Chapter 17 Pakikipaglapit

Jasmine's POV

Pagkatapos kong maglinis ng bahay at maihanda ang pananghalian ni Jarred. Nagtungo ako sa kwarto tsaka tinungo ang banyo para naligo. Nang matapos maligo, lumabas ako ng banyo at nagbihis. Plain black shirt at ripped jeans ang aking isinuot. Hindi ko naman kailangan magpaganda dahil maganda na ako. Napangiti ako sa isiping iyon. Nagbubuhat lang ng sariling bangko. Inilugay ko ang hanggang bewang kong buhok at lumabas ng kwarto. Nang makababa ako, nagtungo ako sa kusina para kunin ang inihanda kong pananghalian ni Jarred na nakalagay sa paper bag. Binitbit ko iyon at lumabas ng bahay.

Nagulat ako nang madatnan ko si Khael na nakatayo sa gilid ng pintuan. Anong ginagawa niya dito? Si Jarred ba ang sadya niya? Pero imposible iyon, dahil alam niya kung anong oras pumapasok si Jarred. Lumingon siya sa gawi ko. Umalis siya sa pagkakasandal sa pader at hinarap ako.

"Jasmine." wika niya habang titig na titig sa akin. Nagulat ako dahil hindi niya ako tinawag ng Mine.

"Anong ginagawa mo dito Khael? Nag-doorbell ka sana para napapasok kita. Kanina ka pa ba dito sa labas?" sunod-sunod kong tanong sa kaniya. Nagbaba siya ng tingin.

"Ahm, gusto sana kitang bisitahin pero mukhang magiging abala ka. Pasensya ka kung nakaistorbo ako." sagot niya habang ikinikaskas ang sapatos sa semento.

"Ano ka ba. Ayos lang, kumain nalang tayo sa Cletore sa loob ng Gee Mall. Gusto mo ba?" tanong ko sa kaniya.

Ayaw ko naman maging bastos sa harapan niya. Paraan ko na rin ito ng pagpapahayag ng pasasalamat sa kaniya. Nag-angat ng tingin at biglang lumiwanag ang mukha.

"Okay lang ba? Hindi ba ako makakaabala sayo? Baka magalit si Jarred sa—." pinutol ko na ang iba pa niyang sasabihin.

"Okay lang. May one hour break naman ako eh. Kaya huwag mo akong alalahanin, kaya ko ang sarili ko. Tanong ko lang Bakit di mo ako tinawag na Mine?" tanong ko ko at nginitia siya dahil curious ako kung bakit.

Ang totoo wala akong one hour na break, pero siguro hindi niya ako makikita. Sana, dahil kapag nakita niya ako siguradong magagalit siya sa akin lalo at kasama ko si Khael. Napakamot siya sa batok.

"Ahm, naisip ko llang nakakahiya naman kasi na tawagin kitang Mine eh hindi naman kita pag-aari. Btw, thank you sa pagpapaunlak ng paanyaya ko." wika niya at ngumiti. Natawa ako sa tinuran niya na 'hindi daw niya ako pag-aari.

"Mabuti at alam mo na hindi mo ako pag-aari." ani ko na natatawa.

"Soon." pabulong niyang sabi subalit hindi ko narinig, hindi ko na ipinaulit dahil kinuha niya sa kamay ko ang paper bag. Akmang kukunin kong muli ang paper bag, subalit iniiwas niya na iyon sa akin.

"Let me handle this. Sa kotse ko ikaw sasakay. Don't worry, bababa tayo di kalayuan sa gusali. Baka makita ka ng mga empleyado, isumbong ka nila sa masungit mong Boss." wika niya na ikinatawa ko.

"Bakit mo naman nasabi na masungit siya?" tanong ko habang naglalakad kami papunta sa kotse niya. Wait! Kailangan kong magpaalam kay Ashion. Huminto ako sa paglalakad.

"Sandali! Ipaalam muna natin kay Ashon na sayo ako sasakay." imporma ko sa kaniya. Lumingon si Khael sa akin. Kinaway niyang ang isang kamay.

"Hindi na kailangan. Sinabi ko na sa kaniya, kasi balak kitang yayain mag-lunch sana pero naunahan mo na ako." sagot ni Khael tsaka ako binalingan na may ngisi sa mga labi. Umirap ako na ikinatawa niya.

