Chapter 32 His Feeling
Jasmine'sPOV
Nang matapos kami ni Ate Tessa sa pagligpit sa mga pinamili niyang groceries, sinimulan na namin maghanda para sa hapunan. Alas-kwatro na rin kasi ng hapon. Ayaw man ni Ate Tessa na tulungan ko siya, dahil sabi niya magpahinga nalang daw ako, nagpumilit pa rin ako dahil kaya ko naman na walang ginagawa. Hindi naman mabigat ang mga gagawin. Hinayaan nalang ako ni Ate Tessa.
Habang naghihiwa ng karne, pumasok sa isip ko ang nangyari kanina samin ni Jarred. Hindi ko maiwasang pamulahan ng mukha dahil dun. Nasaktan rin ako sa naging reaksiyon niya, para bang hindi niya gusto ang nangyari. Dahil ba sa natukso lang siya?
Umuukilkil sa isipan ko ang sinabi niya na mali ang ginawa namin. Paano naging mali iyon? Wala akong kasintahan at ganun din siya. Sabagay, kaibigan lang ang turing niya sakin.
Nang halikan niya ako kanina at agad ko namang tinugon, doon ko napagtanto na mahal ko pa rin siya. Na kahit anong iwas ko sa sarili ko at kahit anong tanggi ko sa sarili ko, hindi nagbabago ang nararamdaman ko para sa kaniya. Ako lang itong dense sa nararamdaman ko.
Pero, paano ko ipagpapatuloy ang atraksiyon ko sa kaniya kung ramdam ko naman na hindi kami parehas ng nararamdaman? Sa sinabi lang niya kanina, ramdam ko na labag sa loob niya ang ginawa niya. Ano ibig sabihin ng pagiging sweet niya sakin? Wala lang ba iyon?
O baka kaya ganun ang ipinapakita niya ay dahil sa gusto niyang humingi ng tawad at maging kaibigan ko siya. Huminga ako ng malalim. Kailangan namin mag-usap ni Celine tungkol rito, pero masyado siyang busy. Hays.
"Ang lalim nun ah, Jasmine. May problema ba?" tanong ni Ate Tessa.
Binalingan ko si Ate Tessa na itinigil ang ginagawa at tumingin sakin. Sasabihin ko ba kay Ate Tessa ang gumugulo sa aking isipan? Sabagay wala naman masama, mas maganda rin yung may nagbibigay ng payo sayo. Magaling magpayo si Ate Tessa, kaya napagdesisyunan ko rin sabihin sa kaniya.
"Oo Ate, tungkol kay Jarred." aniya.
"Bakit? May ginawa bang hindi maganda si Jarred sayo?" tanong niya. Huminga muli ako ng malalim.
"Si Jarred po kasi ang—
Naputol ang sasabihin ko ng tumunog ang door bell. May inaasahan bang bisita si Jarred? Pumasok sa isip ko si Beatriz, bigla akong nakaramdam ng inis dahil dun. Napabaling ako kay Ate Tessa na nagbabalat ng patatas.
"May inaasahan po bang bisita si Jarred, Ate?" tanong ko. Nagkibit-balikat siya.
"Hindi ko alam eh, Jasmine. Sandali, at bubuksan ko." ani Ate Tessa. Isenenyas ko ang kamay para pigilan siya.
"Ako na po ang magbubukas, Ate Tessa." ani ko.
Tumango siya. Naglakad na ako patungo sa pintuan at nakasimangot na binuksan iyon sa pag-aakalang si Beatriz ang bisita ni Jarred. Napawi lamang iyon ng mapagsino ang bisita nila. Si Khael, may dalang pumpon ng bulaklak at isang kahong tsokolate.
"Ikaw pala Khael, pasok ka." ani ko at niluwagan ang pagkakabukas ng pintuan.
Ngumiti siya sakin at pumasok. Ibinigay niya sakin ang bulaklak at ang box ng tsokolate. Inamoy ko iyon. Ang bango!
"Salamat sa bulaklak at sa tsokolate, Khael. Salamat sa effort." ani ko.
"Walang anuman, Jasmine. Bakit nakasimangot ka kanina?" tanong niya ng makapasok.
"Wala naman, akala ko kasi si Beatriz ang mapagbubuksan ko." ani ko.
Tumango-tango si Khael. Wala namang masama kung sabihin ko iyon kay Khael lalo at alam naman niya na hindi ko kasundo si Beatriz.
