Chapter 15: Concern
Nang makarating ako sa mansiyon slash bahay ko, ipinasok ko agad ang sasakyan sa loob at ipinark iyon sa may garahe. Nang maipark ko ang sasakyan, lumabas ako at tinungo ang pintuan, nang mabuksan ko iyon. Nagulat ako sa nakita nang makapasok ako. Napabuntong-hininga ako tsaka ko nilapitan si Jasmine.
Nakatulugan na niya ang paglilinis nang bahay. Nasa sofa siya nakaupo at nakasandal ang ulo sa headrest ng sofa. Ilang oras na kaya siyang nakatulog na ganiyang ang posisyon? Hindi ba siya nahirapan? Muli akong napabuntong-hininga. Bakit ba nagiging mabait ulit ako? Diba kaya ko nga siyang ginawang katulong ay dahil sa gusto kong maghiganti. Gusto ko siyang pahirapan. Pero babae pa rin siya. F*ck!
Pero bakit nagiging malambot na ang puso ko pagdating sa kaniya? Ipinilig ko ang aking ulo. Hindi ko dapat maramdaman ang mga bagay na ito, dahil nakakasira ito sa aking plano. Pero ngayon na nakikita ko siyang nahihirapan. Kahit ngayon lang maging mabait ako sa kaniya. Kahit ngayon lang maramdaman niya na hindi ko siya pinahihirapan. Pero bukas, hindi na ulit ako magiging mabait sa kaniya. Ngayon lang.
Hindi ako nag-alinlangan nang pangkuin ko siya. Kailangan niyang magpahinga. Oo, naghihiganti ako, pero kahit papaano gusto ko rin makapagpahinga siya. Hindi ako ganoon kasama. Inakyat ko ang hagdan patungo sa pangalawang palapag kung nasaan ang kwarto niya. Nang marating ko iyon, mabuti nalang at nakaawang ang pintuan.
Ginamit ko ang kaliwang paa ko sa pagbukas nang pintuan. Inihiga ko siya sa kama, umupo ako sa gilid nang kama at pinakatitigan. Ang daming gumugulo sa aking isipan kung ano ang dahilan kung bakit niya ako iniwan. Ano ba ang rason? Hindi ko naman pwedeng tanungin ang magulang niya. Hindi kami close. May bumubulong sa isip ko na may mabigat na dahilan kung bakit niya ako iniwan. Na may rason siya kung bakit niya ako iniwan. Yun ang aalamin ko.
"Bakit nga ba Jasmine? Bakit mo ako iniwan?" tanong ko sa kaniya na alam ko naman na hindi niya ako sasagutin.
Napabuntong-hininga ako hanggang sa napadako ang tingin ko sa mga labi niya. Kusang gumalaw ang kamay ko para hawakan ang labi niya. So soft. Kelan ko kaya matitikman ulit ang labi niya? F*ck! Nasabunutan ko ang sariling buhok dahil sa mga iniisip ko. Hindi! Hindi dapat ulit ako ma-attract sa kaniya. Kailangan kong pigilan ang sarili ko kung hindi mawawalan lahat nang kabuluhan ang plano ko.
Naglakad ako patungo sa pintuan at lumabas. Pagkatapos kong maisara ang pintuan ng kaniyang kwarto. Nagtungo ako sa aking kwarto at hinubad ang aking mga damit tsaka nagtungo sa banyo para maligo. Kailangan matanggal ng tubig ang init na aking nararamdaman. Anong oras na ba? Dahil sa gusto kong maging mabait ngayon. Ako ang magluluto nang hapunan namin.
Pagkatapos kong maligo. Tiningnan ko ang orasan. Alas tres palang nang hapon. Masyado pang maaga para sa hapunan. Kaya tinungo ko ang opisina nang bahay para doon gawin ang mga hindi ko natapos sa opisina. Naglakad ako patungo sa opisina, at nang makarating doon.
Pasalampak akong naupo sa swivel chair. Marahang napabuga ako nang hangin. Imbes na nagpapahinga ako heto at kaharap ang mga papeles na dapat pirmahan. May choice ba ako? Wala. Ako ang tagapagmana kaya kailangan kong gawin ang mga bagay na ito na bukal sa loob ko.
