Chapter 31 The Fear

Jarred'sPOV

Natigilan si Jasmine nang tanungin ko sa kaniya iyon. Humarap siya sakin na kagat-kagat ang labi at parang nahihiya.

"Sige, saan ba tayo mag-uusap?" tanong niya.

"Dito nalang sa salas. Ahm, tungkol ito kanina. Hindi ko nagustuhan ang sinabi mo, Jasmine. Oo, alam ko na bayad ang araw mo. Pero kung para sa kalusugan mo, hindi naman kaya ng konsensiya ko na pagtrabahuhin ka habang may sakit ka. Oo, galit ako sayo noon. Pero may puso pa rin ako, Jasmine. May nagawa ba akong mali para sabihin mo yun sa harapan nila?" mahinahon kong tanong. Pero sa loob-loob ko nadudurog ang puso ko habang iniisip ang nangyari kanina.

Okay naman kami kanina noong hindi pa kami kumakain, nginingitian pa niya ako, pero simula noong pumasok ako sa kusina at nagsimula na kaming kumain. Hindi na niya ako pinapansin at hindi nakaligtas sakin na iniiwasan niyang tumingin sakin.

Wala akong maisip na dahilan, bukod sa nagkausap kami ni Beatriz kanina. Narinig ba niya na si Beatriz ang kausap ko kanina? Nagseselos ba siya? D*mn! Imposibleng magselos siya, dahil alam ko na hindi na niya ako gusto slash mahal ngayon. Nagyuko siya ng ulo.

"Sorry, hindi ko sinasadya. Nainis lang kasi ako sayo kanina." aniya na kagat-kagat pa rin ang labi.

"Look at me, Jasmine." utos ko sa kaniya na ginawa naman niya. Hindi ko maiwasang mahalina sa mapupungay niyang mga mata na kaysarap titigan at pagmasdan.

"Bakit ka naiinis? Ano ba ang nagawa ko?" tanong ko sa kaniya. Nag-iwas siya ng tingin. Kitang-kita ko ang pamumula ng kaniyang pisngi. Hindi siya sumagot.

"Jasmine, kapag di mo sinagot ang tanong ko. Magagalit ako sayo, ay hindi. kasi hindi ko na kayang magalit sayo. Magtatampo ako sayo. Tell me, bakit ka naiinis sakin? May nagawa ba ako na dapat mong kainisan?" tanong ko. Tumingin siya sakin at muli nagbaba siya ng tingin.

"Bakit kailangan mo makipag-usap kay Beatriz? Diba hiwalay na kayo? O kayo na ulit? O kung kayo pa, bakit sinabi mo iyon sa kaniya sa harapan ko mismo?" aniya.

Ramdam ko sa kaniyang boses ang pagseselos at pagtatampo. Pagseselos nga ba iyon? Pero bakit? Pinigilan kong mapangiti. So, nagtatampo siya? Huminga ako ng malalim at lumapit sa kaniya. Yung kahibla nalang ang layo namin sa isa't-isa. Hinawakan ko ang kaniyang baba at iniangat iyon. Napasinghap siya sa ginawa ko. Hindi man aminin ni Jasmine, ramdam ko na may epekto pa rin ako sa kaniya.

"Nagseselos ka ba?" tanong ko. Huli na ng marealize ko ang tanong ko. F*ck!

"Oo, diba kaibigan mo ako? Dapat alam ko yun diba? Para alam ko kung saan ako lulugar, Jarred. Dahil ayaw ko makasira ng relasyon." aniya at tinitigan ako.

Ngumiti ako sa kaniya. F*ck! Nag-iinit ako dahil sa pagkakalapit ng aming katawan. Parang may nabubuhay sa pang-ibabang parte ng aking katawan. Fxck! Fxck! Huminga ako ng malalim para mawala ang tensyon na nararamdaman ko.

"Wala kang dapat ikabahala, Jasmine. Dahil wala kang relasyong sisirain, tapos na kami ni Beatriz. Tumawag siya, para mangulit."—ani ko at hinawakan ang kaniyang pisngi.—"Kaya relax lang." ani ko.

