CHAPTER 20: Died
DEBBY
Ngayon na ililibing si baby pero wala parin si thomas, naiinis ako! Dahil kung kailan susunduin siya ay nag iba sila ng lokasyon. Napaka impossible naman na hindi man lang niya silipin ang phone niya!!! Maski t. v?? Naibalita pa nga tapos hindi pa niya talaga nabalitaan?!!
“ kaya mo pa??” tanong ni lhoyd, tumango ako at tumayo na.
Nailibing na namin si baby at kababalik lang namin dito sa bahay, may kanya kanyang kwentuham ang iba pero kami nila lhoyd at ang magulang ni thomas at tahimik lang.
“ ola!!! Anong meron at andaming tao?? May party??!” naikuyom ko ang kamao ko.
“ pa sakto andito ka, may bago akong naisip sa product and I want lyka will be the lead” ngiti niyang sabi, umiba lang ang timpla ng mukha dahil naka tingin kami sakanya
“ bakit??” tanong niya.
“ ohh debby sorry kung hindi ko nasabi ang biglaang out of town ko, may inasikaso ako sakto naman na si lyka” tumayo ako at lumapit sakanya, nanginginig ang kamay ko sa sobrang galit sakanya.
“ debby” tawag ni lhoyd.
“ bakit ganyan ang tingin mo----” PAK! Isa PAK! Dalawa PAK! Tatlo at sasampalin ko pa sana ng pinigilan na niya ako.
“ ano ba problema mo?!” tanong niya.
“ out of town na halos mag iisang linggo? Minsan ba chineck mo ang phone mo???” kumunot ang noo niya.
“ ung phone ko? Pinahawak ko muna kay lyka… wait, lyka can I have my phone” kinuha naman ni lyka sa bag niya at iniabot kay thomas.
“ nahulog ko ung phone niya at kakakuha lang namin kahapon” sabi ni lyka, napa ngiti ako.
“ talaga ba??? Araw araw tumutunog tapos kakakuha niyo lang kahapon?!!! Hahahahahaha! Hahahahahaha!!” nilapitan ko si lyka at sinampal.
“ debby!!” itinulak ako ni thomas para mapaupo ako, hindi na mapigilan ung luha ko. Tumayo ako kahit nanghihina ako dahil sa pagod at walang tulog.
“ enjoy ba ang bakasyon niyo?! Sabagay sinong hindi sasaya kapag nasa kanlungan ka ng mahal mo! Ohh wait, tinatanong mo kung bakit kami andito???? Tama ka nag paparty kami! Nag paparty kami dahil namatay lang naman ang anak mo!”
“ Ang saya diba??! Ikaw nga sayang saya araw at gabi kasama ang kabit mo habang kami dito nag dadalamhati!!! Putang gala!!!” gulat siya.
“ debby hindi naman ata tama na pag isipan mo si thomas na may kabit na---”
“ may kabit naman talaga siya at si lyka, si lyka na kaibigan ko!!!!” nilingon ko siya, yumuko siya.
“ evidence??? Asked lhoyd, lahat alam niya at maski itago niya ako na mismo ang nakahuli at hulaan niyo kung kailan? Nong buntis pa ako!!!”
“ Im so happy dahil kahit biglaan ang lahat ay pinanindigan parin ako ni thomas pero sana hindi na lang pala! Sana ibinalik mo na lang ako sa nanay ko kung lolokohin mo lang ako at ang anak ko. Imposibleng hindi mo nabasa ang message namin sayo, imposibleng hindi mo narinig ni minsan na tumunog ang phone mo”
“ anong pakiramdam na nag eenjoy ka habang alam mong patay na ang anak mo? Sabagay aanhin mo nga naman ang anak ko kung meron ka ng ibang anak at sa ibang babae pa!!”
“ Debby!!! Oo nagdadalamhati ka pero wag ka sanang umabot---”
“ tama po si debby, sorry pero nitong nakaraan lang andaming kumalat na pictures at pinahold ko iyon para hindi maikalat dahil makakasira sainyo. If you want I can give you a copy at alam ko din ang kalokohan ni thomas”
“ Hindi ko lang sinabi dahil private matter na iyon at syempre kaibigan ko si thomas” singit ni lhoyd.
“ is it true thomas?” singit ng papa njya.
“ pa let me explain---”
“ ang gusto ko lang malaman ay kung totoo ba ang lahat??” tanong uli ng papa niya, tumango siya at bumilis ang pag patak ng luha ko.
Mga walang puso tapos darating siya dito na walang alam???!!! Tinignan ko silang dalawa ng masakit, paano nila nakaya ung ganun!!!
“ nagkaroon ng komplikasyon si lyka kaya need ko siyang samahan lalo pat may anak kami, sinabihan ako ng doktor na libangin ko at wag iwan si lyka dahil nadedepress siya…. Yes, I know na namatay si baby pero sa balita ko na nalaman and im sorry kung wala ako dahil mas kailangan ako ng isa ko pang anak”
“ Wala naman na tayong magagawa, pumunta man ako o hindi ay hindi mabubuhay ang anak namin ni debby” napaawang ang labi ko, susugurin ko na sana siya ng hinila ako ni lhoyd.
“ anak mo siya!!!! Maski sana sa huling pagkakataon tignan mo lang siya!!! Mahirap bang gawin iyon!!!” galit kong sabi, gustong gusto ko silang saktan.
“ debby tama na” sabi ni lyka
“ oo tama na!!! Total nangyari na ang lahat, ito lang ang masasabi ko. Hinding hindi ako makikipag hiwalay sayo! Para lang sa kabit mo at sa anak mo!!! Mananatili ako ang legal na asawa mo at wala ka ng magagawa doon!!!” galit kong sabi, nag lakad na ako palayo at umalis sa bahay na iyon.
May sasakyan na huminto sa harap ko at lumabas si lhoyd, humagulhol na ako sa iyak at niyakap niya ako. Napaka walang puso nila, naatim nila iyon?!
Hinatid ako ni thomas sa south, inilalayan ako papunta sa bahay at siya na din ang kumatok. Si mama ang bumukas at alam kong masama ang loob saakin.
“ pwede po—” niyakap niya ako.
“ dito kana, mas nababagay ka dito at hinding hindi ka iiyak kapag andito ka” mabuti na lang at kahit may tampo si mama hindi niya ako ipinagtabuyan.
Sinamahan ako ni mama sa kwarto ko nong umalis na si lhoyd, patuloy parin sa pag tulo ang luha ko at hindi ko alam kung hanggang kailan ito titigil.
“ tahan na, masakit ang mga nangyari pero hindi naman tama na mag patalo ka dahil sa nangyari”
“ Hindi ako magpapatalo ma, kung ngayon nanalo sila pwes lalaban parin ako kahit walang wala ako” hindi ko ito basta papalampasin.