CHAPTER 26: Lyka
LYKA
Nalaman kong magdamag lang si thomas sa bahay nila at hanggang ngayon ay nasa bahay nila, ibig sabihin mag kasama sila ni debby ng buong magdamag kaya inis na inis ako dahil na nga sa halik na iyon nadagdagan pa.
“ ginamit ko ba talaga? Sige sabihin ko sayo ang nangyari, siya ang unang humalik kahit ayaw ko, hinalikan ako ng paulit ulit at bawat alon niya sa katawan ko ay paulit ulit niyanh sinasabi na sakanya lang ako. Para siyang bampira na uhaw na uhaw nong gabing iyon” nanlaki ang mata ko.
“ hindi ko siya masisisi na mas----”
“ tama na!!!” sumakit ang tiyan ko sa pag sigaw ko.
“ binabalaan kita debby, kahit naging kaibigan kita hindi ko basta bastang bibitawan si thomas” buong paninindigan ko.
“ sa tingin mo may laban ka sa legal wife? Kung talagang mahal ka niya gagawa yan ng paraan para hiwalayan ako pero hindi niya magawa, alam mo kung bakit??? Dahil ako ang mahal niya at hindi ikaw kasi pang palipas ka lang” inirapan niya ako sabay nag lakad palayo, nanginginig ang buong katawan ko sa galit ng bigla kong naramdamang may kung anong pumutok.
“ manganganak na ako, tulong” sabi ko, tinignan ko si debby na hindi man lang lumingon.
Tinulungan ako ng mga iba at tinawagan ang ambulansya, mabilis akong nadala sa hospital. Kulang pa sa buwan ang anak ko, dahil ito kay debby. Nailabas ko ng ligtas si baby pero naka incubator dahil kulang pa siya ng isang buwan.
“ ano ba pinag gagawa mo at andon ka sa school?” si papa.
“ Asan ba si---” biglang bumukas ang pintuan.
“ kamusta si baby?” hingal na tanong ni thomas.
“ naka incubator dahil kulang pa siya ng buwan” sagot ko.
“ ano ba ginagawa mo?!! Napaka delikado na mailabas ang baby na hindi pa full term” inis niyang sabi.
“ sisihin mo si debby, kung hindi niya ako ginalit sana hindi ako mapapanganak!” sagot ko. Kumunot ang noo ko.
“ alam mo bang sinabi niyang hindi mo siya hihiwalayan dahil siya ang mahal mo, dahil nong gabing may nangyari sainyo wala ka daw ibang sinabi kundi siya ay para lang sayo!! Sinabi niya pang mangagamit ako” tumulo na ang luha ko.
“ thomas hindi siya tumigil mag salita at kahit alam niyang hirap na ako ay hindi man lang ako tinulungan, napaka walang puso niya “ dugtong ko pa.
“ thomas dahil pala sa asawa mo kung bakit ganito ang nangyari, turuan mo yan ng leksyon kung ayaw mong ako ang magtuturo sakanya” banta ni papa, hindi naka imik si thomas.
“ pa hayaan niyo na—”
“ Ako na po ang bahala sakanya” putol niya sa sinasabi ko.
“ mag palakas ka para lumakas din si baby, huwag niyo na alalahanin si debby ako na bahala doon” tumango ako at nilapitan niya ako saka hinalikan sa noo.
THOMAS
Nakatulog na si lyka kaya ibinilin ko muna siya saka ako nag madali na puntahan si debby, sakto naman na palabas sila kasama ang asawa ni bryan.
“ halika dito” hinila ko siya papasok sa kotse atsaka ko pinaharurot.
“ pwe-pwede bang mag dahan dahan---”
“ shut up!”
“ Alam mo ba ang nangayari, napaanak lang naman si lyka ng dahil sayo! Debby bakit dinadamay mo ang walang kamalay malay sa issue natin!!! Kung hindi mo naprotektahan ang anak natin pwes huwag mong idamay ang anak ko kay lyka!!!!” galit na galit kong sabi.
“ wala akong ginawang mali, siya ang nauna” sagot niya.
“ maski na!!! Buntis ung tao debby sana hindi mo na pinatulan” sumbat ko
“ ano?? Kahit apakan na ung pagkatao ko—”
“ oo!!!” natameme siya
“ kahit apakan pa dahil kung totoo naman!” nakatulala lang siya.
“ kailangan ko muna kitang ilayo hanggang lumakas ang anak ko” dugtong ko.
“ hindi naman kailangan---”
“ kailangan kong ilayo ang taong makakasama sa mag ina ko, sana kunh inisip mo muna na hindi na lang patulan sana hindi kita tuturuan ng leksyon” sabi ko.
Hindi na muling umimik at tumingin na lang sa labas ng bintana, nakarating na kami at dinala ko lang naman siya sa isa sa mga bahay bakasyunan ko. Wala siyang kasama dito kundi mag isa lang niya, dibale at mag papadala ako ng pagkain njya.
“ dito kana muna, susunduin na lang kita pag okay na ang anak ko” sumakay na uli ako sa sasakyan at tinignan ko saglit si debby sa side mirror na naka tingin.
Hindi ko alam kung tama bang iwan siyang mag isa pero mas makakabuti naman ito para sa anak ko at para na rin hindi siya pag initan ng ama ni lyka. Nag utos ako na dalhan siya ng pagkain at damit, may kakilala naman ako doon na makakapadala ng magagamit niya.
Dumiretso na ako sa hospital at gabi na iyon, nadatnan ko si lyka na naka simangot. Lumapit ako sakanya at tinabihan siya
“ inayos ko lang ang problema mo, ngayon focus na muna tayo kay baby” napa ngiti siya.
“ thank you” niyakap niya ako.
Lumipas ang araw ay talagang nag focus muna ako sa anak ko, unti unti na ding lumalakas si lyka pero di maalis sa isip ko si debby kung kamusta na siya.
“ thomas” si lhoyd.
“ si debby??”
“ bakit hindi mo hanapin total magaling ka naman doon” sagot ko sakanya.
“ inalam ko na nga pero wala na siya doon, thomas nasa tamang pag iisip ka ba?? Iiwan mo ung tao na mag isa? So ngayon huwag na nating pahabain pa, nasaan si debby?” ano sabi niya? Wala na doon si debby???
“ shit!!! Thomas huwag mong sabihing hindi mo alam??”
“ fuck!!! Your such a useless man!” galit niyang sabi sabay alis, kung wala doon si debby nasan na siya??? Hindi niya kabisado ang lugar na iyon at bwesit!!! Bakit siya umalis?? Umalis nga ba?? O may nagtangka sakanya at kinuha na siya.