Bigla siyang nawalan ng balanse, mabuti nalang naalalayan ko agad siya. Kumapit siya sa aking braso para kumuha ng suporta. Dahil sa pagkakalapit naming dalawa. Napatingin ako sa mapupula niyang labi, at dahil hindi ko na nakayanan ang init na nararamdaman. Pinaglapat ko ang aming mga labi.

Hinihintay ko na itulak niya ako palayo pero hindi niya iyon ginawa. Dahil doon, pinalalim ko ang halik at isinandal ko siya sa pader. Sumilay ang ngiti sa aking mga labi ng tugunin niya ang halik ko. Mas lalo iyon nakadagdag sa init na nararamdaman ko. I want more! I want to savore her! F*ck! Ikinawit niya ang mga kamay sa aking leeg at sinabayan ako sa paghalik.

Pinangko ko siya at habang magkahinang parin ang mga labi, naglakad ako patungong hagdanan at inakyat ang pangalawang palapag patungo sa aking kwarto habang hinahalikan siya ng mapusok. Nang marating ko ang kwarto na bahagyang nakabukas, gamit ang likod na binuksan iyon. Inihiga ko siya sa kama at kinubabawan.

Bumaba ang labi ko sa mapuputi niyang leeg at hinalikan. F*ck! Hindi ko maiwasang mapaungol. Mas lalo akong nag-init ng maging si Jasmine at napaungol na rin.

"Jarred. Oh!" aniya na mariing nakapikit.

Tiningnan ko siya habang dinadampihan ng maliliit na halik ang kaniyang leeg at balikat, kababakasan ng pagnanasa ang ekspreksiyon ng kaniyang mukha. Ipinagpatuloy ko ang ginagawa. Ibinaba ko ang off-shoulder dress niya, kusa niyang iginalaw ang mga kamay para matanggal iyon.

Tanging underwear lang ang natira. Tiningnan ko siya, nakapikit pa rin siya habang kagat ang labi. Mula sa paghalik sa kaniyang balikat, bumaba ang labi ko sa kaniyang d*bdib na natatakpan ng bra. Wala akong ibang naiisip ng mga sandaling iyon kundi ang matugunan ang init na aking nararamdaman. At si Jasmine lamang ang makakatugon niyon.

Bahagya kong pinisil ang kaniyang kaliwang d*bdib na ikinaigtad niya. Tinanggal ko sa pagkaka-hook ang kaniyang bra. Hindi ko maiwasang pagmasdan ang kaniyang katawan. Napakaganda ni Jasmine. Nagmulat ng mata si Jasmine at nagkatitigan kami. Bumaba ang aking ulo sa kaniyang dibdib.

"Jarred." ani Jasmine.

Hindi ko alam kong ungol ba iyon o pagmamakaawa na huwag ituloy ang ginagawa. F*ck! Doon lang ako biglang natauhan! Bumangon ako at tumayo. Pinulot ko ang kaniyang bra at dress na nakakalat sa sahig tsaka ibinigay iyon. Bumangon si Jasmine mula sa pagkakahiga.

"Isuot mo, Jasmine. Mali itong ginawa natin. F*ck! Hindi ko dapat iyon ginawa!" ani ko na napasabunot sa sariling buhok at nagmamadaling tinungo ang teresa ng kwarto.

Hindi ko na hinintay na makasagot pa si Jasmine, pero kitang-kita ko ang kaguluhan sa kaniyang mukha. Ilang sandali pa ay, narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto ng kwarto. Marahan akong napabuntong-hininga.

Hindi dahil sa ayaw ko ang nangyari, subalit hindi ito ang tamang panahon para gawin namin iyon. Lalo na at sinisimulan ko pa lang kunin ang loob niya. Paano kung may mangyari samin at pagsisihan niya iyon? Paano kung kamuhian niya ako dahil sa pag-take advantage sa kaniya? Hindi ko na ata alam ang gagawin ko kapag nagkataon.

