Chapter 21 Chance
Jasmine'sPOV
Nagising ako dahil sa pagtama ng sikat ng araw sa aking mukha na nagmumula sa nakabukas na bintana ng aking kwarto. Iniunat ko ang aking mga kamay at bumangon. Pilit kong sinasariwa sa aking isipan ang nangyari. Natatandaan ko na nawalan ako ng malay at ang pag-alalay sakin ni Jarred. Ibig sabihin siya ang nagdala sa akin dito?
Masaya ako dahil nararamdaman ko na nagbabago na ang pakikitungo niya sa akin. Pero hindi dapat ako magpadala dahil nangako ako kay Khael na kakalimutan ko na siya. Hindi ko sisirain yun. Tiningnan ko ang orasan na na nakasabit sa dingding. Nanlalaki ang mga mata ko ng mapagtantong alas-syete na ng umaga. Sh*t!
Dali-dali akong umalis sa kama at lumabas ng kwarto. Tinungo ko ang kusina at nang makapasok ako, nabigla ako sa aking nakita. Natulos ako sa aking kinatatayuan. Si Jarred, nasa kitchenette at nagluluto. Pumasok ako sa kusina at nagtimpla ng kape. Lumingon sa akin si Jarred.
"Mabuti naman at gising ka na. Nagluto ako ng soup para sayo." aniya at ibinalik muli ang tingin sa ginagawa. Matapos kong magtimpla ng kape, nagtungo ako sa mesa't umupo tsaka sumimsim sa tasa. Nakagawian ko na, na hindi gumamit ng kutsara kapag nagkakape.
"Pasensya na Sir. Dala lang siguro ng pagod kaya nawalan ako ng malay kagabi. Salamat din sa pag-aasikaso sakin." aniko habang titig na titig sa maskulado niyang likod na sa bawat paggalaw ay sumusunod ang mga muscles niya sa katawan.
Mukhang alaga sa Gym o ehersisyo ang kaniyang katawan. Hindi ko napansin na biglang humarap sa akin si Jarred kaya nahuli niya akong nakatitig sa kaniyang katawan. Sh*t! Bakit ko ba siya tinititigan! Nag-iwas ako ng tingin pero ramdam ko ang pagtitig niya sa akin. Bumuntong-hininga siya. Hindi pa rin ako tumitingin sa kaniya dahil nakaramdam ako ng hiya sa aking ginawa.
Naramdaman ko ang paglapit niya sa akin, nang makalapit siya sa akin inilapag niya ang isang bowl ng soup sa aking harapan. Napatingala ako sa kaniya. Nagtama ang aming mga mata.
"Kumain ka na para magkalaman ang tiyan mo at para bumuti rin ang pakiramdam mo. Pinag-alala mo ako kagabi." aniya at tumalikod muli.
Nagsandok din siya ng para sa kaniya. Natigilan ako sa sinabi niya. Pinag-alala ko daw siya kagabi. Tama ba ang pagkakarinig ko o guni-guni ko lang. Sabagay, kahit sino naman ay mag-alala sa nangyari. Hindi ko dapat bigyan ng pakahulugan iyon.
"Salamat sa soup. Hindi ka ba papasok ngayon Sir?" tanong ko.
Sh*t! Bakit ko ba nakalimutan na tawagin siyang Sir? Natigilan siya sa sinabi ko at tsaka humarap na may hawak na bowl ng soup. Sumandal siya sa refrigerator at tiningnan ako. Bigla akong naasiwa sa paraan ng kaniyang pagtitig kaya nagbaba ako ng tingin at inabala ko ang sarili ko sa pagkain.
"Pwede bang Jarred nalang ang itawag mo sakin. Huwag mo na akong i-Sir. Masyadong pormal." aniya. Nag-angat ako ng tingin at sinalubong ang kaniyang titig. Walang mangyayari kung lagi akong umiiwas sa kaniyang tingin o titig. Dapat ipakita ko sa kaniya na hindi na ako naaapektuhan ng kaniyang tingin.
"Pero Boss kita kaya dapat—." pinutol niya ang mga sasabihin ko.
"Boss mo ako kaya dapat sundin mo ako. No Sir, just Jarred." aniya na titig na titig sa akin. Tumango ako at itinuon muli ang pansin sa kinakain. Namayani ang katahimikan sa aming dalawa sa loob ng ilang minuto.
"Bibisita sina Tita Celeste at Dad ngayon kaya hindi ako pumasok. Kaya tinapos ko na lahat kagabi mga dapat kong gawin kaya ayos lang na wala ako ngayon sa opisina. Naroon naman ang Sekretarya ko para asikasuhin ang mga nasa Departamento." aniya.
Hindi ko maiwasang mapangiti. Mabuti naman at ayos na sila ni Tita Celeste. Naging mailap si Jarred noon kay Tita Celeste, dahil na rin siguro sa anak siya sa ibang babae. Nasa dalawang buwan noon ang aming relasyon ng magpakilala ang Ama ni Jarred sa kaniya.
Hindi alam ng Ama ni Jarred na ni Dante Racqueza ang naging relasyon namin ni Jarred. Si Ma'am Celeste ay minsan nakausap ko nang minsang kumain ako sa Cletore. Mag-isa lang ako noon dahil may emergency si Celine sa kompanya ng kaniyang magulang na noon ay sinasanay ang sarili sa pamamahala sa kompanya.
Nakilala ko si Ma'am sa larawan lamang, nang minsang ipakita sa akin ni Jarred ang kaniyang Ama sa pamamagitan ng larawan. Maganda si Ma'am Celeste at pagkamahinhin. Nasundan pa ang aming pagkikita ng dalawang beses, hanggang sa nagpaalam siya na magbabakasyon sila sa New York kasama ang asawa niya. Yun na ang huli naming pagkikita.
