kaming uniform code every Wednesday kaya okay lang mag suot ng gusto ko.

Naka-suot lang naman ako ng fitted white long sleeve top na may tatak na Gucci sa harap, kita din ang pusod ko dahil hanggang ibaba lang sya ng aking dibdib. While fitted black mini skirt is my bottom na pinaresan ko ng aking black chunky booths. Hindi naman halata na adik ako sa mga fit na damit diba? Well, hindi sa pagmamayabang but, sexy talaga ako.

And I'm really proud of that!

"Walang masama sa suot ko. At hindi pa naman kami naghihirap. Ang tawag dito, fashion. F. A. S. H. I. O. N. FASHION! Gets mo? Teka nga muna-- walanghiya kang koreano kaaaaaa!" Dinambahan ko sya na hindi nya inaasahan kaya na-out of balance sya at natumba sa damuhan. Syempre kasama ako sa pagbagsak nya. Ang itsura tuloy namin ngayon ay nakahiga sya sa damuhan at nakaupo ako sa kanyang tyan habang pinagsasabunutan sya.

"Aray hah! Ang salbahe mo namang babae ka. Stop na nga, masakit na." Pikit nya akong pinipigilan pero hindi ako nagpaawat.

"Papatayin kita!"

Bigla nyang kinuha ang ang kamay ko at mahigpit na kinapitan iyon kaya hindi ko agad napiglas mula sa kanya.

"Papatayin mo'ko? Buti sana kung sa sarap yan, pwede pa. Pero kung pahihirapan mo muna ako, pwede rin. Basta ba sasarapan mo naman sa huli eh."

Malakas na hiyawan ang pinakawalan ng mga nakapalibot sa aming members ng soccer team. Napaawang ang labi ko sa sinabi nya. Ngayon ko lang din kaagad narealize kung ano ang pwesto namin.

Nagtaasan ang mga balahibo ko sa mga salitang narinig mula mismo sa kanyang bibig.

Tengene! Pakiramdam ko lalaking-lalaki sya nung sinabi nya yun. Jusko! Nabeberde na naman utak ko.

"Aahhhmmm!" Saglit na umiwas sya ng tingin bago muling nagsalita. "T-Tumayo k-ka na nga. I-I c-can see your panty. Nakakadiri sya Charm. Kumakaway sa akin si Hello Kitty," sabi nya sa mahinang tinig.

Nanlaki ang mga mata ko.

Bumaba ang tingin ko at nakabukaka nga ako paharap sa kanya. Malamang sa malamang ay nakikita na nya ngayon kung anong suot ko sa pang-ibaba.

"Pervert! Gaga ka, naka-shorts ako," malakas kong singhal bago hinila ang kamay ko sa pagkakahawak nya. Nahihiyang tumayo ako tsaka sya sinipa sa binti.

"ARAYYYY! Bakit ba? Inaano ba kita?"

Ramdam ko ang pag-init ng magkabilang pisnge ko. Nakakahiya! Hindi naman hello kitty ang panty ko. PC 'to noh! PC! As in Personal Collection, duh!

Hinila ko sya patayo tsaka kami naglakad papalayo sa field. Dinala ko sya sa garden, tahimik at pwede ko na din syang sapakin ng walang nakakakitang fangirls nya. Madami na din ang nakiki-ochuso sa nangyayari at dahil na rin masyado ng nakakahiya ang sitwasyon kaya kailangan na naming mag-evacute paalis.

Binitiwan ko na sya pagkapasok namin ng green house.

"Now, can you explain what's happening? Jusko ka naman gurl! You make me higa-higa to the ground then what? You patong pa to me? Mygosh! Nakakita pa ako ng madilim na kagubatan between your-- errr! Whatever!"

Pinalo ko sya sa braso.

"Ouch! Ano vahhhh? You're so sadista hah! Mapanakit ka na."

See? Kapag kaming dalawa lang lumalabas ang kaartehan sa kanyang katawan. Jusko! Madededs ako ng early sa kaconyohan nya. Tingnan mo, nahahawa na din ako. Mygosh!

"Bakit mo ba kase ako binigyan ng isang grapong Nescafe, hah? Walanghiya ka!"

Tumawa sya ng pagkalakas-lakas na halos mapaluhod na sya sa lupa dahil sa sakit ng tiyan katatawa.

"HAHAHAHAHA! Yun ba? Valentines na bukas, right? Wala akong maisip na gift sa'yo kaya kape na lang ang ibinigay ko. Mahal ang chocolates and teddy bears. Ayaw mo naman ng roses. Coffee lover ka naman kaya yan na lang naisip ko," paliwanag nya.

At ngayon ko lang din naalala na February 14 na nga pala bukas. It means Valentines Day na!

Sayang! Wala naman akong kadate. Hhhmmmm.... Bakit hindi ko na lang kaya pikutin ang isang ito tapos gawin ko syang Sugar Daddy? Well, not bad! Mayaman naman sya, he can buy me anything I want. MWEHEHEHEHEHE!