Minsan nang may mangyari samin noong magkasintahan kami. Mabuti nalang naging maagap ako at walang nangyari. Huminga ako ng malalim at bumalik sa kwarto. Pumasok ako sa banyo para maligo, para kahit papaano mabawasan ang init na aking nararamdaman.

Pagkatapos kong maligo, agad akong nagbihis. Narinig ko ang paghinto ng sasakyan sa garahe. Marahil dumating na si Ate Tessa. Lumabas ako ng kwarto at tinungo ang salas. Naabutan ko si Ate Tessa, Jasmine— na nakapambahay na, at tinutulungan si Ate Tessa at si Ashon na abala sa pagpasok ng mga kahong-kahong pinamili ni Ate Tessa.

"Ate, may pupuntahan lang ako. Tawagan niyo po ako kapag may kailangan kayo." paalam ko kay Ate Tessa. Tiningnan ako ni Ate Tessa.

"Ay. Ikaw pala yan Sir Jarred. Pasensya na hindi kita napansin. O sige, tawagan kita kapag may kailangan ako." aniya.

Tumango ako at binalingan si Jasmine na kaagad na nag-iwas ng tingin at inilabas ang mga pinamili ni Ate Tessa. Gusto kong may kasama si Jasmine sa pag-aasikaso dito sa bahay. Ayaw ko na mangyari ulit ang mga nangyarinsa kaniya noong unang linggo niya dito. Kapag binabalik-tanaw ko iyon, nakakaramdam ako ng guilt. Siguro, kahit half-day lang si Ate Tessa dito sa bahay.

Kaysa mag-isa lang ni Jasmine na gumagawa ng gawaing-bahay. Lumapit ako sa kaniya at bumulong. Natigil siya sa ginagawa, pero hindi niya ako tiningnan. Bakit? Nahihiya ba siya sa nangyari?

"Aalis muna ako, pupuntahan ko lang si Sean, yung kaibigan ko. May pag-uusapan lang kami. Tawagan mo ako kapag kailangan mo ako." ani ko.

Tumango lang siya at ipinagpatuloy ang ginagawa. Hindi ko maiwasan masaktan, ni hindi man lang niya ako nilingon o sinagot yung sinabi ko. Bumuntong-hininga ako para mawala ang sakit na nararamdaman.

Naglakad na ako palabas ng bahay at sumakay sa Ferrari tsaka pinaharurot iyon palabas ng bakuran patungo kina Sean. Kailangan kong mailabas ang mga bagay na gumugulo sa aking isipan.

"ANONG problema, Dude? Mabuti nalang at wala ako sa opisina, kundi Wala kang dadatnan dito sa Condo." ani Sean. Tiningnan ko siya. Narito kami ngayon sa mini-bar niya.

"Alam kong narito ka, dahil ito ang araw na ayaw mo pumunta sa opisina dahil pumupunta roon si Vanerylle, na ayaw na ayaw mong makita."—aniko. "Ikaw? May problema ka pa ba?" balik-tanong ko sa kaniya. Huminga siya ng malalim at ininom ang Tequila na nasa kopita.

"Nagiging okay na rin. Nagpapasalamat ako dahil sinamahan niyo ako ni Vince noong isang araw, kahit papaano gumaan ang pakiramdam ko ng mailabas ko lahat ng hinanakit ko." aniya at ngumiti sakin. Iyon yung araw na gabi na ako umuwi, ang kinaumagahan niyon bumisita sina Tita at Dad. Uminom ako sa hawak kong beer.

"Mabuti kung ganoon, Dude. Tungkol ito kay Jasmine. Yung kwenento ko sayo noon na ex-girlfriend ko noong nasa college ako?" tanong ko sa kaniya. Tumango siya.

"Bakit? Anong meron? Nagkita ba kayo ulit?" tanong niya. Huminga ako ng malalim at inubos ang laman ng beer.