"Oh Khael! Ikaw pala yan." ani Ate Tessa na papalapit na samin.
"Hello, Ate Tessa. Magandang hapon po." ani Khael.
"Magandang hapon rin. O siya, doon muna ako sa kusina at ipaghahanda kita ng meryenda." ani Ate Tessa at umalis na. Napaka-maasikaso talaga niya. Tumingin ako kay Khael na ngayon ay nakatitig sakin.
"Bakit ganyan ka makatingin?" tanong ko. Ngumiti siya.
"Namiss lang kita. Ilang araw rin kitang hindi nakita, naging busy kasi ako." aniya na kababakasan ng lungkot sa mukha. Ngumiti ako sa kaniya at inilapag sa center table ang pumpon ng bulaklak at tsokolate. Inilahad ko ang kamay sa sofa.
"Maupo tayo, Khael." ani ko na kaagad naman niyang sinunod. Nang makaupo kami. Hinawakan niya ang kamay ko at pinisil. Tiningnan ko siya.
"Namiss mo ba ako?" tanong niya.
Na-miss ko nga ba si Khael? Wala akong maramdamang pagka-miss para sa kaniya. Oo, sinabi ko sa kaniya na magmomove-on ako kay Jarred, pero kahit anong pilit ko hindi ko magawa. Ngunit, susubukan ko pa rin. Susubukan ko, dahil yun ang tama.
"Jasmine? Naglalayag na naman ang isip mo." ani Khael sa nagtatampong boses. Huminga ako ng malalim. Binitawan na niya ang kamay ko.
"May naisip lang ako."—bigla akong may naalala.—"Tungkol pala sa dahilan kung bakit ako katulong ni Jarred, siguro ito na ang tamang panahon para sabihin ko iyon." ani ko.
Ayaw ko rin naglilihim sa kaniya, nangako ako na sasabihin ko sa kaniya ang sekretong iyon sa tamang panahon at ito ang tamang panahon para sabihin iyon. Lumabas si Ate Tessa sa kusina na may dalang tray na may dalawang basong juice at pancakes. Nang mailapag niya iyon sa mesa, nagpasalamat ako. Nagpaalam na siya na babalik na kusina para ipagpatuloy ang ginagawa.
"Pasensya na Ate Tessa, di kita masamahan. May bwisita ako eh." biro ko at binalingan si Khael na nakasimangot sa tinuran ko na ikinatawa ko. Tumawa na rin si Ate Tessa at tumingin kay Khael.
"Bwisita ka raw Khael."—aniya na tumatawa pa rin tsaka binalingan siya.—"Ayos lang iyon, Jasmine. Enjoy!" aniya at umalis na. Tumatawag binalingan niya si Khael.
"Biro lang iyon. Ang seryuso kasi natin. Galit ka?" tanong niya. Ngumiti siya at umiling.
"Nope. Bakit naman ako magagalit sayo? Alam mo naman na hindi mo kayang magalit sayo." aniya at tinitigan ako. Hinawi niya ang ilang hibla ng buhok na tumatabing sa aking noo. Nakita ko ang paglungkot ng kaniyang mga mata.
"Bakit? May problema ba?" tanong ko.
"I'm sorry, Jasmine for breaking my promise. Noong pinaalis muna kami ni Beatriz ni Tita Celeste dahil pag-uusapan ninyo ang tungkol sa pagtratrabaho mo kay Jarred. Nagduda na ako, ayaw nilang malaman namin ang magiging sagot mo at sagot ni Jarred. Kaya, nag-hire ako ng investigator na kakilala ko. Don't worry, ang impormasyon pinahanap ko sa kaniya ay ang dahilan kung ano ang ugnayan mayroon ang kompanya niyo at ang kompanya nina Jarred.
Nalaman ko na may naging pagkakautang ang kompanya niyo at si Jarred ang nagbayad niyo. Isa rin siya sa mga investors ninyo at isa siya sa tumulong para bumangon ang kompanya niyo. That's all Jasmine, hindi ko kasi alam kung kailan mo sasabihin sakin ang bagay na iyon. I'm really sorry, I'm so sorry, I'm sorry. Please forgive me?" aniya sa nagsusumamong tinig.
Ramdam ko ang sinseridad sa mga sinabi niya. Nasaktan ako dahil nawalan siya ng tiwala sakin, pero hindi ko rin naman siya masisisi dahil baka nang panahong iyon ay gulong-gulo na siya. Hinawakan ko ang kamay niya at pinisil iyon tsaka binigyan siya ngatamis na ngiti.
