CHAPTER 24: Gala

DEBBY

Gala night at nasa sala ako ngayon naka tingin sa dalawa na naghaharutan, ang saya saya nila na parang wala ako. Huwag mong ipakita na naapektuhan ka debby, kumuha pa nga ako ng chips at sumandal habang naka tingin sakanila.

“ huwag mo na akong hintayin, gagabihin ako” tumango ako habang naka tingin sakanila.

Lumabas na sila at don pa lang ako naka hinga ng maayos, si lyka ibang iba na parang hindi na siya ung kaibigan ko. Iba talaga pag lalaki na ang usapan, gaano man kayo ka close mag iiba ito pag lalaki na.

“ anong ginagawa mo? Palit na” tumingin ako sa likod.

“ lhoyd??”

“ wala ako partner, sabi dapat may partner” sabi niya.

“ ayoko lhoyd… iba na lang”

“ dali na, ikaw lang ang babagay saakin” hindi ko alam kung matutuwa ako.

“ sige na” may inilabas siyang paper bag, tsk! Hindi rin planado eh noh.

“ okay, wait lang” kinuha ko at umakyat na sa taas.

Bakit ang ganda ng damit, hindi ko alam kung okay lang bang suotin ito kasi masyadong maganda at ang sexy tignan.

Knock knock

“ ma’am tulungan daw po kita---” nilingon ko siya.

“ hala ma’am ang ganda niyo po, para kayong si dyosa” sumimangot ako.

“ ung damit ang nagdala, kita mo naman ang ganda ng damit” umiling siya.

“ mali po, ang ganda niyo kaya… ahh teka ako na mag aayos ng buhok niyo” pinaupo niya ako.

“ ako lagi nag aayos sa mga buhok ng mga anak ko, gustong gusto nila ma’am pero dahil nga gipit kami kailangan kong lumuwas para kumayor. Namiss ko na ring ayusan sila”

“ bakit di kayo mag bakasyon? Malapit na itong xmas” sabi ko

“ malabo po, hindi ako papayagan ni sir” malungkot niyang sabi.

Wala naman ako magawa kasi si thomas ang may hawak sa lahat, gusto ko siyang pabakasyonin kasi alam ko ang pakiramdam na walang magulang sa xmas.

Habang inaayos niya ang buhok ko, ako naman sa make up. Light lang ang inilagay ko, ayoko ng makapal baka kasi makaagaw atensyon.

“ ma’am kapalan niyo po ung lipstick niyo, kahit iyon lang ang makapal” sabi ni manang, tumingin ako sa salamin at kinapalan ko na.

“ ayan tapos na ma’am” sakto naman na tapos na ako.

“ ma’am ang ganda niyo po sobra, dyosa talaga” namangha din ako sa sarili ko, hindi ko alam na magiging ganito ang itsura ko.

Bumaba na kami at ngumiti si lhoyd, tinignan niya ako mula baba hanggang taas. Namula tuloy ang pisngi ko.

“ perfect” sabi niya, ngumiti ako ng tipid.

Nakarating na kami sa lugar at ang lakas ng kalabog ng puso ko, kaya ko ba?? Lumapit saakin si lhoyd at inilahad ang braso niya para kapitan ko.

“ always remember na mas deserve mong pumunta dito, tara?” huminga ako ng malalim bago tumango.

Papasok pa lang kami ay kita ko na ang mga cameraman na naghihintay saamin, huminto kami para makunan litrato at kita ko ang mga mata nilang lahat na naka tingin saamin.

Matapos kaming makunan ay nag lakad na kami, napansin ko si bryan pero gulat ako sa kasama niya. Hindi ko siya namukhaan, nginitian niya ako pero andon parin ung hiya niya.

“ ikaw ba yan debby? Ang ganda ah” si bon.

“ mabuti na lang talaga hindi ako nagdala ng partner dahil mahihiya ang partner ko sa ganda mo” dugtong niya pa.

“ what are you doing here??!!” biglang sumulpot si thomas at si lyka.

“ naku thomas, hindi kita makontak kaya ang papa mo na lang ang kinontak ko at humingi ng go signal kung pwede ko maging partner si debby kasi hindi na ako nakahanap dahil sa dami ng trabaho” singit ni lhoyd.

“ si papa??” tanong ni thomas.

“ oo, sabi niya din na dismayado siya sayo” hindi naka imik si thomas.

“ wooow ang ganda mo naman mrs guillermo”

“ thank you”

“ thank you” sabay naming sabi ni lyka, nag tinginan kami.

“ oooppsss…. Sino ba sainyo ang asawa ni mr. Guillermo??” tanong nong bakla.

“ ako” agad na sabi ni lyka.

“ mmm.. ang ganda mo naman, guys!!! Ang ganda ng asawa ni mr. Guillermo!” sigaw niya, naagaw naman niya agad ang atensyon nila.

Ang daming tumango at mga nag bulungan, kinukuhanan pa nga siya ng litrato. Tinignan nila ako bon at lhoyd, ngumiti ako ng tipid.

“ excuse me, mr and mrs guillermo pag tinawag na po kayo ay tumaas na po kayo para sa toss part” sabi ng floor manager.

“ okay” sagot ni thomas.

“ lyka ready??” tumango siya at hinalikan siya sa may noo, napa kapit naman ako sa damit ko dahil sa kirot na naramdaman ko.

“ lets call mr and mrs guillermo for the toast” sabi ng mc, nag palakpakan ang mga tao at biglang namatay ang ilaw tapos may dalawang ilaw lang, spot light? Pero bakit saakin??

Tinignan ko si thomas na gulat din, nailawan din ung mc at nag salita na tumaas na kami. Lumapit siya saakin at inilahad ang kamay niya, tinanggap ko at nag lakad na papuntang harap. Nasa harap na kami ng umilaw ang kapaligiran, kita ko ang pag iba ng mukha ni lyka.

“ cheers everyone!!” lumapit ung mc at pinag cross ang arm namin para maging sweet toast, napalunok pa ako bago ko ininom ung wine.

“ kissssss namannnn!” sigaw ni bon, sinabayan pa ng iba at hindi ko alam ang gagawin ko.

“ Kiss daw mr and mrs guillermo” sabi ng host, lumapit si thomas.

“ huwag mong ituloy” bulong ko.

“ gusto mong mapahiya ako??” sagot niyang bulong, ipinalibot niya ang kamay niya sa bewang ko at inilapit ako sakanya tsaka ko dinampian ng halik sa labi pero akala ko smack hindi pala dahil may pag lamon sa labi ko.

Natauhan ata siya dahil sa palakpakan ng tao, bigla niya akong binitawan. Nag lakad na ako at hindi na hinintay pa si thomas, mabilis akong lumabas sa lugar dahil sa lakas ng tibok ng puso ko.