Kilala pa kaya siya ng Ginang? Natatandaan pa ba siya nito? Sana nga. Ano kaya ang magiging reaksyon niya kapag nakita niya ako, na isa nang katulong ni Jarred Racqueza?
"Ang lalim ng iniisip mo Jas, mukhang si Khael ata ang nasa isip mo." aniya. Tiningnan ko siya at kita ko ang pait sa mukha niya. Dahil ba sa kaibigan niya si Khael at mali na nakikipaglapit ako dahil sa Ex-boyfriend ko siya? Pero wala akong nakitang mali doon.
"Hindi, may naalala lang ako. Mabuti naman at bibisita sila." aniko at ngumiti.
Tumayo ako at nagtungo sa sink na nasa tabi ng refrigerator. Hinugasan ko iyon at pagkatapos, inilagay ko sa lalagyan ang bowl. Aalis na sana ako nang pigilan ako ni Jarred sa pamamagitan ng paghawak sa braso ko. Lumingon ako sa kaniya.
"Ba—." nagulat ako sa ginawa niya. Inilapat niya ang likod ng palad sa aking noo.
"Medyo mainit ka. Magpahinga ka na muna. Dalhan nalang kita nang gamot sa kwarto mo." aniya na titig na titig sakin. Hindi ko binago ang ekspresyon sa mukha ko, kahit gusto kong ngumiti sa ginawa niya. Hindi pwede, ayaw kong isipin niya na naaapektuhan ako sa gestures niya.
"Kaya ko ang sarili ko. Ako na ang bahala. May gamot ako sa kwarto. Huwag ka na mag-abala." aniko at naglagay ng tubig sa baso at kinuha iyon.
Naglakad ako palabas nang kusina. Nang nasa pintuan na ako. Lumingon ako. Naroon pa rin si Jarred sa refrigerator at nakasandal pero kita ko ang lungkot sa kaniyang mga mata.
"Tutulong ako mamaya kapag dumating na sina Ma'am Celeste at Sir Dante. Doon muna ako sa kwarto Jarred. Salamat." wika ko at tipid na ngumiti. Tumango siya at ngumiti pero hindi iyon abot sa kaniyang mga mata.
NANG MARATING ko ang kwarto, pabagsak akong naupo sa kama tsaka huminga ng malalim. Inilapag ko ang baso ng tubig sa bedside table, binuksan ko ang kabinet niyon at kinuha ang gamot na naroon at ti-nake iyon. Biglang tumunog ang cellphone ko na nasa bedside table rin. Dinampot ko iyon at napangiti nang makitang si Khael ang tumatawag.
"Hello Khael. Good Morning!" masiglang bati ko nang masagot ko ang tawag.
"Good Morning Bebe Girl!" masiglang bati niya sakin. Napangiti ako sa tinawag niya sa akin. Bebe Girl huh?
"Bebe Girl? Bakit sinabi ko bang tawagin mo ako ng bebe girl?" pang-aasar ko sa kaniya.
Tumawa lang siya. Iniloud speaker ko iyon at tinupi ang mga damit ko na nasa basket na nilabhan ko noong nakaraan. Hindi ko naasikasong tupuin dahil masyado akong abala.
"Kamusta ka na? Hindi ka sumasagot sa mga tawag kagabi. Maaga ka bang natulog?" tanong niya sakin.
"Hm, oo eh, naka-silent siguro cellphone ko. Nahilo ako kagabi nang maghapunan kami ni Jarred, mabuti nalang nasalo niya ako. Siguro dahil sa pagod, kaya hindi kinaya nang katawan ko. Alam mo naman nasanay akong ako ang pinagsisilbihan not the other way around. Pero okay na ako ngayon, nag-take na rin ako ng gamot." paliwanag ko. Ayaw kong mag-alala siya sakin. Natahimik si Khael na nasa kabilang linya.
"Khael? Andyan ka pa ba?" tanong ko sa kaiya. Tumikhim siya.
"Oo, nandito pa ako. Sigurado ka bang ayos ka lang? Gusto mo bang puntahan kita dyan?" aniya. Umiling ako na para bang nasa harap ang aking kausap.
"Huwag na Khael. Ayaw kong isturbuhin ka. At tsaka, bibisita sina Ma'am Celeste at Sir Dante Racqueza." aniko. Ramdan ko sa boses niya ang pag-aalala. Pero, ayaw ko siyang istorbohin. Kaya ko pa naman ang sarili ko. Narinig kong bumuntong-hininga siya.
"Kailanman hindi ka nagging istorbo sa akin Jasmine. Isa ka na sa taong pinapahalagahan ko. Basta mag-iingat ka, alagaan no ang sarili mo.—Okay Max, I'll be there.—Magkita tayo kapag pwede ka ulit. I hang up now, may meeting ang board. Bye." aniya.
"Thank you Khael. Ikaw din mag-iingat ka. Sasabihin ko nalang sayo kapag pinayagan na ako ni Jarred. Bye." aniko at pinatay na ang tawag.
Inilagay ko ang cellphone sa bedside table at napahiga sa kama. Tumitig sa kisame habang ang isip ko ay na kay Khael. Bakit hindi ko subukan na magpaligaw sa kaniya? Pero hindi pa ako tuluyang nakakapag-moveon. Pero baka kapag nagpaligaw ako, tuluyan na akong makapag-move-on. Dahil mapupunta sa kaniya ang atensyon. Susubukan ko.
Bumangon ako at tinapos na ang pagtutupi. Nang matapos ko iyon at mailagay sa closet ko. Inilock ko ang pinto nang kwarto at tinungo ang banyo para maligo. Kahit hindi maganda ang pakiramdam, kailangan kong maging presentable sa harapan ng mag-asawang Racqueza.