CHAPTER 25: Effect

THOMAS

Bwesit!! Hindi ko alam kung bakit ako naaapektuhan kay debby ngayon, simula ng makita ko siya kasama si lhoyd at sa ganung ayos. Kainis!!! Bigla biglang bumabalik ung nangyari saamin ni debby, tapos ng bumulong pa siya saakin nong nasa stage kami ay naam0y ko at biglang uminit ang pakiramdam ko kaya nong nag request sila sa kiss, ang balak ko talaga don ay dampi lang pero may sariling buhay ung labi ko, nanlapa ba naman!

“ what was that??” tanong ni lyka.

“ huwag mo ng pansinin, ccr lang ako” pumunta na ako sa may cr at agad na nag hilamos, kainis! Amoy ko parin ung amoy niya, ano ba nangyayari saakin.

“ mukhang nakalimutan mo si lyka nong oras na iyon ah” napa lingon ako, si lhoyd na naghuhugas ng kamay.

“ napapaisip kana ba??” kumunot ang noo ko.

“ kung ako sayo lilinawin ko na ang nararamdaman ko kung para kanino ba talaga, baka kasi mahuli na ang lahat magsisi ka” sabi niya pa.

“ tsk! Walang lilinawin dahil alam ko na isa lang ang mahal ko” tumango siya.

“ mmm…. Okay, ako kasi lumilinaw ang nararamdaman ko para kay debby” tumingin saakin ng diretso.

“ kasing linaw na ng tubig at base sa sinabi mo na malinaw naman sayo na si lyka ang mahal mo, ibig sahihin malaya si debby na mahalin” tinapik ang braso ko sabay lakad paalis, naikuyom ko ang kamao ko.

Ibig mo bang sabihin lhoyd mahal mo ang asawa ko?! Umigting ang panga ko, walang pwedeng makakuha kay debby. Saakin lang siya.

Inihatid ko na lang si lyka maski hindi pa tapos ang gala, gusto niyang sakanya uli ako matulog pero sinabi kong mag tra-trabaho ako. Dumiretso ako sa bahay at mukhang wala pa si debby, kumuha ako ng wine glass at sinalinan ito.

“ ah-sir kayo po pala”

“ sige na manang matulog na kayo at ako na bahalang mag hintay kay debby” utos ko.

“ sige po sir”

ISang oras na mahigit ay wala pa siya, paubos ko na din itong iniinom. Nag eenjoy ba talaga siyang kasama si lhoyd?? Kita ko na umalis din sila nong umalis kami, ang alam ko nga inihatid na siya ni lhoyd pero mukhang may pinuntahan silang iba.

“ oohh” gulat siyang makita ako, tinignan ko ung coat na nakatakip sakanya. mabilis kong inalis ito at hinila siya.

“ a…. ano ba” hila niya sa kamay ko.

“ higa” kumunot ang noo niya.

“ higa!!!” sigaw ko, nasa kwarto niya kami.

“ kung lasing ka----” hindi ko na siya pinatapos at hinalikan ko na lang siya.

“ th…. mmmmmm…….. aaaaa……ssssss” pilit niya akong tinutulak.

“ manahimik ka! Akin ka lang! At hinding hindi ka makukuha ni lhoyd” pinaghahalikan uli siya, pilit siyang kumakawala.

“ debby! Asawa kita kaya dapat lang ibigay mo kung ano ang kailangan ko, gets??”

“ ito lang ba talaga ang pakinabang ko sayo??” tanong niya.

“ oo…. Ito lang” sagot ko.

INalis niya ung kamay ko sakanya at siya na ang kusang nag hubad sa harap ko, bakit ganito? Bakit ang lungkot niya. Tinignan niya ako matapos hubarin ang saplot niya.

“ sige… ibibigay ko ang kailangan mo” sinunggaban ko siya ng halik, pinaghahalikan ko sa labi hanggang sa leeg ng may naramdaman akong basa sa mukha niya.

Umiiyak siya? Pinag patuloy ko ang ginagawa ko ng bigla akong tumalikod sakanyan, bwesit!!! Ano ba nangyayari saakin?!

“ mag damit kana” nag lakad na ako palabas, napahilamos ako ng mukha gamit ang kamay ko dahil sa pagka dismaya sa sarili ko.

Hindi ako makatulog kaya bumaba ako sa may sala at kumuha ng inumin, ano ba nangyayari. Hindi naman ako ganito kaapektado kay debby, bakit bigla bigla na lang na ganito ako sakanya??

DEBBY

Anong oras na ako nakatulog, hindi ko alam kung umalis ba si thomas kagabi matapos ung nangyaring iyon. Pagbaba ko nakita ko si thomas na nakaupong tulog, andami naman niyang Ininom, nilapitan ko siya.

Kinuha ko ang kanyang braso para iayos siya pero nagising siya at tinignan ako, tumayo siya at inalalayan ko papuntang taas. Inihatid ko siya sa kwarto niya at ipinahiga, nakatulog na siya agad kaya iiwan ko muna.

“ debby” napahinto ako.

“ im sorry” nilingon ko siya at tinignan kung gising pero hindi, nananaginip siya.

Nag handa na ako para pumasok, malapit na ako sa gate ng school ng makita ko ang asawa ni bryan. Nakita niya ako at nginitian, nginitian ko siya pabalik.

“ hinintay talaga kita” sabi niya

“ bakit? May nambully nanaman ba sayo??” umiling siya.

“ gusto kong mag thank you sa ginawa mo nong last” ngumiti ako.

“ wala iyon, tara pasok na” sabay na kaming pumasok ng may pinagkukumpulan naman na tao, sinilip ko kung sino at si lyka.

“ diba siya ung kabit ni thomas??” tanong ni… nerd na lang kasi hindi ko pa alam pangalan niya.

“ pwede ba tayo mag usap??” sabi ni lyka, kung gusto niya akong kausapin sana hinintay niya ako sa labas at hindi dito sa loob.

“ may pasok na ako, pqgkatapos na lang” sagot ko.

“ ngayon na” utos niya.

“ mas importante ang klase ko” sagot ko uli.

“ dito na lang, layuan mo si thomas. Huwag mo ng isiksik ung sarili mo dahil ikaw lang ang kawawa. Payong kaibigan lang total may pinagsamahan tayo” sabi niya.

“ kaibigan?? Kaibigan mo pa pala ako sa kabila ng ginawa mong pang aahas sa asawa----PAK!” Sinampal niya ako.

“ hindi ako ang nang ahas kundi ikaw!!! Ako ang mahal niya pero sinamantala mo ang pagka lasing niya! Ginapang mo ang lasing para maging kayo at talagang sinigurado mong makakabuo kayo para ikaw ang piliin! Unang una pa lang ako na talaga ang para kay thomas at hindi ikaw dahil habang nag aaral pa lang tayo ay palihim na kami ipinag kasundo ng magulang namin!!!”

“ akala ko iba ka sa mahihirap na south pero mas masahol ka pa dahil ginamit mo ang katawan mo para makaahon!” andaming nag bulungan.