Chapter 18: Hospital

THOMAS

“ kailangan ko ng umalis, baka hinihintay na ako doon. Kagabi pa nanganak si debby at kailangan---”

“ ako ba hindi ka kailangan??? Nasa hospital siya ibig sabihin madaming mag aasikaso sakanya habang ako ay wala. Ikaw lang ang pwede kong makasama, tandaan mo anak mo din ito” sagot ni lyka.

“ tsaka diba may plano na tayo, once na nanganak na si debby ay hindi mo na siya pagtutuunan ng pansin? Tungkol naman sa anak mo sakanya ay ipapaalaga mo na lang muna, thomas malapit na ako manganak” malungkot na sabi ni lyka, gusto ko sanang manaatili at samahan siya pero malalaman ni papa na wala ako sa tabi ni debby kapag di pa ako pupunta ngayon

“ lyka sana maintindihan mo naman lalo pat kasal pa kami ni debby” sumimangot siya.

“ babawi ako sayo okay, sa ngayon kailangan kong umalis” niyakap ko siya at mabuti na lang ay pumayag siya.

Nong ikinasal ako ay hindi ko na nakikita si lyka at akala ko sa pagpapakasal ko sakanya ay makakalimutan ko ang nararamdaman ko kay lyka…. Nadismaya ako na si debby pa ang nabuntis ko kaysa kay lyka… parehas lang naman na may nangyari doon sa araw na iyon.

Pinakisamahan ko si debby hanggang nagkita kami ni lyka sa isang bar, umiiyak ito at lasing na lasing. Sinamahan ko siya dahil mahirap na baka kung mapano hanggang hinatid ko siya condo niya at aalis na sana ako doon dahil may pinapabili si debby saakin pero may narinig akong sinabi ni lyka para mapatigil ako.

Paulit ulit niyang sinasabi na mahal niya ako, hindi ko inaasahan iyon dahil diba noon ay todo tanggi siya saamin at grabe ang pagtataboy saakin… iyon naman pala ay kabaliktaran.

Nilapitan ko siya at niyakap ko dahil nasiyahan ako sa narinig ko, inimulat niya ang mata niya at nakita niya ako kaya bigla niya akong hinalikan at doon na may nangyari saamin…. Habang inaasikaso ko si debby ay nakiki pag kita ako kay lyka.

Nag usap kami tungkol saamin at okay lang sakanya na ganito muna kami hanggang nabuntis ko siya, syempre hindi ko sila papabayaan kaya sinabi kong handa akong iwan sila debby at pakasalan siya para maging buo kami.

Nakarating na ako sa hospital at nadatnan ko ang pamilya ko kasama si debby, masama ang tingin saakin ni papa habang si debby ay tahimik lang na nagpapadede. Lumapit ako kila debby at sinilip ang anak ko.

“ lalaki” ang saya ko dahil lalaki ang anak ko.

“ hindi mo alam na lalaki ang anak mo? Wala ka ba sa tabi ng asawa mo kada buwanang check up?” singit ni papa.

“ honey huwag mo namang pagalitan uli si thomas, maging masaya na lang tayo na okay ang lahat” singit ni mama, tinignan niya ako.

“ bakit di natin tanungin muna si thomas kung saan galing baka naman mas may importante siyang ginawa kaysa sa mag ina niya” singit ni lhoyd, kumunot ang noo ko.

“ pA—”

“ hayaan niyo na” singit ni debby”nilingon ko si debby na napaka sseryoso

“ mabuti na lang at mabait ang asawA mo thomas” sabi pa ni papa, ngumiti ako ng tipid.

“ maiwan na namin kayo, thomas bantayan mo ang mag ina mo” tumango ako, umalis na sila papa at maski si lhoyd ay umalis na pero may pa sulyap kay debby.

“ akin na si baby” sabi ko pero hindi iniabot ni debby at naka tingin lang saakin.

“ pag ba makiki pag hiwalay ako sayo papayag ka??” napako ako sa tanong niya, bakit ganito ang tanong niya.

“ bakit ka naman makiki pag hhiwAlay? may rason ba?” tanong ko.

“ dahil kung may rason ka naman papayag ako” sagot ko

“ pag makiki pag hiwalay ako akin ang bata?” kumunot ang noo ko, ano ba nangyayari dito.

“ dadaan tayo sa---”

“ legal??? Saakin ang bata habang wala pa itong seven years old at seven na siya doon siya tatanungin kung sino saatin ang gusto niya” tama siya, ganun ngayon ang batas.

Tinignan ko ang anak ko at tinignan siya na naka tingin saakin, ito ang dapat na mangyari diba ang hihiwalayan ko siya dahil may anak naman kami ni lyka pero bakit may pumipigil sa loob ko.

“ oo, payag ako basta alagaan mo siya ng mabuti” sabi ko.

“ kung ganun makiki pag hiwalay ako sayo” nanlaki ang mata ko

“ a…anong rason?” tanong ko.

“ gusto mo pa ba malaman ang rason??” madiin siyang naka tingin saakin, napa lunok ako.

“ pag usapan natin to pag nasa bahay na tayo, sa ngayon akin na muna si baby” akala ko ay hindi niya ibibigay, iniabot niya saakin at napa ngiti ako. Anak ko talaga siya dahil kamukhang kamukha ko siya, siguro ang nakuha niya kay debby ay ung mata niya.

Ilang araw din kami sa hospital at ngayon ang discharge namin, kanina pa tunog ng tunog ang phone ko at alam kong si lyka iyon pero kasama ko sila papa ngayon.

“ kanina pa yang phone na iyan, paki sagot nga debby” utos ni papa kay debby, bigla akong kinabaha .

“ just ignore---”

“ answer it debby” lumapit si debby at kinuha ung phone ko, pag tingin niya sa screen ay napa hinto muna siya. Shit!

“ hello?? Busy si thomas ngayon, may gusto ka bang sabihin para sabihin ko sakanya” sabi ni debby, naka tingin kami lahat kay debby.

“ mmm.. iyon lang ba?? Sige sasabihin ko. Bye” binaba niya na ung phone.

“ kailangan ka daw niya, nasa hospital siya ngayon” hindi ko alam ang sasabihin ko.

“ sino ba ung tumawag?” tanong ni papa.

“ baka wrong---”

“ its lyka” pinutol na ako ni debby sa pagsasalita, tinignan ako ni papa na kunot noo.

“ bakit ikaw ang tinatawagan niya kung may kailangan siya? Kung nasa hospital siyq dapat magulang niya ang tawagan niya” sabi ni papa.

“ honey baka si thomas lang ang pwedeng---”

“lyka is elite, hindi siya mahirap para dumepende sa isang tao maliban na lang kung---”