CHAPTER 19: Cheat

DEBBY

“ may relasyon sila” sabi ko, napa tingin sila saakin.

“ debby?” tanong ng mama niya.

“ haha joke lang po”ngiti kong sabi.

“ thomas call her back… hindi ko masyado nakuha ung sinasabi niya” tumango siya at kinuha aag phone niya, dali dali naman siyang lumayo saamin para mapa higpit ang hawak ko sa kutsara ko.

“ nagulat ako, akala ko may relasyon sila which is hindi niya dapat gawin dahil nakakahiya siya” sabi ng papa ni thomas.

“ malabong mangyari iyon honey, pinalaki natin ng maayos si thomas” sagot ng asawa niya, talaga?? Kung alam lang nila.

Umuwi na ang mag asawa kanina pa at mag gagabi na ay hindi pa umuuwi si thomas, kinagat ko ang pang ibabang labi ko. Hindi ako pwedeng umiyak, bakit ako iiyak ako ang pinakasalan pero tumulo na lang ang luha ko.

Panigurado ay inaasikaso niya si lyka habang kami ng anak niya hinihintay siya, pinatulog ko na ang anak namin bago naman ako nag linis. Alas dose na ng gabi pero wala parin siya, ngumiti na lang ako at iniisip na nag oover time siya sa trabaho.

Umuwi na si thomas, naligo lang siya at nag palit saka mabilis na umalis. Naikuyom ko ang kamao ko, hindi niya man lang nilingon ang anak niya. Ganun ba kahalaga si lyka kumpara saamin? Sabagay sino nga ba ako kumpara kay lyka.

Dinala ko si baby sa school kasi mag eenroll ako, hindi ko pwedeng putulin ang pag aaral ko, kaya ko naman pag sabayin.

“ saglit na lang to baby” umiiyak na kasi siya at mukhang gutom na, konti na lang ay ako ang susunod na mag susubmit.

“ akin na” napa tingin ako, si lhoyd. Kinuha niya at inilayo niya sakto naman na ako.

Natapos ko na ang pag eenroll ko at agad na nilapitan sila lhoyd, kinuha ko na si baby habang siya ay binuhat ung bags na dala ko.

“ sa may kotse kana mag breastfeed” sumunod ako sakanya at sumakay na sa sasakyan niya, gutom na gutom si baby.

“ asan si thomas at hindi ka niya sinamahan” ngumiti ako ng tipid.

“ busy siya” sagot ko.

“ busy siya sa ibang tao, busy sa pagbabakasyon” may ipinakitang mga pictures, ngayon malinaw na kung sino ang kasama niya at si lyka nga.

“ mabuti na lang na hold ko bago pa ito lumabas” dugtong niya.

“ hayaan mo na”

“ Really?? Hayaan na lang?? Debby---”

“ alam ko pero anong gagawin ko?! Komprontahin sila?? Anong laban ko? Ung kasal na sa isang iglap pwede niyang ipabunot o ipawalang bisa?? O ang anak namin na kayang kaya niyang ilayo saakin. Sabihin mo lhoyd kong paano ko siya lalabanan?? Isa lang akong hamak na south at kayo ay north” sagot ko.

Hindi na siya umimik at inihatid na lang kami pauwi, mukhang nasa bakasyon nga si thomas dahil hindi diya umuwi kagabi. Binuhat ko si baby para bumaba pero bakit andamig niya? Hala bakit and lamig lamig niya, kinuha ko ang phone ko at pitaka saka bninuhat si baby.

“ manang??!! manang!!”lumabas na ako at nag para ng kahit ano ng sasakyan, walang mmasakyan kainis!!! Dinial ko number ni llhoyd

“ lhoyd puntahan mo kami bilis” agad kong sabi, mga ilang minuto ay meron na siya.

“ hospital lhoyd dali” ginigising ko ang anak ko at pinapainit ang katawan niya hanggang makarating kami sa hospital, agad nilang ikinonfine ang anak ko.

“ anong nangyari??”

“ hindi ko alam, kagabi okay siya hanggang nong madaling araw nong pinadede ko tapos pag gising ko sa umaga at baba na sana kami ay naramdaman kong ang lamig lamig niya” paliwanag ko.

“okay relax kana muna at hintayin natin ang sasabihin ng doktor” tumango ako, tinext ko naman thomas at tinawagan ko pero di sumasagot.

“ busy siya, kakapost lang niya oh” pinakita niya ung masaya niyang picture pero may nakita akong mas ikakasakit ng dibdib ko at iyon ay ang damit na pamilyar na pamilyar saakin dahil ako pa ang nag regalo sakanya nito.

“ okay” inilagay ko ang bag ko ung phone ko at sumandal na lang.

“ Wala ka bang ibang gagawin? Sa ganitong sitwasyon kailangan niyo siya lalo na ang anak niyo” sabi ni lhoyd.

“ susubukan ko uli siyang kontakin mamaya” sagot ko.

Ilang oras na ang lumipas hindi na ako mapakali dahil hindi pa namin alam kung anong nangyayari, isa pa itong si thomas kanina ko pa siya kinokontak ay hindi sumasagot.

“ mrs guillermo” mabilis akong lumapit sa doktor.

“ your baby is gone, im sorry” ano??!! Okay pa siya kaninang madaling araw tapos ngayon sasabihin nila patay na??

“ wait bakit naman biglaan??” tanong ni llhoyd

“ mahina po ang kanyang puso at may nakitang butas, hindi kasi ito agad makikita lalo na pag ganitong baby. Minsan ang alam niyo ay okay siya pero sa kabila non ay hindi pala, isang senyales non ang laging pag iyak tapos susunod panlalamig”

“ mabilis ang mga ganitong scenario lalo pat baby siya, lumalaban naman siya nong una hanggang hindi na talaga kinaya dahil baby pa nga siya. Sinubukan na din namin ang lahat at kusa na talagang bumigay ang puso niya” napaupo ako, bakit ganito kabilis?? Bakit ang bilis naman ng mga nangyayari??? WalA naman akong ginawang kasalanan para ganituhin ako ng kapalaran.

“ ako na bahala sa pag asikaso at pag kontak kila tito” hindi na ako umimik dahil hindi parin ako maka paniwala sa nangyari, kailan lang nong inire ko siya tapos kukunin agad siya?? Bakit naman ganun!!! Tumulo na ang luha ko.

Nakaayos na ang lahat at si thomas na lang ang kulang, panay kontak nila sakanya pero wala paring balita kaya inalam na ni lhoyd kung saan sila at ipinasundo na dahil galit na galit na ang kanyang ama.