TININGNAN ko ang orasan na nakasabit sa dingding. Alas singko na nang hapon. Kailangan ko nang magtungo sa kusina para magluto. Hindi dapat si Jasmine ang magluluto ngayon, kailangan kong bumawi sa nasabi ko kanina at dahil sa pinangako ko sa sarili ko na magiging mabait ako sa kaniya ngayon. Nang marating ko iyon at nakitang wala si Jasmine na nagluluto. Marahan akong napabuntong-hininga. Mabuti nalang. Agad kong sinimulang magluto. Hindi ko mawari sa sarili ko, pero masaya ako sa ginagawa ko.
Jasmine Point Of View
Nagising ako na iba na ang kinahihigaan ko. Napakunot-noo ako. Sino ang nagdala sakin dito. Si Jarred? Wala namang ibang nakatira sa bahay kundi kaming dalawa lang ni Jarred. Hindi ko maiwasang mapangiti. Kahit papaano lumalambot na ang puso niya para sakin. Nakatulugan ko ang paglilinis. Bumangon ako at tiningnan ang oras. Nanlalaki ang mga mata ko nang makita na alas-sais na ng gabi. Sh*t! Kailangan ko nang magluto. Dali-dali akong lumabas nang kwarto at nagtungo sa kusina. Napasinghap ako sa aking nakita. Si Jarred, nagluluto?! Hala! Nakakahiya! Dapat yun ang ginagawa ko ngayon. Bumaling siya sa direksyon ko. Nagtungo siya sa mesa at naglagay ng mga plato.
"Sir—hm." hindi ko alam kung ano sasabihin ko. Baka mamaya nagagalit na siya sakin.
"Sir what?" wika niya. At bumalik muli sa ginagawa. Nagmamadali ako nagtungo sa kinaroroonan niya.
"Sir, ako na po dyan. Pasensya na po kayo kung nagising ako nang ganitong oras. Hindi ko po namalayan, dahil siguro sa sobrang pagod ko po." pagpapaliwanag ko. Sana hindi siya magalit sakin. Sana huwag niya akong sigawan gaya kanina.
"Umupo ka na sa mesa. Ako na ang bahala dito." wika niya.
Nagtataka man pero sinunod ko pa rin siya. Mahirap na baka magalit siya. Nakakatakot siya magalit. Napabuntong-hininga ako at naglakad patungo sa mesa at naupo. Bigla kong naisip yung pagkakalipat ko sa kama mula sa sofa. Dapat akong magpasalamat. Ibubuka ko na ang aking bibig pero naunahan niya ako.
"Dinala kita kanina sa kama mo dahil nakita kitang nahihirapan na nakaupo sa sofa na natutulog." wika niya. Humarap siya dala-dala ang pagkain. Tiningnan ko lang siya habang papalapit. Bakit bigla siyang bumait sakin? Nawawala na ba ang galit niya sa akin.
"Salamat Sir." wika ko at nagbaba nang tingin nang titigan niya ako habang inilalapag ang pagkain sa mesa. Hindi ko kayang salubungin ang kaniyang titig. Umupo siya sa upuan na nasa tapat ko.
"Kumain na tayo." wika niya.
Tumango lang ako habang nakayuko pa rin. Kumuha ako nang plato, kutsara at tinidor. Naglagay ako nang kanin at ulam na niluto ni Jarred. Tahimik lang kami na kumakain, walang sinuman ang gustong basagin iyon.
"May boyfriend ka ngayon, Jasmine?" tanong bigla sakin ni Jarred. Bigla kong nalunok ang kinakain ko sa tanong niyang iyon. Bakit bigla-bigla nalang siya nagtatanong nang ganun? Nag-angat ako nang tingin at nagsalubong ang aming mga mata.
"Wala. Wala akong panahon para makipag-relasyon. Ikaw ang first boyfriend ko." wika ko. At dahil mahal pa rin kita. Napakagat-labi ako. Nakita ko na nabigla siya sa sinabi ko. Pagdaka'y nawala rin iyon.
"Bakit? Dahil baka iwan mo din ang magiging boyfriend mo?" tanong niya sakin.