"Ayos lang iyon, Khael. Oo, nasaktan ako dahil hindi mo hinintay ang paliwanag ko o eksplenasyon ko pero naiintindihan kita at karapatan mong malaman iyob. Pero, sa susunod please, tanungin mo nalang ako kaysa magpaimbestiga ka. You know, privacy. Sasabihin ko naman eh, basta alam ko na kailangan mong malaman, sasabihin ko. Sana huwag na mauulit, Khael. You're forgiven. Someone deserves second chance." ani ko.
Nagulat ako sa sumunod na ginawa niya. Niyakap niya ako at isinubsob ang mukha sa balikat ko. Ramdam ko ang panginginig ng knaiyang katawan.
"Khael, bakit?" tanong ko.
"Thank you, Jasmine for the understanding. Grabe! Wala na akong masabi, ikaw na ang pinakamabait na taong nakilala ko and I'm so glad that I've met you. Natatakot akong ipagtapat sayo lahat dahil baka magalit ka at kamuhian ako, pero iba ang inaasahan ko. Thank you so much." aniya at mula sa pagkakayakap kumalas siya. Tsaka ako pinakatitigan. "Wala man lang ako nagawa para sa kompanya niyo. Kung ako lang sana ang mamamahala sa kompanya, tutulong ako para mas mapaunlad ang kompanya niyo. I'm sorry, Jasmine." aniya at niyakap niyang muli ako.
"I'm really really sorry." paanas niya.
"Ayos lang iyon, Khael. Naiintindihan ko. Hindi mo kailangan magpaliwanag." ani ko.
Mahirap talaga gawin ang gusto kapag hindi mo hawak ang sitwasyon at naiintindihan ko ang pinagdaanan niya. Hinagod ko ang kaniyang likod para pakalmahin siya. Magsasalita na sana ako nang biglang may tumikhim.
Tumingin ako sa may pinto, at nakita si Jarred na nakatingin samin habang nakahalukipkip. Napakadilim ng kaniyang mukha na para bang bubuga ng apoy ang kaniyang mga mata. Kumalas ako sa pagkakayakap kay Khael.
"Jar--red." nauutal kong sabi.
Hindi ko alam pero kinakabahan ako. Bakit pakiramdam ko gumawa ako ng hindi kanais-nais na para bang niloko ko siya. Sh*t! Lumipat ang matatalim na tingin ni Jarred kay Khael.
"Anong ginagawa mo dito, Vince?" tanong ni Jarred.
Napakunot-noo ako. Hindi alam ni Jarred ang pagpunta rito ni Khael? Pero nagpaalam naman si Khael kay Jarred noong nakasama namin sina Tita Celeste at Sir Dante Racqueza sa pananghalian. Tiningnan ko si Khael. Nakangisi siya.
"Nakikita mo naman diba na nililigawan ko si Jasmine?" puno ng sarkasmong ani Khael kay Jarred. Gumalaw ang mga panga ni Jarred at kumuyom ang kanang kamao na wari'y tinitimpi ang galit.
"Alam ko at nakikita ko. Pinapayagan kita, Vince na ligawan si Jasmine basta ipaalam no sakin kapag pupuntahan mo siya dito. Napag-usapan na natin ito diba? Mahirap ba iyon, Vince? Wala namang masama kung magpapaalam ka diba?" tanong ni Jarred na hindi pa rin nawawala ang pagtalim ng mga mata.
Tumawa si Khael. Ano bang nangyayari? Hindi ko maiwasang malungkot, pakiramdam ko ng dahil sakin mukhang nagkakaroon ng hindi pagkakaintindihan sina Jarred at Khael.
"Jarred, pinaalam ko na ito sayo sa harap nina Tita Celeste at Tito Dante. Diba? At sinabi mo na ayos lang. Jarred, hindi ka magulang ni Jasmine para sabihin ko pa sayo ang panliligaw ko kay kaniya. Lalaki ka, Jarred at alam mo yan. Kung ikaw nasa sitwasyon ko, ang alam kong ayaw mo rin ipaalam sa iba na liligawan mo ang nagugustuhan mo, maliban nalang kung kapatid o magulang ng nililigawan mo. Diba?" may diing ani Khael na matalim pa ang mga matang nakatitig kay Jarred. Hindi umimik si Jarred. Binalingan ako ni Khael.
"Susunduin kita sa Linggo, Jasmine. Mauna na ako. Himihingi ako ng pasensya sa nangyari ngayon." aniya.
