CHAPTER 23: Maniac

LHOYD

Mabuti na lang malapit ako sa lugar ng mag tExt si debby, pag dating ko sa lugar wala naman siya. Ang hirap pang tumingi tingin kasi umuulan, asan na siya?? Umikot ang paningin ko ng may parang kakaiba doon sa madilim na part.

Lumapit ako at sakto na nakita ko si debby pero nasa hindi magandang sitwasyon, mabuti na lang ay dumating ako kung hindi baka napano na siya.

“ okay ka lang?” tumango siya, ibinalot ko ang jacket ko sakanya bago kami nag lakad papunta sa may sakayan.

“ busy nanaman ba si thomas??” tanong ko, ngumiti siya ng tipid

“kailan pa hindi naging busy iyon?? Yaan mo na, thank you sa pag dating mo” sagot niya, kahit hindi niya ipakita na natatakot siya ay kita ko naman sa mata niya at panginginig niya.

Naihatid ko na siya sa bahay nila, sakto naman na kakalabas lang nilla thomas at lyka. Kunot noo kaming tinignan si thomas.

“ bakit ganyan itsura mo??” tanong kay debby.

“ may sasakyang mabilis ang takbo, sakto saakin nag splash ung tubig” sagot ni debby, hindi niya sinabi.

“ okay” inalalayan na niya si lyka papasok ng kotse, kita ko ang paghabol ng paningin ni debby sakanila.

“ ahm kape ka muna sa loob” sabi niya saakin, tumango ako.

Umupo kami at tinanong kami ng kasambahay nila para sa kape, nag paalam muna saglit siya para mag shower para hindi magka sakit.

“ sir kape” nginitian ko siya, sakto naman na bumaba na si debby.

“ manang anong ginawa nila dito”

“ ahhh sinukatan po kasi si miss lyka ng damit para sa gala” kumunot ang noo niya.

“ bakit siya ang sasama? Hindi ba dapat ikaw??”tanong ko.

“ naarinig ko po na hindi na daw kayo ang isasama, parusa niyo daw kasi naki pag away kayo kanin”singit ng kasambahay.

“ edi huwag… ayaw ko namang pumunta din” sagot niya, umupo na siya.

“ manang may cake pa ba?? Paki labas, salamat po”” humigop siya ng kkape

“ meron lagi ako bumibili para sayo” sagot ni manang, umalis na siya.

“ dapat ikaw ang kasama ni thomas, maiissue nanaman siya kapag silang dalawa---“

“ iyon ang gusto niya, ayoko ding pumunta. Masasaktan lang ako” mahina niyang sabi sa huling banda pero narinig ko iyon.

“ sabi ni manaang naki pag away ka?? Siguro ung lalaking iyon ang nakaaway mo?” tumango siya.

“ binastos kami ng asawa bryan ih, porke galing east” sagot niya, kasal si bryan?

“ hindi mo din alam?? Maski si thomas gulat kanina ng malaman na kasal na si bryan. Hindi sinabi dahil na din siguro galing siya sa east” kahit na, inasawa mo kaya dapat maging proud ka.

“ at mukhang parehas pa kami ng kinasadlakan na buhay ng asawa niya”

“ huh?”

“ parehas kaming niloko, parehas kaming ginamit”

“ kayo ni bon wala kayong balak na gumaya sa dalawa niyong kaibigan??” tumaas ang dalawang kilay ko.

“ malayo kami sakanila, bakit kasi si thomas pa ang ginusto mo???” sagot ko tuloy pero napahinto ako kasi ngayon ko lang naisip ung sinagot ko.

“ oo nga no, sa dami dami ng lalaki bakit pa siya?? Ikaw na nga ang kaharap ko, ung nasa likod mo pa ang pinili ko” ngumiti siya ng tipid.

“ malay ko sayo, ako na nga ang nasa harapan mo nag hanap ka pa ng iba” ngiti kong sabi, nag tawanan na lang kami.

“ sana nga ikaw na lang no??” biglang umiba ung timpla ng boses niya.

“ kung ikaw sana hindi ko dapat mararanasan pa itong mga ito, hindi ako mawawalan ng anak. Hindi magiging malungkot ang buhay at hindi mahihirapan” napa buga siya ng hangin.

“ kumawala kana at pumunta ka saakin” tinignan ko siya.

“ im willing to give everything debby, kung gusto mo silang balikan dahil sa ginawa nila?? Ibibigay ko iyon para sayo”naka tingin lang siya saakin.

“ ayokong mandamay pa ng iba lhoyd at kung babawian ko sila parang ang sama sama ko naman kaya ang gagawin ko na lang ipakitang hindi ako naapektuhan, ipakitang wala lang saakin ang mga pinag gagawa nila”

“ doon mamaipapaki ko na kahit anong gawin nila hindi nila makukuha ang gusto nilang kalayaan” kita ko ang lungkot sa mata niya, babawi siya sa ganitong paraan. Mas pinili niyang maging mabait parin sakanila kaysa saktan sila.

“ kung ganun tutulong parin ako, friends with benefits ba” ngumiti ako.

“ hahaha jusko wala akong pang pa sweldo sayo” sabi niya.

“ okay lang, atleast kapag pagod kana andon ako para sumalo” ngumiti ssiya

“ thank you” sagot niya.

Umuwi na ako ng matapos kaming mag kwentuhan, sakto naman na may nadatnan akong naghihintay na tao ko.

“ bakit?” tanong ko.

“ malinis na po, naipatapon na namin ung lalaki” tumango ako.

“ good mag pahinga kana” umalis na siya.

Ung lalaking malapit ng mag tangka kay debby ay dinidpatya ko na, kung hindi man kaya ni thomas na pahalagaan ang asawa niya. Ako na lang ang gagawa non, hindi niya alam kung gaano siya ka swerte sa asawa niya.

Kung ako lang talaga ang ginusto ni debby, hindi siya magsisisi dahil hinding hindi ko gagawin ag lahat ng mga ginagawa ni thomas sakanya.

“ I can help you para makuha siya” si papa.

“ huh??” ngumti siya.

“ parang hindi ko alam na may nagugustuhan kang babae, to b e honest maganda siya at matalino” napa ngiti ako.

“ sabihin mo lang anak matutulungan kita” umiling ako.

“ hindi pa po ako humantong sa pagiging desperado papa, alam kong darating din ang panahon na siya ang lalapit saakin. Kung hindi man mangyari, okay lang bastat lagi ako sa tabi niya” ngumiti si papa.

“ okay lang na sa gilid gilid ka?? “ tumango ako.

“ as long as natutulungan ko siya” tinapik ako ni papa sa balikat.

“ pinalaki nga kita ng maayos, basta kung kailangan mo ng tulong andito lang ako okay??” tumango ako at nag lakad na siya paalis.