Chapter 22 The Meeting
JarredPOV
Nakaramdam ako ng paninibugho dahil sa aking mga narinig na pag-uusap nina Vince at Jasmine. Sa loob ng mailing panahon na magkakilala sila, close na sila sa isa't-isa. Hindi ko maiwasang magselos! Oo, nagseselos ako! Oo inaamin ko nagseselos ako, na hanggang ngayon may pagmamahal pa rin ako para kay Jasmine. Marerealize mo pala iyon kapag nakikita mong masaya ang taong mahal mo sa iba. Bumuntong-hininga ako para ikalma ang sarili.
Tinungo ko ang kwarto, gusto kong magwala pero hindi ko magawa. Para mailabas ang sakit na nararamdaman. Ikinuyom ko ang aking kaliwang kamao at sinuntok ang pader, nagdulot iyon ng sugat sa aking kamao na ang dugo ay tumutulo sa pader. Masakit, pero mas masakit ang sakit na nararamdaman ko ngayon.
Dumiretso ako sa banyo at naligo. Pagkatapos maligo, nagbihis ako ng gray v-neck shirt na galit sa katawan at six pocket shorts. Naglakad ako patungo sa kama, umupo ako sa gilid niyon at kinuha ang first aid kit na nasa bedside table at sinimulang linisin ang aking sugat. Nang malagyan ko ng gauze ang aking palad.
Nabaling ako sa CCTV footage na nakakonekta sa computer na nasa study table. Biglang pumasok sa isip ko ang paghatid ni Vince kay Jasmine dito sa bahay nang minsang lumabas ang dalawa para mag-lunch. Nagtagis ang bagang ko dahil sa isiping iyon. Alam kong sinasaktan ko ang sarili ko pero na-curious ako.
Umupo ako sa harap ng computer at izinoom ang CCTV footage sa labas ng mansion, na nakaharap sa gate at daan. Nang nasa araw kung kailan sila nag-date at ang oras ay nasa eksaktong oras na nasa Restaurant ako. Ilang sandali pa ay nakita kong papalapit sa gate ang kotse ni Vince. Huminto iyon di kalayuan sa gate.
Naningkit ang aking mga mata nang ilang minuto pa ang lumabas pero hindi pa lumalabas si Jasmine para bumaba o si Vince para pagbuksan ng pinto si Jasmine. F*ck! Nag pass forward ako at umabot iyon ng twenty minutes. F*ck! F*ck! F*ck!
Ano kaya ang ginagawa ng dalawa? Naghahalikan at naghaharutan?! Nagngitngit ang aking mga ngipin dahil sa naisip. Tinted ang sasakyan kaya hindi makita ang loob niyon. Hanggang sa bumaba si Vince nang sasakyan at umikot patungong pinto ng passenger's seat. Binuksan ang pinto at lumabas doon si Jasmine. Ilang minuto silang nag-usap at ang sumunod na nangyari ang nagpatigil sa aking paghinga.
Tumingkayad si Jasmine at hinalikan si Vince sa pisngi. Nakaharap si Vince sa CCTV. Mukhang nabigla si Vince sa ginawa ni Jasmine, dahil naestatwa ito sa kinatatayuan. Nakaramdam ako ng paninikip ng dibdib sa aking nakita. Sa ngayon pisngi pa lang. Paano nalang sa susunod? Parang gusto kong sakalin si Vince nang mga sandaling iyon. Nagpakawala ako ng buntong-hininga para pakalmahin ang sarili. Hindi dapat ako nagpapadala sa emosyon ko, ayaw kong makapanakit ng tao.
Biglang tumunog ang cellphone ko na nasa study table. Kinuha ko iyon at tiningnan ang caller, si Beatriz iyon. Naiinis na sinagot ko ang tawag.
"Babe, I'm on my way." Napakunot-noo ako sa sinabi niya. Where?
"Saan?" tanong ko.