"Mag-iingat ka, Khael." ani ko. Tiningnan niya si Jarred.
"Salamat sa magiliw na pagtanggap, bro." aniya na puno ng sarkasmo ang boses at lumabas na ng bahay.
Tiningnan ko si Jarred. Umiwas siya ng tingin at naglakad patungong hagdanan. Sinundan ko siya, kailangan namin mag-usap! Marami kaming dapat pag-usapan.
"Jarred, mag-usap tayo!" sigaw ko.
Nakita kong nakatayo si Ate Tessa sa pintuan ng kusina na kababakasan ng gulat at pagkalito ang mukha na nakatingin sakin, na kaagad namang nawala tsaka pumasok sa loob ng kusina. Umakyat si Jarred sa pangalawang palapag at hindi niya ako pinansin.
"Jarred! Ano ba!" mabibilis ang mga hakbang niya hanggang sa makarating kami sa tapat ng kwarto niya. Sinundan ko siya roon. Hinablot ang kamay niya dahil sa ginawa ko humarap siya sakin.
"Jarred! Sabihin mo kung napipilitan ka lang na ligawan ako ni Khael dito sa bahay mo! Para alam ko kung saan ako lulugar?! Diba pumayag ka? Ano yun kaplastikan?"—tanong ko. Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha sa aking mga mata. Nakatitig lang siya sakin.—"That was rude, Jarred. Akala ko ayos lang sayo, pero Jarred ayaw ko makasira ng pagkakaibigan. Pero, ayaw kong masaktan si Khael. Naguguluhan na ako Jarred! Hindi ko na alam ang gagawin ko! Litong-lito na ako sa mga ikinikilos mo!" daing ko at tuluyan na akong napahikbi.
"Ayaw mong masaktan si Vince, samantalang ayos lang na masaktan ako? Diba? Dahil mas pinapahalagahan mo si Vince kaysa sa akin. Sabagay, si Vince hindi ka sinaktan samantalang ako, sinaktan kita, mentally and emotionally." aniya na kababakasan ng guilt at lungkot ang mga mata.
Natigilan ako sa sinabi niya. Anong ibig niyang sabihin? Bakit siya masasaktan? Naguguluhang tiningnan ko siya na hindi pa rin tumitigil ang pagtulo ng luha. Inabot ko ang tissue na nasa study table at ginamit iyon para punasan ang luha na naglandas sa aking pisngi. Huminga ng malalim si Jarred.
"Anong ibig mong sabihin, Jarred? Hindi kita maintindihan." ani ko. Pakiramdam ko sasabog na ang utak ko sa dami ng iniisip.
"I still love you, Jasmine. Nito ko lang napgtanto na mahal pa rin kita. Mahal na mahal! I still madly in love with you! Akala ko ayos lang na ligawan ka ni Vince. Pero nagkamali ako, dahil nasasaktan ako kapag nakikita ko kayong magkasama. Nasasaktan ako sa kaalaman na baka wala ng pag-asa ang pagmamahalan natin. Jasmine, napatunayan ko sa sarili ko na kahit anong gawin kong pakikipagrelasyon sa ibang babae. Ikaw at ikaw pa rin ang hinahanap ko." paliwanag niya habang nakatitig sakin.
Kitang-kita ko sa kaniyang mga mata ang halo-halong emosyon na hindi ko mabatid kung ano ang mga iyon. Nasagot na ang mga katanungan sa isip ko na gusto kong itanong sa kaniya. Hindi siya sang-ayon sa panliligaw ni Khael sakin dahil may pagtingin pa siya para sakin. Hindi lang pagtingin kundi mahal pa rin niya ako hanggang ngayon.
"Hindi ko alam Jarred, hindi ko alam ang mga dapat kong sabihin. Naguguluhan ako." ani ko at muli akong humikbi.
Gusto kong sabihin na mahal ko rin siya. Pero paano si Khael? Nangako ako sa kaniya at ayaw ko siyang masaktan. Bigla akong niyakap ni Jarred, ikinulong niya ako sa matitipuno niyang dibdib and he rested his chin in my head.
"Naiintindihan ko. Bibigyan kita Jasmine ng space para makapag-isip ng maayos."—huminga siya ng malalim.—"At sana, ako ang piliin mo, Jasmine. Sana, marealize mo na mahal mo pa rin ako." aniya at kumalas sa pagkakayakap sakin at tumungo sa terrace ng kwarto niya.