Chapter 19 Move-On

Jarred'sPOV

Pagkatapos kong pirmahan ang dokumento na ipinasa sakin ng HR Department, bumaling ang tingin ko sa wall clock na nakasabit sa kanang bahagi ng aking opisina. 11:30 na ng umaga, baka on the way na si Jasmine. Hindi ko mapigilang mapangiti nang pumasok siya sa isip ko. Ipinilig ko ang aking ulo at nawala ang ngiti sa aking mga labi nang maisip ang dahilan kung bakit ko siya ini-hire na katulong. Hindi dapat ako maging malambot. Napabuntong-hininga ako at tinawagan ang Head ng HR Department gamit ang telepono na nasa gilid ng mesa. Sinagot iyon ni Ms. Vasquez, wala si Iya dahil nag-lunch siya. Bakit ko pa hihintayin na gawin iyon ng Sekretarya ko kung pwede ko namang gawin.

"Good day Sir Racqueza. Ano po maipaglilingkod po sa inyo?" tanong ng nasa kabilang linya na si Ms. Vasquez. Dalaga pa ito, minsan may nakapagsabi sa akin na may crush siya sakin. Maganda si Ms. Vasquez, pero hindi ako pumapatol nang empleyado.

"Tapos ko na pirmahan ang mga dokumento, pakikuha nalang dito sa opisina mamaya." utos ko sa kaniya.

"Sige Sir, kukunin ko na ngayon. Sandali lang po at—." hindi ko na pinatapos ang mga sasabihin niya. Ganun kasi ang mga ito, kapag siya ang nagsalita at nag-utos agad-agad na susunduin ng mga ito.

"Mag-lunch ka muna Ms. Vasquez, makakapaghintay ito. Okay?" aniko sa matigas na boses para hindi na niya ipagpilitan pa ang sasabihin.

"Okay Sir. Salamat po."

"Okay." sagot ko at pinatay na ang tawag.

Pagkababang-pagkababa ko ng telepono biglang bumukas ang pintuan ng opisina at pumasok si Beatriz na may nakapaskil na matamis na ngiti sa mga labi. Nakasuot siya ng black fitted dress na ang neckline ay umabot na hanggang sa dibdib dito. Hindi ko alam pero wala akong naramdamang pagkairita sa suot niyang damit. Hindi ko alam kung bakit, pero dati naman naiinis ako kapag nakikita ko siyang nakasuot ng mga ganiyang uri ng damit.

"You like what you see Babe?" mapang-akit niyang tanong kaya bumalik ang tingin ko sa kaniyang mukha na hindi pa rin nawawala ang ngiti sa mga labi niya.

Tumango ako bilang pagsang-ayon, baka kapag umiling ako at sinabi ko na hindi ko gusto ang kaniyang suot. Magtampo, parang bata pa man din kung magtampo. Lumapit siya sakin at umupo sa aking kandungan tsaka ipinulupot ang kaniyang mga kamay sa aking leeg. Hinalikan niya ako sa leeg. Wala akong maramdamang init sa kaniyang ginawa. Bumaba ang halik niya kaya umiwas ako.

"I miss you babe. Ayaw mo na ba sa halik ko?" tanong niya. Tiningnan ko siya.

"Baka may biglang pumasok Beatriz, lalo na si Vince. Bigla-bigla pumapasok yun." pagdadahilan ko. Pero sa totoo lang, ayaw kong makita ako ni Jasmine sa ganitong posisyon kasama si Beatriz.

"And so? Alam naman niyang magkasintahan tayo diba?" tanong niya pero hindi ko pinansin. Binaklas ko ang mga kamay niyang nakapulupot sa aking leeg at hinawakan siya sa bewang at tumayo.

"Basta ayaw ko Beatriz, please respect my office kahit ngayon lang." wika ko at naglakad palabas ng mesa.

"I'm sorry Babe. Hindi na mauulit. Hm, have lunch with me?" tanong niya sa akin at iniyakap ang mga kamay sa aking bewang at inihilig ang ulo sa aking likod.

