Chapter 16 Dignidad

Jarred Point Of View

Kanina pa ako gising pero hindi ko magawang bumangon. Iniisip ko ang ginawa ko kagabi. Tama ba ang ginawa ko? Bakit nagiging malambot na ako sa kaniya? F*ck! Naihilamos ko ang palad sa aking mukha. Hindi pwede ito. Hindi pwede! Bumangon ako at naupo sa gilid ng kama.

Akmang tatayo na ako mula sa pagkakaupo nang tumunog ang cellphone ko na nasa bedside table. Kinuha ko iyon at tiningnan ang caller. Napakunot-noo ako nang makita na si Beatrice ang tumatawag. Ano na naman ang kailangan niya? Hindi ko alam kung bakit ako nakaramdam nang inis. Marahan akong napabuntong-hininga tsaka sinagot ang tawag at iniligay iyon sa aking taenga.

"Babe! Good Morning!" matinis niyang bati sa akin. Kailangan kong maging sweet sa kaniya baka isipin niya na nag-iiba na ang pagtingin ko sa kaniya.

"Good Morning din Babe. Oh? Napatawag ka?" tanong ko sa kaniya sa pinalambing na boses.

"I miss you Babe. Pupunta ako mamaya sa opisina mo. Okay? Sobrang miss na miss na kita." wika niya.

"I miss you too." wika ko pero parang labas iyon sa aking ilong. Ano ba ang nangyayari sa akin? I'm falling out of love to her? Napailing-iling ako.

"Okay. Take care." wika niya.

"I will." tugon ko at pinatay na ang tawag.

Ibinalik ko ang cellphone sa bedside table. Tumayo ako at naglakad palabas nang kwarto. Bumaba ako nang hagdan at tinungo ang kusina para magkape. Nang malapit na ako sa kusina, narinig kong umaawit si Jasmine. Hindi ko maiwasang mapangiti. She has a nice voice. Pumasok ako sa kusina at tumikhim.

Nag-angat siya nang tingin mula sa ginagawang paghahanda nang almusal sa mesa para tingnan ako. Binigyan niya ako nang isang matamis na ngiti, pero pinigilan ko ang sarili ko na ngitian siya. Sinabi ko sa sarili ko na kahapon lang ako magiging mabait. Nang makita niya ang reaksyon ko, napakagat-labi siya at itinuon muli ang atensyon sa ginagawa.

"Good morning Sir. Salamat po pala sa paghatid nang pagkain sakin kagabi. Pasensya na kung—." pinutol ko na ang iba pa niyang sasabihin.

"Don't mention it. Let's eat. Kailangan kong magmadali, ayaw kong ma-late." wika ko habang nakatingin sa kaniya.

Tumango siya pero hindi nakaligtas sa aking paningin ang lungkot sa kaniyang mata. Hindi ako pwede maging marupok. Hangga't hindi ako nakokontento sa paghihiganti ko. Hindi ako magiging mabait sa kaniya. Pero nasasaktan ako sa nangyayari. F*ck! Hindi na pwede ito. Iwinaglit ko agad ang samu't-saring isipin at itinuon ang tingin ko sa agahan.

"Ano pong gusto niyong ulam mamaya Sir? Baka kasi hindi niyo magustuhan ang ulam na lulutuin ko e." wika ni Jasmine.

"Beaf steak. Damihan mo kasi yayayahin ko Vince ng lunch." aniya.

Oo, hindi ko nagustuhan ang ginawa ni Vince sa paghahatid kay Jasmine. Pero, wala siyang alam sa naging relasyon ko kay Jasmine kaya wala along karapatang magalit sa kaniya. Pero bakit ganun? Naiinis talaga ako kapag naiisip ko iyon.

Tumango lamang si Jasmine at ipinagpatuloy na ang pagkain. Paano kaya kapag nagkagusto si Vincent kay Jasmine? Ayos lang ba kay Jasmine na ligawan siya ni Vincent. Kung sakali? Para malaman ang kasagutan, kailangan kong tanungin si Jasmine.

"Paano kung nagkagusto sayo si Vincent? At ligawan ka niya. Ayos lang ba sayo?" tanong ko sa kaniya. Ibinaba niya ang hawak na kutsara at tinidor at tumingin sa akin.

"Kung papayagan mo akong ligawan niya dito sa pamamahay mo Sir. Wala naman pong masama kung ligawan niya ako. Khael is nice. Walang dahilan para tanggihan ko siya kung sakali man na ligawan niya ako." sagot niya.

Titig na titig siya sa aking mga mata. Bigla akong nag-iwas nang tingin. Bakit parang nainis ako sa sagot niya? Khael? Ayaw ni Vincent na tawagin siyang Khael. Gusto niya na tawagin siyang Vincent dahil doon daw siya nasanay. Hindi ko maiwasang mairita! Napailing nalang ako at tumingin ulit sa kaniya.

"Okay. Kung liligawan ka niya ayos lang sa akin. Pero, he's my bestfriend Jasmine. Diba ang awkward nun? Ex mo ako tapos magiging boyfriend mo ang Bestfriend ko?" tanong ko sa kaniya na ikinatigil niya.

"Naghiwalay tayo nang hindi pa kayo magkakilala diba? Walang masama doon Jarred. Wala namang batas na nagbabawal na bawal makipagtipan sa kaibigan nang ex mo diba? Walang masama kung magiging kami kahit ex na kita, as long as we love each other. Kung sakali man na ligawan niya ako at sagutin ko siya." wika niya sa akin. Natigilan ako. Tama siya.