Naramdaman ko sa tono nang boses niya ang pait. Ramdam ko na sinasabi niya yun, dahil yun ang ginawa ko sa kaniya. Nag-angat muli ako nang tingin at nakipagtitigan sa kaniya. Hindi ko ipapakita sa kaniya na naguguilty ako sa ginawa ko. Dahil alam kong tama ang ginawa ko.
"No. Ayaw kong makipagrelasyon ng dahil lang sa kailangan. Dahil hanggang ngayon mahal pa rin kita. Huwag kang mag-alala, hindi ako umaasa na ganun din ang maramdaman mo sakin Jarred—" ngumiti ako sa kaniya. "—dahil alam ko na tama ang ginawa ko. Ginawa ko yun dahil para sayo yun. Pero, kaya ko ang sarili ko. Makakapagmove-on din ako gaya ng nagawa mo." wika ko.
Kaya ko magmove-on! Kung makakaya niya, makakaya ko din. Mas maganda na rin na nasabi ko sa kaniya ang nilalaman ng damdamin ko at kahit papaano gumaan ang pakiramdam. Nawala ang isa sa nagpapabigat sa dibdib ko.
Hindi ko na napigilan ang pagtulo nang luha sa aking mga mata. Mabilis kong pinahid iyon at tumayo. Nakita ko ang awa sa kaniyang mga mata at hindi ko hahayaan na maging mahina ako sa harapan niya. Alam kong kinakaawaan niya ako dahil sa kalagayan ko ngayon at ayaw ko na madagdagan yun.
"Kakain nalang ako mamaya. Salamat sa dinner. Iwan mo nalang pinagkain mo Sir at ako na ang bahalang maghugas mamaya." wika ko.
Tumalikod na ako at naglakad palabas at agad na umakyat sa hagdan patungo sa aking kwarto. Nang makapasok ako agad akong naupo at hinayaan na mamilisbis sa aking pisngi ang aking luha. Umiling-iling ako. Hindi na dapat ako maguilty. Kailangan ko na magmove-on sa nangyari nang nakaraan. Baka sinasabi lang iyon sakin ni Jarred para saktan ako.
Para iparamdam sakin yung sakit nang nakaraan pero ang totoo nakamove-on na siya. Kaya nga niya ako hinire na katulong para parusahan ako. Magmula ngayon kakalimutan ko na ang nakaraan. Hindi na ako magpapaapekto. Natigil ako sa malalim na pag-iisip nang may kumatok sa pintuan nang kwarto. Siguradong si Jarred yun.
"Jasmine." wika niya. Hindi ko mahimigan ang galit sa boses niya.
"Sandali lang po Sir." wika ko.
Dagli kong pinunasan ang luha sa aking pisngi. At nang pakiramdam ko na ayos na ako. Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa kama at tinungo ang pintuan para buksan iyon. Nang mabuksan ko ang pintuan. Napanganga ako sa aking nakita. Si Jarred may dalang tray nang pagkain.
"Sir. Bababa nalang po ako para doon kumain." wika ko.
"No. Dito ka na kumain. Dinalhan na kita dahil anong oras na. Nananghalian ka ba kanina?" tanong niya sakin. Oo nga pala! Dahil masyado akong abala para mapagtuunan pa nang pansin ang pagkain.
"Hindi ka—." pinutol na niya ang sasabihin ko.
"Then, eat." wika niya sa may ma-awtoridad na boses. Wala akong nagawa kundi ang tanggapin ang tray. Kinuha ko iyon sa kaniya na ibinigay naman niya.
"Salamat. Hindi ka na sana nag-abala pa." wika ko at ngumiti nang matamis sa kaniya. Natigilan si Jarred. Pagdaka'y napunta ang mga paningin niya sa aking labi. Sh*t! Ang akward naman nito. Nag-iwas siya nang tingin.
"May bayad yan. Dalhan mo ako bukas nang lunch. Kahit ano na iluto. Don't worry. Kakainin ko." wika niya at tuluyan nang lumabas nang kwarto. Hindi ko maiwasang mapangiti. Sana tuloy-tuloy na ang pagiging mabait niya. Inilapag ko ang pagkain sa mesa at nagsimula nang kumain.