CHAPTER 21: Worst

THOMAS

Nasa opisina ako ni papa ngayon at kanina pa nagbubuntong hininga, tumingin saakin ng sseryoso.

“ pa magagawan mo ba ng paraan na mapa walang bisa ang kasal namin” sabi ko.

“ yan pa talaga ang iniisip mo?? Alam mo ba na nalaman na nagloko ka? Andaming nagalit at na wala ang tiwala saatin. Sa tingin mo kahit may paraan ako para mapa wAlAng bisa ang kasal niyo gagawin ko?? Para ano? Tuluyang mawala ang pinag hirapan natin!!!” sabay hampas sa mesa.

“ sana nag isip ka muna bago ka nag ddesisyon, iba pala ang mahal mo pero iba ang pinakasalan mo at tinira mo! Ngayon hihingi ka ng tulong?? Panindigan mo ang desisyon mo ukol kay debby, ayokong bumagsak ng dahil lang sa kamalian na ginawa mo” tumayo si papa.

“ papa, paano naman si lyka??” galit niya akong tinignan.

“ hiwalayan mo! Susustentuhan mo ang magiging anak niyo at iyon lang wala ng iba”sagot niya.

“ pa…”

“ linisin mo muna ang lahat bago kita tulungan thomas, ibalik mo uli ang tiwalA ng mga tao at ipakita sa mga tao na okay kayo ni debby”

“ ung tiwala ng tao madali lang pero ung kay debby malabo, kita mo nama po ung galit niya saakin” baka nag pakita ako ay patayin na nga ako.

“ kasalanan mo yan!!! Mag isip ka kasi muna bago ka gumawa ng kalokohan!! Sinasabi ko sayo iayos mo ang lahat kung hindi, ikaw ang aalisin ko sa pamilya at isasama ko ang kabit mo na ipapatapon sa west” nag lakad na palayo si papa, umigting ang panga ko.

Bumalik na ako sa kompanya at sinalubong agad ako ng problemA, ung mga buyer ko ay biglang umaatras at lumilipat sa ibang brand. Akala ko naman hindi masisira ng ganito ang pangalan ko, dahil sa south na babae na iyon.

Knock knock

“ bon ikaw pala” umupo siya sa may harapan.

“ mukhang apektado kana ah” napa hilamos ako ng mukha.

“ nanuod kana ba ng t. v??” kumunot ang noo ko.

“ anong meron??”tanong ko.

“ nagpa presscon si debby at sinasagot ang lahat ng tanong, ongoing pa nga ngayon” kinuha ko ung remote at inon ang t. v.

“ totoo po ba na wala si mr. guillermo nong araw na nagluluksa kayo sa anak niyo at sa araw ng libing??” tanong ng isang reporter.

“yes” naikuyom ko ang kamao ko, hindi man lang nag isip bago sumagot.

“ kung ganun totoo na nagsasaya siya habang ang anak niya ay pinagluluksahan?” tanong uli ng reporter.

“ oo” napapikit na ako sa inis, pinatay ko na ung t. v at nag isip kung paano na.

“ may gala pa tayong puppupunta itong parating na sabado, kung ako sayo ihahaiha ko ang sarili ko”

“ ano??!!”

“ totoo nga, mukhang masyado kang nag enjoy sa bakasyon mo at hindi mo na naisip ung mga iimportante”sinamaan ko siya ng tingin.

“ kung ako sayo susuyuin ko na ung asawa ko para makasama sa gala, wag mo ng balakin na ung kabit mo ang dadalhin mo dahil mas lalo lang magwawala ang mga tao” tumayo na siya.

“ alam mo ba kung nasan siya??” tanong ko.

“ si lhoyd ang tanungin mo dahil siya lang ang may alam ng lahat” sagot niya, tumango ako at umalis na siya. Mukhang binalaan lang niya ako sa wag uli gagawa ng ikakasama ko kaya siya pumunta dito.

Tinawagan ko si lhoyd pero hindi sumasagot, si papa na lang ang tinawagan ko at sinabi niyang subukan kong puntahan sa bahay nila sa south kaya ngayon ay papunta na ako.

Knock knock

Knock knock

Knock—

“ sino- wala si debby” ang mama niya ang bumungad saakin.

“ gusto ko siyang makausap kung okay lang, mag hihintay po ako” sagot ko.

“ hindi kita mapapapasok dahil nag lilinis ako, kung gusto mo hintayin mo siya diyan sa labas” tumango ako at umalis na siya, ilang minuto akong nag hihintay tsaka wAlang silong kaya ang init init.

May sasakyang huminto at pamilyar saakin, kay lhoyd ito. Kaya pala nagkaroon siya ng presscon ay dahil tinulungan siya ni lhoyd kasi kung siya lang hindi niya magagawA iyon.

“ can we talked?”maayos kong sabi.

“ ayoko” sagot niya.

“debby please para saatin” sabi ko.

“ para saatin o para sainyo ng kabit mo?” mabilis niyag sumbat.

“ ganitong usapan ang gusto mo, okay sisige… babalik na tayo sa north” kumunot ang noo niya.

“ asawa kita diba? At nasa north ang bahay natin kaya sasama ka at gampanan mo ang pagiging asawa mo” napa ngiti siya ng nakakainsulto.

“ ngayong gipit ka don mo lang maaaalala na may asawa ka? Bakit hindi ba masolusyonan ng kabit mo??” tanong niya.

“ WAla ng madaming salita, tara na” hinila ko siya ng may pumigil sa kamay ko, si lhoyd.

“ huwag mong pwersAhin kung ayaw”naniaayaw ang mata ko.

“ huwag kang mangialam dahil problema naming mag asawa to” sagot ko.

“ hindi mo ako aasawa “singit ni debby.

“asawa parin kita hanggang hindi tayo nag hhihiwalay, ikaw na din nagsabi na hindi mo ako hihiwalayan diba?! Kung ganun panindigan mo, ipag patuloy natin itong kasalang mala impyerno” inalis ko ang kamay ni lhoyd at hinila si debby papunta sa may kotse.

“ magiging malaya ka lang kung makiki pag hiwalay ka” andito na kami sa may bahay.

“ para maging kayo na ni lyka?? Mas gusto kong mamuhay sa ganitong impyerno kaysa hayaan kayo na maging masaya” inirapan niya ako at pumanik paitaaas, napa buga ako ng hangin.

Tumunog ang phone ko at si lyka, sinagot ko. Pinapapunta ako sa condo niya dahil kailangan daw namig mag usap. Papunta na ako ngayon, hindi maganda ang araw ko at si lyka lang ang makaka pag pagaan nito.

“ hi” hinila niya ako papasok agad at pinaghahalikan,, maski buntis siya ay hindi naaalis ang pagiging romantic nito. Hindi ko pinalampas at binuhat ito papunta sa kwArto niya, kung alam ko lang na nag papakipot si lyka sana hindi ko na ginawa iyon, biglang rumihistro ang nangyari saamin ni debby para mapatigil ako.