"Hihintayin ko yung—." naputol ang mga sasabihin ko nang biglang bumukas ang pintuan ng opisina at pumasok si Jasmine na may dalang paper bag kasama si Vince. Hindi ko mapigilang mainis. Bakit sila magkasama? Don't tell me, sinundo ni Vince si Jasmine?! F*ck! Ngumiti si Jasmine sa akin at tumingin sa mga kamay na nasa aking beywang.

"Good afternoon Sir. Ito na po yung lunch ninyo. Pasensya na po, bahagya po kasing nakabukas ang pinto kaya di na po ako kumatok. Sabi naman ni Khael, ayos lang daw." wika niya at tuluyan nang pumasok sa opisina at nakasunod si Vince sa kaniya. Naiinis na binaklas ko ang kamay ni Beatriz sa aking beywang.

"Ayos lang Jasmine." wika ko at tumingin kay Vince na mataman na nakatitig kay Jasmine. Naiirita ako sa paraan ng pagtitig niya kay Jasmine! Lumapit si Beatriz kay Jasmine at kinuha ang paper bag.

"Siguraduhin mo lang na masarap ito. Dahil kung hindi, magagalit ako." anito. Magsasalita sana ako para ipagtanggol si Jasmine subalit naunahan ako ni Vince.

"Masarap magluto si Jasmine. She can cook, hindi kagaya mo. Kung hindi mo man magustuhan ang lasa ng niluto niya. Baka may problema ang panlasa mo."—tiningnan ako ni Vince—"Wala akong pakielam kahit girlfriend ka pa ni Jarred. Hindi ko kukunsintihin ang ugali mo." wika ni Vince.

Nagtagis ang bagang ko sa mga narinig. Bakit ganun na lang kung ipagtanggol ni Vince si Jasmine? May gusto ba ito kay Jasmine? O baka maman may gusto rin si Jasmine kay Vince? F*ck! Bakit ba niya iniisip ang mga bagay na yun. Dapat wala siyang pakielam!

Hindi nakaimik si Beatriz at bahagyang natigilan. Mukhang nagulat ito sa mga sinabi ni Vince. Tiningnan akong muli ni Vince.

"Ipapaalam ko lang si Jasmine, Bro. Maglulunch kami sa kalapit na Restaurant. Ako nalang maghahatid sa kaniya sa mansiyon mo." Ani Vince. Tiningnan ko si Jasmine, nakatingin din siya sakin.

"Sure." yun lang ang kaya kong sabihin sa kaniya.

"Let's go Jas." ani Vince at hinawakan sa siko si Jasmine at iginiya palabas ng opisina. Napako ang tingin niya sa kamay ni Vince na nakahawak sa siko ni Jasmine. Parang gusto kong pilipitin ang braso ni Vince! Argh! Nakalabas na ang dalawa subalik hindi ko pa rin maihakbang ang aking paa.

"Nakakainis si Vince! Pagsabihan mo ang kaibigan mong yun. Hindi na siya nakakatuwa!" sigaw ni Beatriz at nagmartsa patungo sa mesa na nasa kaliwang bahagi na katabi ng sofa at inilapag doon ang paper bag na naglalaman ng ulam at kanin. Hindi nalang ako nagsalita at lumapit sa kaniya para tulungan maglabas ng pagkain na nasa paper bag.

"Hey! Hindi mo ba ako ipagtatanggol sa kaniya babe?" tanong niya sa akin. Tumingin ako sa kaniya mula sa ginagawang paglapag ng pinggan sa mesa. Napabuntong-hininga ako.

"Oh sige sasabihin ko." wika ko. Ayaw ko makipagsagutan. Pakiramdam ko nawalan ako ng lakas sa nakita ko. Umupo ako sa mesa at naglagay ng kanin sa pinggan.

"Are you okay?" tanong ni Beatriz sa akin. Tumango ako.

"Let's eat." Hindi na nagpumilit pa si Beatriz, itinuon niya ang atensyon sa pagkain.