Wala palang magiging problema, mukhang magkasundo si Khael at Ashon. Sabagay, kaibigan naman niya si Jarred. Baka may mga pagkakataon na nakakapag-usap ang dalawa.

Nang makalapit kami sa kaniyang sasakyan. Binuksan niya ang passenger's seat para sa akin. Ngumiti ako sa kaniya tsaka pumasok sa loob ng kotse. Inilagay ko sa gilid ang dala kong paper bag. Umikot siya patungo sa driver's seat. Nang makapasok siya sa loob, pinausad niya na iyon patungo sa Racqueza's Steel Corporation. Habang nasa byahe kami biglang nagsalita si Khael.

"Pwede ba akong magtanong nang personal na bagay?" tanong niya at saglit akong sinulyapan. Natigilan ako. Tama ba na hayaan ko siyang magtanong nang mga bagay tungkol sa personal kong buhay? I barely knew him. Pero, wala naman masama kung hahayaan kong malaman niya iyon. He's kind.

"Okay lang kung ayaw mong magtanong ako tungkol sayo. I don't mind." wika niya at nginitian ako sa rearview mirror. Ngumiti rin ako pabalik.

"Ayos lang. Go on, magtanong ka na ng mga bagay na gusto mong malaman tungkol sa akin." wika ko. Nagulat siya sa sinabi ko ngunit agad ding nakabawi.

"Kayo ba ang may-ari ng Saderra's Coffee Factory? Tinanong ko kay Jarred subalit hindi siya sumagot kaya napagdesisyunan ko na ikaw ang tanungin. Mas maganda na sayo mismo manggaling ang sagot sa tanong ko. Diba?" tanong niya. Hindi ko maiwasang mapangiti at humanga sa respeto na ibinibigay niya sa akin. Huminga muna ako ng malalim.

"Oo kami ang may-ari. Nagtataka ka siguro kung bakit katulong ako samantalang may kompanya kami. Tama ba?" tanong ko at sinulyapan siya. Nakatuon lang ang atensyon niya sa daan. Ibinalik ko muli ang tingin sa daan.

"Oo. Gusto kong magtanong kung bakit pero sabihin mo nalang sa akin kapag handa ka ng ikwento sa akin kung bakit katulong ka ngayon sa mansiyon ni Jarred." aniya at nilingon ako at nginitian.

Hindi ko maiwasang mapaluha sa sinseridad ng sinabi niya. Ngayon lang ako nakatagpo ng lalaking naiintindihan ako. Dahil simula noong nakipaghiwalay ako kay Jarred, umiwas na ako mga lalaki lalo na ang pakikipagrelasyon.

"Sh*t!" aniya at Itinigil ang sasakyan sa gilid ng kalsada. Humarap siya sa akin.

"Napaiyak ba kita? I'm sorr—" nagsalita agad ako.

"Naiiyak lang ako kung paano mo ako tratuhin. Salamat. Dahil nakikita ko kung gaano ka ka-sincere sa mga binibitawan mong salita. Simula ng maghiwalay kami ni Jarred. Hindi ko na binigyan ng pagkakataon ang sarili ko na mapalapit sa ibang lalaki. Sayo palang." aniko at nginitian siya. May kinuha siyang panyo sa bulsa at pinunasan ang aking luha gamit iyon.

"Oh hayan. Huwag ka ng iiyak. Okay?" aniya habang pinupunasan ang aking luha na naglandas sa aking pisngi. Nang matapos siya, ibinalik niyang muli ang panyo sa bulsa at pinakatitigan ako.

"Mukhang madami kang ikwekwento sa akin niyan. Ex-boyfriend mo pala si Jarred." aniya na natatawa. Natawa na rin ako at tumango. Hindi pa ito ang tamang panahon para ikwento sa kaniya lahat-lahat. Kailangan makasiguro ako na mapagkakatiwalaan siya.

"That bastard. Mabait naman iyon. Open your heart again. Hayaan mong pumasok ako sa buhay mo bilang isang kaibigan na matatakbuhan sa mga oras na kailangan mo ng masasandalan. Sa mga oras na kailangan mo ng kaibigan na magpapayo sayo. Oo, may kaibigan kang babae pero iba pa rin kapag nagsasabi ka ng mga bagay sa isang lalaki. Malalaman mo yan kapag tinanggap mo ang pakikipagkaibigan ko." aniya habang titig na titig sa akin at may malapad na ngiti sa mga labi.

