Chapter 39

Gulat man ay nagawa paring tumingin saakin ni Zeke.

Napalunok ako ng tatlong beses dahil sa nakaka lunod nyang tingin

Ngunit mabilis iyong napalitan ng isang malamig na tingin.

"Are you serious about this mommy?" Zues ask me while looking at his dad.

I just nod my head and look at Zeke.

"How about Zayne?"

Lumuhod ako sa harapan ni Zeus.

Malambing kong hinaplos ang pisngi nito "Susunduin natin sya okay?"

Tipid na ngumiti si Zeus sa daddy nya.

"Are you sure about this?" Malamig na tanong saakin ni Zeke.

Nakaramdam ako ng konting kirot sa aking dibdib dahil sa panlalamig nito saakin.

"Ayaw mo ba kaming kasama?" Nabigla ako dahil pinagsusuntok ni Zeus si Zeke sa paa.

"Tell me! Ayaw mo ba?!" Umiiyak na sabi nya habang patuloy pa din sa pag suntok sa paa ni Zeke.

"Zeus!" Suway ko sakanya.

Doon na ata nagising si Zeke mabilis nyang niyakap si Zeus. "Sssh. Its not what you think baby. I really wanted to be with my two babies. But I am worried what if your little sister and mother doesn't want to be with me?"

Napalingon saakin si Zeus, yung tingin nya na puno ng pag asa.

Dahan dahan akong tumango sakanya "I want to be with your dad baby." Mahinang sambit ko sapat na para marinig ni Zeke.

Pagkatapos nilang mag usap napag pasyahan naming umuwi na para daanan si Zayne.

Alam ko hindi magiging madali ang lahat kaya kakausapin ko muna si Kiro.

Ayoko naman na iwan nalang sya ng ganon after all sya pa rin ang nakasama ng mga bata.

Lumingon ako kay Zeus na sobrang lawak ng ngiti habang naka tingin sa Daddy nya.

"So this is the reason why I hate the presence of Daddy Kiro. Its because his not my real dad"

"You dont like him?" Natatawang tanong ni Zeke sa anak ko.

Gusto ko sana itong pagalitan dahil ayoko ng lumalabas sa bibig nya.

Si Kiro pa rin ang nagpalaki sakanya kaya dapat ay may matira pa itong respeto.

Di ko alam kung bakit napaka bilis mapalagay ng loob ni Zeus sa kanyang ama.

Marahil ay nasa lukso ng dugo. Nararamdaman ni Zeus ang saya dahil kasama nya ang tunay nyang ama.

"Its not like that Dad. I just feel uncomfortable when Im with him. I dont know why Zayne like him so much."

Nag iwas ako ng mag tama ang mga mata namin ni Zeke sa salamin.

"Dont call him Daddy. His not your real dad. Okay?" Pag papaintindi ni Zeke sa anak ko.

Tumango ito ng marahan.

Pagdating namin sa bahay hindi ko na muna pinababa si Zeke sa sasakyan nya. Dahil baka mag away pa sila ni Kiro

Di naman ganon kadali para matanggap ni Kiro ang lahat. Biglaan lang ang nangyari.

Napaka hirap para saakin nito. Ayokong iwan sya mag isa dahil kahit papaano may pinag samahan kami.

Ngunit paano ang mga bata.

"You're not going with us?" Zeus ask Zeke.

Zeke smile and look at me "I will wait here."

Tumango si Zeus bago ako hatakin papasok ng bahay.

Doon na nagtambol ang puso ko dahil sa kaba.

Ano kaya ang magiging reaksyon ni Kiro pag sinabi ko sakanya ito?

"Zayne!" Nagtatakbo papasok si Zeus.

"Baby!" Salubong sakanya ni Kiro.

Ang kaninang masayang mukha ni Zeus ay napalitan ng pagkairita.

"Dont touch me!" Inis na sigaw ni Zeus.

"Zeus!" Mabilis ko itong nilapitan para suwayin.

Malungkot ang mga matang tinapon saakin ni Kiro.

"Kuya you're bad! Why did you say that!" Pangaral ni Zayne sa kuya nya.

Kunot noong tumingin si Zeus saakin para bang humihingi sya ng tulong.

"Kiro .." namamaos na tawag ko sakanya.

Malungkot syang tumingin saakin.

"Inihanda ko na ang pagkain" pinilit nyang pasiglahin ang sarili nya.

"Aalis na kami"

Natigilan ito.

"Mommy! Where are we going?" Gulat na tanong saakin ni Zayne.

Nilapitan ko ang dalawang anak ko at niyakap.

"Pupunta tayo sa tunay nyong daddy"

"DADDY KIRO IS MY DAD!" Laban pa ni Zayne saakin.

"NO!" Kontra naman ni Zeus.

"What are you talking about?" Galit na bulyaw saakin ni Kiro.

Napaigting ako ng hawakan nya ako ng mahigpit sa braso.