Wala ako sa mood para tawagin siya sa enderment namin, naiinis ako sa napanood ko kanina. Pero kailangan kong kumalma, bibisita sina Dad at Tita Celeste. Hindi ako pwedeng umalis para magtungo sa gym at ilabas lahat ng sama ng loob. Kaya ko pa naman kontrolin ang sarili ko.
"Babe, sa bahay niyo. I want to meet your parents kaya pupunta ako ngayon dyan para personal na magpakilala." aniya.
F*ck! Bakit ko ba kasi sinabi sa kaniya na bibisita sina Dad at Tita Celeste? Siguro dahil sa sobrang excitement nasabi ko sa kaniya o baka pumunta sa opisina at madatnan akong wala doon at magtampo na naman. Pero hindi ko akalain na pupunta siya dito sa bahay ng walang pahintulot ko. Ano pa ba ang aasahan ko? Si Beatriz iyon, walang makakapigil sa kaniya kapag ginusto ang isang bagay.
"Babe it's a family reunion. Sa susunod nalang kita ipapakilala, pupunta tayo sa bahay nina Dad, umuwi ka na." aniko. Pero nagsisimula na akong mairita. Kahit palambingin ko ang boses ko, siguradong hindi siya madadala niyon. Pero baka sakali.
"No! Ma-memeet sila ng katulong mo tapos ako hindi?! Hindi pwede yun! Dapat mameet ko sila Jarred!" galit niyang wika. Hindi ko na nagugustuhan ang lumalabas na ugali ni Beatriz simula ng naging katulong ko si Jasmine. Kailangan ko na ba makipaghiwalay? Hindi na ako masaya sa relasyon naming dalawa.
"Beatriz, Jasmine is my maid. Syempre ma-memeet niya si Dad at si Tita." paliwanag ko.
"That's the point Jarred. She's just your maid pero mas mauna pa siyang makilala kaysa sakin na girlfriend mo." aniya sa nagtatampong boses.
Bumuga ako ng marahas na hininga. Siguro kung iba matutuwa dahil nagseselos ang girlfriend, pero bakit pakiramdam ko naaasar ako. I am falling out of love for her o baka naman wala talaga akong pagmamahal para sa kaniya. Ipinilig ko ang aking ulo para mawala ang nasa isip ko. Wala na akong magagawa kundi pumayag sa kagustuhan niya.
"Okay. Ipapakilala kita, para hindi ka na magalit. I have to hang up now. Be careful." aniko at hindi na hinintay na makasagot si Beatriz, pinatay ko na ang tawag.
Nakarecieve ako ng message galing kay Dad na malapit na daw sila sa mansiyon. Excited akong lumabas ng kwarto at bumaba patungong salas. Nakita ko si Jasmine na nagpupunas ng muwebles sa salas. Hindi man lang siya lumingon sa direksyon ko.
"Malapit na daw sina Dad at Tita, be ready." aniko.
Natigilan siya sa sinabi ko, pero ipinagpatuloy pa rin ang ginagawa. Hindi kilala nina Dad at Tita Celeste si Jasmine, pero alam nila ang ginawa kong pagpapautang sa Saderra's Coffee Factory. Alam nila na may anak na babae ang may-ari niyon pero hindi nila alam na si Jasmine iyon.
Depende nalang kung magtatanong sila tungkol kay Jasmine.
"Jasmine." tawag ko sa kaniya. Lumingon siya sa gawi ko habang hawak ang isang frame.
"Bakit?" tanong niya at ibinaba sa frame.
"Can I ask a favor?" tanong ko habang titig na titig sa kaniyang abohing mata. Napakaganda niyon, isa iyon sa nagustuhan ko sa kaniya.
"Ano yun?" tanong niya sa akin at nag-iwas ng tingin ipinagpatuloy at ginagawa. May epekto ba ako sa kaniya o dahil sa ayaw niya lang nakipagtitigan sa akin? F*ck!
"Pwede ba kapag nagtanong sila tungkol sa iyo. Pwede mo bang gamitin ang middle name mo?" Humarap siya sa akin na may pagkakunot ng noo.
