CHAPTER 37
Mahabang katahimikan ang namayani sa pagitan namin ni Zeke. Di ko kumibo dahil wala akong masabi
Sobrang daming gumugulo sa isipan ko hindi ko na alam ang gagawin ko.
Dapat ko bang hayaan si Zeke na malapitan ang mga anak ko.
Oh tuluyan ko na silang ilalayo sakanya?
Di pa rin mag sink in sa utak ko ang ginawang panloloko saakin ni Kiro.
All this time kaya pala takot sya sa pagdating ni Zeke dahil may tinatago sya saakin.
I close my fist. This is too much
"Im sorry" Paumanhin ni Zeke habang nakayuko
Nadudurog ang puso ko habang nakikita ko syang umiiyak sa harapan ko.
Pero ano bang magagawa ko? Nasaktan ako, kahit ano pang ginawa ni Kiro hindi pa rin mababago na iniwan nya ako
Si Kiro ang nanatili sa tabi ko noong panahon na iniwan nya ako
Noong mga panahon na kailangan ko ng makakapitan
Makakaramay
Wala sya. Si Kiro ang nandyan sinalo nya ako noong panahon na walang wala na ako.
Di nya ako pinabayaan.
Oo niloko nga ako ni Kiro but he saved me from hell.
"I dont care if he fooled me Zeke. Nandyan sya noong panahon na wala ka! NOONG PANAHON NA KAILANGAN KO NG MAKAKASAMA! KAYA WALA KANG KARAPATAN SA MGA ANAK KO! KAHIT ANONG GAWIN MO HINDI YON MABABAGO. INIWAN MOKO! NGAYON NANDITO KA NANA MAN! SINISIRA MO ANG BUHAY KO KINUKUHA MO LAHAT NG MERON AKO! NAPAKA SAMA MO! PATI IBANG TAO! Hindi magiging masaya ang mga anak ko kapag nalaman nila na isang mamamatay tao, masamang tao, walang puso ang ama nila!"
Gumuhit ang sakit sa kanyang mga mata. Nakaramdam akong kirot sa aking dibdib dahil sa nakikita ko ngayon.
I can't imagine I will come this far.
He smile bitterly while looking straight in my eyes.
"Yeah. I forgot how bad I am. I killed many people, I make people suffer. I am a big shame to my kids. They dont deserve to have a father like me. Okay. If that what you want okay fine. I gave up. Hinding hindi na kita guguluhin"
Hindi na ako kumibo.
Tinalikuran ko sya at nagsimula ng humakbang palayo sakanya bitbit ang bigat sa aking dibdib.
Bakit ba ako nasasaktan? Hindi bat dapat masaya ako dahil lalayuan na nya ako. Na hindi na nya ako guguluhin.
Tuluyan ng bumagsak ang masasagang luha sa aking mata habang naglalakad ako palayo kay Zeke.
Doon bumuhos ang malakas na ulan.
Lord naman oh gusto nyo po ba talagang iparamdam saakin na nag iisa ako huhu.
Kahit nanlalamig ay mas pinili kong maglakad dahil wala na akong ibang maisip kundi ang umiiyak na mukha ni Zeke kanina.
Mahal ko sya, pero nasaktan ako. Natatakot ako na mangyari ulit ang nangyari noon.
Bakit ba ang lupit ng tadhana saakin?
"Ayen!" Napalingon ako sa lalaking tumawag saakin.
Di ko maaninagan ang mukha nito pero pamilyar ang boses nya.
Tumakbo sya papalapit saakin doon ko lang narealize na si Kiro pala ang padating.
Bigla nalang nabuhay ang galit sa dibdib ko.
"Hey. Bakit nagbabasa ka ng u--"
I slap him. Di ko na sya hinintay matapos magsalita.
Confuse is written all over his face.
I slap him again. "Para saa panloloko na ginawa mo saakin!"
Nanghihina ako, gusto ko syang sigawan murahin saktan. Pero bakit hindi ko magawa?
Nabigla ito "What are you talking about?" Kinakabahang tanong nya saakin.
Tinabig ko ang payong na dala nya.
"Wala kang pagkakaiba kay Zeke! Akala mo kung sinong mabait manloloko din pala! Mga gago! Magsama kayo!"
Tumakbo ako palayo sakanya di ko pinansin ang malakas na ulan. Gusto kong lumayo.
Nasasaktan ako.
Hindi ko na alam ang gagawin ko
Saan ko ba dapat ilugar ang sarili ko?
Bakit ba lagi nalang akong nasasaktan at niloloko ng mga taong nasa paligid ko
Sumakay ako sa aking sasakyan at nag drive pauwi. Di ko alintana ang lamig ng aking katawan at panlalabo ng aking mga mata dahil sa pagiyak.
Naninikip ang aking dibdib dahil sa mga nangyayari.
Maiipit ang mga anak ko sa nangyayari. Ano ba talaga ang dapat kong gawin?
Hindi ko alam kung paano ako nakauwi ng maayos. Isa lang ang tumatakbo sa aking isipan
Ang aking mga anak.
Pagpasok ko nadatnan ko silang kumakain sa sala kasama ang aming kasambahay.
"Mommy! You're wet!" Sermon saakin ni Zeus.
Napangiti ako ng mapait "Baby" naiiyak na tugon ko.
"Mommy you should change your clothes. Magkakasakit ka" pati si Zayne at pinagalitan na ako.
"Okay wait" Bago pa man ako tuluyang maiyak ay tumakbo na ako sa itaas.