"Hindi ko akalain na sinasagot-sagot mo ako Jasmine. Katulong kita dito. You should know the word respect." wika ko sa madiin na boses.

"Oo, alam ko kung saan ako lumulugar Sir. Oo, katulong mo ako. Pero may karapatan akong depensahan ang sarili ko lalo kapag iniinsulto ako. Ayos lang sa akin na ipagawa mo lahat nang bagay na ginagawa nang isang katulong. Oo, binili mo ako para maging katulong mo, pero hindi mo binili ang dignidad ko. Excuse me. Iwan mo nalang pinagkainan mo. May gagawin lang ako sa likod-bahay." wika niya at tinungo ang pinto na magdadala sa kaniya sa likod-bahay.

Hindi ko maiwasang maguilty sa mga ginawi ko. Below the belt na ba ako? Marahan akong napabuntong-hininga at umalis sa aking kinauupuan. Tinungo ko ang kwarto, tinungo ang banyo at naligo. Habang nasa tapat ako nang shower, hindi ko maiwasang isipin. Paano kapag nanligaw si Vincent kay Jasmine. Magiging maayos kaya ang relasyon nila? Siguro nga hahayaan ko nalang si Vince na ligawan si Jasmine. Kung magiging sila, hindi ko hahayaang masaktan ang kaibigan ko!

Lulan ako nang aking sasakyan patungo sa Racqueza's Steel Corporation, nang tumunog ang cellphone ko. Inabot ko iyon mula sa passenger's seat at tiningnan ang caller. Napakunot-noo ako nang makitang si Beatriz ang tumatawag. Sinagot ko agad iyon at inilagay sa taenga ang cellphone.

"Babe. Nandito na ako sa lobby nang opisina. Asan ka na ba?" tanong niya sa akin.

"Bakit ang aga mo?" tanong ko.

"Namiss na kita eh."

"Okay. I'll be there." wika ko at pinatay na ang tawag.

Ganun talaga si Beatriz, nauunang pumupunta para daw malaman nang lahat na may nagmamay-ari na sa akin. Noong una ayos lang sa akin iyon. Pero habang tumatagal naiirita na ako. May rule ako sa isang relasyon. Isang taon lang iyon at magpapalit na ulit ako nang girlfriend, pero kapag walang nagging problema sa pagsasama namin at maganda ang pakikitungo niya sa akin. Magtatagal kami. Baka wala pang isang taon, makipaghiwalay na ako kay Beatriz dahil sa inaasal niya. Napailing-iling nalang ako.

Nang marating ko ang RSC, lumabas ako nang sasakyan pagkatapos kong maipark sa parking area. Nang makarating ako sa glass door, pinagbuksan ako nang gwardiya. Hindi pa ako nakakapasok nang may marinig ko ang matinis na boses ni Beatriz.

"Baaabbbeee!" sigaw niya na ikinaasim nang mukha ko.

Kailangan ba talaga niyang sumigaw? Nakakaagaw siya bang atensyon dahil pinagtitinginan na kami. Kahit naiinis ako, nanatili akong kalmado kahit gustong-gusto ko na siyang sigawan. Pero hindi ko magagawa iyon. Alam ko ang pakiramdam nang napapahiya. Sabi nga nila, kung ayaw mong gawin sayo. Huwag mong gawin sa iba. Patakbo siyang lumapit sa akin at nang makalapit. Iniangkla niya ang braso sa aking braso.

"Let go of my arm, Beatriz." aniko na may babala sa boses pero hindi siya nakinig. Naglakad na siya kaya napatianod ako sa paglalakad niya.

"I can't. Gusto kong malaman nila na akin ka." wika niya. Bumuntong-hininga ako. Wala na akong magagawa, naglakad na kami patungo sa elevator at nang makapasok. Hinila ko ang braso ko na agad naman niyang pinakawalan.

"Don't do that again Beatriz. Hindi ako natutuwa." pagbabanta ko sa kaniya. Nagbaba siya nang tingin.

"I'm sorry. Hindi ko sinasadya. Gusto ko lang makasiguro na walang lumalandi sayo." wika niya na ikinailing ko. Oo papalit-palit Ako nang girlfriend, pero hindi ako two-timer.

Bago pa ako makasagot bumukas ang elevator at lumabas agad ako nang elevator. Sinundan naman ako ni Beatriz. Nang makapasok ako sa opisina. Naglakad ako patungo sa swivel chair at naupo. Sinundan ako ni Beatriz at naupo sa aking kandungan tsaka ipinalibot ang kamay sa aking leeg. Isinandal niya ang ulo sa aking dibdib.

"I miss you." wika niya.

Napabuntong-hininga ako. Bakit parang nawawala ang pagtingin ko sa kaniya? Dahil ba sa mas nabibigyan ko na nang atensyon si Jasmine? O baka talagang hindi ko talaga mahal si Beatriz? Na atraksyon lang ang nararamdaman ko sa kaniya?

"Can you make some coffee for me?" tanong ko.

"Sure babe." wika niya at mabilis akong kininintalan nang halik sa labi. Bigla siyang bumaba mula sa pagkakakandong niya sa akin at nagtungo sa mini kitchen ko. Hindi ko nalang pinansin ang mga iniisip ko. Subukan kong bumawi, baka sakali makalimutan ko si Jasmine.