Chapter 20 Competition

Jarred'sPOV

Mabuti nalang nasalo ko si Jasmine. Kung hindi ako lumapit, baka bumagsak na siya sa sahig. F*ck! Pinangko ko siya at lumabas ng kusina, at umakyat sa pangalawang palapag kung saan naroon ang kwarto niya. Hindi ko maiwasang mag-alala. Oo, inaamin ko hindi pa rin talaga nawala ang pagmamahal ko sa kaniya. Na kahit tinatakpan ko iyon ng galit, hindi pa rin maipagkakaila na nagmamalasakit pa rin ako sa kaniya.

Nang makarating ako sa kwarto niya inilipag ko siya sa kama at ini-on ang aircon. Pagkatapos, kinumutan ko siya. Dala ba ito ng sobrang pagod kaya siya nahilo? Hindi ko maiwasang maguilty. Masyado ba ako naging marahas? Dahil sa kagustuhan na makapaghiganti, hindi ko inisip ang kalusugan niya. Marahan akong napasabunot sa aking buhok.

Bumuntong-hininga ako at hinawakan ang kaniyang noo. Hindi siya gaanong mainit. Pinatay ko ang aircon, para pagpawisan siya. Pinakatitigan ko siyang muli. Biglang pumasok sa isip ko ang kaniyang tattoo. Ano kaya ang tattoo niya? Ipinilig ko ang aking ulo. Wala akong pakielam kung ano man ang tattoo na mayroon siya.

Lumabas ako ng kwarto ni Jasmine, maglalakad na sana ako patungo sa aking silid nang makatanggap ako ng tawag. Kinuha ko ang cellphone na nasa bulsa ng six pocket ng suot kong shorts at inilabas ang cellphone. Tiningnan ko ang caller.

Si Sean ang tumatawag. Napakunot-noo ako. Ano naman kailangan niya? Naiiling na sinagot ko ang tawag niya at inilagay ang cellphone sa aking taenga.

"Dude—." naputol ang sasabihin ko nang makarinig ako ng paghikbi sa kabilang linya at ang maingay na musika. F*ck! Nasa Club ba si Sean?

"Dude, I need you now. Kailangan ko ng kausap ngayon." wika niya na humihikbi pa rin.

"Asan ka ba?" tanong ko.

"Day & Night Club. Tinawagan ko na rin si Vince, para makasama ko kayong dalawa. Hurry up! I'm breaking down!" sigaw niya sakin.

Pinatay ko na ang tawag at lumabas nang bahay. Sumakay sa kotse at pinaharurot patungo sa Day & Night Club. So, magkikita kami ni Vince? So what's the big deal. Wala akong pakielam, dahil ang sadya ko ay si Sean. Natigilan ako sa tinatakbo ng isip ko. Bakit ako nagagalit kay Vince? Wala siyang masamang ginagawa. Bumuntong-hininga ako at humigpit ang hawak ko sa manibela at itinuon ang atensyon sa daan.

SAMPONG-MINUTO ang itinagal bago ko narating ang Day & Night Club. Ipinark ko ang sasakyan sa parking area at lumabas, dire-diretso sa entrance ng Club. Nang makapasok ako, hinanap ko ang kinaroroonan ni Sean. Nakita ko siya sa dulong bahagi ng Club kasama si Vince.

Bumuntong-hininga ako para pakalmahin ang sarili dahil nakakaramdam ako ng pagkairita nang makita si Vince. Lumapit ako sa kinaroroonan nila, nakatalikod sa akin si Vince at nakaharap sakin si Sean habang nakababa ang ulo. Nang makalapit ako, hinawakan ko si Vince sa balikat.

"Nandito ka pala Khael." pang-aasar ko. Naramdaman ko ang pagtatagis ng bagang niya.

"Si Jasmine lang ang pinahihintulutan ko na tawagin akong Khael. Prepare to call me Vince." aniya na may diin sa boses. Hindi ko maiwasang mainis. So espesyal nga si Jasmine kay Khael. F*ck!