NAKAKALAHATI palang ako sa aking kinakain, pero iba ang gusto kong gawin. Gusto kong sundan ang dalawa. Gusto kong malaman kung ano ginagawa nila. Hindi ako makakain ng maayos dahil si Jasmine ang nasa isip ko. Marahan akong napabuntong-hininga, ibinaba ang hawak kong kobyertos at tumayo. Sinundan ako ng tingin ni Beatriz, nakakunot ang noo nito.

"What's wrong? Hindi ba masarap ang pagkain? Infairness, masarap ang pagkakaluto huh." wika niya na may pagtaas pa ng kilay.

"Bibili lang ako ng drinks natin." wika ko na hindi tumitingin sa kaniya at tinahak ang daan patungo sa pintuan.

"Chocolate flavor Babe!" sigaw ni Beatriz sa akin na sinagot ko ng pagtango.

Nang makalabas ako ng opisina, pinindot ko ang basement kung saan naroon ang kotse ko. Nang makarating ako sa basement, tinungo ko ang sasakyan at sumakay. Pinausad ko iyon patungo sa Sycel Unique Restaurant.

Habang nasa byahe, lumilipad ang isip ko sa dalawa. Kung ano-anong scenario na ang nasa isip ko. Nariyan ang kumakain ang dalawa habang nagkwekwentuhan at nagtatawanan o kaya ay nilalagyan ni Vince nang pagkain si Jasmine sa plato niya. At ang mas malala pa, baka nagtapat na ng pagtingin si Vince kay Jasmine! F*ck! What i am doing this anyway? Bibili lang ako ng drinks, wala ng iba!

Nang marating ko ang Sycel Restaurant, ipinark ko ang kotse sa kanang bahagi ng Restaurant kung saan naroon ang parking area. Lumabas ako at naglakad patungo sa entrance nang Restaurant. Nang malapit na ako, bumuntong-hininga ako para pakalmahin ang sarili. Nagpatuloy ako sa paglakad hanggang sa nasa tapat na ako ng entrance. Pinagbuksan ako ng gwardiya. Nang makapasok ako, hinanap ng mga mata ko sina Jasmine at Vince. Nasa kaliwang bahagi sila ng Restaurant, malapit sa glass wall.

Nakaharap sa direksyon ko si Vince, samantalang nakatalikod naman sakin si Jasmine. Napatitig ako sa batok ni Jasmine, may tattoo siya doon, hindi ko makita dahil malayo ako at maliliit lang yun. Naka-bun kasi ang buhok niya kaya litaw na litaw ang makinis at maputi niyong batok. Bakit hindi ako nandiri sa tattoo niya? Parang naging hot siya sa paningin ko.

"Jarred!" sigaw ni Vince na nagpabalik sa akin sa kasalukuyan. Hindi alintana ang mga taong nasa paligid. Ganun talaga siya. Bumaling ang tingin ko kay Vince at lumapit ako. Hindi ko maiwasang mainis dahil hindi man lang lumingon sa gawi ko si Jasmine.

"Bro. Nandito pa pala kayo. Bibili lang ako ng drinks namin ni Beatriz." wika ko.

"Ahm. Oo, patapos na rin naman kami. Sabay na tayo. Paalis na kami niyan. Nagkwekwentuhan lang kami." ani Vince. Nakaramdam ako ng selos. Sh*t! This is to much!

"No, it's okay. Mauna na kayo, sige bibili na ako." aniko at sinulyapan si Jasmine na nakayuko at nilalaro ang pagkain sa plato.

Bumuntong-hininga ako at naglakad patungo sa isang bakanteng mesa, nang makaupo ako agad na nilapitan ako ng waiter. Nang masabi ko ang pakay ko at nakaalis ang waiter. Tumayo na ang dalawa at umalis sa mesa. Nang mapadaan sila sa tapat ko. Tinapik ni Vince ang balikat ko.

"We have to go. Ihahatid ko pa si Jasmine." ani Vince.

Tumango lang ako. At nang nakaalis sila. Lumingon ako, saktong paglingon ko. Lumingon sa gawi ko si Jasmine at nagtama ang aming mga mata. Hindi ko mabasa kung anong emosyon ang naroon sa kaniyang mga mata. Galit? Pagkamuhi? Hindi ko alam.