Chapter 4

CHAPTER THREE

"Take care Darling! Julian ikaw na ang bahala kay Charm ah. Alam mong masyado yang makulit kaya pakibantayan na lang."

"Mommy!" Suway ko kay Mom. Masyado akong ginagawang bata. Grade 12 na ako at malapit ng grumaduate ilang months na lang.

Pagka-alis namin kanina ng school ay agad kaming nagtungo sa kanila gamit ang kanyang sariling kotse, para magpaalam at para kumuha na din ng extrang damit nya at mga kakailanganin namin. Sana all may kotse Pagkatapos ay sabay din kaming umuwi sa bahay namin para ipag-paalam ako kina Mommy.

At heto nga, todo bilin na agad si Dad ng bawal at pwedeng gawin.

Friday na ngayon at walang pasok bukas kaya pwede kaming mag-stay doon ng dalawang araw. Then sa Sunday na ng tanghali ang balik namin.

Travis smiled at my mom before nodding his head.

"Sure Tita! Ako na pong bahala kay Charm."

"At.... Bawal ang boys." maawtoridad na pahayag ni Daddy. "Valentines ngayon at maraming tukso sa paligid. Bantayan mong mabuti ang anak namin, nagkakaintindihan ba tayo Julian? May tiwala ako sa'yo. Bawal ang boys. Okay?"

Tumango si Travis. "Yes Tito! Malinaw po. Bawal ang lalaki..... kay Charm. Mga pinsan ko lang po ang kasama namin."

"Good then. Mag-iingat kayo sa pamamasyal."

So... sa'kin bawal, sa kanya pwede? Ganun? 'Tong taong 'to para-paraan din noh?! Psh!

Walang bawal-bawal sa'kin. Lalandiin ko sya mamaya. BWAHAHAHA!

May tumunog na kotseng paparating. Marahil ay mga pinsan na nya iyon.

Dalawang BMW ang pumarada sa labas ng bahay. Bumukas ang windshied ng dalawang sasakyan at sumilip ang mga nasa loob niyon.

"Happy Valentines Tita Chestel and Tito Vince!" bati ng mga pinsan ni Travis mula sa labas.

Ngumiti sina Mommy bago kumaway sa mga ito.

"Happy Valentines kids! Lucian and Kenneth, mag-iingat sa pagdadrive ah." Paalala ni Dad sa dalawang lalaking nagdadrive ng sasakyan.

Sumaludo ang mga ito. "Ay, ay, Tito!"

"And girls, bawal ang boys."

Patagong kumamot sa ulo nya si Angel na tinawanan ng katabi nitong si Krystal.

"Yes Tito! Bawal ang boys. Got it!"

"Good! Enjoy ang take care!"

"We'll get going na Mom and Dad! Love you!" Kiniss ko sila sa magkabilang pisnge bago kami magpaalam paalis. Nagtungo na kami sa sasakyan para sumakay.

Sa unang sasakyan ay si Lucian ang nagdadrive. Kasama nito ang magkapatid na Angel at Ardel, pati na din si Krystal. Then sa pangalawang sasakyan which is yung gagamitin namin ay si Kenneth ang nagdadrive. Katabi nito sa unahan si Miko kaya kaming dalawa ni Travis ang magkatabi sa hulihan.

Nays! May chance na akong landiin sya dito pa lang sa sasakyan. Mwehehehe! Charot!

Pagkasakay namin ay agad namang inistart ni Ken ang engine ng sasakyan saka iyon pinaandar paalis.

"Saan ang destination natin?" masayang tanong ko sa kanila.

Cagayan Valley is one of the regions in the Philippines that make travelers fall in love easily with the country’s beauty.

With lots of breathtaking rolling hills and mountains and lowland in between, cool breeze of fresh air, blue seas, majestic waterfalls, evergreen forests, jaw-dropping caves, and many centuries-old historical landmarks, and electrifying festivals— Cagayan Valley Region is surely a one-stop destination for travelers looking for a magnificent view and unforgettable experience.

The Cagayan Region is composed of five provinces: the island group of Batanes, the province of Cagayan and Isabela, and the generally mountainous provinces of Quirino and Nueva Vizcaya.

This are the most beautiful and magnificent tourist spot in Cagayan Valley na siguradong babalik-balikan ninyo.

Racuh A Payaman – A Breathtaking Destination

Palaui Island – The Untouched Paradise

Tayid Lighthouse – A Famous Lighthouse in Batanes

Cape Engano Lighthouse – Built during Spanish colonial times

Crocodile Island – The island shaped like a croc

Callao Cave – A cave with a cathedral inside

Tuguegarao Cathedral – Biggest Spanish-style church in the province

Saint Matthias Church – For those who fancy old churches

Valugan Boulder Beach – A beach full of boulder rocks

Anguib Beach – Perfect for unwinding

Sinago Cove – Perfect for those who want to disconnect from the busy city life

Capisaan Cave – The fifth-longest cave system in the Philippines

"Masyado ng mainit ang panahon at kailangan nating magpalamig saglit kaya.... Sa Anguib Beach tayo. Malapit lang sya at hindi tayo matatagalan sa byahe," sagot ni Ken habang nagdadrive.