"HEY! DONT TOUCH MY MOM!" Matapang na pahayag ni Zeus.

Ngunit parang walang narinig si Kiro patuloy lang sya sa paghawak sa braso ko.

"Nasasaktan ako" nahihirapang sabi ko

"TALAGANG MASASAKTAN KA DAHIL SA KABALIWAN NA SINASABI MO!" Galit na galit ang mukha ni Kiro.

"DADDY! DONT HURT MY MOM!" Pagpigil ni Zayne.

"HEY MAN! LET HER GO!" Hinatak ni Zeus ang short ni Kiro.

Napasigaw ako ng sipain ni Kiro si Zeus.

Mabilis na nilapitan ni Zayne ang kuya nya.

"Kuya!" Umiiyak na ito

"HOW DARE YOU!" Buong lakas kong sinampal si Kiro dahil sa ginawa nya.

"YOU DONT HAVE THE RIGHT TO HURT MY SON! DONT YOU DARE LAY A SINGLE FINGER TO MY SON AGAIN!"

Hindi ako papayag na saktan nya ang mga anak ko.

Natawa ito ng mapakla at lalong hinigpitan ang hawak nya sa braso ko.

My ghad! Si Kiro ba talaga ang nasa harapan ko ngayon?! Natatakot sya.

"ARE YOU KIDDING ME?! PAGKATAPOS KITANG ALAGAN NOONG PANAHON NA IWAN KA NANG GAGONG YON GANITO ANG IGAGANTI MO SAAKIN?! AND NOW YOUR TELLING ME NA AALIS KAYO AT SASAMA SAKANYA?! Sa tingin mo ba papayag ako?"

"We dont need your permission"

Napalingon ako sa matigas na boses na galing sa likuran ko.

"Daddy!" Umiiyak na lumapit si Zeus kasama si Zayne kay Zeke.

Doon lalong nagdilim ang mukha ni Zeke ng makita nya ang umiiyak na mga anak ko at ang mahigpit na hawak ni Kiro saakin

"Let her go" Mahinahon ngunit madiing saad ni Zeke.

Parang wala lang narinig si Kiro lalo nya pa akong hinatak papalapit sakanya.

"Who the hell you are para utusan ako?" Mapang ahas na hamon ni Kiro kay Zeke.

Napangisi si Zeke dahil sa sinabi ni Kiro.

"Nakalimutan mo na agad? Isa ka lang sa mga utusan ko noon" diniin ni Zeke ang salitang UTUSAN.

"Who is he Kuya?" Tanong ni Zayne kay Zeus.

"He's our Real dad!" Sagot ni Zeus sa kanyang kapatid.

Mabilis na umiling si Kiro dahil sa tinuran ni Zeus.

"No baby. Im your real dad okey? Wag kang makikinig sa sinasabi nila. Come to me baby come here" Desperadong pahayag ni Kiro.

Hinatak ni Zeke ang kanyang mga anak.

"Stay here" malamig na tugon nya.

"I SAID LET HER GO!" Ang kaninang mahinahon na mukha ni Zeke ay napalitan na isang galit na Leon.

"GUGUSTUHIN NYO BANG MAGING AMA ANG ISANG MAMAMATAY TAO?!"

"KIRO STOP!" Sigaw ko.

Nanlaki ang mga mata ni Zayne at takot na takot na lumayo kay Zeke. Maging si Zeus ay nag alinlangan na lumapit sa kanyang ama.

"Thats not true baby!" Sigaw ko sakanila.

"TOTOO LAHAT NG SINASABI KO ZAYNE AND ZEUS! MAMAMATAY TAO ANG LALAKING YAN!" Paninira pa ni Kiro.

Nabigla lahat kami ng ikasa ni Zeke ang baril nya at itinutok kay Kiro.

"Yes. I kill bad people like him."

"ZEKE!" Awat ko pa sakanya.

Buong lakas kong inalis ang pagkakahawak ni Kiro saakin at tumakbo papalapit sa mga anak ko.

"MOMMY!" Umiiyak silang yumakap saakin.

"Shhh. Baby Im so sorry" Niyakap ko silang mahigpit.

"Lumabas na kayo. Pumasok na kayo sa sasakyan hintayin nyo nalang ako doon" utos ni Zeke na sinangayunan ko naman.

"Mommy! We cant leave daddy kiro. What if he kill my daddy?" Umiiyak na sabi ni Zayne.

"Zayne! Stop it! Hindi sya ang tunay nating daddy!" Pag papaintindi pa ni Zeus.

Tinapunan ko ng isang malungkot na tingin si Kiro bago namin lisananin ang bahay nya.

"AYEN!" Rinig kong sigaw nito.

Hinatak ko ang mga anak ko at tumakbo papalabas.

Di ko inalintana ang pagiyak ni Zayne.

This is the right thing to do.

Im so sorry Kiro.