My babies deserve to know everything about their father. Hindi ko na kayang lokohin ang mga anak ko at ang sarili ko
Mahal ko pa si Zeke.
Kahit gaano sya kasama siya parin ang nag iisang laman ng aking puso.
Kahit gaano pa kalaki ang kasalanan nya saakin noon.
Sya pa rin ang tinitibok ng aking puso.
Hindi kailan man mapapantayan ng sino man ang pag ibig na nararamdaman ko para kay Zeke.
After I changed my clothes.
I start packing my things. We need to leave. Di ko na kayang makisama kay Kiro sa ginawa nyang panloloko saakin.
I heard the door open.
Paglingon ko nakita ko si Kiro na nakatingin sa hawak kong maleta.
"Where are you going?" Tila nahihirapang tugon nito.
Sinamaan ko sya ng tingin "You dont care!" Galit na sagot ko
Sinubukan nyang hawakan ang aking kamay ngunit inilalayo ko ang aking sarili sakanya.
"Please baby dont do this. Let me explain"
Gusto kong maawa sakanya ngunit mas nangingibabaw ang pagmamahal na nararamdaman ko para kay Zeke.
"We need to go Kiro. Hindi ko na kayang mag sinungaling sa mga anak ko" Pagpapaintindi ko sakanya.
Sunod sunod ang pag iling na ginawa nya kasabay ng pagtulo ng kanyang luha.
Nanikip ang aking dibdib dahil sa pagtangis ni Kiro.
Umiling ako "Please. Let me do this" pagmamakaawa ko sakanya.
Yumakap ito sa aking binti at doon na tuluyang nagmakaawa
"Please dont leave me baby I cant stand a day without you and my kids" pagsusumamo ni Kiro saakin.
Mariin kong ipinikit ang aking mga mata.
"Let me go Kiro. I dont love you and I never will" masakit man ay kailangan kong sabihin kay Kiro ang lahat.
Hindi pagmamahal ang nararamdaman ko sakanya kundi Awa.
"Mommy! What happen?" Tumakbo papalapit si Zayne kay Kiro at yumakap sakanya.
Lalong nadagdagan ang kirot sa aking dibdib.
"What is the meaning of this mommy?" Zeus ask me
Lumuwag ang pagkakawak ni Kiro sa binti ko kaya nagkaroon ako ng pagkakataon para makaalis sa harapan nya.
"Please Kiro hayaan mo kaming maging masaya" pag papaintindi ko sakanya
Iling lang ang tinging sagot ni Kiro saakin.
"MOMMY!" Sigaw ni Zeus sa tabi ko
"Kiro is not your real dad" tuloy tuloy na sambit ko.
"Thats not true mom! You're lying!" Akusa ni Zayne saakin.
Mabilis akong umiling, nanatili namang nakayuko si Kiro habang nakayakap kay Zayne.
"I knew it! Im not his son because my father is Mr. Zeke Jadelania right?" Nanlaki ang mata ko at di maka paniwalang tumingin kay Zeus.
Maging si Kiro ay nabigla sa tinuran ni Zeus.
"Kuya! He is our dad!" Depensa pa ni Zayne
Wala akong masagot, paano nalaman ni Zeus ang lahat?
"I knew it, when the first time I saw him. I look like him because he is our real dad. Why did you keep this to us mom? Because he leave you? What a pathetic reason!" Galit na sigaw ni Zeus bago nya kami iwan sa kwarto.
Bago ako lumabas ng kwarto sinamaan ko ng tingin si Kiro.
"Baby. I will be back" paalam ko kay Zayne.
Sinundan ko palabas si Zeus.
"ZEUS!" Tawag ko sakanya.
Ngunit hindi sya lumingon patuloy lang sya sa pagtakbo.
Napahinto ako ng may tumigil na sasakyan sa harapan ko kaya hindi ko na nahabol pa si Zeus.
Ikot ako ng ikot sa buong lugar ngunit wala akong makita na bakas ni Zeus.
Nag report na rin ako guard para mahanap nila ang anak ko.
Kasalanan ko ang lahat ng ito kung sana noon pa ay sinabi ko na sakanila ang totoo hindi na nangyari ito.
Matalino talaga ang anak ko, paano nya nalaman ang lahat ng iyon.
Puno ng takot ang aking dibdib dahil hapon na. Hindi ko pa rin alam kung nasaan na ang anak ko
"Zeus!" Sigaw ko
Napagpasyahan kong pumunta sa malapit na Park.
Kanina pa ako lakad ng lakad ngunit wala akong makita na Zeus.
Nasaan na ang anak ko?
Hindi ko napapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa anak ko.
"ITS ALL YOUR FAULT! KUNG DI MO INIWAN SI MOMMY NOON HINDI KAMI MAHIHIRAPAN NG GANITO! MAYBE DADDY KIRO IS RIGHT! YOU'RE BAD! I HATE YOU! WHY DID YOU COME BACK?!"
Napahinto ako dahil sa dalawang bulto ng tao na nag aaway.
Si Zeke at Zeus.
"I WISH YOU'RE NOT MY REAL DAD! YOU HURT MY MOM! YOU HURT HER! YOU'RE USELESS!"
"Im so sorry baby" paos ang tinig ni Zeke habang humihingi ng tawad kay Zeus.
"ZEUS!" Sigaw ko
Napalingon silang dalawa saakin. Umiiyak na tumakbo papalapit saakin si Zeus.
"Mommy Im sorry" paumanhin nya.
"Sssh. Baby stop crying" pag aalo ko sakanya.
"Im sorry if I keep this from you Zeus. From now on, we will live with your dad. Your REAL DAD"