"Si Jasmine ang katulong ko ngayon, Sean." ani ko. Nanlalaki ang mga matang tiningnan niya ako.

"F*ck! Siya ba yung Jasmine na nagugustuhan ni Vince?" tanong niya. Tumango ako.

"Oo Dude, siya nga." ani ko. Napamura ng malakas si Sean, at tiningnan ako na para bang hindi makapaniwala sa mga nalaman.

"Paano nangyari yun? Alam ba ni Vince na ex-girlfriend mo siya? Pero kung ex-girlfriend mo si Jasmine, bakit pumayag siya na magpaligaw kay Vince?" sunod-sunod niyang tanong sakin. Malaki ang tiwala ko kay Sean, at alam kong ililihim niya kung anuman ang ipagtatapat ko sa kaniya.

"Hindi ko alam kung alam ni Vince na ex-girlfriend ko si Jasmine. Sabi ni Jasmine, walang masama kung sakali man na magpaligaw siya kay Vince." ani ko.

Habang sinasabi ko ang mga yun kay Sean, hindi ko maiwasang makaramdam ng paninikip ng dibd*b kapag naaalala ko ang panliligaw ni Vince kay Jasmine. Kailangan oo na ihanda ang sarili ko na isang araw, malaman ko nalang na sila na. Fxck! Tinapik ako ni Sean sa balikat.

"Alam mo walang masama magpaligaw si Jasmine dahil naging kayo, eh hindi mo pa kilala si Vince. Pero ang tanong, anong gagawin mo ngayon? Alam kong mahal mo parin si Jasmine." aniya at kumain ng sisig na siyang pulutan namin. Binili ko iyon sa nadaanan kong Sisig Street.

"Gumagawa ako ng paraan para makuha kong muli ang loob niya. Hindi ako papayag na mapunta siya kay Vince, Sean. Mahal ko si Jasmine, hindi ko hahayaan na mawala siya sakin." ani ko. Napapalatak si Sean.

"Fxck! Shxt! D*mn it Dude! Hibang ka pa rin talaga kay Jasmine, pero sana lumaban ka ng patas. Kaibigan mo pa rin si Vince, Jarred. Ang tanong, paano mo naging katulong si Jasmine? Diba sila ang may-ari ng Saderra's Coffee Factory?" tanong ni Sean na mukhang naguguluhan. Ito na sasabihin ko na.

"Satin lang ito, Sean. Sa pagkakaalam ko may ideya na si Vince kung bakit naging katulong ko si Jasmine. He can do everything." Tumango si Sean kaya isinalaysay ko kay Sean lahat, maging ang dahilan kung bakit ko iyon ginawa. Napatayo si Sean sa kinauupuan dahil sa labis na pagkagulat.

"Anong gagawin mo ngayon, Jarred? Paano kung bumalik sayo si Jasmine at nalaman niya iyan? Anong gagawin mo? Tiyak na kamuhian ka niya. Inipit mo ang kompanya nila." ani Sean na napailing-iling. "You're doomed, Dude." aniya na nakatingin sakin na may kasamang awa na mababanaag sa kaniyang mga mata.

"Yes, I'm doomed. Hindi ko alam, Sean. Hindi ko alam. Bahala na, ang Diyos lang talaga ang nakakaalam ng mangyayari. Sa ngayon, I treasure all the memories while I'm with her." ani ko.

May makatakas na luha sa aking mata na kaagad kong pinunasan. Huminga ng malalim si Sean at bumalik sa kinauupuan.

"I'm still here, Dude. Kung may nangyaring hindi maganda. Puntahan mo lang ako dito sa Condo at sasamahan kitang uminom hanggang sa hindi na tayo makatayo." aniya at itinaas ang kamay na may hawak na Tequila. "Chears!" aniya.

Itinaas ko ang hawak kong beer at pinag-umpog iyon. Masaya ako dahil may kaibigan ako na kagaya ni Sean. Maaasahan at matatakbuhan kapag kailangan ng karamay.