"Bakit ko gagawin iyon?" tanong niya. Sasabihin ko ba? Mas mabuting huwag na.
"Basta huwag mong gagamitin. Ipapaliwang ko sa iyo pagkatapos ng Lunch, wala na tayong oras malapit na daw sila dito sa mansion. Pwede ba?"
F*ck! Bakit ba ako nakikiusap sa kaniya? Ako ang Boss pero ako ang nakikiusap. Siguradong magagalit si Dad sakin kapag nalaman niya ang pinaggagagawa ko. Kumunot ang noo niya sa sinabi ko na mas naging dahilan para kabahan ako.
"Jarred, hindi ako tinuruang magsinungaling depende nalang kung kinakailangan pero ngayon I want to be honest with myself. Ano naman ngayon kung malaman nila na Saderra ako? I don't mind. Walang mangyayari kung magsisinungaling ako lalo na sa Dad at Tita mo. Malaki ang respeto ko sa kanila gaya ng pagrespeto ko sa aking mga magulang." aniya na titig na titig sa akin. Determinado siya sa mga binitawang salita.
"Hindi mo ako naiintindihan Jasmine. Hindi pwedeng ma—." naputol ang iba ko pang sasabihin dahil sa pagtunog ng doorbell.
Sina Dad at Tita na ba yun? Bakit wrong timing! Kailangan ko pang ipaliwanag kay Jasmine kung bakit hindi muna niya pwedeng gamitin ang apelyido niya kapag tinanong siya. Sunod-sunod ang tunog ng doorbell.
"Ako na ang magbubukas." ani Jasmine at ibinaba ang pamunas. Akmang hahakbang siya nang pigilan ko siya sa braso.
"Ako na. Tapusin mo nalang ginagawa mo." aniko at naglakad patungo sa pinto. Binuksan ko iyon at tumambad sa aking harapan ang nakangiting mukha nina Dad at Tita Celeste. May bitbit na dalawang malaking plastic si Dad.
"Hijo! My God. I miss you so much! Kamusta ka na?" ani Tita Celeste at niyakap ako ng mahigpit, niyakap ko din siya.
"Namiss ko din po kayo Tita. Ito ayos lang naman po, kayo?" tanong ko nang pakawalan niya ako sa pagkakayakap.
"Ayos lang naman iho." aniya. Tiningnan ko si Dad at kinuha sa kaniya ang isang plastic na bitbit.
"Dad. Kamusta po?" tanong ko at binigyan siya ng isang fistbump gamit ang kanang kamao ko na may gauze. Ganun din ang ginawa niya.
"Ayos lang iho. Napano yang kamao mo?" tanong ni Dad sakin na tinitingnan ang kamao kong may gauze.
"Wala po. May nasagi ako sa kwarto at napuruhan po ako. Malayo sa bituka." aniko at tumawa. Nakitawa narin sina Dad at Tita Celeste.
"I'm so proud of you iho. Lumalawak ang kompanya dahil sayo. Keep it up!" aniya na nakangiti nang malapad.
Napangiti ako. Masarap sa pakiramdam na pinupuri ka ng iyong Ama. Nakakagaan sa puso, nawawala lahat ng pagod kapag na-aappreciate nang taong malapit sa iyo ang mga pagpapagal mo.
"Thanks Dad." Tinapik niya ang balikat ko at nauna nang naglakad papasok sa bahay.
"Hindi mo ako pinapatuloy kaya ako na ang papasok." biro ni Dad na ikinatawa naming pareho ni Tita Celeste at sinundan namin si Dad.
"Good Morning Sir Racqueza." bati ni Jasmine nang makapasok kami. Tiningnan ko siyang mabuti, kalmado lang siya. Samantalang ako, kinakabahan sa kung anuman ang mangyayari. Natigilan si Tita Celeste.
"Wait. Do we know each other?" tanong ni Tita Celeste kay Jasmine na naging dahilan nang pagbilis ng tibok nang aking pusok sa kaba. What the F*ck?! Magkakilala sila?!