"Ang sweet naman. Nang dahil lang sa tinawag kitang Khael, nagagalit ka na? Bakit si Jasmine lang ba ang pwedeng tumawag sayo nun? Hindi ba pwedeng ako rin lalo at kaibigan kita." aniko at umupo sa upuan na nasa kanan niya. Bumuntong-hininga si Vince.

"Please Jarred. Hindi ako pumunta dito para makipagsagutan sayo. Nandito ako para kay Sean, so kung may balak kang asarin ako. Save it, pag-usapan natin mamaya. Si Sean muna asikasuhin natin. Iniwan siya ng girlfriend niya." aniya na nakatitig sakin ng matalim. Ngumisi ako.

"Okay."—tiningnan ko si Sean na nasa cellphone ang mga mata—"What happened Dude? Umalis na siya? I mean, diba ayos lang naman sayo na doon siya magtrabaho?" tanong ko sa kaniya. Nag-angat siya ng tingin at may luha na namalisbis sa kaniyang pisngi. Kinuha ko ang panyo sa aking bulsa at iniabot iyon sa kaniya.

"Punasan mo ang luha mo. Alangan ako ang magpunas niyan. Straight ako Dude." aniko. Napailing siya at kinuha ang panyo at tumawa naman si Vince.

"Thank you Dude. May Tita siya sa Canada, Citizen doon ang Tita niya. At inalukan si Cassy na doon magtrabaho, dahil malaki ang sahod. Ang dahilan nang hiwalayan namin ay dahil gusto ni Cassy na maging Citizen sa Canada na tinutulan ko. Kaya ang nangyari nakipaghiwalay siya sa akin at pinutol and kommunikasyon namin. Kung hadlang lang din ako sa mga pangarap niya, maghiwalay nalang daw kami."

"Ganun nalang kadali sa kaniya na iwan ako. Kung pwede naman namin pag-usapan."—tinungga niya ang alak na nasa wine glass niya.—" Limang taon kami! Limang taon! Pero ibinasura niya lang, na parang isang lumang damit na kapag nagsawa na ay itinatapon nalang. Plinano ko na lahat samin. Future namin, mga magiging anak namin. Pati ang proposal planado na. Pero lahat ng iyon nawalan ng saysay. Hindi ko alam kung saan ulit ako magsisimula. Ayaw ko na." aniya at umiyak na naman. Lumapit ako sa kaniya at tinapik siya sa balikat. Samantalang si Vince ay nagsalin ng alak sa wine glass nito at ininom iyon.

"Dude, dapat magpasalamat ka dahil hindi pa kayo kasal. Mas malala kapag kasal kayo at nakipaghiwalay siya. Mas mahirap yun. Be thankful, it means she's not for you. You deserve someone na pahahalagaan ang pagmamahal mo at hindi ibabasura. Mahahanap mo din siya sa tamang panahon, maghintay ka lang at darating siya." wika ko habang naka-akbay pa rin sa kaniya.

"Iba ka talaga Dude. Gusto ko tuloy ma-meet si Jasmine. Diba siya lang naman ang dahilan kung bakit positibo ka sa pagmamahal? Dahil kahit iniwan ka niya. Inisip mo pa rin ang positibo patungkol sa pag-ibig." aniya.

Gusto kong takpan ang bibig niya dahil kung ano-ano na ang sinasabi. Si Sean lang ang nakakaalam ng nakaraan ko. Dahil mas malapit ang loob ko kay Sean. Napatingin ako kay Vince na nakatitig sakin. Parang may gusto siyang sabihin sa paraan ng pagkakatitig niya sa akin. F*ck!

Bumagsak ang mukha ni Sean sa mesa, Tanda na lasing na siya. Napailing-iling ako.

"Tatawagan ko lang si Mang Nicanor para sunduin si Sean. Ilang oras ba nandito yan. Ginawa ng tubig ang alak. F*ck." aniko. Hindi umimik si Vince. Tiningnan ko siya, nakalagay ang cellphone niya sa taenga. Mukhang may tinatawagan.

"F*ck. Hindi ko niya sinasagot tawag ko!" aniya na kababakasan ng pag-aalala sa mukha. Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib. Gaano na ba sila ka-close sa isa't-isa para mag-alala ng ganito si Vince?