"Ang sabihin mo, gusto mo lang makakita ng mga chix at katawan ng babae," sumbat naman ni Miko dito.

"Nagsalita ang hindi. Si Julian lang yata ang walang ka-amor amor sa mga babae eh. Kahit bigyan mo yan ng pinaka-maganda at sexy'ng chix wala lang sa kanya. Mas type nyan yung malalaki ang katawan."

Tinapunan ni Travis ng tissue ang pinsan na tumatawa sa unahan.

"Oh ayan, tissue. Para sa bibig mong kaskasero."

Natigilan ako ng magets kung anong sinabi ni Ken. Alam ba nila?

Napansin naman iyon ng lalaki kaya nginitian ako nito mula sa salaming nasa itaas ng sasakyan.

"Hindi mo ba alam?" tanong nito sa akin. "Ang alin?"

"Yung sekreto ni Julian or should I say Julia."

So, alam nga nila na bakla sya?

"I guess alam mo na. Well, hindi naman nakapagtataka ang bagay na iyon dahil halos hindi na kayo mapaghiwalay. Alam kong malalaman at malalaman mo. And it seems like you don't care kahit na isang eba pala ang kasama mo. You still like h--"

"Wala naman sa akin iyon. Basta ba masaya sya kung ano sya, good sa'kin yun."

Hindi ko na sya pinatapos dahil mukhang may alam sya tungkol sa akin. Tengene! Muntik na nya akong ibuking. Masamang tingin ang ipinukol ko sa kanya ng palihim. I saw how he smirk at me.

"Don't worry Charm, your secret is safe with me," bulong nya.

Mukhang kami lang naman ang nagkakaintindihan dahil walang pake yung dalawa naming kasama.

Nagulat ako ng biglang magsalit ang katabi ko.

"Anong pinag-uusapan ninyong dalawa?"

"W-Wala. A-Ano... T-Tinatanong ko lang sya kung saan tayo unang pupunta."

Tumaas ang kilay nya na para bang hindi naniniwala. "Sure?"

"Ano ka ba naman pinsan masyado kang possessive kay Charm. Nagkukwentuhan lang kaming dalawa." Bumaling kay Ken ang masamang tingin ng pinsan.

"Sabi ko nga magdadrive na lang ako. Ang daldal mo kase self eh, ayan tuloy natingnan ka pa ng masama."

Matagal ang naging byahe namin dahil biglang nagbago ang isip nina Krystal. Nag road trip tuloy kami ng wala sa oras. Sabi nga nila, the best trip is those unexpected.

Mahabang byahe ang ginawa namin dahil ang una naming pinuntahan ay ang Racuh A Payaman.

At Racuh A Payaman, also known as Marlboro Hills, there are rolling hills and knolls everywhere, surrounded by a carpet of the greenest grass you’ll ever see, that you’ll notice even the tiniest grass is swaying as Batanes wind blows.

You could almost imagine being in the 1965 film Sound of Music and hear Julie Andrews sing “the hills are alive…” So, if we’re to describe Racuh A Payaman in Batanes in one word, it’d be magical.

"WOWWWW!" manghang bulalas ko ng makita ang buong tanawin sa itaas ng malawak at berdeng burol.

Malayang inililipad ng malamig at sariwang hangin ang nakalugay kong buhok. Hindi ko namalayan ang pagkislap ng camera mula kay Travis dahil sa nakatutok ang mata ko sa harapan. Kitang kita mula dito sa itaas ang kulay asul na tubig sa ibaba.

"What a breathtaking view, isn't it?"

Napatingin ako kay Travis na nasa tabi ko na pala at nasa mata nya ang camera. Kinukuhanan ng litrato ang magandang tanawin sa harapan namin.

"Y-Yes!" Nauutal kong sagot habang nakatitig sa kanya.

Nagkaroon ako ng pagkakataon para pagmasdan ang kanyang mukha even though its just a side view. Mas gwapo pa rin naman sya nun dahil hulmang-hulma ang maganda nyang mukha. Ang matangos na ilong at ang malambot na labi. Maging ang malalim na mata at ang malantik na pilik-mata.

Bakit ba naging ANO pa sya? Sayang ang lahi nila. Kakagigil!

"Stop staring!"

"A-Aahhhh! A-Ano... H-Hindi ah! Assuming ka masyado," pagdi-deny ko kahit totoo namang tinititigan ko sya. Tumawa ito saka ako inakbayan bago muling tumingin sa malawak na kaparangan at kulay asul na dagat.

"Tiningnan mo'to." May kinuting-ting syang kung ano sa hawak na DSLR saka iyon ipinakita sa akin.

"Ang galing kong kumuha diba? Pwede na'kong maging photographer. Look!"

Kuha ko iyon kanina 'nung makatingin ako sa magandang tanawin sa harapan. Hindi ko napansin na pinicturan nya pala ako dahil masyado akong na-amaze sa lugar.

Inililipad ng hangin ang ilang hibla ng buhok ko habang nakangiti ako sa larawan. May sunrays din na nagmistulang kinang sa background kaya mas lalo pang gumanda ang view at ang kuha ng picture.

"Ang ganda mo. Mana ka talaga sa akin."

Okay na sana, kaso umiral na naman ang kabaklaan nya. Hay naku!