CHAPTER 22: Wife

DEBBY

Nag reready na ako para pumasok na sakto naman na dumating si thomas, hindi ko siya pinansin at pinaglatuloy ang ginagawa ko.

“ papasok ka?” hindi ako umimik.

“ pagkatapos ng klase mo umuwi ka agad dahil may pupuntahan tayo, hindi pwedeng hindi kita kasama doon” user, manloloko na nga lang user pa.

“ edi si lyka ang isama mo, wag mo akong idamay sa kung anong lakad mo” sagot ko.

“ ikaw nga diba, bakit si lyka nanaman” sagot niya.

“ busy ako, mas importante ang pag aaral ko kaysa sa kung ano pa man. Aalis na ako” nag lakad na ako paalis.

Nakarating na ako sa school at tulad ng inaasahan ay nasaakin ang pansin, deadma lang. Umupo na ako, tinignan ko ung iba na bago ang mga mukha at ung iba ay mga klassmate ko last semester.

“ don ka nga!” isang nerd, tinignan ako bago umupo sa may tabing upuan ko.

Lunch na kaya bumaba na ako para mag lunch, libre ang food kaya kuha lang ng gusto. Pansin ko uli ung nerd na pinapalayo.

“ galing east na may asawang north, bakit kaya andaming nakakapasok na iba dito” rinig kong sabi ng mga estudyante.

Parehas lang pala kami, iyon nga lang ang pinagkaiba sa mas mahirap siya galing na lugar kaya sobra sobra ang ginagawa sakanya.

“ pwe-pwedeng maki upo?” tanong niya saakin, tumango ako at pinag patuloy ang pagkain.

“ aba nagsama ang mahihirap na tao oh” sabi ng isang lalaking akala mo gwapo hindi naman, parang sinuntoknga ung nguso niya.

“ hahhaa baka parehas din silang niloko ng mga asawa nila!” sabi ng ka tropa niya, nag tawanan ang mga iba.

“ paano ba naman kasi papatol sa hindi ka level, talagang ipagpapalit sila kahit gaano pa sila kaganda” tinignan ko ung babae na parang naiiyak na, ganyan din naman ako noon.

“ kumain kana, wag mo silang pansinin” sabi ko, tumango siya at pinag patuloy ang pagkain.

Tapos na kaming kumain kaya sabay na kaming aalis ng bigla siyang tinapunan ng juice, tinignan ko ung lalaki.

“ oh papalag ka? Sino panlalaban mo? Si thomas guillermo?? Hahaha panis iyon saakin” sabi ng lalaki, nilingon ako nong babae.

Napa buga na lang ako ng hangin at hinila ung nerd saka kami nag lakad pero sinundan kami ng lalaki at patuloy siya sa pang aasar, hindi talaga maiaalis na may pagitan ang mayaman at mahirap. Huwag maniwala sa pantay pantay na tingin dahil iba iba ang pag iisip ng mga tao.

“ umalis na kayo! Kaya kayo pinagpapalit dahil sa kaboringan niyo! Hahaha!” napahinto ako, kanina pa ako nagtitimpi kaya lumapit ako sakanya at sinipa sa may kanyang maselan.

“ uy!!!” pinagtutulak na ako ng mga kaibigan niya, syempre lumaban ako at maski ung nerd nakisali sa pag tira sakania hanggang pinag aawat na kami at ipinatawag sa dean’s office.

Hindi ko inaasahan na ipinatawag si thomas at asawa niya pala si bryan, hindi ko man lang nabalitaan. Gulat din si thomas ng malaman na asawa pala ni bryan itong nerd.

“ okay na kayo sa dean” sabi ni thomas.

“ kababae mong tao pumatol ka sa lalaki? Kita mo ung laki ng katawan non??” sabi ni thomas.

“ sana sinabi niyo na lang saamin kaysa kayo pa ang naki pag away” singit ni bryan.

“ bakit ipagtatanggol niyo ba kami??” tanong ko sakanila, hindi sila umimik.

Hindi sila kumibo, tinignan ko ung asawa ni bryan na tahimik lang. mukhang parehas kami ng pinagdadaanan, tinignan ko naman si bryan ko thomas.

“ bakit ka naka tingin?” tanong ni bryan.

“ paano niyo naaatim na mangabit kung mas maganda naman kami sa mga kabit niyo? Dahil ba sa kama---”

“ stop” tinignan ko si thomas.

“ huwag mong umpisahan, tumayo kana diyan at uuwi na tayo. Hapon na din lang” huminga ako ng malalim saka sumunod kay thomas habang ung dalawa na nasa likod ay tahimik. Bago ako sumakay sa kotse at tinawag ko muna si bryan.

“ habang maaga pa huwag mong gagayahin si thomas, magsisisi ka” tinignan ko ung nerd bago ako pumasok sa sasakyan.

“ sa susunod na makiki pag away ka hindi na ako pupunta para linisin ang kalat mo” hindi ako umimik kasi tumunog ang phone niya.

“ lyka bakit??” kumirot ang dibdib ko.

“ ssige dadaanan kita” binaba niya na at nilingon ako.

“ baba” naka tingin lang ako sa kanya, parang wala pang 5 minutes ung itinakbo ng kotse mula sa school.

“ baba na kasi susunduin ko si lyka, may pera ka naman kaya mag taxi ka na lang pauwi”binuksbi niya ung pintuan, bumaba na ako at mabilis siyang umalis.

Pwede naman akong ibaba sa may sakayan, tumingala ako. Pay panakapanaka patak ng ulan, kailangan ko ng maka para ng sasakyan pero biglag bumagsak ang ulan. Pambihira, tumakbo ako para sumilong.

“ pati ba naman ulan” nag hintay ako ng taxi pero laging may sakay, kainis naman!

Ang lakas parin ng ulan, paano kaya ito. Kinuha ko ung phone ko, sino ba ang pwede?? Nakita ko ang name ni lhoyd kaya siya na lang ang tinext ko kahit nakakahiya kaysa naman kasi magabihan ako at baka mapano pa ako.

“ oh mrs guillermo” napaatras ako, ung lalaking pato.

“ alam mo bang natanggal kami sa skwelahan, gago ung asawa mo ee.. total andito ka at iniwan ka ng asawa mo, ibig sabihin saamin ka daw muna” lumapit siya, umatras ako pero nahawakan niya ako. Nanginig ang buong katawan ko.

“ bitawan mo ako o sisigaw ako” pagbabanta ko.

“ sumigaw ka pero bago kapa maka sigaw ay naitusok na ito sayo” tinignan ko ung kutsilyo na hawak niya.

“ lakad papunta doon” turo niya gamit sa may madilim na part, nag lakad ako. Natatakot ako, alam kong may balak siya saakin.

“ brad, mukhang maling babae ang napili mo” si lhoyd.

“ lhoyd” sabi nong lalaki.

“ bibitawan o patay lahat pamilya mo??” banta ni lhoyd, agad namang umatras ung lalaki at tumakbo palayo.