Chapter 13
TINA
NAGING busy ang mga nagdaang araw para sa gaganaping kasalan, at bukas na iyon. Napakabilis lang ng takbo ng mga araw, at napakabilis lang din ng mga pangyayari. I can’t believe that I am now carrying a child inside me… This is a blessing… an angel in disguise. Dahil hindi ko pa naman ito nahahawakan ay labis ng ng tuwa ang nadarama ng aking puso. Mamamana niya ba ang matutulis na tenga ni Fenris? O mamamana niya ang tao kong kabuoan?
Nasa malalim akong pag-iisap sa garden ng bigla na lamang may tumakip sa aking mga mata. At agad din naman akong napangiti dahil kilala ko na agad kung sino ang nasa likod ko. His scent is a haven for me.
“Prinsipe Fenris…” natatawa kong sambit. Natatawa din nitong kinuha ang kaniyang mga kamay at naupo ito sa tabi ko. Mas lalong gumanda ang mga bulaklak at iba pang tanim sa aming harapan dahil alas otso pa lang ng umaga.
“Hindi mo naman ako inaya dito, aking Prinsesa,” may pagtatampo sa boses nito kaya napangiti ako at napatingin sa kaniya. And I’m enchanted once again just by looking at him… With the rays of the sun on him, his long jet black hair that suits so much, he’s just so magical. Para siyang mga heroines sa mga anime na napanuod ko noon.
“Bakit napatulala kana diyan, aking mahal?” napakurap kurap ako dahil napatitig nga ako sa kaniya. Natatawa akong napapailing sa aking ulo. Ito na ba talaga ang oras na magiging masaya ang aking puso? Muli kong tiningnan si Fenris at nginitian.
“Salamat, Prinsipe Fenris. Hindi mo alam kung gaano mo hinilom ang mga sugat na nakuha ko sa aking kahapon,” sambit ko dito. Without him knowing, he helped me heal. My trauma to strangers that are men, my trust issues, in an instant he helped me cope up from my rough past. And I hope that this time is really the ecstasy of my heart.
Sumapit ang tanghali, kailangang bumalik ni Fenris sa kanilang kaharian upang samahan ang kaniyang mga magulang papunta dito. Tomorrow will be a big day, and I can’t wait to be with him again. Damn… I’m fucking whipped, so whipped for him.
Kakatapos lang naming kumain at ngayon ay pabalik ako sa silid habang nasa gilid ko si Divina. Susukatin daw naming muli ang aking susuotin bukas. Pagkapasok ko’y napakunot ako ng makita ang bagong bantay ni Prinsesa Haramara, bigla na lang kasing nawala ‘yong lagi niyang kasa-kasamang bantay.
“Bakit ka narito? Hindi ba’t dapat kang nasa tabi ni Prinsesa Haramara lagi?” tanong ko dito, nasa tabi nito ang dalawa pang bantay na tumutulong ka Divina sa pag-asikaso sa akin.
“Pinapunta po ako ni Prinsesa Haramara upang ika’y tulungan. Binabati niya kayo sa inyong pagdadalang supling,” nakayuko nitong ani. Tumaas ang kilay ko dahil kahit kailan ay hindi pa naging masaya ang bruhang iyon sa akin. Hindi na lang ako sumagot at dumiretso na lang sa harap ng salamin.
Agad lumapit sa akin ang dalawang utusan at hinubad ang aking suot na dress. Medyo nasasanay na ako dito, may mga telang nakatakip naman sa aking maseselang parte kaya ayos lang. Lumapit naman si Divina sa akin na siyang kumuha sa dress na susuotin ko bukas. Pinauot nila sa akin iyon, at ang tanging ginawa ko nalang ay titigan ang aking sarili sa salamin.
At hindi ko napansin na may tumulo na palang luha sa aking mga mata. “Prinsesa, bakit ka po umiiyak? May masakit po ba sa inyo?” untag ni Divina sa akin, natataranta. Natatawa ko itong inilingan habang pinapahid ang aking mga luha. I just feel so warm. I will be tied to the man I love, I will be a wife and one that brought tears to me. I will be a mother soon. I will make sure that he or she will not experience what I experienced back then. I will make sure the he or she will be love, no matter what.
I smiled to the girl infront of me. The new me, the true me, a mortal and a supernatural being. Cheer up now, Tina. You already let go of the past. Now, I have my royal family, Fenris and my baby. This is what matters now, the present.
“Sige na, nais ko munang magpahinga. Salamat sa inyong tulong,” nakangiti kong ani sa kanila. Yumuko naman ang mga ito at nilisan ang aking silid. Inumpisahan ko nang hubarin ang aking suot, at napatigil ng parang may naamoy akong halimuyak na kung ano. Napalingon lingon ako sa aking silid. At napakunot ang aking noo ng makita ang isang scented candle sa ibabaw ng maliit na table sa tabi ng aking kama. Lumapit ako doon, ngunit hindi pa ako nakakalapit ay umikot na ang paningin ko. Napaupo na ako sa sahig at napasandal sa kama. Sa ganoong posisyon ay may pumasok sa aking silid, at sa nanlalabo kong mga mata, hindi ko makita kung sino iyon. Bago pa ako tuluyang kainin ng kadiliman, narinig ko pa ang boses ng kung sino.
“Akin lang si Prinsipe Fenris…”