"Natulog na siya. Huwag ka mag-alala, ayos lang siya." aniko at tinawagan na si Mang Nicanor.

Ilang ring ang lumipas bago niya sinagot ang tawag. Sinabi ko ang dahilan kung bakit ako tumawag at sinabing susunduin nito ang Boss niya na si Sean. Nang matapos kami mag-usap, pinatay ko ang tawag at ibinalik ang cellphone sa shorts ko. At tumingin kay Vince. Nagtatagis ang bagang niya.

"Sigurado ka na maayos lang siya sa poder mo?" tanong niya sa akin na ikinakunot ng aking noo.

"Oo naman. Bakit parang hindi ka naniniwala?" tanong ko sa kaniya. Tumawa siya ng may pang-uuyam na ikinainis ko.

"Jarred. Kita ko, kitang-kita ko kung gaano ka kalupit sa kaniya. Hindi mo ba nakita ang sugat niya sa kamay? Pinahihirapan mo siya tama? Hindi ko alam kung ano ang rason mo kung bakit mo ginagawa iyon kay Jasmine. Wait, walang sinasabi sakin si Jasmine, baka mamaya isipin mo na may sinasabi siya tungkol sayo. Basta ang alam ko lang sila ang nagmamay-ari ng Saddera's Coffee Factory. Jasmine is kind and caring. Pero Dude, lumaki sa yaman si Jasmine, so please bear with him. Huwag mong biglain yung tao. Baka kung ano ang mangyari sa kaniya."

"Kung anuman ang dahilan kung bakit siya naging katulong mo. Sana huwag mong pahirapan masyado yung tao. Babae si Jasmine, Dude. Kaya sana tratuhin mo siya ng maayos dahil kung hindi magagalit ako sayo." aniya na nagtatagis ang bagang. Tumaas ang sulok ng aking labi. Hindi ko na nagugustuhan ang mga sinasabi niya.

"Huwag mo akong husgahan sa kung paano ko siya tratuhin, Vince. Dahil trinatrato ko siya ng maayos. Huwag kang magsalita na parang alam mo ang lahat." aniko na nakakuyom ang kanang kamao sa mesa. Pinipigilan ang sarili na sugurin siya nang suntok. Anong karapatan niya na sabihin sakin ang mga bagay na iyon. Na parang alam niya lahat ng pinagdaanan ko.

Magsasalita sana si Vince, nang biglang sumulpot si Mang Nicanor na hindi ko napansin ang paglapit, dahil siguro ang atensyon ko ay na kay Vince. Nilapitan si Sean at iniakbay ang braso ni Sean sa balikat ni Mang Nicanor. Tiningnan ako ni Mang Nicanor at si Vince.

"Salamat po sa pagsama sa Boss ko po. Kailangang-kailangan niya po talaga kayo." aniya at bahagyang yumukod.

"Wala iyon Mang Nicanor. Magkakaibigan po kami. Kami na po ang bahala sa sasakyan ni Sean." ani Vince. Nang makaalis si Mang Nicanor. Tumayo si Vince at akmang aalis sa mesa nang napatigil dahil sa sinabi ko.

"Hindi ko akalain na nag-aaway tayo dahil lang sa isang babae, Vince. Madaming babae dyan." aniko. Tiningnan niya ako.

"Lang? Jasmine is a treasure. Oo, ilang araw pa lang kaming magkakakilala, pero mabuting tao si Jasmine. Kung maayos ang trato mo sa kaniya, hindi tayo mag-aaway nang ganito. Oo madaming babae, pero iba si Jasmine. Ibang-iba siya sa mga babaeng nakilala ko. Take note, hindi ko kukunsintihin ang mga mali long ginagawa kahit kaibigan pa kita. Babae ang pinag-uusapan natin hindi lalaki." aniya at naglakad na paalis sa mesa at nagtungo sa entrance nang Club. Kinuha ko ang wine glass ni Sean at pinuno iyon ng Tequila at inisang lagok iyon.