"Oo naman, tinatanggap ko ang pakikipagkaibigan mo." Inilahad ko ang aking kamay sa kaniya na agad naman niyang tinanggap.

"Friends!" sabay naming bigkas at nagkatawanan kami.

Khael's POV

Masaya ako dahil kahit papaano nagiging magaan na ang loob sa akin ni Jasmine. Nang makita ko siya sa opisina ni Jarred na may dalang paper bag kung saan naroon ang pananghalian ni Jarred naging interesado na ako sa kaniya. Masarap siyang magluto, hindi maipagkakaila iyon.

Kaya noong nakita ko siya sa Bischu ng mag-isa. Ginawa kong pagkakataon iyon para mapalapit sa kaniya at hindi ako nagkamali dahil mabait siya. Hindi ko alam kung bakit naging katulong si Jasmine ni Jarred. Gusto kong malaman, gusto kong tanungin si Jarred pero ayaw ko manghimasok. Gusto kong si Jasmine ang magsabi niyon sa akin. Hindi ko maiwasang mapangiti, parang nagugustuhan ko na siya.

"Tiyak na magugustuhan ni Jarred ang luto mo." wika ko habang ang mga mata'y nasa daan pa rin. Malapit na kami sa Racqueza's Steel Corporation. Lumingon siya sakin.

"Sana nga, kasi yung niluto kong Beef Steak nun hindi niya nagustuhan." aniya na kababakasan ng lungkot sa mga mata.

Nagsalubong ang kilay ko dahil sa sinabi niya. Anong hindi nagustuhan? Magkasalo naming inubos ang beef steak na niluto niya. Napabuntong-hininga ako at ipinark ko ang kotse di kalayuan sa gusali kung saan may malaking puno sa isang tabi at nasisiguro ko na walang makakakita na sakay si Jasmine ng kotse ko. Nang maipark ko iyon.

Tiningnan ko siya, nandun pa rin ang lungkot sa kaniyang mga mata. Gusto kong sabihin sa kaniya na nagustuhan namin ang niluto niya pero ayaw ko makisawsaw sa kung among mayroon sila ngayon. Parang may ideya na ako kung bakit kinuhang katulong ni Jarred si Jasmine. At gusto kong malaman kung ano iyon.

"Hey! Huwag ka na malungkot diyan. Tiyak na magugustuhan ni Jarred ang luto mo. Okay? Tara na. Baka hinihintay na ni Jarred ang pananghalian niya." wika ko at masuyo siyang nginitian.

"Salamat Khael, sa pagpapalakas ng loob sa akin. Masaya ako dahil may kaibigan ako na kagaya mo." aniya na may masuyong ngiti sa mga labi. Pinakatitigan ko siya. Maganda si Jasmine, bilugan ang mukha, may saktong kapal ang kilay, may manipis at mapupulang labi, mahahabang pilik-mata, matangos na ilong at mapupungaw na mata.

"Grabe ang titig na yan huh?! Baka matunaw ako niyan Khael." aniya na tumatawa. Tumaas ang sulok ng aking mga labi.

"Gusto ko lang titigan ang bawat parte ng iyong mukha Jasmine. Para kahit saan ako magpunta hindi ko makakalimutan ang maganda mong mukha. Masaya din ako dahil nakilala at naging kaibigan kita." aniko. Natigilan siya sa sinabi ko at namula ang mga pisngi. Yumuko siya at kinuha ang paper bag na nasa gilid at binuksan ang pintuan. Hindi ko maiwasang mapangiti dahil sa pamumula niya.

"Tara na baka nagugutom na si Kumander." aniya tsaka bumaba ng kotse na ikinatawa ko ng malakas.

"Kumander huh?" wika ko at lumabas na ng kotse tsaka siya nilapitan at sabay na naglakad patungo sa RSC. Kinuha ko sa kamay niya ang paper bag.

"Ako na." aniko. Tiningala niya ako.

"Salamat Khael." aniya at nagpatuloy sa paglakad.