"Creepy!" Mahina pero rinig ko namang wika nya. Muli ko syang sinapak sa braso.

Mygosh! Ang tigas naman. Seryoso ba? Nag-g-gym ba sya? Bakit may muscles?

"Anyway... walanghiya ka pa rin. Bwesit ka! Masyado kang kuripot para maging Sugar Daddy ko, kaya no... No, no tayo dyan."

"W-What?"

Ngumiti ako sa kanya ng pilit bago ko lihim na tinampal ang aking bibig. Napaka-daldal mo talagang dila ka. Nadudulas ka tuloy. Tsk!

"W-Wala! Wala naman."

Nakita ko ang pagtaas ng kanyang isang kilay bago ako pinasadahan ng tingin mula paa hanggang ulo.

"Naghihirap na ba sina Tito? At hindi ka manlang bilhan ng maayos na damit? Ano yang suot mo? Nagkulang sa tela. Goshhhh! Ano ba namang fashion meron ang mga babae ngayon? Buti pa ako, maganda ang taste ko."

Ngumiti pa sya na parang proud na proud sa sarili bago umikot sa harapan ko, ipinapakita ang kanyang suot.

He's wearing a fckng Vior. One of the most fashionable and expensive brand of clothes in clothing line and fashion industry.

Isang simpleng black loose shirt na pinaresan ng black jeans na may maliit na kadena sa may bulsa at black shoes. Simple lang pero ang halaga ng bawat tela? Kulang na lang umabot ng ilang milyon ang isa.

He looks like a walking expensive handsome guy. Para syang kumikinang na ginto dahil sa karangyaan. Kahit ang nilalakaran nya, siguradong magagalak pa dahil nadaanan sila ng isang Julian Travis Lacoste-Kim.

Isa lang naman sila sa pamilyang kilala at tinitingala sa buong Cagayan Valley dahil sa yamang meron ang pamilya nila. Hindi lang sa yaman dahil sobrang bait din ng pamilyang Lacoste at Kim. Tumutulong sila sa mga nangangailangan hanggang sa abot kanilang makakaya. Every month nagsasagawa sila ng charity donation sa mga ampunan, kapilya at iba pa. They even donate a half million sa Hospital ng Cagayan, kaya naman sila ang may-ari ng kalahating shares doon.

Nagbibigay din sila ng libreng trabaho sa mga taong walang napagkukunan ng mapagkakakitaan. Nagmamay-ari kase sila ng malawak na hacienda ng maisan sa San Ignacio.

Wala kang maipipintas sa pamilya nila kahit na katiting manlang. Marahin iyon din ang ikinatatakot ni Travis kaya up until now, hindi pa sya umaamin ng totoo nyang pagkatao sa pamilya nya a

He's thinking of his family first before himself and his happiness.

"Anong say mo? Ang cool ko diba?"

"Cool? Yak! Saang banda? Mas lalong wala ka kayang taste sa fashion. Anong tingin mo sa sarili mo, men in black? Gangster?"

Binahidan ko ng pang-iinsulto ang boses ko para hindi nya mahalatang napopogian ako sa kanya, kahit totoo naman talaga.

"Hoy! For your information mas may taste naman ako sa damit kesa sa'yo noh! Atrebidang 'toh!"

Hindi ko na lang iyon pinansin at sinimulan ko na syang hilahin paalis ng garden.

"Nakakahalata na'kong parang kanina mo pa ako hinihila ah."

"Shattap ka na lang, kay? May klase pa tayo."

"Isang oras pa kaya bago mag start ang klase this afternoon. Babalik muna ako sa field. May pinag-uusapan pa kami nin Gino eh. Panira ka talaga ng moment baklita ka."

Pinalo ko ang braso nya.

"Baklang 'toh! Chumachansing ka lang eh. Hoy, para sabihin ko sayo allergic yun sa paminta, masasaktan ka lang. Kaya h'wag ka dun."

Dito ka na lang sa'kin. Mamahalin pa kita, forever!

Charot!

"Ang sabihin mo, ikaw lang ang gustong chumansing sa'kin. Kanina ka pa nakalingkis sa braso ko ah."

Mas lalo pa akong kumapit sa matigas at ma-muscles nyang braso. Idinikit ko din ang katawan ko sa kanya para mas mafeel ko ang kakisigan ng Adan-- I mean Eba pala. Hmmm... Yummy!

"I feel safe in between your arms, baby!" mahina pero ka-akit akit na bulong ko sa kanya. Ngumiwi sya sa akin bago marahas na inalis ang pagkakahawak ko sa braso nya.

"Ang laswa! Yakkkk! Yaaakkk!" Pinagpagan nya ang braso at kamay na para bang nandidiri talaga. "Hindi ka ba kinikilabutang babae ka?"

"Hindi!" At muli na naman akong lumingkis sa braso nya. "Tanggalin mo 'yang kamay ko, makikita mo, itatanan na talaga kita."